Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Seven
"I love you," LJ said to Jen with so much admiration.
Although that's sweet at hindi ko alam na vocal palang tao si LJ pag dating sa ganyan, I just wish someone will get me out of this situation dahil dama ko ang awkwardness habang nakatingin si Chichi kina LJ.
Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang lalabas sa dibdib ko. Pakiramdam ko ako yung nahuli, eh.
"Nandito ka pala LJ," sabi ni Chichi. Her voice is so cold and I never heard her speak like that.
Napatayo naman sa gulat si LJ at napatingin sa amin. She looks so shocked. Yung itsura niya parang nag hiwalay ang kaluluwa at katawan niya.
"Chi.. Ms. Pre..." sabi niya at gusto ko na lang mapailing dahil di niya magawang kumpletuhin ang mga pangalan namin na akala mo eh na-paralyze siya.
Napatingin ako kay Jen. She looks so worried at bakas sa mukha niya ang kaba.
"Ayan ba yung play na gagawin nung kabilang section?" tanong ko all of the sudden. Buti na lang naalala ko yung narinig ko sa faculty nung dumaan ako doon para ibigay assignments namin. May project yung kabilang section na stage play.
"Ha?" nagtatakang tanong ni LJ and I swear, gusto ko na lang mapa facepalm kasi tinutulungan ko na siya lumusot, pero ang slow pa niya.
"Ah!" sabi ni LJ after a few seconds ng pag l-loading niya. "Oo! Tinutulungan ko 'tong si Jen mag practice."
Tumango naman si Jen and the way she nods eagerly, sobrang obvious na both of them are telling a lie.
Every one of us looks at Chichi. We're all waiting for her reaction.
Then suddenly, bigla siyang ngumiti.
"Kinabahan ako akala ko nag p-practice ka na ng mga lines pang confess sa crush mo! Magtatampo pa naman ako pag di mo sinabi sa akin na may crush ka na!" sabi ni Chichi, suddenly pouting.
Napansin kong napahinga nang maluwag si LJ at napangiti.
"Sus, oo ikaw unang makaka-alam," LJ told her.
Napatingin na lang ako sa sahig.
Well, that's a big fat lie and why do I feel like, time will come, pag aawayan nila 'to?
Wag naman sana.
~*~
"Ano 'to?" tanong ko kay LJ nang abutan niya ako ng cheesesticks at gulaman habang nandito ako ngayon sa may veranda ng second floor ng school building namin.
Dismissal, pero hindi pa ako pwedeng umuwi dahil nakabantay ako kay Glen at Seb na kasalukuyang nag lilinis ngayong ng hallway.
"Pa-thank you sa pag salo sa'kin kanina," sabi ni LJ. "Muntik na talaga ako doon."
Kinuha ko yung cheese stick na bigay ni LJ at inalok ko siya. Naki kuha rin siya doon at pareho kaming kumain.
Napatingin ako kina Seb at Glen. Pareho silang may hawak na walis at pang dampot. Nakita kong inapakan ni Seb yung winawalis ni Glen kaya naman tinignan siya nito nang masama. Nag peace sign lang si Seb sa kanya.
Sa kakaganyan nila, tignan ko lang kung matapos nang maaga yang dalawang yan.
"Buti naisipan mong banggitin yung play!" sabi ni LJ. "'Di ko talaga alam gagawin ko kung mabuko ako."
Alam kong ipinangako ko sa sarili ko na to stay away from other people's business, pero hindi talaga matahimik ang isip ko that's why before I can even stop myself, I've blurted out the question I've been meaning to ask.
"Bakit ayaw mong sabihin kay Chichi? 'Di ba best friend mo siya?"
Awkward silence.
I feel like LJ was taken aback by my question. I'm already regretting I asked kasi sa totoo lang, hindi ako magaling humandle ng awkward situation.
"Ewan. 'Di pa ako ready. Katakot, eh," LJ said after awhile.
"Tingin mo 'di ka tatanggapin ni Chichi?" tanong ko ulit sa kanya.
Nagkibit balikat si LJ, "hindi ko alam. Natatakot lang ako kasi ang tagal ko nang kaibigan 'yan si Chichi. Parang kapatid ko na 'yan, eh. Kung iisipin nga mas inaalagaan pa 'ko niyan higit pa sa panganay namin na busy sa trabaho. Natatakot lang ako na baka pag sinabi ko sa kanya, ma-ilang siya sa akin. Tsaka ang tagal ko nang tinago, hindi ko alam kung paano ko uumpisahan sabihin."
