Chapter 11

This chapter contains disturbing scenes, read at your own risk. Umpisa pa lang ng story na 'to, description pa lang may warning na dapat aware kana na may mga gantong scene ang kwento.

***

Nakatalukbom ng kumot si valentina habang masama ang pakiramdam niya, ni-hindi niya magawang tumayo mula sa pagkakahiga at alam niyang wala na siyang katabi sa kama dahil ramdam niyang hindi na nakalubog iyon. Gusto niya sana hanapin si jared kaso hindi niya magawa dahil sobrang sama talaga ng pakiramdam niya. Dumagdag pa ang isipin niya na kailangan niya pumunta sa party ng lolo niya sa mother side niya.

Masakit na nga ang ulo niya mas sumakit pa ulo niya.yl Unti-unti sila gumalaw pa-ikot sa kabilang bahagi at kinapa-kapa ang cellphone niya roon. Binuksan niya ang cellphone niya at naningkit pa ang mata niya dahil malakas ang brightness noon.

Agad niyang hinanap ang number ni jared at tinawagan agad iyon, wala pang isang minuto nag-ringa ang cellphone ay agad na sinagot ni jared ang tawag.

"Good morning." Agad na bati sa kan'ya, hindi agad siya makaimik dahil pakiramdam niya ang sakit ng lalamunan niya at tuyong-tuyo iyon, bihira kasi siya magkasakit kaya once nagkakasakit siya hirap na hirap siya, hindi sanay ang katawan niya.

"Valentina..." Halata sa boses ng binata ang pag-aalala kaya, pinilit ni valentina ang sarili magsalita kahit nahihirapan.

"A-Asan ka?" Utal at paos niyang sabi, hindi na ata niya kaya pa magbitaw muli ng salita, ang sakit kasi nang lalamunan niya, mas sumakit pa iyon nung umimik siya.

"Hey... What's the problem?" Tanong ni jared sa kan'ya, ramdam na ramdam niya ang pag-aalala sa boses ng binata, nasisiguro niya na magmamadali ito umalis kung nasaan man ito ngayon, iyon kasi ang madalas niya napansin sa tuwing may problema siya, siya ang inuuna ni jared.

"A-Asan ka?" Ulit ni valentina na tanong, hinaplos-haplos naman niya ang lalamunan dahil parang may bumabara doon na hindi niya maintindihan.

"Wet market, and pupunta ako sa grocery store, naubos na ang stock sa bahay mo." Sabi ni jared na halata sa boses ang hindi pagkatali. Umubo-ubo naman si valentina bago muling nagsalita.

"Sige... Ingat sa pag-uwi." Iyon nalang ang sinabi niya saka pinatay ang tawag at hindi na hinintay pa si jared magsalita, inilapag niya ang cellphone sa maliit na table sa tabi ng kama niya, saka muli humiga sa kama at nagtalukbom ng kumot.

Agad naman siyang kinain nang antok dahil sa sobrang sama ng lasa niya at mataas din ang lagnat niya, ayaw naman niyang mag-aalala si jared kaya hindi na hindi sinabi sa binata at natulog nalang siya.

Maya-maya ay may naramdaman siyang tumatapik sa kan'ya, kunot noo siyang umalis sa pagkukulong sa kumot at sinilip kung sino ang tumatapik sa kan'ya.

Gano'n nalang nanlaki ang mata niya nang makita niya ang pinsan na si victor n masamang nakatingin sa kan'ya na may halong pananasa.

Mabilis siyang napaatras sa pagkakahiga.

"Hayop ka! Layuan mo ako!" Kinakabahan niyang sigaw habang patuloy sa pag-atras mula kay victor, mabilis siya napasigaw nang hindi niya namalayan na nahulog na pala siya sa kama.

Mabilis bumangon si valentina sa pagkakatulog dahil sa masamang panaginip, sobrang bilis nang tibok ng puso niya, akala niya totoong nasa apartment niya ang pinsan na lalaki.

