Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Eight
Harold Reyes.
I remember when I transferred to this school, I was a walking shell. Numb. Void of emotions. Empty.
The only thing that keeps me going back then is yung goal ko na maka graduate with honors.
I don't even know what I want to do after graduation. I don't have any course in mind. I feel like wala rin naman akong karapatan na mag isip sa kung ano ang dapat kong kuhanin. I'll just do whatever my dad tells me to do.
Kasi the last time na hindi ko siya pinakinggan, something bad happened.
Naalala ko nung panahon na 'yon, para bang nakalimutan ko nang magkaroon ng any positive emotions.
But then I saw Harold and he made me feel things na akala ko hindi ko na mararamdaman ulit.
I remember that time, we were required to stay after class para manood basketball practice game. Kalaban yung team from the other school. That's also my first day of being the class president. Medyo inis ako kasi nadagdagan ang responsibilidad ko at hindi ko naman pinlano na maging class president. But I'm also not the type of person na hi-hindi sa ganito kaya naman sinusubukan ko na lang lunukin ang responsibilidad na pinaako sa'kin.
Naalala ko non mga kaklase ko, sobrang tutok sa game. Hiyawan ang mga lalaki, samantalang busy naman kiligin ang mga girls dahil sa mga crush nila na players. Ilang beses ko rin narinig ang pangalan ni Harold non pero hindi ko pinansin. Busy ako sa maya't maya na pag tingin sa oras. Inip na inip ako, gusto ko nang umuwi non.
Naalala ko nun nakita kong naglalaro si Harold, maganda ang ngiti niya. Like he's really enjoying this kahit pa sobrang intense ng game. Hindi nagkakalayo ang scores nila nung kalaban. Madalas salitan lang ang lamang.
He's cute, I give him that. Kaya kilig na kilig noon mga kaklase ko, eh. But maybe not enough to make my heart flutter. Not enough to make me feel positive emotion.
Until last second nung game, lamang yung kalaban. Na kay Harold ang bola nun. He threw a three point shot. Pasok. Buzzer beater. They won by two points.
When he made that shot, everyone's jumping and cheering. Kita kong nag kumpulan ang mga ka teammates niya to do a group hug.
Of course, alam ko na sa kanilang lahat, he should be the happiest. He made that shot. Their team won because of him. But instead na makisaya siya sa mga team, I saw him hurriedly went to the other team. Nung una nag tataka ako, pero nakita ko na may isang player from the other team na nakaupo sa bleachers at mukhang injured ito. Nilapitan agad siya ni Harold to check if he's okay, at ito pa ang nag tawag ng medics.
A simple act of kindness that manage to caught my attention.
Ewan, pero yung gesture niya warms my heart. It felt weird kasi it's been so long since I've felt that kind of warmth.
After that day, madalas ko nang napapansin si Harold. He's quite popular among girls at pansin ko rin marami siyang kakilala sa school, pero he likes to keep his circle small. Mas madalas ko siya makita na kasama nina LJ at Chichi pag lunch. Minsan naman kasama niya si Seb.
He's cool, like really cool. I love watching him play basketball because it seems like he's the happiest pag nasa loob siya ng court. Hindi pa nakatulong na ang gwapo niya, tapos ang tangkad pa.
Pinaka plus point ay I know, Harold's genuinely kind. Minsan sobrang bait, nakakatakot baka may mag take advantage sa kanya.
Pero grabe, bago ko makilala si Harold, my life's been empty, cold and dark. Pero pag nakikita ko siya, I can see a flicker of light, I feel warm and happy.
Kahit ilang beses kong sabihin na unnecessary ang feelings na 'to, I can't deny na he's making me happy.
Pero umabot na rin sa punto na right now, he's the reason why I'm hurting.
~*~
"Pwede ko bang mahiram ang oras mo?" he asked with a smile on his face and a look na parang he's hoping I'd say yes.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at halo halo ang nararamdaman ko. My first thought is I badly want to say yes. I mean, who am I turn down this amazing guy in front of me? I can never turn him down. At the same time, iniisip ko pa lang na aalis ako kasama si Harold going to god knows where, parang di na ako makahinga? Also, this is too good to be true. May kapalit ba 'to? Like may hindi ba magandang mangyayari after nito?
