CHAPTER 3

Nang  matapos makipag bihis si Gemini, ilang beses niyang inihilamos ang kanyang palad sa mukha. 

I must be dreaming...but I know that I wasn't!

She sighed a couple of times.

Ghost? Really? Does that even exist? Ah, this is hella frustrating. 

Sa ikalawang pagkakataon, inihilamos niya ang kanyang palad sa mukha at muling napabuntonghininga. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin. Nalilito siya. Ngunit hindi iyon ang iniisip niya kundi ang may nakakita sa kanya na tanging under and upper garments lamang ang suot. 

That's embarrassing! May pagka-basagulera ako pero alam ko naman ang mahiya! 

Ginulo at sinabunutan niya ang kanyang buhok. 

Sinapo niya ang kanyang mukha. "Stop thinking about it, Gemini. It's just a dream, it's not real—"

"—no it's not." 

Gemini's eye widened in shock nang bigla niyang marinig ang pamilyar na boses ng binata at ang masama pa, sa harapan pa nito mismo. She can feel the cold breeze. She shook her head while still covering her face. "Hindi. Hindi. Hindi. Forget about it, Gem. It's not real—" 

"—I am real." Hindi na siya nakatiis pa, ibinaba nito ang kamay niya and to her shock, nasa harapan na pala nito ang binata na may malaking ngisi. And his face is only three to four inches far away from her face. 

"Boo!" Isang simpleng salita na mas lalong nagpalaki sa mata ng dalaga. 

"Putang..."Gemini muttered. 

The man smiled at her. Inilayo ng binata ag mukha niya kay Gemini bago nakapamulsa na tinignan siya. 

"Hi, Gem!" He even waved his hand at her. Gemini on the other hand, was shocked, unable to move, and her mind malfunctioned. In just a few moments, her mind shuts down and she loses consciousness. 

The great Fhereze Gemini Ayala  passed out because of shock. 

***

It's already lunch time when Gemini woke up. Kaagad siyang bumangon at inilibot ang tingin sa buong paligid. Napakurap siya ng isang beses nang makita niyang walang tao sa loob ng kwarto kundi siya lamang. 

Pinaki-ramadan niya rin ang temperatura, it's not cold. Lumingon siya sa bed side table at nakita doon ang isang water plastic bottle na may kalahating laman at dalawang paper bag. Napakunot ang kanyang noo. Bigla niyang naalala na sa panaginip niya dumating ang kanyang dalawang kaibigan.

Wait...is it true? Shit.

Mabilis niyang hinanap ang cellphone saka tinawagan ang kaibigan na si Cawie. After three rings, sinagot na ito. 

"Hello—" 

"Anong oras kayo pumunta dito kanina?" Mabilis niyang tanong. 

"Huh? 11:35 kami pumunta kanina d'yan. Why?" Nang marinig niya iyon, kaagad niyang tiningnan ang oras. 12:10 na. 

So it means...panaginip lang iyon? 

With that thought, kaagad siyang napangiti. 

"Oh...ahm...nothing. Kakagising ko lang din kasi. Akala ko kaninang umaga pa kayo nanggaling dito. Bye." Narinig niyang nagsalita pa ang kaibigan sa kabilang linya pero kaagad niyang napindot ang 'end call' kaya hindi niya na ito narinig pa. She sighed in relief at napasandal sa kama. 

Thank God, it's just a dream. That's a relief! 

Mabuti na lang talaga at nagising siya sa kanyang panaginip. Ngunit hindi niya ikakaila na gwapo ang binata sa kanyang panaginip. The man has a pointed nose, almond shape deep gray eyes, thin and pinkish lips, perfect jawline, medium eyebrows, round shape head, and white skin tone. Such a handsome creature. But what caught her attention is the man's hair.

 His hair is curly and...orange? A ginger man!

Ikinunot ni Gemini ag kanyang noo at pilit na inaalala kung tama siya na orange nga ang kulay ng buhok ng lalaki. 

Yep, indeed, kulay orange nga. 

