Chapter 13
Trigger warning! This chapter contains disturbing scenes, read at your own risk.
***
Madaling araw pa lang pero gising na agad si valentina, maaga sila nakatulog ni jared pagkatapos nila kumain ng hapunan, medyo okay na ang pakiramdam niya kaya nagagawa niaya na gumalaw nang maayos.
Yakap-yakap niya si jared gano'n naman din ito sa kan'ya. Hindi niya mapigilan mag-isip bakit hinayaan niya si jared na tabihan siya, yakapin siya, at halikan siya. Mukhang nakuha na talaga ni jared ang tiwala niya. Hindi niya maiwasan na matakot na baka lokohin siya ni jared gaya ng ibang tao na niloko siya pero may nagsasabi sa sarili niya na si jared lang ang makakaintindi sa kan'ya...
Nakahiling ang mukha niya sa dibdib ni jared, marahan siyang nagpakawala nang buntong hininga saka nag-angat nang tingin kay jared na ngayon ay tulog na tulog na.
"Napayagan na kita noon yumakap sa akin pero ngayon... Hindi ko alam, ang bili ng tibok ng puso ko ngayon, nagustohan ko ang nga halik mo, nagugustohan ko ang nga yakap mo noon... Anong ginawa mo sa akin? Bakit ako nakakaramdam nang ganto?" Gusto niya matawa sa sarili dahil tinatanong niya si jared na akala mo naman naririnig siya.
Hindi niya naramdaman noon ang pakiramdam na nararamdaman niya ngayon kay jared, dahil puro hinanakit at sakit lang naman lagi ang nararamdaman niya noon, hindi siya familiar sa nararamdaman niya ngayon...
Isa lang ang makakasagot siguro sa kan'ya. Si christina o si kelvin...
Ang dalawang kaibigan niya. Sa tingin niya ay matutulungan siya ng dalawa para malaman niya kung bakit ganto ang nararamdaman niya kay jared, pero sa ngayon gusto niya na muna magpahinga at 'wag isipin ang bagay-bagay lalo't na sa nalaman niya kanina.
Uuwi na ang daddy niya mula sa New York. Panibagong taong iiwasan niya.
Marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya bago umahon sa pagkakahiga sa dibdib ni jared. Nilingon niya muli ito para tignan kung tulog na tulog pa rin ang binata. Nang masiraguro niya na tulog na tulog pa rin si jared ay saka siya marahan umalis sa kama at derederetsyo naglakad palabas ng kwarto niya.
Pagkalabas sa kwarto niya agad na bumungad sa kan'ya ang maliit na sala na kapag lumingon ka sa kabila ay kusina na agad ang makikita mo.
Hindi niya maiwasan ma mangha at ngumiti nang malibot niya na ang paningin sa paligid. Mabango, malinis, at maayos ang lahat. Ngayon niya lang naman iyon, lagi nililinis ni jared ang apartment niya na hindi niya ginagawa nung siya lang mag-isa ang nakatira sa apartment na iyon.
Marahan siyang lumakad papunta sa maliit na ref sa loob ng apartment niya at binuksan iyon. Medyo nagulat siya na puno iyon ng stock, may mga beer na madalas niya inumin, ang favorite niyang plus juice na grapes flavor may mga dessert din na hindi naman niya hilig.
Nakangiti siya habang tinititigan ang mga iyon hanggang sa mahinto siya sa maliit na box, pinagkatitigan niya iyon para masuri kung anong laman noon. Mabilis niya nahugot ang hininga at wala sa sariling sinara ang pinto ng ref nang masigurado niya anong laman nung box.
Aligaga siyang naglakad pabalik sa kwarto niya at ini-lock ang pinto noon.
Dali-dali siyang nagpunta sa isang gilid at isinuksok ang sarili doon.
"Kuya v, sure ka po na may mango float sa kwarto ko po?" Inosenteng tanong ng batang si valentina, birthday ng bata na si valentina, ten years old na ito at tuwang-tuwa siya dahil sabi ng kuya v niya ay may mango float sa kwarto niya.
Favorite niya kasi ang pagkain na iyon.
Hawak kamay silang pumasok ng tito niya sa kwarto niya. Mabilis siyang nagtatalon nang makita ang isang malaking box na may laman na mango float.
"Wow! Kuya v, thank you po!" Tuwang-tuwa sabi ng bata na si valentina, napalingon siya sa kuya v niya nang marinig niyang ni-lock nito ang pinto ng kwarto niya.
Bata pa siya pero nasa pag-iisip na siya. Takang-taka siyang tumingin sa kuya v niya dahil sa ginawa nitong pag-lock sa pinto.
"Bakit po?" Gulong-gulong tanong ni valentina. Pinanood niyang humakbang ang kuya v niya palapit sa kan'ya.
"You want that mango float, right?" Tanong ng binata sa inosenteng bata, mabilis naman tumungo ang bata at ngumiti nang malaki.
