Chapter Twenty
Chapter Twenty
"Mga ilang beses mo pa ako hahatakin ngayong araw?" tanong ko kay Seb habang hila hila niya ako papunta sa hindi ko malaman kung saan.
Napunta na kami dito sa kabilang side ng Rizal Park. Tanaw ko pa rin yung National Museum of Fine Arts from here kung saan kami galing kanina, pero hindi ko na makita sina Harold.
Hinarap ko si Seb na kasalukuyang nakapamulsa habang nakayuko at may sinisipa na imaginary bato sa harapan niya.
"Ba't kayo nag away ni Harold?" tanong ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. He's looking everywhere except me.
Huminga ako nang malalim.
"Paano kung mag sumbong si Harold na sinuntok mo siya? Baka mamaya ma guidance ka pa."
Sumimangot si Seb, "hindi mag susumbong yun. Subukan lang niya."
"So bakit nga kayo nag away?" muli kong tanong sa kanya while trying my best not to raise my voice. "Dahil kay Mona?"
Umangat ang tingin niya and he look at me sharply. Medyo napatahimik ako kasi he looks really offended na parang any minute, magagalit na siya sa akin.
Did I say something wrong?!
"Wala ka na bang pake kay Harold?" tanong niya sa akin, slightly raising his voice. "Paano kung maagaw siya ni Mona?"
Hindi ako sumagot agad. Napatitig ako kay Seb. He looks so frustrated.
Napahinga ako nang malalim.
"He's not mine in the first place," halos pabulong kong sagot. My voice almost cracked.
Napayuko ako. Parang gusto kong maiyak. Buong araw gusto kong maiyak but I'm holding back my tears. Pakiramdam ko kasi if I let my self cry, mas magiging totoo ang pain na nararamdaman ko.
Pinapaulit ulit ko na lang sa isip ko na wala rin naman akong plano i-pursue si Harold. Wala naman akong plano maging kami. Masaya na ako na magustuhan siya from afar. Okay na 'yun. More than enough na nga na kinakausap niya ako eh.
Pero bakit ganun? It hurts like hell.
Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Seb palapit sa kanya and he enveloped me in his arms. It was a quick hug with a tiny pat on my head. It didn't even last two seconds. Humiwalay din siya sa akin agad at bumulong.
"Balik na tayo doon," he sounds calmer. His eyes are soft, so is his facial expression. Wala na yung frustration na pinapakita niya kanina.
Nauna siyang maglakad pabalik. Sumunod ako sa kanya.
I'm confused but I felt his sincerity. Isang mabilis na yakap and altho it did not lessen the pain, I feel somewhat comforted.
~*~
"Nag suntukan kayong dalawa?" tanong ni LJ nang makabalik kami sa grupo ni Seb. Magkahalong gulat at natatawa tawa ang itsura nito habang nakatingin kay Seb at Harold.
"Siya lang nanuntok," sabi ni Harold while pointing at Seb at natatawa tawa rin 'to.
Bumalik ang pagka simangot nang mukha ni Seb habang medyo namumula ang tenga nito as if he's embarrassed sa ginawa niya.
"Pare ko," sabi ni LJ kay Seb at inakbayan niya 'to. "Ba't mo naman sinuntok si Harold?"
"Medyo masakit ha?" sabi naman ni Harold habang hinahawakan niya ang gilid ng labi niya. Nakangiti pa rin siya as if he's amused by Seb's reaction. "May emosyon yung suntok, eh. Tumatama."
Seb gave him a sharp look. Harold just snorted.
"Sa mukha pa talaga!" sabi naman ni Chichi sabay hampas sa braso ni Seb. "Bakit ba kasi kayo nagkainitan ng ulo ha? Sa babae ba yan?"
Nawala ngiti ni Harold sa tanong ni Chichi. Napaiwas din ng tingin si Seb. There's an awkward silence that follows.
"May pinagaawayan kayong babae?" Mona asked innocently.
"Hindi ba obvious kung sinong babae?" tanong naman ni Chichi sa kanya.
Bahagya akong kinabahan sa mga susunod na sasabihin ni Chichi. Knowing her, may pagka wala pa naman preno ang bibig niya kung minsan.
Nagkatinginan kami ni LJ as if nagkakaintindihan kami sa pwedeng mangyari. Agad naman nilapitan ni LJ si Chichi at inakbayan—almost covering her mouth.
"Okay!" masiglang sabi ni LJ. "Punta tayo sa next destination! Mahaba pa ang araw! Saan na tayo sunod Miss Prez?"
Tinignan ko yung listahan ko, "doon muna tayo sa Manila Cathedral."
"Okay tara," sabi ni LJ. "Simabahan tayo baka sakaling mawala ang mga sapi natin."
~*~
The rest of the day went well. Weird lang kasi after suntukin ni Seb si Harold, hindi na masyadong dumidikit si Harold kay Mona. Sumasama na ngayon si Harold kina Chichi at LJ. Akala ko, Seb will take this chance para pormahan si Mona, pero hindi rin siya lumalapit dito. Mas dumidistansya pa nga siya kay Mona eh.
That's why I ended up being stuck with her.
"Tingin mo, sino kaya yung girl na pinag awayan ni Seb and Harold?" tanong ni Mona sa akin habang kumukuha kami ng pictures.
Hindi ko alam kung hindi ba siya aware or tinatanong lang niya yan to get a confirmation na siya ang pinagaawayan nung dalawa, but I just gave her a shrug. I have no intention of answering that. Hindi rin naman siya nag tanong ulit sa akin. Although I heard na tinanong ulit niya si Chichi tungkol doon. Pero mukhang nakausap na ni LJ si Chichi kasi ang sinabi lang nito kay Mona ay wag na nitong intindihin yung nangyari kanina.
