CHAPTER 11
Out of frustration, Gemini massage her forehead. Naiirita na siya sa pang-iistorbo ng kanyang kaibigan.
They keep on pestering her.
"Come on, sis! Ano nga kasi ang itsura niya? Cute ba? Gwapo?" Shanaz asked, being impatient.
"Can you illustrate his face? Magaling ka naman mag-drawing 'di ba? Please!" Hirit la ni Cawie.
Oh God, please give me more patience.
"Pagbigyan mo na kasi," binigyan ni Gemini ng matalim na tingin ang binata. "Excited na makita nang mga kaibigan mo ang gwapo kong itsura." Napasimangot ang dalaga sa itinuran ng lalaki.
"Hay, ang gwapo ko talaga," she heard Tarrius murmured.
Ang kapal talaga.
Gemini grimaced before commenting, "Ang kapal naman ng hinayupak mong mukha," napairap ito, "Gago talaga."
"Oh my! Are talking to him? Sabihin mo sa kanya 'hi!'" Lalong napangiwi si Gemini sa itinuran ng kaibigan.
"Shanaz, don't be dumb. He can see and hear you, kayo ang hindi nakakakita at nakakarinig sa kanya," sagot niya.
Napanguso naman si Shanaz na ikinatawa ni Cawie.
"Tell her the handsome and cute Tarrius said hi," singit ng multong binata.
Damn you, ginawa niyo pa talaga akong messenger. Mga gago.
Tumikhim si Gemini bago nagsalita. "The tangina and gagong multo said hi," walang gana niyang sabi bago sumandal sa headboard ng kama at humalukipkip.
Mukha namang bulateng binudburan ng asin ang dalawa dahil sa sinabi ni Gemini.
Mga abnormal.
"OMG! Ang cute no'ng name!" Cawie exclaimed like a fangirl.
"'Di ba may bebe ka?" Gemini asked, a bit annoyed but she calmed herself and made it look like she's joking.
Namula ang mukha ni Cawie at napaiwas ng tingin. "A-Ano ba!" Aniya sabay ayos ng buhok.
Yuck, ang pabebe naman.
"Shocks, sis! Ang gwapapi ng name!" Shanaz also commented.
Lumabi si Gemini bago pabalang na sumagot, "Bakit? May mukha ba 'yung pangalan para maging gwapo?"
Shanaz pouted, she murmured something but Gemini didn't bother to listen.
Nag-usap-usap sila tungkol sa itsura ni Tarrius ay hindi maiwasang mairita ng dalaga sa mga kaibigan. Nakakunot lang ang noo nito at hindi nagsasalita. Nakasimangot din ito habang pinapanood ang dalawa niyang kaibigan na nag-uusap.
Sino ba talaga ang dinalaw ng dalawang 'to? Ako o si Tarrius? Nakakaimbyerna.
Lumipat ang tingin niya sa binata na tahimik na nakikinig sa dalawa habang nakangisi ngunit nasa kanya nakatuon ang mata ng binata. His grey eyes are staring at her with pure amusement and adoration.
Gemini can't help but to wonder.
May saltik ba 'to?
Napairap na lamang siya at muling tinignan sina Cawi at Shanaz na ngayon ay naghahampasan na ng balikat at tumatawa na parang mga loka-loka.
"Para kayong mga tanga," she commented.
Napalingon sa kanya ang dalawa at napasimangot.
"Kung dinrowing mo na kasi ang itsura ni Tarrius e'di sana hindi na kami nagmukhang eng-eng dito kaka-imagine ng mukha niya!" Reklamo ni Shanaz.
"Hindi lang kayo mukhang eng-eng dahil eng-eng talaga kayo," Gemini said, harshly.
Shanaz gasped and placed her palm on her chest where her heart located. She act like she's hurt before faking a groan.
"Ouch ha, ang sakit mo magsalita."
Napairap na lamang siya. Nagulat si Gemini nang biglang may sumulpot na lapis, sketchpad, at highlighters with different colors sa harapan niya.
