Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Three
"Sira-ulo mo! Aangas angas ka diyan, yung mukha mo naman hugis planggana!"
I once heard some of my guy schoolmates trashtalking with each other nung minsang mapadaan ako sa computer shop para magpa-print. Naglalaro ata sila non and they got heated sa game kaya ganyan.
But I never thought I'll get to hear those kinds of words from Chichi's mouth.
Pabalik kami ni Seb sa classroom after namin mapunta sa guidance. Well, nauna na si Glen kasi masyado siyang galit para sabayan kami.
Hindi pa man kami nakakalapit sa classroom, narinig na namin ang sigaw ni Chichi from a distant. Nagkatinginan pa kami ni Seb at mukhang gulat din siya sa narinig niya.
Who wouldn't? Knowing how sweet Chichi is?
Patakbo kaming naglakad papunta sa classroom. Nang makarating kami, nakita namin si Chichi at LJ na kaharap si Glen. Parehong nakasimangot yung dalawa pero mas nakasimangot si Glen dahil sa sinabi ni Chichi.
"Nadamay tuloy si Miss Prez dahil sa pagiging pasaway mo!" sigaw ni Chichi dito. Aawat na sana ako pero hinila ako ni Seb sa may gilid ng pinto at pinatahimik.
I look at him in disbelief. Kinindatan naman niya ako na para bang sinasabi niyang makinig lang ako sa away nila.
"Ibibigay mo lang yung phone mo sa kanya 'di mo pa magawa? Ano may ka text? May pumatol sa paguugali mong yan? Baho mo!"
Dinuro siya ni Glen, "hoy di ko kailangan opinyon mo ha? Puro ganda ka lang naman eh, pero yung utak naman walang laman!"
LJ took a step forward at tinignan niya si Glen nang masama, "hoy! Wag mong tatawaging bobo ang bestfriend ko ha! Pag ikaw nataasan niyan sa quiz mamaya humanda ka sa'kin!"
Bumulong naman si Chichi kay LJ, "besh wag ganyan 'di ako prepared baka mapahiya tayo."
"Wag niyo na nga akong guluhin, mga badtrip kayo," sabi ni Glen.
"Uy guys tama na baka dumating na si ma'am," suway nung isa naming mga classmates.
"Oo nga, Glen wag ka na pumatol sa babae," sabi naman nung isa pa.
Natahimik na sila at bumalik sa kani-kanilang mga upuan.
Napatingin naman ako kay Seb at nakita kong nakatingin siya sa akin with a small smile on his face.
"Mukhang nakahanap ka na ng mga taong willing magtanggol sa'yo," sabi nito sa akin and he gave me a pat on the head before entering our classroom.
Hindi ako nakagalaw agad sa kinatatayuan ko. Napahinga ako nang malalim kasi ewan? I feel like crying, at hindi ko alam bakit naiiyak ako. Parang gusto ko ring ngumiti pero pinipigilan ko.
Friends.
It's hard for me to consider someone as a friend eversince that incident happened. Sa totoo lang, unti unti ko na rin tinatanggap na okay na ako sa ganito. Kaya ko naman mag isa. I don't need anybody.
Pero ang sarap pala sa pakiramdam nang may nagtatanggol sa'yo.
Huminga ako nang malalim and I let myself smile. Just this once. After that, sumunod na ako kay Seb papasok ng classroom
~*~
I feel a bit better nung first period at second period, although medyo distracted ako nung quiz namin dahil I can't stop thinking about that letter na need namin ibigay sa parents namin. Napadasal na lang ako na sana, hindi kailangan ng signature so I don't have to deal with my dad anymore. Tutal gabi na rin naman siya umuuwi. For sure tapos na mag linis ng school ground yung dalawa bago pa siya makauwi sa bahay.
Well, it's not as if hinahanap niya ako sa bahay, but still.
"Ms. Prez kumain ka nga!" sabi ni LJ sa akin at nilagyan niya yung baunan ko nung baon niyang corned beef.