Tumango ako sa sinabi niya to let her know na I understand what she's trying to say.
"So, anong plano mo?" tanong ko ulit. "With Jen, I mean."
"Sa ngayon naman 'di pa rin siya ready na ipaalam sa mundo 'yung sa amin. Okay na muna 'tong ganito, tago tago. Tsaka ko na lang iisipin kung ano ang dapat gawin pag nandiyan na, ang mahalaga ngayon yung kami."
Napatingin ako kay LJ and there's a genuine smile on her face.
"Masaya ka," I blurted out.
Napatingin din siya sa akin at mas lumaki ang ngiti sa mukha niya.
"Sobra," sagot nito.
Then napatingin siya sa outside court ng school namin na tanaw mula rito sa veranda na pinupwestuhan namin.
From there, kitang kita namin yung basketball team na nag p-practice.
"Kaya ikaw Prez, kilos na rin. Baka maagaw sa'yo yung gusto mo," sabi niya sa akin.
Napatingin ako kay Harold. Nakita kong tumatakbo siya palabas ng court habang sumesenyas ng time out.
There's a passionate smile on his face na madalas kong nakikita tuwing naglalaro siya. Yung ngiti na pag nakikita ko, gusto kong matunaw, at the same time, there's an undeniable pain stabbing in my chest. Alam niyo yung sinasabi nila na you like someone so much, it hurts? Ganoon ang nararamdaman ko. May times na gusto kong maiyak pag na-r-realize ko how much I like Harold and how much I want to be the reason why he smiles like that, pero, news flash, that will never happen.
Nakita kong pumunta sa bleachers si Harold at nagulat ako when I saw Mona waiting for him there. May dala itong isang tumbler at inabot niya kay Harold.
Harold took it and mouthed the word 'thanks' sabay inom doon sa tumbler na inabot ni Mona.
I felt a stabbing pain in my chest and a huge lump on my throat at parang na drain lahat ng katiting na saya na naramdaman ko and... I don't want to look at them anymore. But I can't help it. My eyes are glued at them habang nakangiti sila sa isa't isa. They look happy. Tapos bagay sila. Sila na ba?
"Sila na ba?" dinig kong tanong ni LJ sa tabi ko na para bang nabasa niya yung nasa isip ko.
Napatakip siya ng bibig siguro nung makita niya ang expression ko. Well, ano bang expression ko? I tried to keep my face as straight as possible.
LJ let out an awkward laugh, "friendly lang talaga si Mona 'no? Pwede na siya award-an ng Ms. Congeniality." Tinapik ako sa braso ni LJ as if comforting me, "wag mo pansinin, wala lang yan."
She said it in a way na parang siya rin hindi sigurado kung pinaniniwalaan niya ang sinasabi niya o hindi.
Although I appreciate the comfort. I really do.
Iniwas ko na ang tingin ko kay Harold at Mona at ibinaling ko kay LJ. I tap her shoulder too.
"Thanks. Puntahan ko muna si Glen at Seb, baka kung ano na yung ginagawa nung dalawa."
"Uy, basta kung kailangan mo ng tulong, willing to help," sabi naman nito.
Napailing ako, "wala naman pagasa," I whispered.
At alam kong kokontra siya, kaya naman tumalikod na ako at nag lakad palayo bago pa ako ma tempt na magpatulong sa kanya.
~*~
"Kumusta pala si Seb Jr.?" tanong ni Seb sa akin habang itinatago niya yung broom at dustpan sa utility cabinet. Si Glen naman nasa kabilang side at itinatago yung mop at mga basahan.
Mabuti na lang talaga natapos on time ang dalawang 'to kahit na halos mag sapakan na sila.
Well, actually it was just Glen who wants to punch Seb. Can't blame him. Walang ibang ginawa si Seb kundi yamutin si Glen na kahit ako rin nagsisimula nang mayamot sa kanya.
And now he's asking about Sebbie.
"Ayos lang," matipid kong sagot sa kanya. "Atsaka wag mo siyang tawagin na ganyan. Hindi ayan ang pangalan niya."
"Ano pinangalan mo?"
Natahimik ako saglit.
"S... Shine."
"Shine?" natatawa tawang tanong ni Seb.