Nung matapos kami, humiwalay na sa amin si Mona. May kikitain pa raw siyang mga kaibigan. Slightly napa thank God ako kasi ayoko na makakita ng another round of agawan between Seb and Harold kung sino ang maghahatid kay Mona pauwi.
Si LJ at Chichi naman, nagkayayaan dumiretso sa divisoria. Pinipilit pa nga nila akong sumama pero nag pass na ako. Gusto ko na talagang umuwi.
"Sabayan na kita," sabi naman ni Harold sa akin na ikinagulat ko.
"Hindi, ayos lang," sagot ko sa kanya. "Sumama ka na sa kanila."
"Kailangan ko rin dumaan sa school," sabi niya sa akin.
"Oo nga Harold! Samahan mo na 'tong si Ms. Pres sa pag uwi para naman may kasama siya!" sabi naman ni LJ in all eagerness at... gusto ko tapalan ang bibig niya. Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Meryenda muna tayo bago kayo umuwi!" yaya naman ni Chichi.
"Need na nga umuwi ni Prez at ni Harold!" sabi naman ni LJ.
"Bawi na lang ako next time, Chi," sabi naman ni Harold.
"Ayos lang 'yon!" sabat naman ni LJ. "Sige na alis na kami baka mag sara na divisoria."
"Mamaya pa naman magsasara divi—" sabi ni Chichi pero hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil hinatak na siya paalis ni LJ, leaving me and Harold alone.
He looked at me at nginitian niya ako, "tara?"
My heart almost did a somersault.
Iba pa rin talaga ang epekto niya.
I nod at him at naglakad kami papunta sa sakayan ng UV express.
Halos wala naman tao sa pila kaya nakasakay kami agad ni Harold. At kung mang aasar nga naman ang tadhana, doon pa kami napa-pwesto sa unahan tabi ng driver's seat. Medyo maliit ang pwesto. Originally, pang isahan lang talaga 'to pero ipinilit na pang dalawahan kaya naman siksikan kami ni Harold dito.
"Sorry ang laki ng sakop ko," sabi ni Harold sa akin habang todo gilid siya sa may pintuan para hindi niya ako magitgit.
"Okay lang," sabi ko naman sa kanya. "Maliit lang naman ako."
Hindi naman ako uncomfortable sa pwesto ko. Pero aaminin ko na halos sumabog ang puso ko because he is too close to me.
Magkadikit ang mga braso namin. I can feel his skin brushing through mine at pakiramdam ko umiinit ang mukha ko.
Bahagya akong napatingin sa kanya. Nakita kong hinahawakan niya ulit yung part na sinuntok ni Seb. Nakikita ko na medyo nagkapasa na siya doon. Medyo nainis tuloy ako kay Seb.
"M-masakit ba?" tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin at pakiramdam ko lumundag na naman ang puso ko dahil ang lapit ng mukha niya.
He looks so handsome. Masama talaga siya sa puso ko.
"Ah ito?" sabi niya while pointing at the bruised part. "Wala lang 'to. Don't worry."
"Ba't ka ba kasi sinuntok ni Seb?"
Napangiti siya, "hindi niya ba sinabi sa'yo ang reason?"
Umiling ako.
Napatango naman siya, "I see."
"He should apologize," sabi ko.
"No, its my fault. Inasar ko kasi siya and I guess I kinda cross the line," paliwanag ni Harold sa akin. "I don't regret telling him that though. That guy needs a wake up call."
Napatahimik ako. Sa totoo lang, curious ako sa kung ano ang sinabi ni Harold kay Seb na ikinainis ni Seb. At kung ano ang wake up call na sinasabi ni Harold. Pero ayokong masyadong mag tanong dahil baka hindi siya comfortable na ikuwento yon, at kung ano man ang nangyari, alam kong labas na ako doon.
"Nag enjoy ka ba sa pag i-ikot?" I asked him instead.
"Oo naman. Masaya. Thank you for letting me come with you," he answered with a smile.
Napayuko ako, pakiramdam ko kasi everytime na ngingiti siya, matutunaw ako.
Si Mona ba hindi natutunaw kapag nginingitian siya ni Harold?
"Buti nagkasundo kayo ni Mona," I blurted out before I could even stop myself.
Napatahimik ako. Pakiramdam ko, ako na mismo ang gumagawa ng bagay na ikakasakit ng puso ko.
Bakit ko sinabi yun? Mamaya mag open up si Harold sa akin about Mona! Kaya ko na ba i-handle yon? Paano kung bigla siyang magpatulong sa akin? Makaka hindi ba ako?
Suddenly, naalala ko yung sinabi ni Seb sa akin.
'Pag sinabi ba ni Harold na kumain ka ng pako, gagawin mo?!'
Parang mas better pa kumain ng pako kesa maging tulay.
"Okay naman si Mona," sabi ni Harold sa akin.
Napatingin ako sa kanya and I'm trying my best to read his reaction, pero blanko ang mukha niya.
"Naging close kayo ah?" tuloy na pag iintriga ko.
Gusto ko nang lagyan ng zipper ang bunganga ko.
Harold shrugged, "not really."
Bigla akong na confused sa reaction ni Harold.
Parang kanina ang sweet na nila. Tapos ngayon parang walang pake si Harold?
May nangyari ba?
Or am I just imagining things kanina na sweet sila?
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top