Chapter 16
Tahimik na nagtatago sa sulok si valentina habang nakikinig sa mag-ina na nagtatalo. Gusto niyang isisi ang lahat sa sarili kung bakit nag-aaway si jared pati ang ina nito ngunit, alam naman niya sa sarili na wala siyang kasalanan kaya ba't niya isisi sa sarili niya ang bagay na iyon.
Napabuntong hininga siya saka umalis sa tinataguan at bumalik sa loob ng opisina ni jared. Hindi niya talaga alam ang pinaka rason ni jared bakit mas pinili siya nito kaysa sa gusto mangyari ng sariling ina nito, nakilala niya si jared bilang masunurin na bata sa ina ngunit nang dahil sa kan'ya ay sinusuway na ni jared ang ina nito.
Narinig niya kanina na pinapalayo si jared sa kan'ya, iyon ang gusto mangyari ng ina nito, ang layuan siya at itrato siya na parang walang pinagsamahan. Masakit sa kan'ya ang bagay na iyon dahil mahalaga na sa kan'ya si jared at may pinagsamahan na sila ngunit, kung dahil naman sa bagay na iyon ay susuwayin ni jared ang ina nito at magkakagulo pa sila.
Mas gugustohin nalang ni valentina na mangyari ang gusto ng ina ni jared, atleast alam niya na walang gulong mangyayari sa pagitan ng dalawa ngunit hindi na sila maari muling magkita pa at magsama.
Nakailang buntong hininga na ata ang ginawa niya habang nakaupo sa sofa, inilibot na niya ang paningin sa buong paligid para malibang ang sarili, gusto niya bumalik sa pinagtataguan kanina para marinig ang usapan ng mag-ina ngunit sa tingin ni valentina ay hindi maganda ang bagay na iyon.
"Bakit kasi ganto..." Sabi niya sa sarili at muling bumuntong hininga.
Hindi ko naman gustong umabot ako sa gantong punto eh... Si jared naman itong pumasok sa mundo ko, ba't ang hirap na niya pakawalan pa, ang hirap na niya alisin sa mundo ko...
Mabilis siyang napalingon sa pinto ng opisina ni jared nang bumukas iyon, agad sumalubong sa kan'ya ang may ngiti sa mukha na si jared, akala mo ay hindi nakipagtalo sa ina nito.
Alam ni valentina sa sarili na pinipilit ni jared ngumiti sa kan'ya para magmukhang okay ang lahat pero dahil sa mga narinig kanina alam niyang hindi okay.
Nagka-problema ang magulang ni valentina at mama ni jared isa na rin iyon sa dahilan bakit sila gusto paglayuin na nang tuluyan.
"Gutom kana?" Tanong ni jared sa kan'ya bago ito naupo sa tabi niya, agad naman siyang umiling bilang sagot. Gutom na naman talaga siya pero ayaw niya maging abala, kita niya kasi na busy ito sa restaurant siya lang naman itong makulit na babae na pumipilit na pumasok kanina.
"Are you sure?" Paninigurado ni jared sa kan'ya, tumungo siya bilang sagot. Tumayo si jared sa pagkakaupo sa tabi niya bago naglakad papunta sa table nito.
"Saan ka?" Tanong niya kay jared, kinuha kasi ni jared ang bag at mga gamit nito.
"Samahan mo ako sa amin, kukunin ko mga gamit ko." Mahinahon na sabi nito sa kan'ya, mabilis kumunot ang noo at kinain siya nang pagtataka. Akmang magtatanong na siya ngunit mabilis hinawakan ni jared ang kamay niya at tinayo mula sa pagkakaupo.
Sabay silang lumabas sa opisana, kita niya ang mga mata ng mga tauhan sa restaurant na nakatingin sa mga kamay nilang magkahawak.
Ngayon lang siya nararamdaman ulit nang hiya.
Mas binilisan niya ang lakad na agad naman napansin ni jared kaya sumabay ito, nang makalabas sila nang tuluyan sa restaurant ay agad hinanap nang paningin niya ang sasakyan ni jared at tatakbong pumunta roon.