Weird. Even though he's handsome, he looks like an orange fruit and pancit canton. She giggled at that thought. He looks like an orange fruit because he has a round shaped head and orange hair, while his hair is curly just like her favorite food, pancit canton. 

Sa gilid ng kanyang kama, mayroon doong isang wheelchair. Kaagad siyang sa tumayo ng dahan-dahan nag makaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Iika-ika siyang naglakad papalapit sa wheelchair at dahan-dahang umupo. 

Kumuha siya ng bimpo at extra toothbrush and toothpaste sa paper bag na dinala ng mga kaibigan niya. Itinulak niya ang sarili papuntang banyo para gawin ang kanyang nakagawian tuwing pagkagising, ang mag-toothbrush at maghilamos. 

Inabot niya ang door knob saka iyon pinihit. Pumasok siya gamit ang wheelchair at dahan-dahang tumayo at umupo sa inidoro. Ginawa niya na ang dapat gawin. Nang matapos na niyang gawin ang dapat gawin, dahan-dahan siyang tumayo at nagtungo sa lababo upang maghugas. She did her thing. 

Inabot siya ng lima o anim na minuto sa paghihilamos dahil medyo nahihirapan siyang tumayo, Hindi kasi siya sanay sa cast na nasa paa niya. After washing her face, she stared at her reflection in the mirror. Once again, her 'dream' flashed on her mind again—his gorgeous face, to be exact. Then, she remembered that 'Tarius' saw her almost naked body. Her face heated up. 

"Shit. I'm stubborn and a troublemaker but I still know the word embarrass!" Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. She let out a heavy breath. Binuksan niya ang gripo at muling naghilamos. Kinuha niya ang nakasukbit na pinagpunasang bimpo kanina sa balikat niya. 

Pinatuyo niya ang kanyang mukha at muling tumitig sa salamin. Tinitigan niya ng mabuti ang kanyang mukha, napakunot noo siya nang mapansin niyang parang may kakaiba.

Is that...a...pimple?! 

She gasped. "Oh my...gosh! Bakit ngayon pa?! I don't have my stuffs here with me. Gosh!" Maarte nitong hinawi ang kanyang buhok na tumatakip sa kanyang noo kung saan naroroon ang tumubo niyang tigyawat. 

Inilapit niya ang kanyang mukha sa salamin upang matignan niya ng maayos ang kanyang tigyawat. But to her shock, instead of her face she's seeing, it was the orange headed face. The ghost, Tarius. Unti-unting nanlaki ang kanyang mata. Her mouth hanged open. 

Tarius smiled and waved his hand at her. Once again, surprised and shocked invaded her body. She remained conscious but her body became immobile. Her mind is not responding at the moment. Ang tanging mukha lamang ng binata na bigla-biglang sumusulpot sa kung saan ang paulit-paulit na parang sirang plaka ang naglalaro sa kanyang isipan. Her mind is clouded by his handsome face. 

"Hi Gem! Nice to see you again, buddy! So...how's your sleep?" The ghost, Tarius asked while grinning. Wala sa sariling napaatras si Gemini, ngunit bigla siyang nagsisi sa ginawa. She slipped and almost...yes, almost, because when Tarius saw that she was about to fall, mabilis siyang kumilos at lumapit sa wheelchair saka ito itinulak papalapit kay Gemini. 

'Shit. Good thing I have good and fast reflexes.' Tarius thought. Ang akala ni Gemini ay bumagsak at bumagok ang kanyang ulo sa sahig ngunit laking gulat niya nang sa wheelchair ito napaupo. 

Her mouth hangs open as she looks up and sees the orange headed ghost, Tarius, grinning at her. Tarius winked at her but Gemini didn't move nor talk. Gemini blinked a couple of times and Tarius was still there. 

This is just a dream…right? 

Kinusot ni Gemini ang kanyang mata gamit ang kamay bago muling itinaas ang kanyang tingin. 

Huh? He's gone... Maybe I was just...imagining?

She let out a heavy breath. 

"Gosh. I didn't know that staying here in this Hospital can make me crazy. Geez." Iniling na lamang ni Gemini ang kanyang ulo at itinulak ang sarili palabas ng banyo. 