Lunch break ngayon, sakto at wala ring meeting sa club si LJ at Chichi kaya naman sinabay nila akong kumain ngayon.
Actually kanina sa canteen, bumili ako ng tatlong chocolate bar para kina LJ, Chichi at Seb dahil sa ginawa nila for me. Nahihiya lang akong ibigay.
Huminga ako nang malalim at inilabas ko sa baunan ko yung mga chocolate bar.
"Uhm..." sabi ko at inabutan ko si LJ at Chichi na nakaupo sa magkabilang gilid ko at si Seb na nasa harapan ko. "Sa inyo na lang."
"Wow ang tamis!" sabi ni LJ. "Ba't ka may pa chocolate Ms. Prez?"
"Wala lang," sagot ko.
"Pa thank you niya yan kasi pinagtanggol niyo siya kanina," sabi naman ni Seb.
Tinignan ko si Seb nang masama at binawi ko yung chocolate na binigay ko sa kanya.
"Akin na."
Pero agad niyang nakuha 'to.
"Oy! Walang bawian! Binigay mo na, eh."
Naramdaman ko naman na biglang yumakap sa akin si Chichi.
"Sweet naman Ms. Prez!" she told me habang hinihigpitan niya ang yakap sa akin. "Pag may umaway sa'yo, sumbong mo lang sa amin, ako bahala."
"Di man halata pero sanay yan si Chichi makipag trashtalkan. Laman yan ng ML eh," pang aasar ni LJ sa kanya.
Hinampas naman siya ni Chichi, "oy di ah! Sweet girl ko kaya," sabi ni Chichi sa kanya.
Napayuko ako at bahagyang napangiti. Pero binawi ko rin agad.
Napa angat ang tingin ko at nakita kong nakatingin sa akin si Sebastian. Nakapatong ang baba niya sa kaliwang kamay niya while there's a warm smile on his lips.
He's staring at me as if he's telling me na nakita niya 'yun.
Muli akong napayuko at napaiwas ng tingin. At hindi ko alam kung bakit, but I feel myself blush.
~*~
Dismissal time, pinapunta ulit kami nina Glen at Seb sa guidance counselor to get the letter for our parents.
At mukhang hindi ako malakas kay Lord dahil pagkakita ko nung letter, nakita ko na need namin ito ibalik tomorrow dahil papapirmahan namin ito sa parent o guardian namin.
Parang bigla akong nahilo. Suddenly, I feel nauseated again. The mere thought of me talking to my dad gives me so much anxiety.
Nung pagkalabas namin ng classroom, narinig ko pa si Glen na may sinabi sa akin but I couldn't care much. Natuon na yung atensyon ko sa letter na hawak ko at... parang nanlalambot ang tuhod ko saglit lang.
"Iris," dinig kong tawag sa akin ni Seb, and before I even notice it, nasa likod ko na siya, nakaalalay sa magkabilang balikat ko. "Okay ka lang ba? Namumutla ka. Gusto mong dumaan sa clinic?"
Umiling ako, "okay lang ako."
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, "nanlalamig ka. Gusto mo ng tubig? Saglit."
Binuksan niya yung bag niya at inilabas niya yung water bottle niya.
"Ay wait wala nang laman," sabi niya. "Saglit lang lalagyan ko lang sa water fountain."
Paalis na sana si Seb nang hinawakan ko ang likod ng uniform niya kaya napatigil siya at napatingin sa akin.
Napaiwas agad ako nang tingin. Lumunok ako while trying to calm myself down.
"Uhm.." I started. "Ayoko pang umuwi," halos pabulong kong sabi. I can feel my hand shaking at hindi ko alam kung paano ko papakalmahin ang sarili ko.
Pero nagulat ako nang hawakan ni Seb yung kamay ko. Hinawakan niya 'to nang mahigpit to stop it from shaking.
Napa angat ako nang tingin sa kanya. He's giving me again that warm smile he gave me a while ago nung nasa cafeteria kami.
It calms me down a bit.
"Nagugutom ako," sabi niya. "Gusto mong mag meryenda?"
Tumango ako.
"Okay."
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top