Chapter Twenty Nine


Chapter Twenty Nine


"Sebbie, ayokong pumasok bukas," sabi ko doon sa pusang busy kumain ng cat food sa ilalim ng desk ko.

She continued to ignore me, of course. Masyadong naka tuon ang atensyon niya sa pagkain kesa sa amo niyang halos lumubog na sa kahihiyan sa tabi niya.

Paulit ulit nag re-replay sa utak ko yung nangyari kanina sa mall.

Hindi ko inexpect na ganun ako ka awkward pag kasama ko si Harold to the point na akala niya uncomfortable ako kasama siya.

Akala ko magaling akong mag tago ng emosyon, pero napansin din pala ni Harold 'yun?

And how am I supposed to explain to him na hindi ako uncomfortable. I'm actually very happy pag kasama ko siya. It's just that, sobrang overflowing nung saya, ni hindi ko magawang makatingin sa kanya ng diretso kasi pakiramdam ko sasabog ako?

Hindi ko na nabalikan kanina si Harold. Nung nag walk out ako, alam kong 'di ko na kaya magpakita sa kanya kaya nag text na lang ako na I need to go home dahil may emergency sa bahay.

And now hindi ko alam kung paano haharap sa kanya bukas. Masyadong obvious na umiwas ako at malamang ngayon iniisip niya na ayaw ko sa kanya. Baka ma awkwardan na rin siya sa akin.

That thought makes me want to cry.

And then there's Seb...

Napahinga ako nang malalim kaya naman napatingin sa akin si Sebbie in confusion, pero ibinalik niya ulit ang atensyon niya sa pagkain niya.

Totoo ngang may ka date ang gago. I thought he's just lying. Hindi ko nakita yung mukha ng girl, but judging kung paano siya nakipag holding hands dito... like fingers intertwined? I doubt na kaibigan o kapatid niya lang nito.

I-ho-holding hands mo ba ang kapatid mo ng ganun? O ang kaibigan mo? No.

So may girlfriend si Seb? O nasa ligawan stage pa lang sila? Pero nag h-holding hands na ba ang nasa ligawan stage pa lang? Siguro naman 'no? Kung 'di sila conservative, then it's possible.

Makes me wonder kung gaano na katagal 'to. Lately lang ba? Or matagal na? Pero imposibleng matagal na kasi madalas kong nakakasabay si Seb umuwi. So baka ngayon ngayon lang? And saan niya nakilala yung babae?

Hindi ko alam kung bakit sobrang curious ako. I want to know. I badly want to know. That guy's full of secret at hindi ko maiwasan na maintriga sa kanya.

Isa pa, if Seb's already in a relationship o may nililigawan na siyang ibang babae, ibig sabihin ba nun wala na siyang feelings kay Mona?

O baka panakip butas lang yung girl na 'yun kasi ang gusto ni Mona ay si Harold?

Wait.

Gusto ni Mona si Harold?

Napahiga ako sa sahig and I saw my cat looking at me weirdly.

Dati ang pinoproblema ko lang ay kung lalabas sa quiz yung mga nireview ko. I can't believe na wala nang ibang laman ang isip ko ngayon kundi ang love life ng ibang tao.

What the hell is happening to me.

~*~

"Problema mo?" tanong sa akin ni Seb habang sabay kaming nag lalakad papasok sa loob ng classroom.

Hindi ko kasi maiwasan mapatingin sa kanya at i-observe ang galaw niya.

Well, he looks normal. Ganun pa rin ang itsura niya. Magulo buhok, lukot ang uniform, parang bagong gising lang, hihikab hikab tapos may nakapasak na headset sa tenga. Parang wala sa sarili.

He doesn't look in love.

"Bakit mo 'ko tinitignan na parang hinuhusgahan moa ng pagkatao ko?" tanong niya ulit habang tinatanggal niya ang headset na nakapasak sa tenga niya.

"Hindi kita tinitignan," depensa ko. And yeah, that's sound stupid kasi nakatingin ako sa kanya ngayon.

"Eh ano yang ginagawa mo?" turo niya sa mukha ko. Lumingon siya sa gilid niya at tinignan ulit ako with mock scare look on his face. "Wag mong sabihin na may nakikita ka na hindi ko nakikita?"

Umirap ako at tumingin na lang sa harap. I heard him chuckled.

"Siguro kung binibigyan ako ng pera everytime na iirapan mo 'ko, baka mayaman na ako ngayon."

Sumimangot ako sa sinabi niya at hinarap ko ulit siya.

"Seb—" I called him, which caught him off guard kasi bigla rin akong humarang sa daraanan niya.

Huminga ako nang malalim. Gusto kong itanong sino yung babaeng kasama niya at ano ang relationship nila but that'll be too weird. So I stop myself.

"Wala!" inis kong sabi at binilisan kong maglakad, leaving him there, confused.

I half run, half walk going to the classroom. I want to keep as much distance from Seb dahil, ewan? Naiinis ako! Kung bakit, hindi ko rin alam! I just feel frustrated dahil may gusto akong itanong sa kanya pero hindi ko makuhang itanong sa kanya at feeling ko ang unfair na hindi siya nag kukwento sa akin about himself pero ang dami ko na na-open up na bagay sa kanya, I even cried in front of him, pero bakit siya? Alam ko naman na it's his choice kung ikukwento niya 'yun sa akin o hindi, and I am really being petty right now. Pero naiinis pa rin ako.