Isinara nito ang pintuan at akmang lalapit na sa kama nito nang makita niya doon si Tarius. 

"Ga…lto?" She whispered.

Tarius instantly smiled when he saw her. Akmang lalapit siya sa dalaga nang bigla siya nitong pahintuin. "H-Hoy! D-D'yan ka lang! 'Wag k-kang lalapit!" Gemini said panicking.

Is this some sort of my imagination or is this real?

Pasimple niyang kinurot ang sarili at napaigtad siya ng makaramdam ng sakit. Palihim siyang napangiwi at napabuntong hininga. 

So, this is real!

Instead of stepping back, Tarius took a step forward. Sa sobrang pagpapanic ni Gemini dinampot niya ang pwedeng madampot sa gilid niya. Ang tissue box. 

"Are you...scared?" Tarius asked Gemini. Pinatigas ni Gemini ang kanyang ekspresyon. 

"Hindi." Aniya saka umiling. 

"Oh." Amusement was dancing in Tarius' eyes. "Really?" Gemini didn't utter a word. 

Tinignan—no, tinitigan. Tinitigan niya lamang si Tarius. "Hindi ka ba talaga takot sa'kin?" Tarius asked genuinely curious. 

Kumunot ang noo ni Gemini at dahan-dahang ibinaba ang hawak na tissue box ngunit nang makita niyang akmang lalapit ulit si Tarius, iniamba niya ulit ito dahilan kaya napatigil ang binata at napatawa ng mahina. 

'Cute.' Tarius thought. Gemini gave him an 'uninterested' look. 

Tumikhim si Gemini. "Bakit naman ako matatakot sa'yo?" She rolled her eyes, "Isa ka lamang sa mga hampas-lupa na nilikha ng Diyos." Maarteng aniya. 

Tarius looked at Gemini amused. "I'm a ghost...aren't you scared?" Lumapit si Tarius sa isang sofa at umupo doon. Muling ibinaba ni Gemini ag hawak na tissue box nang makita niya ang ginawa ng binata. 

Umingos siya bago nagsalita. "Multo ka lang, tao ako," She asked, "Mas natatakot ako sa tao dahil kaya niya akong patayin, pahirapan o abusuhin. Ang multo, papatayin ka lang n'yan sa takot." Tarius' forehead creased. 

Is that so? Then why was she shouting when she saw me?

"Then...bakit ka sumisigaw noong nakita mo ako?" She looked at Tarius flatly. 

"Of course I'm shocked and surprised!" She crossed her arms infront of her chest. "Sinong matinong tao ang dadaan at tatagos sa pader? Multo lang ang nakakagawa no'n tanga. Isang Galto lang ang makakagawa no'n." 

"Huh? Galto?" Tarius asked, genuinely confused. 

Gemini proudly nodded. "Yes, Galto. Gagong Multo...parang ikaw." She grinned. Tarius pouted his thin lips. Gemini hates when she sees someone pouting because she knows that he/she is trying to act cute but Tarius, she doesn't find him irritating at all. She finds him cute. 

A small smile appeared on her lips. Mabilis niyang napagtanto ang kanyang ginawa kaya she lose her smile and wore her 'I don't give a shit' look. 

"Meanie." Tarius muttered. 

Gemini flashed her infamous smirk. "Nope, I'm not mean. Sadyang gano'n lang talaga ang tingin ko sa'yo, isang gagong multo." She scoffed. 

"Rude." Mas lalong humaba ang nguso ng binata na mas lalong ikinangisi ng dalaga. 

"I'm not rude, just blunt." Tarius let us a soft chuckle while shaking his head. 

"Is your real name Gem?" Tarius asked to change the topic. Gemini's forehead creased and glared at Tarius. 

"How did you know? Are you some sort of a 'ghost stalker'?" She quoted her hands in the air. Tarius laughed. 

"Ghost stalker? What the? Is that even a word?" Sumama ang mukha ng dalaga. 

Doesn't he read the dictionary or something? Duh! Of course ghost stalker is a word! Ghost is a word, same as stalker! Pinagsama ko lang!