Agad naman pinatunog ni jared ang sasakyan kaya dali-dali niyang binuksan iyon at pumasok na sa loob, agad naman siyang nakahinga nang maluwag ng nasa loob na siya.
"Why are you running?" Napalingon siya kay jared nakakasakay lang.
"Medyo nahiya." Pagsasabi niya ng totoo, narinig naman niya ang mahinang tawa ni jared kaya napailing nalang siya.
Tinatawanan na siya nito ngayon. Medyo naiinis na siya, hindi naman ugali ni jared na tawanan siya.
"Bakit pala tayo pupunta sa inyo? And sabi mo kanina, kukunin gamit mo? Bakit?" Tanong niya.
Nilingon naman siya ni jared bago ito sumagot.
"Mom, want na umalis na ako sa bahay namin, kung ayaw ko raw sundin ang gusto niya, umalis na ako roon." Sagot nito, mabilis umawang ang bibig niya.
"Jared! Bakit kasi mas pinili mo ako-"
"Valentina, hindi kita basta pinili lang, hindi ba pwedeng desisyon ko naman ang masunod? Sa loob ng ilang taon na nabuhay ako sa mundo, puro siya lang iniintindi ko, simula bata ako nung nagka-isip ako, hindi ba pwedeng ako naman? Sapat na naman siguro ang ilang taon nagpaka-anak ako sa kan'ya, pwedeng ako naman ang intindihin ko? Ang gusto ko, hmm?" Mahinahon na sabi ni jared sa kan'ya, hindi siya nakaimik at napatitig na lamang sa mukha ng binata.
Kalmado ito ngunit nakikita niya sa mata nito ang sakit, gusto niyang alisin ang sakit na nararamdaman ni jared ngunit hindi niya alam kung paano niya gagawin iyon. Mapait siyang napangiti sa binata.
"Paano kayo ng mama mo?" Tanong niya. Ngumiti si jared sa kan'ya.
"Papalamigin muna ang ulo ni Mom, and I will explain to her, everything. Na gusto ko na tumayo sa sariling desisyon ko, I'm a man now, not a boy." Sagot nito sa kan'ya, wala nalang siyang nagawa kundi tumungo bilang pagsang-ayon kay jared.
Wala naman siyang magagawa kundi supportahan nalang ang gusto nito.
Tahimik sila buong byahe tanging tunog lang mula sa radio ang naririnig nilang dalawa, pagkadating nila sa bahay nila jared ay agad siyang nagulat na nakahanda na lahat ng gamit ni jared at bubuhatin nalang ang mga iyon.
Pero mukhang si jared ay hindi na nagulat sa nakita.
Naisakay na lahat ng gamit ni jared sa sasakyan at pauwi na sila ngayon papunta sa apartment niya, hindi naman doon mananatili ng matagal si jared, bibili rin ito ng condo sabi nito sa kan'ya.
"Jared." Tawag niya rito.
"Hmm?"
Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Hindi ka ba nagsisi sa desisyon mo? Pwedeng lumayo ang loob mo sa mama mo." Kanina niya pa iyon iniisip habang nabyahe sila, hindi niya alam pero inaalala niya talaga ang pagitan ng mag-ina.
Kung siya sa sarili niyang pamilya ay nawalan siya ng pakialam, sa pagitan ni jared at ng ina nito ay hindi. Iba kasi ang situation ng dalawa.
"Stop thinking about that."
"Hindi ko maiwasan." Sabi niya at napahilamos sa sariling mukha, nilingon naman siya ni jared bago muli nito ibinalik ang tingin sa daan.
"Hindi ako maiintindihan ni Mom, ang gusto niya lagi mangyari ay kung anong sasabihin niya ayaw niyang magdesisyon ako para sa sarili ko, and I will never regret sa desisyon na pinili ko, I love my mom but, you're my happiness now, I want to stay with you, valentina so please... Stay with me, valentina."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top