Of course, not in a million years would I admit to Seb na pinangalanan kong Sebbie ang pusa ko. Dadalhin ko yun sa hukay kasama ng feelings ko for Harold.
"Mas cute pa rin ang Sebbie," nakangisi niyang sabi.
Umirap ako, "bilisan mo na lang. Gusto ko nang umuwi."
"Chill," sabi nito. "Pansin ko kanina pa mainit ulo mo. Yung kilay mo halos magsalubong na. May nangyari ba?"
Natahimik ako dahil bigla na naman nag flash sa isip ko yung itsura ni Mona at Harold habang nakangiti sila sa isa't isa. And I felt that pain again, like someone's squeezing my heart and punches me in the gut.
"Tagal pa kayo?" dinig kong tanong ni Glen before I could even think of an answer sa tanong ni Seb.
As much as I dislike the dude, I'm quite thankful na ngayon siya umepal.
Ewan, for some reason, feeling ko kahit sabihin ko kay Seb na okay lang ako, he can see right through me. Yung para bang nababasa niya ang tumatakbo sa isip ko at nararamdaman niya pag hindi ako okay.
At sa totoo lang, 'di pa ako ready pagusapan ang feelings ko.
"Eto na patapos na," sabi ko at tinulungan ko na si Seb sa pag aayos ng utility cabinet para mas mapabilis kami.
After that, sabay sabay na namin kinuha ang mga bag namin at nag report kami sa guidance office bago umuwi.
Nauna si Glen umalis. Ni wala nang paa-paalam sa amin ni Seb.
"Una na rin ako," sabi ni Seb nung makalabas kami at tinuturo niya yung other side ng daan taliwas sa dinaraanan ng bus na sinasakyan namin.
"Saan ka pupunta?" tanong ko dito. Nagtaka lang kasi ako dahil sa ibang way siya pupunta.
Nginitian ako ni Seb, "may date ako."
Sinimangutan ko siya dahil alam kong nagbibiro na naman siya. Tinawanan lang niya ako without answering kung saan siya talaga papunta.
"Bye Iris, kitakits bukas," sabi nito as he waves his hand at naglakad na siya sa other side na direction.
Napabuntong hininga ako. There is still so much about Seb that I don't know.
Huminto yung bus na sinasakyan ko sa tapat ko at sumakay na ako doon. Glad I saw an empty seat beside the window kaya agad akong umupo doon.
Nagsimula nang umandar ang bus. Ako naman napatitig sa labas ng bintana. Nakita ko na naglalabasan na rin yung basketball team. Mukhang tapos na yung practice nila. My eyes immediately looks for Harold pero hindi ko siya nakita.
Baka kasama ni Mona.
Napa buntong hininga ako.
Wala akong karapatan mag selos, I know that. Alam ko rin na wala akong chance kay Harold, not in a million years. Kasi paano nga ba kung ako mismo ayaw kong umamin sa kanya?
If may something na sa kanila ni Mona, I should be happy right? Ang ganda ni Mona. Mabait, friendly, gusto ng lahat, marunong pa mag bake. I should be happy na sa ganitong klaseng babae mapupunta si Harold kasi he deserves the best.
Pero bakit hindi ko maiwasan mainggit at mag selos?
Napahinga ako nang malalim as I was trying to hold back my tears. I should not cry. I should hold it in hanggang sa makauwi ako kasi nakakahiya naman kung sa bus ako iiyak 'di ba? Wala ako sa kdrama para gawin 'yon.
Napalingon ako sa empty seat beside me at doon ko lang napansin na may naka occupy na doon.
And I was greeted by a pair of beautiful eyes, staring at me followed by a heart-melting smile.
I yelp dahil sa gulat at parang gusto ko biglang lumubog sa kinauupuan ko.
Because Harold is sitting beside me.
Kanina pa ba siya diyan?!
"Hi," bati nito sa akin. "Parang ang lalim ng iniisp mo ah?"
"K-kanina ka pa diyan?"
Tumango siya, "magkasunod lang tayong pumasok."
Oh my god. Shit. So nakita niya ba yung pag e-emote ko?
I felt my face heating up.
"By the way, may gagawin ka ba?" tanong niya.
"B-bakit?"
He gave me another smile. This time mas malawak. This time para akong binaril ng isang daang bala sa puso.
I am seriously about to melt.
"Pwede ko bang mahiram ang oras mo?"
To be continued...
#MoonChildWP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top