"Oh, alam mo na ang gagawin mo d'yan!" Cawie said before smiling widely at her. "Pasensya na lang, 'di ko dala crayons ko," then she made a hehe sound.
"Ano? Kakainin ko?" Gemini retorted sarcastically. She heard Tarrius chuckled beside her.
Nandito pa rin pala ito? Akala ko lumayas na.
Hinampas siya ng dalawa sa magkabilang braso at muling pinilit. Wala na siyang nagawa at pumayag na lang.
IT took Gemini almost an hour to finish her drawing. Hindi niya na inayos dahil paniguradong itatapon lang din naman mamaya. Halata pa dito ang mga smudges at mga lagpas na kulay, tinamad na siyang ayusin ito kaya pinabayaan na lamang niya.
Napasimangot ang dalaga nang makita ang kabuuan ng drawing niya.
Bakit ang unfair? He looks handsome kahit na hindi maayos ang gawa ko.
Tarrius' eyes are not that perfect in her drawing, especially the iris. Gemini just draw a small circle then, viola it's done. She didn't bother to put some eyelashes on Tarrius' illustration.
Damn, nagmukhang cartoon ang ginawa ko.
Napahinto si Gemini.
Wait...what if...
Gemini smirked before grabbing the black marker that she borrowed from Shanaz earlier.
She did what she supposed to do.
And...viola! A master piece!
Humagikgik siya bago bumuga ng malalim na hininga at tinawag ang dalawang kaibigan. Saktong pagkalingon nila ay ibinato niya ang sketchpad.
Nasalo naman ito kaagad ni Cawie pero sinamaan pa rin siya ng tingin ni Shanaz. Hindi pa siya nakuntento, inirapan niya si Gemini bago itinuon ang tingin sa sketchpad.
Arte naman. Nasalo na nga, may pa-irap-irap pa. Ganda ka?
"Bwisit ka naman, Gemini!" Napakurap ang dalaga nang marinig niya ang reklamo ni Shanaz.
"Ha?"
"Bakit ganito 'to?!" Shanaz grunted.
"Ha?"
"Ang sabi ko—"
"Halaakompake."
Nakaramdam ng irita si Shanaz kaya hindi niya napigilan na ibato ang unan na yakap niya kanina. Buong akala ni Gemini ay tatama sa kanya ang unan kaya mabilis niyang isinangga ang kanyang braso ngunit lumipad ito patungo sa ibang direksyon.
Natulala ang tatlong dalaga sa nangyari. The three of them froze at their spot. Nang mabalik sa reyalidad si Gemini, dahan-dahan niyang nilingon ang pwesto ni Tarrius na ngayon ay nakahalukipkip na pinapanood sila.
Gemini was about to say her thank you when she saw Tarrius secretly smirking, like he's boasting.
Gemini scoffed.
Yabang ng hinayupak na 'to.
Gemini realized that she almost say 'thank you' to him.
Why the fuck would I say thank you?! Ang simple lang ng ginawa niya! I am Fhereze Gemini Ayala! And I don't say thank you's nor sorry's!
Shanaz cleared her throat, "Uh...as I was saying..." she gathered a large amount of air, "...why the fuck did you put your goddamn signature on his face?!" Histerikal na sigaw ni Shanaz.
"I agree...natatakpan ang cute niyang mukha," kalmadong saad naman ni Cawi habang humahagikgik.
Mga abnormal. Anong cute sa mukha niya? Muka siyang ipis.
Napaismid si Gemini dahil sa reklamo na natanggap niya sa dalawang kaibigan.
My signature is cuter than that jerk's face.
"Shit, ang gwapo mo talaga, Tarrius. May dalawang babae na naman ang nahulog sa kamandag mo," mayabang na saad ni Tarrius. Hinawakan pa nito ang kanyang baba at hinimas-himas.
Gosh, he looks...aw...ful. Yeah, he looks a-awful.
Hindi maiwasang mapangiwi ng dalaga dahil sa narinig niyang itinuran ng binata.
Hambog.
"Nakakamatay ang kamandag mo, gago," komento niya.