"You can have it all but, one thing valentina." Hindi maintindihan ng batang valentina bakit siya bigla nakaramdam ng kaba sa paraan nang titig sa kan'ya ng kuya v niya.
"Pagbibigyan mo si kuya sa gusto ko mangyari."
Sunod-sunod na huminga nang malalim si valentina habang nakatakip ang dalawang palad sa bibig niya. Hindi niya magusto maalala ang bagay na iyon, grabing trauma ang nakuha niya dahil sa pangyayari na iyon, sa tuwing nakakakita siya ng mango float pakiramdam niya ay mauulit ang nangyari noon sa kan'ya.
Pakiramdam niya sasaktan siya at pagtatangkaan siya.
Pigil na pigil niya ang sariling gumawa ng ingay habang umiiyak at pinapakalma ang sarili, ayaw niyang magising si jared dahil sa pag-iyak niya dahil alam niyang mag-aalala lang ito sa kan'ya.
Pero hindi na niya talaga kaya pinakawalan niya na ang mga hibik na kanina pa gusto lumabas sa bibig niya. Niyakap niya ang sarili at hindi mapigilan makaramdam nang pandidiri sa tuwing pumapasok sa isip niya ang bagay na iyon.
Nang dahil sa lintik na mango float na iyan muntik na akong ma-rape. Iyon ang isang bagay na tinatakbuhan niya, nagtiwala siya sa pinsan niyang lalaki noon pero may masama pala itong balak sa kan'ya, mabuti nalang nakatakas siya noon pero nahawakan siya nito. Binaboy siya nito...
Nagsubok naman siya magsumbong pero hindi siya pinaniwalaan, lalo na ng magulang niya.
Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang yakap niya ang sarili, hindi namalayan ni valentina na nagising si jared sa iyak niya, tumayo ang binata sa pagkakahiga at marahan na lumapit kay valentina.
Deretsyo ang tingin ni valentina sa pader kaya hindi nito napansin na palapit sa kan'ya si jared.
Saka niya lang naramdaman na nasa tabi niya na si jared nang hawakan na siya nito. Nagulat siya sa ginawang paghawak nito sa kan'ya pero nang makita niya ang mukha nito at makilala niya kung sino ang lalaking humawak sa kan'ya ay wala na siyang hinintay na oras at agad tumayo sa pagkakaupo at yumakap agad sa binata.
"Valentina... What's wrong?" Nag-aalalang tanong sa kan'ya ni jared, isiniksik niya ang sarili sa binata habang patuloy sa pag-iyak. Hindi na niya ugali umiyak pero sa tuwing naalala niya ang bagay na iyon... Hindi niya mapigilan matakot at umiyak.
"T-Takot na takot ako..." Pag-amin niya, natatakot talaga siya. Sobra-sobra, pakiramdam niya nasa paligid niya lang ang pinsan niya, lagi siya nagiging paranoid dahil sa mag-ama. Alam kasi niyang hindi titigil ang mga ito hanggang hindi nagtatagumpay sa gusto gawin sa kan'ya.
"J-Jared... Takot na takot ako..." Hirap na hirap niyang sabi, niyakap naman siya pabalik ng binata at hinaplos-haplos nito ang buhok niya.
Hindi niya alam kung kailan niya ba tuluyan makakalimutan ang mga madilim na nakaraan kailan siya makakalaya sa traumang binigay sa kan'ya.
"I'm here... Don't worry... I'm here, valentina. Listen to me, hindi kita iiwan..." Pagpapatahan sa kan'ya ni jared habang hinahaplos nito ang buhok niya.
Mas hinigpitan niya ang yakap sa leeg ng binata pakiramdam niya ay nasasakal niya na ito.
Naramdaman niyang gumalaw na sa kinakatayuan si jared marahan itong naglakad palabalik sa kama habang inaalalayan sa valentina.
Agad siyang humiga sa kama habang nakahiga naman si valentina sa ibabaw niya habang nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya at umiiyak.
Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni jared dahil sa posisyon niya, alam niyang hindi magpapatalo si valentina kung kumbinsihin man niya itong umalis sa ibabaw niya.
"I'm here..." Pagpapagaan ni jared sa loob ni valentina. Umiiyak pa rin ito. Halos magkakalahating oras na itong umiiyak at inaantok na ang mata niya sa kakaiyak.
"I want to ask you what happened, but I know your past will trigger you. I'm still waiting for the right time, valentina." Sabi nito.
"Pwede ba mag-stay nalang muna ako rito, jared? Dito nalang ako matutulog sa ibabaw mo." Gusto man tumangi ni jared sa hiling niya pero wala nalang itong nagawa kundi ang pumayag.
Binuksan ni jared ang aircon bago nito binalot ang katawan nila ni valentina sa makapal na kumot. Nanatili silang nakayakap sa isa't isa hanggang sabay sila kinain muli nang antok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top