Chapter Twenty Six


Chapter Twenty-Six

"Luna, ming ming ming," tawag ko doon sa black kitten na kasalukuyang nag tatago sa ilalim ng cabinet ko.

Kanina pa siya diyan. Pag uwi ko, dineretso ko agad siya sa kwarto ko at tumakbo siya papunta sa ilalim ng cabinet. I tried to lure her with food but to no avail.

She's still scared and she keeps on meowing. Habang ako naman, nakahiga sa sahig ng kwarto ko habang nakasilip sa ilalim ng cabinet.

"Labas ka na please," pag makakaawa ko rito. "Papakainin lang naman kita, eh."

Hindi pa rin siya lumalabas. She just meowed at me.

"Ayaw mo ba ng Luna na name? Crookshanks na lang. Crookshanks, ming ming ming."

The kitten doesn't move.

"Ayaw mo rin ng Crookshanks? Sherlock? Loki? Love Joy Marie?"

Hindi pa rin kumilos yung pusa.

"H-Harold?" I whispered at naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. "Harold, ming ming ming."

Hindi pa rin ako pinansin nung pusa. Napatakip ako ng mukha because I feel stupid.

"Magugutom ka diyan sige ka!" sabi ko. "Labas na kasi Sebbie!"

Nakita kong umangat yung ulo niya and she meet my gaze.

"Sebbie?" tawag ko ulit at nakatingin na siya diretso sa akin.

Napaayos ako ng pwesto. Bahagya kong inusog yung bowl ng pagkain sa kanya.

"Sebbie, ming ming ming," tawag ko rito.

At first, hesitant siya lumabas. Pero unti unti rin siyang lumapit doon sa may bowl ng pagkain at nagsimulang kumain.

Napabuntong hininga ako at umiling iling.

"So agree ka kay Seb na Sebbie dapat ang name mo?" tanong ko sa pusang busy kumain at hindi na ulit ako pinapansin.

Napangiti ako and I scratch the back of her ears.

Naalala ko dati, my mom rescued a puppy when I was a kid. Nasa Baguio kami dati for a vacation, tapos doon sa house na ni-rent namin, may punta nang punta na stray puppy. He's skinny with no collar at mukhang palaboy laboy na sa daan. Since my mom loves animals so much and I easily bonded with the dog, we decided na kupkupin na lang yung puppy.

We named him Pebbles.

Well, that's not the first time I saw my mom rescue an animal. May isang beses may inuwi siyang ibon sa bahay, injured ang pakpak. She treated the bird at nung okay na ito, pinakawalan na niya. May pusang buntis din siya na inuwi dati at inayusan talaga niya ng lugar where the cat can give birth safely. After that, my mom's brother who happens to love cats adopted the mother cat and all her babies.

Ilang beses pang nangyari yun at naalala ko rin kung paanong napapailing na lang si daddy everytime naguuwi ng animals si mommy, pero hindi rin naman niya kinokontra. He just let mom do her thing. May times nga na tinutulungan pa siya ni daddy. Naalala ko na kami ang taga bili sa grocery ng dog food or cat food o kung ano man ang na rescue ni mommy.

Growing up, I've learned to love animals as well because of my mom. She used to be a vet. I remember how amused I am kada nag kukwento si mommy ng mga experiences niya noon sa pag aalaga ng animals, kaso nung pinanganak nga ako, she decided na maging house wife na lang to take care of me.

Alam ko na pangarap din ni mommy dati na mag tayo ng isang veterinary clinic, but she gave that up because of me.

Makes me wonder kung pinagsisihan niya kaya?

~*~

I woke up extra early the next morning to feed Sebbie. I'm praying to god na hindi siya marinig ng daddy ko. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya kung bakit may pusa ako sa kwarto, let alone, hindi ko alam if papayagan niya ako to keep Sebbie. I know my dad loves animals too, but eversince mom left us, never na kaming nag alaga ng pet. Alam ko kasing maalala lang ni dad si mommy at malulungkot lang siya lalo.

It will only deepen his wounds at ayokong mangyari yun. Kasi ma g-guilty ako.

Because everything is my fault.

Naunang mag breakfast si daddy habang ako naman, dinala ko na rin ang pagkain ko sa kwarto ko. Hindi naman niya ako hinanap o tinawag. Sanay na kaming hindi nag sasabay kumain, at mas okay na rin to to make things less awkward between the two of us.

Past seven, nakita kong umalis na si daddy. Iniwanan ko lang ulit ng pagkain yung bowl ni Sebbie para hindi siya magutom pag alis ko then pumasok na ako sa school.

Thirty minutes before the alarm ring, dumating na ako sa school. Nung papasok ako sa gate, I saw a tall guy walking in front of me. Likod pa lang kilala ko na 'to. Yung way ng paglalakad niya na parang kinakaladkad niya ang paa niya. Yung lumang bag na nakasabit lang sa kaliwang balikat niya. Hindi naka tuck in na uniform na parang hinahabol ng plantsa. Nag i-inat inat pa siya.