"Kausap mo siya?" Excited na tanong nina Cawie at Shanaz.
Tinaasan niya ng kilay ang dalawa. "'Di ba obvious?" Sarkastikong aniya. Imbes na mainis ang dalawa sa kanyang itinuran, mas lalo silang na-excite.
"Nakakamatay kasi ang gwapo ko talaga!" Tarrius exclaimed, boasting.
"Kadiri," pilit na ngumiwi ang dalaga.
Hambog talaga ang hinayupak.
"Para kang si Jollibee," Gemini said.
"Oh? Bakit? Dahil sa akin ka sasaya?" Tarrius asked, slightly excited
"Ulol! Pabida ka kasi masyado!" Gemini retorted, then, bursting out of laughter.
Kahit hindi man narinig nila Cawie at Shanaz ang isinagot kanina ni Tarrius, naintindihan nila ang joke ng kaibigan nila kaya napatawa rin sila.
Napasimangot ang binata at nagmatsa palayo sa pwesto nila. Before she could call Tarrius, lumabas na ito gamit ang pader. Ulit.
Doesn't he know how to use the door?
"Omg! Oo nga 'no!" Halos mapantalon ang si Gemini sa biglaang pagsambit ni Shanaz ng malakas.
"Shh!"
Kunot-noo niyang nilingon ang dalawa na naghahagikgikan. Naghahampasan pa sila ng balikat, kita ang kilig sa itsura nila dahil parehong namumula ang mga mukha.
Ano na naman ang naisip nang dalawang 'to? Nabaliw na 'ata.
"Ano na naman 'yan?" Tanong niya.
Nakangisi siyang tinignan ng dalawa at mabilis na lumapit sa pwesto niya. Bahagya siyang lumayo ngunit hinawakan ng dalawa ang kaliwang palad niya at tinignan siya sa mata.
Confirm, na-abnormal na nga.
"Gem...alam mo..." Shanaz paused.
Gemini shook her head before sarcastially saying, "Oo, Shanaz, alam ko..." she rolled her eyes, "Malamang hindi. Tanga ka ba?" Sikmat niya.
Shanaz didn't even blink. She's just smiling...creepy. Hindi maiwasan ni Gemini na makaramdam ng kaba.
Damn, kilala ko ang mga shungang mga babaeng 'to, paniguradong may kalokohan naman sila na naiisip.
"...bagay kayo ni Tarrius," then, they both giggled.
Gemini froze. Napakurap-kurap siya ng ilang beses at unti-unting namula ang pisngi.
"What the fuck?" She muttered, still shock.
Of course! Bagay kami like duh.
Napagtanto ni Gemini ang kanyang naisip kaya inagaw niya ang kanyang palad at sinampal ang magkabilang pisngi.
No! What the fuck am I thinking?!
"Yieee, kilig-kilig ang gaga," pang-aasar ni Cawie habang sinusundot-sundot ang beywang niya.
"A-Ano ba!" Nauutal na sikmat niya.
"Yieee, ship! Ship!" Pang-aasar pa ni Shanaz.
Patuloy nilang kinikiliti si Gemini, patuloy rin siyang usog ng usog kaya hindi nila namalayan na pare-parehos silang nahulog.
Kanya-kanyang daing ang tatlo at kalauna'y natawa sa kinahinatnan ng kaharutan nila.
Tinulungan nina Cawie at Shanaz na tumayo si Gemini at pinaupo sa kama nito.
"Good job mga alipin," Gemini joked.
"Yuck! Makaasta akala mo reyna," komento ni Shanaz.
Gemini flipped her hair. "Reyna naman kasi talaga ako, duh," she said with confidence.
"Oo reyna ka," Cawie said. "Reyna ka ni Tarrius, ayieee!" Pahabol na tukso nito.
Napasimangot si Gemini ngunit sa kaloob-looban nito ay gusto niyang ngumiti. Ramdam niya ang malakas at mabilis na kabog ng kanyang puso.
Oh come on heart, 'wag masyado pahalata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top