Chapter 14
Tatlong araw na nag-iisip si valentina kung tutuloy ba siya sa pa welcome party ng pamilya niya sa papa niya na galing sa new york. Hindi niya kasi alam kung bakit kailangan pa siya roon akala niya kasi ay nawalan na talaga ng pakialam sa kan'ya ang pamilya niya.
Tahimik siyang kumakain ng pancit canton at nagkakape sa sala, wala siyang ibang makain dahil ubos na ang stock niya, hindi niya rin maiwasan malungkot dahil halos dalawang araw na siyang mag-isa lang sa bahay. Umalis kasi si jared at iniwan muna siya nito dahil may kailangan ito ayusin, hindi naman niya magawang magreklamo dahil hindi naman niya hawak ang buhay ni jared.
May restaurant itong kailangan intindihin may magulang na kailangan tulungan sa sarili nitong company, hindi pwedeng sa kan'ya lang lagi nakatuon ang atensyon ni jared.
Tamad siya ngumuya habang nanonood ng drama na hindi niya alam ba't niya pinili.
Ayaw man niyang aminin sa sarili pero miss na niya talaga si jared kaya rin siya siguro gano'n katamlay dahil hindi siya sanay na hindi nakikita si jared pagkagising niya.
"Bwisit kailangan ko pa pumunta sa laundry shop, wala na akong damit. Akala ko pa naman si kelvin kukuha nang pinalbhan ko." Inis niyang sabi sa sarili, wala na talaga siyang damit na masuot, dahil ngayon nalang ulit siya nagsuot ng white sando at shorts kahit sa bahay, no choice siya dahil puro pang-alis ang nga damit siya na meron siya.
Mataimtim siyang nakatingin sa teleserye, kanina pa iyon nakabukas pero ngayon niya lang binigyan pansin.
"Kadiri naman dalawang 'to, naghahalikan na wala naman pa lang rela—" Agad siyang natigilan sa sinasabi, bigla niya naalala iyong aral na naghalikan sila ni jared na kahit wala naman namamagitan sa kanilang dalawa.
Inis siyang nagmura dahil sa naalala.
Diring-diri, valentina. Ginagawa mo rin pala.
Napailing nalang siya sa sariling iniisip at wala sa sariling hinawakan ang labi niya, hindi niya mapigilan ngumiti dahil naalala niya ang bagay na iyon.
Hindi niya talaga maintindihan ang nararamdaman niya, hindi naman siya tanga para hindi malaman kung ano ang bagay na iyon subalit hindi niya talaga maintindihan kung gusto niya lang ba ang atensyon ng binata o mahal na niya ito.
Nahihirapan siyang mahulaan ang totoong nararamdaman niya para kay jared, never naman kasi niya naramdaman magmahal sa nagdaan na taon, puro hinanakit at sama ng loob lang ang lagi niyang nararamdaman, hindi niya alam kung ano ba talaga ang pakiramdam kapag nagmahal kana.
Never niya kasi nakita ang sarili na magmahal ng isang lalaki. Ang tanging nakikita niya sa sarili niya ay mamatay.
Iyon lang kasi talag lagi ang nasa isip niya kung ayaw pa siya kunin sa ngayon, hihintayin niya ang araw na iyon. Iyon lang ang kaniyang iniisip sa nagdaan na maraming taon. Kung kailan siya mamatay.
Kaya hindi niya alam kung ano na ba talaga ang nararamdaman niya, kung gusto man niya malaman ang totoong nararamdaman para sa binata ay hindi naman niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin kapag nalaman niya na.
Inis siyang umiling bago tumayo para kunin ang cellphone niya sa kwarto, pagkakuha niya niyon ay mabilis siyang bumalik sa pagkakaupo sa sala.
"Bakit mo ba ako iniwan tapos babalik ka ha?!" Gulat niyang nilingon ang teleserye dahil sa sigaw ng isang babae. Mas kumunot ang noo niya na makita niya ang scene sa palabas ay nagpapa-ulan ang dalawang bida habang nagpapalitan ng mga salita.
"I'm so sorry! Avi! Kailangan ko gawin iyon para sa'yo." Sabi ng lalaking bida sa pinapanood niya, napangisi naman si valentina dahik sa narinig.
"Tanga, tingin mo solution ang iwan mo iyong tao, ulol." Sabi niya akala mo'y napapakinggan ng bidang lalaki ang sinasabi niya.
"Ba't umalis ka nang walang paalam?! Alam mo ba iyong sakit na naranasan ko ng araw na mabasa ko ang sulat mo at sinasabi sa akin na tapos na tayo! Tangina mo naman Jacob!" Mas napangisi siya dahil sa sinabi ng bidang babae.
Ibinaba na muna niya ang cellphone at nag-focus manood.
"Kailangan ko gawin iyon, avi... Mahal na mahal kita pero ayokong mapahamak ka."
"Gago kung mahal mo hindi mo iiwan." Sabat niya na akala mo na siya mismo ang nasa eksena. Maski siya ay nababaliwan sa sarili niya, hindi naman niya hilig manood ng mga teleserye pero eto siya ngayon at nakikisali sa away ng dalawang bida na pinapanood niya.
Dinadama niya ang palabas na hindi niya gawain noon, pakiramdam niya ay ganto lang talaga siya ma-bored.
"Tangina ba't ba ako nakikisali sa inyo!" Reklamo niya, umiling siya saka kinuha ulit ang cellphone para ituloy ang balak.