"Saan?" tanong ko after a while na pagtulala at pag titig sa kanya.
"Ah, malapit na kasi birthday ni Chichi at LJ, bibili sana ako ng regalo sa kanila. Ikaw ba?"
Medyo nabigla ako sa sinabi niya, "malapit na birthday nila? Magka birthday sila?"
Then immediately, nahiya ako. Nakakahiya na di ko alam ang birthday nilang dalawa.
I got scared Harold might judge me but instead, pinaliwanag niya lang sa akin.
"Four days apart lang birthday nila. Daya nga eh, sabay celebration. Isang beses lang tuloy nanlilibre," he said jokingly followed by a chuckle.
How can someone's chuckle make me want to cry? Like it's so precious I feel soft right now, I want to cry.
"So, tara?" tanong ulit niya.
"Uhm," I hesitated. "Kailangan ko bumili ng cat food."
"Samahan kita?" he offered.
Tumango ako. Naisip ko na sige na nga, para makabili na rin ako ng regalo kina Chichi at LJ.
And also, okay lang naman 'di ba? Okay lang i-take ko ang opportunity na 'to to be with Harold.
Just this once.
"Okay, samahan din kita," sabi ko.
Nakita ko ang pag lawak ng ngiti ni Harold and again, parang gusto ko na naman maiyak.
"Great," he whispered.
~*~
"I didn't know you have a cat," Harold said as we enter the pet shop dito sa loob ng mall.
Binuksan niya yung pinto at pinauna niya akong pumasok sa loob as he held the door for me.
A simple gesture, but enough to give me butterflies in the stomach.
Minsan iniisip ko kung paano natatagalan nina Chichi na kasama si Harold without feeling anything? His simple smile already makes me feel a lot of thing. Tapos samahan pa nung mga small gestures niya.
Like kanina, nung pababa kami sa bus, pinauna niya ako mag lakad sa aisle, pero nakaharang yung braso niya sa gilid ko para walang makasanggi sa akin.
Tapos nung naglalakad kami sa bangketa papunta sa mall, agad siyang pumunta sa left side ko, yung side na kung saan may dumadaan na mga kotse, at doon siya nag lakad as if protecting me.
Small gestures. Little things. Pero grabe na agad ang tama nito sa akin.
"Anong pangalan ng pusa mo?" tanong niya sa akin habang papunta kami sa aisle ng mga cat food.
Natigilan ulit ako. Ang dami dami niyang pwedeng tanungin, bakit yung pangalan pa ng pusa ko ang naisipan niya?
Of course, like I said, not in a million years would I admit that I named my cat Sebbie.
"D-daisy," sagot ko sa kanya.
Wait, ayan ba yung name na sinabi ko kay Seb nung nag tanong siya?
Anyway, hindi naman siguro nila pag uusapan ang pusa ko, 'di ba?
"Daisy," pag uulit niya then may kinuha siyang cat collar na may nakapalawit na daisy. "Gift ko para kay Daisy kasi sinamahan mo 'ko ngayon."
And I blush.
I mean... hindi naman ako yung niregaluhan pero bakit parang natunaw ako?
~*~
After namin bumili ng cat food, nag lakad lakad kami sa mall. I feel conscious and overwhelmed. Ilang couples din ang nakasalubong namin na nag iikot sa mall. Mga magka holding hands. Mga nakasuot din ng uniform.
It makes me wonder kung kami ba, pag nakita kami ng stranger, would they think na me and Harold is...?
The thought makes my face heat up.
Napalingon ako kay Harold at sakto non ay napatingin din siya sa akin kaya nag tama ang mga mata namin. He smiled at me, napayuko ako.
Bakit ba ang galante niya sa ngiti?!
"Bilhan natin ng something pink si Chichi," dinig kong sabi nito.
"Pink?" pag uulit ko habang nakapako pa rin ang tingin ko sa sahig kasi di ko na kayang i-angat 'to. Kung mag tatama pa ulit ang mga tingin namin ni Harold, baka kung ano na ang mangyari sa puso ko.
"Favorite color niya," he said. "Tapos si LJ, pagkain? Alam ko mas na-appreciate niya ang pagkain, eh."