Si Seb.

I slowed down my phase and I contemplate wether I should greet him or not. Pero para bang may mata siya sa likod kasi bago pa ako makapag decide, lumingon na siya sa akin at nakita niya ako.

"Hi Iris!" bati niya sa akin habang nakaharap siya sa akin at naglalakad ng patalikod.

Nagulat ako nang makita kong may sugat sa lower lip niya then I suddenly remember yung mga maangas na lalaking sinamahan niya kahapon.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa kanya.

"Good morning din," sagot niya sa akin habang nakangiti pa rin.

"Ba't may sugat ka diyan?" sabi ko sabay turo ng lower lip niya.

Huminto siya sa pag lalakad kaya naman napahinto rin ako. Bahagya siyang lumapit sa akin at sinilip ang mukha ko nang may mapang asar na ngiti.

"Teka, concern ka ba sa'kin?" tanong niya habang nagtataas-baba ang kilay niya.

I just look at him with my resting bitch face.

"Curious lang," sagot ko.

Mas napangiti siya nang malawak.

"Okay, sabi mo eh."

Inirapan ko siya.

Kaya nakakainis mag tanong dito eh kasi puro kagaguhan sinasagot?

Sinabayan ako ni Seb mag lakad papunta sa classroom. Pa sipol sipol pa siya. Pero hindi niya sinagot yung tanong ko. Nakakainis. Kahit pagpapalusot kung bakit may sugat siya sa labi, wala siyang sinasabi. Gusto ko ulit siya tanungin, pero alam kong mag f-feeling na naman yan so I didn't.

Pero ano kaya nangyari rito? Napaaway ba siya kahapon? Sino yung mga lalaking maangas na nakasalubong namin?

Why does he looked scared when we saw them?

"Aba hindi ka late ngayon ha?" dinig kong boses from our behind and I suddenly froze.

Boses pa lang naririnig ko, parang gusto na agad kumawala ng puso ko sa dibdib ko.

Nakita kong napalingon si Seb doon sa nagsalita.

"Gagu 'di naman ako madalas na l-late!" sagot ni Seb dito then napabalik ang tingin niya sa akin. "Ms. Prez si Harold oh."

Napahinga ako nang malalim. Alam kong ilang beses ko nang sinabi 'to, pero gusto ko talagang sapakin si Seb. Bakit kailangan pa niya i-point out na nasa likod ko si Harold? At bakit sila nag uusap dalawa na parang walang nangyari? Di ba nung weekend lang nag-away sila?

Naramdaman kong ipinatong ni Harold ang kamay niya sa balikat ko and a sudden volt of electricity rushes through my veins.

"Good morning," bati nito sa akin.

Nilingon ko siya. He's smiling at me. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang titigan ang mukha niya nang matagal at ganitong kalapit. Parang pakiramdam ko kasi mag hihiwalay ang kaluluwa at katawan ko.

"Morning," halos pabulong kong bati sa kanya at ibinalik ko ang tingin ko sa sahig.

"Anyway I'll go ahead," dinig kong paalam nito kay Seb. "See you around guys!"

Pagkatapos noon ay tumakbo na palayo si Harold sa amin. Bahagya akong nakahinga nang maluwag.

Darating pa kaya ang araw na maayos kong makakausap si Harold? Yung tipong 'di parang lalabas ang puso ko sa kaba?

Napalingon ako kay Seb and he's giving me a look na para bang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko.

Kinunutan ko siya ng noo.

"Problema mo?" tanong ko rito.

Napailing si Seb, "alam ko kahit 'di ka mag salita, pag kaharap mo si Harold, halatang halata sa itsura mo na gusto mo siya."

Nagulat at kinabahan ako sa sinabi ni Seb.

"Talaga? Obvious ba masyado?"

Tumango ito, "oo. Parang may nakapaskil sa noo mo na 'I love you Harold. Pa kiss nga.'"

Hinampas ko siya sa braso, "seryoso kasi!"

He chuckled, "seryoso nga. Kulang na lang maging hugis puso yang mata mo. Kung umamin ka na lang kaya sa kanya?"

"G-gago!" I stuttered at nag madali ako sa pag la-lakad, leaving Seb behind me.

Ayoko ngang malaman ni Harold na gusto ko siya, aamin pa ako? Not in a million years.

May mga sekreto talaga na dapat dinadala ko na lang hanggang hukay.

~*~

"I baked you guys cookies!" dinig kong sabi ni Mona right after the lunch break bell rings.

Napalingon ako kay Mona at nakita kong namimigay siya ng cookies sa mga kaklase namin.