Mabilis niyang I-dinial ang number ni christina, halos dalawang araw na rin ang lumipas simula nang makilala ni valentina si christina, paminsan-minsan ay lumalabas sila nito para mag-usap pero hindi na niya magawa masyado ngayon dahil tinatamad siyang lumabas sa apartment niya.
"Hello?" Agad siyang napangiti nang marinig ang boses ni christina. Kung si kelvin ang kaibigan niyang lalaki na sa tingin niya mapapagkatiwalaan niya talaga, si christina naman ang babaeng mapapagkatiwalaan niya bilang kaibigan.
"Busy ka ba? May itatanong sana." Sabi niya at humila sa sofa, huminga siya nang malalim.
"Hindi naman, kakadating ko lang sa restaurant ko. Hinatid ako ni alexis. Bakit?" Tanong ni christina sa kan'ya, napangisi siya. Hindi niya alam pero parang gusto niya maranasan ang nararanasan ni christina.
May magandang hanap buhay at hinahatid sundo ng lalaking inaalagaan siya.
Hindi niya mawari pero si jared ang pumasok sa isip niya.
Nababaliw na talaga siya, kung dati puro siya ang iniisip niya puro suicidal thoughts ang iniisip niya ngayon puro jared.
Bumaliktad na ata ang mundo.
"Kayo ba ni alexis?" Curious niyang tanong, nahalata niyang natahimik si christina.
Narinig niya pa huminga ito nang malalim bago sinagot ang tanong niya.
"Oo. Sabi niya eh. Girlfriend niya raw ako, boyfriend ko siya, walang ligawan nga lang naganap." Sagot nito, kumunot ang noo niya.
"Oh..." Nakagat niya ang dila niya dahil hindi na alam ang sasabihin, may gusto talaga siya itanong pero hindi niya sigurado kung pwede ba.
"Uhm... Christina... May tanong ako, ano... Naghalikan na ba kayo ni alexis?" Tanong niya, gusto niya na nagpakain sa lupa dahil sa hiya!
Sunod-sunod na ubo ang narinig niya mula sa kabilang linya kaya na aligaga siya at hindi alam kung anong sasabihin.
Baliw ka talaga, valentina! Ginulat mo iyong tao!
"Valentina, ano ba naman iyang tanong mo." Sabi sa kan'ya ni christina, maski siya mapapatanong ba't niya iyon tinanong.
"Pasensya kana, gusto ko lang malaman." Sabi niya.
"Oo, normal lang naman siguro iyon. Matanda na naman din kami." Sagot ni christina sa tanong niya.
"Kung kami ni jared nag-kiss kahit walang kami... Si christina at si alexis nag-kiss kahit walang ligawan na naganap..." Bulong niya at napaisip kung anong tawag sa ginagawa niya.
"Ha?"
"Wala." Gago ba't ko nalimutan. Sabi niya sa isip. Grabeng kahihiyan na naramdaman niya.
"May tanong pa ako."
"Ano ulit iyon?"
"Ano... Paano mo nalaman na mahal mo o gusto mo si alexis?" Tanong niya, this time seryoso na talaga siya.
Randam niyang natigilan muli si christina.
"Ano... Nung panahon na pakiramdam ko wala na akong pag-asa doon siya dumating tapos... Iyong puso ko iba lagi ang tibok kapag nand'yan siya at inaalagaan niya ako... Kinikilig ako kapag may sinasabi siyang kakaibang salita... Tapos hinahayaan ko siyang hawakan ako kahit hindi ko naman gawain iyon noon... Tapos safe ako sa kan'ya... Tapos sa kan'ya ko nararamdaman iyong halaga ko, doon ko napansin na hindi lang basta pagkakaibigan ang nararamdaman ko kaya pinakirandaman ko, pero gano'n ang nararamdaman ko bago ko nasigurado na mahal ko na iyong tao." Paliwanag nito na sagot, tumungo-tungo siya.
"Kapag nakakarandam ka ba nang saya sa piling noong tao tapos kapag nand'yan siya tabi mo pakiramdam mo lagi ligtas ka at masaya ka, tapos bumibilis na iying tibok ng puso mo dahil doon sa tao... Anong ibig sabihin noon? Gusto ko lang ba iyong atensyon na binibigay niya o mahal ko na siya?" Pagtatanong niya.
Iyon na iyon kasi ang nararamdaman niya tuwing nandiyan si jared, madalas nga ay hinahanap na talaga niya ang atensyon ng binata na kapag wala ito sa paligid parang ang lungkot, parang kulang... Parang gusto niyang umiyak na hindi mo malaman na dahilan.
"Siguro... Baka gusto mo na iyong tao o mahal mo na siya, pero hindi ko sure, hindi ko rin kasi hawak nararamdaman mo." Sagot ni christina sa kan'ya, tumungo siya.
Siya lang talaga ang makakasagot sa sarili niya.
Dahil kaniyang nararamdaman iyon at hindi sa iba, pakikiramdaman niya muna ang nararamdaman niya baka sakaling masigurado na niya.
"Sige, salamat. Ingat." Sabi niya at pinutol na ang tawag, ibinaba na niya ang cellphone saka tumitig sa kisame.
"Paano kung... Ako lang nakaramdam ng ganito? Oras na ba para lumayo habang maaga pa?" Tanong niya sa sarili habang nakatingin nang deretsyo sa puting kisame, marahas siyang huminga nang malalim bago mariin na pumikit at hinayaan muna ang sarili para makapag-isip nang maayos.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top