Akala niya ay nasa kapahamakan na naman siya.

Mabilis lumipat ang tingin niya sa pinto ng kwarto, habang habol pa rin niya ang sariling hininga at naliligo sa sariling pawis, hindi niya magawang pakalmahin agad ang sarili niya, pakiramdam niya lahat nang masasamang alaala ay unting-unti bumabalik sa isip siya.

"Valentina." Mabilis lumapit sa kan'ya si jared na puno nang pag-aalala, hindi alam ni valentina na nakauwi na pala ang binata mula sa pamimili.

Malalim pa rin ang paghinga ni valentina at naikuyom ang dalawang kamao at itinuon iyon sa kama, pilit niyang pinapakalma ang sarili para hindi mahala ni jared na inaatake siya ng panic attack niya.

Sanay na naman siya na gano'n ang nangyayari at lagi niya lang kinakalma ang sarili niya sa paraan na masama pero hirap siya gawin iyon dahil nandito si jared sa tabi niya.

Kunot noo niyang tinignan si jared nang kunin nito ang isang palad niya at paulit-ulit na hinaplos iyon. "Nanginginig ka." Imik nito at pinagpatuloy ang ginagawa. Hinayaan ni valentina si jared na pakalmahin siya, hindi niya alam bakit parang ang daming alam ng binata sa bagay-bagay.

Sa pagkakaalam niya, HM major in culinary arts ang tinapos ni jared, hindi psychology or ano man konektado sa medisina.

"Hinga nang malalim..." Utos ni jared na agad niyang sinunod. Paulit-ulit niyang ginawa iyon hanggang sa mapagod na siya, hindi na siya nakaramdam nang paghirap sa pag-hinga.

"You feel okay na?" Tanong ni jared sa kan'ya, marahan siyang tumungo bilang sagot sa binata.

Mukha naman nabunutan ng tinik si jared dahil nakita niyang kalmado na ang dalaga. Madalas niya makita si valentina managinip, madalas ay nanginginig ang kamao nito at umiiyak habang nakapikit at humihingi ng tulong.

Madalas niya iyon mapansin at mabilis siya magising dahil tahimik ang buong bahay lagi ni valentina at naririnig niya ang pag-imik nito kahit tulog.

Gustong-gusto magtanong ni jared kay valentina pero hindi niya magawa dahil ayaw niyang madaliin si valentina.

"You have a fever, valentina. Pag-uwi ko ay sobrang taas ng lagnat mo, kaya dali-dali akong nagluto ng mushroom soup." Sabi ni jared kay valentina, pinagkatitigan siya ni valentina at hindi makapaniwala na may nag-aalaga sa kan'ya.

Siya lang ang nag-aalaga sa sarili niya, hindi naman kasi gawain ni valentina magsabi sa mga tao na may sakit siya kahit sa kaibigan na si kelvin na pinagkakatiwalaan niya.

"Kuha lang ako." Paalam ni jared sa kan'ya, tumungo nalang siya dito. Nang makatayo si jared mula sa pagkakaupo sa kama ay dali-dali itong lumabas ng kwarto niya.

Huminga siya nang malalim saka niyakap ang dalawang tuhod niya.

Hindi niya pa rin malimutan ang napanaginipan niya, pakiramdam niya bawat oras lalapitan siya ng pinsan na lalaki para ituloy ang masamang balak sa kan'ya. Kahit ilang beses niya lokohin ang sarili na malakas na siya na hindi na siya matatakot ay hindi niya pa rin magawa.

Natatakot pa rin siya sa mga lalaki, lalo na sa tito at pinsan niya. Takot na takot pa rin siya simula noon hanggang ngayon...

Sa tingin niya saka lang mawawala ang takot niya sa oras na mawala na sa mundo niya ang mag-ama...

Ang mag-amang tumangkang gahasain siya noong bata pa siya. Ang dahilan kung bakit galit siya sa pamilya niya pati sa mundo, ang dahilan kung bakit nasira ang tahimik at masaya niyang buhay...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top