"Uy penge kami!" dinig kong sabi nung isa naming kaklase then lahat sila nag puntahan sa harapan ni Mona.

I heard Mona giggled.

"Guys pila kayo. Lahat kayo mabibigyan!" she told them.

"Uy pila raw, pila raw!" sabi nung isa at nakita kong nag form sila ng maayos na pila sa harapan ni Mona.

Everyone's smiling at her at masaya nilang kinukuha yung cookies. The guys around her looks like a love struck puppy---even Glen na naki pila rin ng maayos. Parang hindi siya yung Glen na inaway away ako dahil cinonfiscate ko ang phone niya. He's looking at her with kind eyes.

Napaiwas ako nang tingin sa kanila kasi parang may tumutusok sa dibdib ko habang pinapanood ko sila.

One simple word from Mona, pumila agad sila. Pero bakit pag ako ang nag sabi, hirap na hirap sila sumunod?

Napahinga ako nang malalim. Nagawa ko na yung dati na iwasan ang mga unnecessary emotions. Pero lately pansin ko, sobrang uncontrollable ng mga nararamdaman ko.

Parang ngayon.

I know it's wrong in so manly level na mainggit, pero naiinggit ako kay Mona. She already got my classmates respect samantalang bago pa lang siya sa klase.

While me...

Maybe it's my fault? Maybe because I'm detached to them? Maybe because I'm not a warm person like Mona?

Ewan.

Pero nakakainggit.

"Gusto mo?" dinig kong sabi ni Seb na naglalakad palapit sa akin. Nang makarating siya sa harap ko, hinila niya yung isang upuan at naupo siya sa desk nun. Inalok niya yung bag ng cookies sa harap ko. Yung pinapamigay ni Mona.

I try my best not to roll my eyes.

"Naka hingi ka agad ah?" sabi ko.

"Binigay niya sa akin kanina pa pag pasok," sabi naman ni Seb.

So siya ang unang binigyan ni Mona ng cookies.

Bakit? Gusto ba siya ni Mona? Eh si Harold kaya?

"Gusto mo?" alok ulit niya.

"No thanks," sagot ko naman habang nilalabas ko ang baunan ko.

"Masarap," sabi ni Seb as he chews on the cookie. "Pwede na mag asawa."

Hindi ko alam ba't bigla akong nainis at hindi ko napigilan mapasimangot.

Paki ko kung masarap? Tinatanong ko ba? Edi may talent din siya sa pag b-bake. Ayos.

Tumayo ako at kinuha ko yung baunan ko, pagkatapos ay tinalikuran ko si Seb.

"Saan ka pupunta?" tanong nito sa'kin.

"Kakain malamang," inis kong sabi.

"Ba't ang sungit mo?" tanong ulit nito.

Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil sa totoo lang, hindi ko rin alam ang ikinaiinit ng ulo ko.

"Inaasar mo na naman si Miss Prez 'no!" dinig kong sabi ni Chichi at humawak ito sa braso ko.

I admit, dati I feel uncomfortable everytime Chichi do this to me, pero ngayon, wala na lang sa akin na hmahawak siya sa braso ko.

"Oy wala akong ginagawa ah!" depensa naman ni Seb sa sarili niya.

"Tse," sabi ni Chichi at hinarap ako. "Tara kain tayo? Hindi ko mahanap si LJ eh. Sabi mag restroom lang siya tapos bigla nawala."

Tumango ako kay Chichi at sabay kami nag lakad palabas ng classroom papunta sa cafeteria. Napatingin ako sa dala ni Chichi at yung wallet lang niya ang hawak niya. Mukhang hindi rin siya kumuha nung cookies na pinapamigay ni Mona.

I don't know why I feel glad about it?

"Hala si Miss Rodrigo!" sabi ni Chichi habang pababa kami. Nakita ko naman si Miss Rodrigo, yung head ng dance team, na paakyat. "Na late ako kanina sa practice, napagalitan ako niyan. Ayoko siya makita," sabi naman ni Chichi habang nagtatago sa likod ko. "Sa fire exit na tayo dumaan."

Lumiko kami sa fire exit ni Chichi.

"Nasaan kaya si LJ?" tanong ni Chichi habang binubuksan niya yung door ng fire exit. "Hindi siya nag re-reply. Nilamon na kaya yun ng toilet?"

Biglang napahinto si Chichi kaya naman muntik na akong bumangga sa likod niya.

Napatingin ako sa harap namin and I saw LJ na nakupo sa stairs ng fire exit—but she's not alone. She's with Jen. Nakapatong ang ulo ni Jen sa balikat ni LJ habang magkahawak ang kamay nila.

"I love you," dinig kong bulong ni LJ dito.

Napatingin ako kay Chichi and I saw she's looking at them in confusion.

Bigla akong kinabahan para kay LJ.

Oh shit.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top