Tumango ako sa kanya bilang agreement.
I feel like Harold already have in mind kung ano ang gusto niyang i-regalo doon sa dalawa. Makes me wonder bakit kaya niyaya niya akong sumama sa kanya?
Wala lang? Gusto niya lang may kasama?
Bakit hindi si Mona?
Or baka naman...?
Pinigilan ko yung mga bagay na tumatakbo sa isip ko.
No. No. Nope.
Delikado mapunta sa ganoong thought. Baka mamaya umasa ako. Masama umasa. Dapat hindi ko na inaanalyze 'to, pinapakumplika ko lang ang mga bagay bagay.
Nagpasama lang siya bumili ng regalo. Ayun lang. Period. Tsaka papunta rin naman ako dito para bumili ng cat food.
Well... may bilihan ng cat food sa may labas ng subdivision namin and doon ko lang naman plano bumili, hindi sa mall.
BUT. Okay? Wala lang 'to.
"Oh!" he exclaimed. Napabalik ako sa ulirat nang maramdaman ko ang palad niya sa noo ko kaya naman biglang napaangat ang tingin ko.
Doon ko lang napansin na babangga na pala ako sa likod nung mamang nasa harap ko.
"Okay ka lang?" tanong ni Harold sa akin.
Tumango ako at napaiwas nang tingin.
"A-ayos lang."
"Iris," he called.
Napa lundag ang puso ko.
He called my name! My first name!
"Hmm?" tanong ko without looking at him kasi ewan, I feel like nakatitig siya sa akin at hindi ko kakayanin na i-meet ang tingin niya.
"Iris uy," tawag niya ulit at naramdaman ko ang mga kamay niya sa magkabilang braso ko.
Sinubukan niyang silipin ang mukha ko.
Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ang init init ng mukha ko.
"I've been meaning to ask you this kasi napapansin ko," he said.
My heart beats faster, my chest hurt, feeling ko any moment mag p-palpitate ako.
"Are you... perhaps.. uncomfortable around me?"
"No--!" I exclaimed.
Why would he think that?!
Pero kung iisipin, paano ko rin ipapaliwanag yung actions ko towards him without exposing myself?
Ganito na ba talaga ako ka obvious pag kasama ko siya? Tapos iba na pala nagiging dating sa kanya?
My face heat up at feeling ko kailangan ko huminga.
"Uhm.. restroom lang," sabi ko sa kanya, and before he could even answer, tumalikod na agad ako at naglakad palayo.
I don't even know where the restroom is. Gusto ko lang lumayo muna kasi ang init init ng mukha ko at pakiramdam ko umiikot ang paligid ko. I need to clear my mind. I have to think of an excuse para sa mga pinag gagagawa ko.
Nakakahiya. Oh my god, nakakahiya.
Harold has been nothing but kind to me, tapos yung actions ko towards him... akala niya uncomfortable ako sa kanya.
Paano kung iniisip niya na ayaw ko sa kanya kasi hindi ako ngumingiti? Halos hindi ako nag sasalita? Ni hindi ko siya tinitignan?
What if he ends up disliking me too?
No. Hindi ko kaya yun.
Napahinto ako sa paglalakad at napahinga ako nang malalim.
Okay, panicking won't do me good, so is overthinking.
Gustong gusto ko na umuwi dahil sa kahihiyan, pero that'll only make matters worse.
I have to go back and act normal.
Oo tama. Times like this I should act normal. Tapos ngiti rin kahit maliit lang.
Kaya ko 'to. Kaya ko 'to. Kaya ko 'to.
Huminga ulit ako nang malalim as I try to calm myself at naglakad ako pabalik sa kung saan ko iniwan si Harold.
Pero kung kailan naman mas kalmado na ako, atsaka may nadaana ang peripheral vision ko.
Napahinto ako. Napatingin doon sa shop na nadaanan ko.
Then ayun, I saw him.
Seb.
But he's not alone. He's with someone.
He's with a girl around our age. I'm not familiar with her and she's wearing a different school uniform than ours.
Pero mas napansin ko yung mga kamay nila.
Magkahawak. Fingers intertwined.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top