I am so petty I hate myself.

"Aray ko!" I screamed as I bumped on someone dahil sa pagmamadali ko.

"Hey! You okay?"

Naramdaman kong may mga kamay na humawak sa balikat ko para alalayan akong tumayo. Napatingin ako sa kanya para mag pasalamat, but when I saw it's Harold who's helping me, agad akong napalayo sa kanya dahil sa gulat kaya napabitaw siya sa akin, at tuluyan akong sumubsob sa sahig.

"Miss Pres?" tanong nito at akma niya ulit akong tutulungan tumayo pero hinarap ko ang palad ko sa kanya as if signaling him not to touch me.

"N-no!" sabi ko sa kanya, kaya napahinto siya. I can clearly see he was taken a back, and maybe a hint of offended look. Parang lumubog ang puso ko. Parang ibinaon ko ang sarili ko sa hukay na ako mismo ang gumawa.

"Huy, ayos ka lang?"

Nakita kong papalapit si LJ sa akin, at parang nakahinga ako nang malalim nung alalayan niya akong tumayo doon.

"Uy need ko si Miss Pres," sabi ni LJ kay Harold, habang ako naman, nakaiwas ang tingin. Ni hindi ko alam ang expression ng mukha niya ngayon. Gusto ko na lang mag laho.

"Go ahead," dinig kong sabi niya. "I hope you're okay, Iris," sabi nito sa akin and my heart skipped a beat when he mentioned my name. Pero nangibabaw pa rin ang kahihiyan ko ko sa nangyari kaya naman tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya.

~*~

"Pwede ba akong magpaka honest sa'yo?" sabi ni LJ habang nag hihilamos ako sa sing ng girl's restroom kung saan niya ako hinatak.

Umiling ako, "bawal."

She shrugged, "magpapaka honest pa rin ako. Mukha kang tanga kanina," sabi nito.

Napa hinga ako nang malalim. Wala na. Sirang sira na ang image ko kay Harold.

"Tinanong niya ako kahapon," sabi ko kay LJ. "Tinanong niya kung uncomfortable daw ba ako sa kanya."

I heard her scoff. "Manhid din ang gago. Uncomfortable niya mukha niya. Halatang halata na gusto mo siya, eh."

Agad akong napatingin kay LJ, "halata talaga?"

"Oo. Halata namin, si Harold lang ang hindi. Nangangamatis yung mukha mo pag lumalapit siya, eh."

Napahawak ako sa mukha ko at pakiramdam ko bigla itong nag init. "Totoo ba? Halatang halata talaga? Kahit si Chichi?"

"Well, wala naman sinasabi si Chichi. But knowing her, halata rin nun. Buti na lang manhid at kalahati yang crush mo. Pero ano plano mo ngayon? Iiwasan na lang siya?"

Napabuntong hininga ulit ako, "hindi ko alam."

"Kausapin mo kaya," suggestion niya.

"Ano sasabihin ko?"

"Umamin ka sa kanya."

Umiling ako, "not gonna happen."

"Bakit naman?"

"Hindi naman niya ako gusto."

"And how sure are you?"

"I just know," sagot ko.

She sighs in frustration, "alam mo, hindi ka pa rin makakasigurado kung hindi mo it-try. Ako nga eh, nung time na umamin ako kay Jen na gusto ko siya, sigurado akong basted ako kasi akala ko nun, lalake ang gusto niya. But it turns out, she likes me too. Plotwist 'di ba? Pero ikaw, kesa naman lagi mo siyang iwasan ngayon, at least tell him what you feel. Kung gusto ka niya, edi happy. Kung hindi, edi move on."

Napaisip ako sa sinabi ni LJ. Sa totoo lang she made it sound so simple. Kahit sabihin kong hindi ako umaasa na may gusto sa akin si Harold, there is still this flicker of hope na baka mali ako. Baka meron naman talaga. Kung iisipin how he treated me, yung pagbibigay niya sa akin ng chocolate pag lunch break, at pag aabot niya ng tubig sa akin nung wala akong mainom. His genuine smile everytime he sees me.

Ganyan din ba siya sa iba? I don't know.

Pero baka nga...

Lumabas na kami ni LJ ng restroom, at pareho kaming nagulat when we saw Harold waiting for us.

For a moment, biglang nanlamig ang buong katawan ko thinking if narinig ba niya ang mga pinagsasasabi namin ni LJ. Para akong pinagpawisan nang malagkit.

Hindi naman siguro? Nakasara naman ang pinto at mahina naman yung boses namin.

Oo tama. Hindi naman siguro.

Lumapit siya sa aming dalawa and he looked at me seriously. Ngayon lang niya ako tinignan nang ganyang ka seryoso at parang lalabas ang puso ko sa sobrang kaba.

"Iris, free ka mamayang lunch?" tanong niya. "Sabay tayo. I need to talk to you."

Shit narinig nga niya. Narinig niya siguro. Kasi bakit ang seryoso niya? At anong pag uusapan naming dalawa?

"See you later," sabi nito at umalis na siya.

Ni hindi ko na nagawang sumagot o makapag salita. Parang nabibingi na lang ang tenga ko sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Mukhang mapapaaga yung paguusap niyo ah?" bulong ni LJ sa akin.

I feel sick. Uwi na kaya ako?

To be continued...


A/N


I'm so sorry sa late update! Medyo may pinagdaanan lang this past few days, but expect another update this week! Labyu, mwah mwah, sorry na. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top