"Gago." Is all Gemini can say. Tarius tried to hold his laugh because he could see that Gemini was really annoyed. 

"Narinig ko lang sa kung saan." Aniya. 

"Gem is some sort of my nickname. My friends gave it to me since my parents can't and don't want to." 

Sarcasm. Her voice was filled with sarcasm. Tarius thought. 

Tarius clicked his tongue. "Well, Tarius is just also my nickname." He said Gemini looked at him and raised an eyebrow. 

"Share mo lang?" Gemini raised a brow.

Hinawakan niya ang gulong ng wheelchair saka iyon itinulak patungo sa kanyang kama since wala naman na roon ang binata. Inabot niya ang kanyang cellphone at nakita niyang may mensahe iyon galing sa kaibigan niyang si Cawie. Kaagad naman niya itong binuksan at binasa.

From: Cawie Baliw 

Btw, nanggaling din kami d'yan kaninang umaga and naabutan ka pa nga naming gising kanina, eh. Nag-usap pa tayo. Ulyanin ka girl? 

Gemini rolled her eyes at what Cawie texted her. She replied, 'Ah K. And FU I'm not ulyanin. And if ever na ulyanin na ako, maigi na 'yun kesa naman kagaya ng iba d'yan na laging ini-ignore ni crush.' Then pressed send. 

Napatawa ng mahina si Gemini nang makatanggap ito ng mensahe kay Cawie na ang nakasaad doon ay, 'Hoy putek ka! Foul 'yun!' Napataas ang kilay ng dalaga at tumingin sa binata nang marinig niya itong umubo ng peke. 

"Oh? Share mo lang yung nickname mo kuno?" Imbes na mainis si Tarius sa sinagot ng dalaga napatawa siya ng malakas. 

"What is your real name then?" He asked. 

"Who you? Hindi kita kilala kaya nope, I'll never give my name to you—" 

"—I'm Sagittarius. Sagittarius Xecandro Romero, Tarius for short." 

Saglit na napatulala si Gemini at napanganga dahil sa narinig.

Tangina, mga wala bang magawa ang mga magulang namim at binigyan kami ng pangalan na nagmula sa zodiac signs? 

"Oh? E'di wow." Sagot nang dalaga.

Tarius bit his lower lip and clicked his tongue again. Ginulo nito ang kulay kahel nitong buhok. Out of frustration, he let out a laugh. 

Sinubukang tumayo ni Gemini at naupo sa kama nito. Alam niyang naiinis na ang binata and she finds it cute. Weird. She only find animals cute.

Well, I might consider him one because he looks like a puppy. A golden retriever puppy that has orange and curly fur.

She secretly laughed at that thought. 

Gosh, what an imagination. 

Tinignan ni Gemini ang binata na nakaupo sa bintana habang nakasilip sa ibaba. He looks lonely. A pain stung on her heart. 

What the hell? 

Bakit nakaramdam siya ng sakit para sa binata? She doesn't care to anyone kahit na pasan pa nito ang problema sa mundo, tanging sarili lamang niya ang iniisip niya. Yes, she's selfish. Pero bakit nasasaktan siya para kay Tarius? 

Ipinilig na lang nito ang ulo at tumikhim para kunin ang atensyon ng binata pero hindi ito lumingon kaya napairap ito bago nagsalita. 

"Gemini. Fhereze Gemini Ayala. That's my name." She whispered sapat na para marinig ito ng binata. Tarius looked at her that made her heartbeat raced. Hindi na lamang nito pinansin ang pagiging abnormal ng katawan at inilahad ang kamay nito.

Tinignan lamang ito ni Tarius. "Titignan mo na lang ba 'yan? Hello! Let's shake hands!" Kaagad namang tumalima ang binata at lumapit sa kanya. 

Dahan-dahang inilapit ni Tarius ang kamay niya sa nakalahad na kamay ni Gemini. Nang magdadampi na ang kanilang palad, pareho silang nagulat nang hindi nagtama o nagkadampian ang kanilang kamay. Tumagos ang kamay ni Tarius sa kamay ni Gemini. 

"Woah. Cool." Hindi makapaniwalang ani ng dalaga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top