Chapter Twelve
Chapter Twelve
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.
Dapat ba akong matuwa sa ginawa ni Seb na sinama niya si Harold or hindi?
Last night buo na loob ko eh, okay na ako, malinaw na ang plano ko na unti-unti, I'll let go of what I feel for Harold. Nag search pa ako sa internet ng mga step to step process on how to move on. Uumpisahan ko sa pag di-distract sa sarili ko sa ibang bagay—like ngayon. Plano ko magpaka busy sa project na 'to para hindi ko na isipin si Harold 24/7.
Pero paano ko gagawin i-distract ang sarili ko kay Harold kung kasama namin siya ngayon? And he looks so handsome with his casual clothes? Tapos ang bango pa niya? Tapos kada mag smile siya parang nag i-slowmo lahat?
Napatingin ako kay Harold. May binibili siya sa sari-sari store sa may kanto ng street namin. I saw him wipe the tip of his nose using the back of his hand and my heart did a somersault.
Yun lang ang ginawa niya, pero gusto ko na agad matunaw.
Bakit ba ako ganito?!
"Ayos ba?" bulong ni Seb sa akin na kasalukuyang nakatayo sa tabi ko ngayon. "Nahulaan ko na kung bakit nagalit ka sa akin kahapon."
Nilingon ko si Seb at kinunutan nang noo. Nakangisi naman siya sa akin na may halong pangaasar.
"Dahil nga sa choco. Bigay kasi ni Harold yun. Eh meron ka pa naman collection ng mga bagay na binibigay niya sa'yo."
Tinignan ko siya nang masama.
"Pero curious lang ako," pagpapatuloy niya. "Saan mo nilalagay 'yon? Dinidisplay mo ba? May shelf ka ba para doon?" and then he snorted.
"I hate you," I said through gritted teeth.
Napahawak naman si Seb sa dibdib niya na para bang sinaksak ko siya, "aray, grabe yung I hate you, ah? Tinutulungan na nga kitang magkaroon ng moment sa crush mo---"
I hushed him, "wag ka maingay!"
"Sa crush mo," pag uulit niya na medyo malakas boses.
Pinanlisikan ko siya nang mata and I swear, gusto ko talaga siyang sapukin right then and there.
"Sinong crush?" I heard Harold's voice from behind me at halos mapatalon ako sa gulat.
Napatingin siya sa akin habang nakangiti, then kay Seb, "anong crush yan na pinaguusapan niyo, ha?"
Parang biglang umakyat ang kaba ko sa lalamunan ko at naramdaman kong nag sisimula na akong pag pawisan.
"Yung crush ni Miss Prez," sabi naman ni Seb sa kanya.
Nanlaki mata ko at mas bumilis ang tibok nang puso ko.
"Bakit, sino crush ni Miss Prez?" tanong ni Harold habang nakangiti.
"Hindi mo kilala?" sagot naman ni Seb dito.
Parang nahihilo ako. Gusto kong manapak ng isang Sebastian Madrigal.
Tinignan ako ni Sebastian. Ngiting ngiti ang gago na parang any minute ilalaglag niya na ako.
Ibinalik niya ang tingin niya kay Harold. "'Di ko rin alam sino eh," he said with a shrug.
I heard Harold chuckled at ipinatong niya ang kamay niya on top of my head, "basta miss prez, kung sino man yang crush mo at kapag pinormahan ka, pakilala mo muna sa amin ni Seb para makilatis namin."
I feel my blood rushed on my face at parang may humahalukay sa sikmura ko dahil sa sinabi ni Harold. But, on the other hand, my heart melted.
I just gave him a nod as an answer. Napabalik ang tingin ko kay Seb and he gave me a wink.
Wag ko lang malaman kung sino ang crush nitong si Seb kasi gagantihan ko talaga siya!
~*~
"Oh, ba't andito ka?" tanong ni LJ kay Harold nang makarating kami sa bahay nila para sa project meeting.
"May pa meryenda raw dito sabi ni Seb," nakatawang sagot naman ni Harold.
"Nandito siya para makikain," sabi naman ni Chichi. "Hi Seb, Madam President," nag wave sa amin si Chichi. I wave at her in return.
"May ambag naman ako," sabi ni Harold at ipinakita niya yung softdrinks na dala niya. Yung kaninang binibili niya sa sari sari store.
"Ayown ayos!" sabi ni LJ. "Soft drinks at pancit canton! Perfect pair! Kita-kits na lang sa ospital dahil sa appendicitis!"
Nagtawanan naman sila at pare-parehong dumiretso sa dining area nina LJ. Nasa likod lang ako, naka sunod sa kanila. Pansin ko, kahit si Harold, at home sa bahay nina LJ. Mukhang it's not the first time he's been here. It makes me wonder kung gaano na sila katagal magkakakilala. Kung eversince ba, magkakabarkada na talaga sila?
Gusto kong itanong. Pero wag na lang. Baka ma-attach pa 'ko.
"Kakain muna tayo Ms. Prez ha?" sabi ni Chichi sa akin.
"Oo kakain yan si Madam," sabi naman ni LJ sabay tingin sa akin, "'di ba?"
Tumango ako sa kanya.
"Ayos!" sabi ni Harold at kumuha siya ng pinggan at nag lagay ng pancit doon at pandesal. Nung una, akala ko para sa kanya yung food pero nagulat ako nang i-abot niya sa akin.
"For Miss Pres," sabi nito nang ilapag niya yung plate sa harap ko.
Napatingin ako kay Harold and I almost smile dahil sa ginawa niya. Ewan, parang nagtutumalon na naman ang puso ko.
"T-thanks.." sabi ko sa kanya.
Nagulat ako nang may bigla namang nag lapag ng soft drinks sa harap ko. Pagtingin ko, si Seb.
"Ayan para iwas bilaok," sabi nito na parang masama ang loob.
Problema nito? Ba't parang galit?
Nag start na kami mag meryenda. Nag kukuwentuhan sila and as usual, dakilang taga kinig na naman ako sa usapan nila.
"Harold naalala mo ba nung elementary tayo? Yung isang classmate natin na crush na crush ka, everyday kang binibilhan ng chocolate?" sabi ni Chichi.
"Ayos yan si Harold, eh. Siya ang nililigawan," sabi naman ni LJ at nag tawanan sila.
Ah, so magkakaklase na sila nung elementary pa lang. And elementary pa lang din, may mga nakaka crush na sa kanya. I'm not surprised though because who wouldn't like him?
Ang swerte ng babaeng magugustuhan niya.
"Oy mas grabe naman si Seb," sabi ni Harold. "Naalala niyo nung second year tayo? Tatlong babae binasted niyan."
"Ay gagu naalala ko yun," sabi ni LJ.
"Ako rin! Narinig ko pa sa CR nun umiiyak yung isang girl na binasted mo. Naawa nga ako, eh," sabi naman ni Chichi.
"Wala akong maalala," sabi ni Seb.
"Dude, you're insane. But seriously, may nagustuhan ka na ba?" tanong naman ni Harold sa kanya.
Napa-angat ako nang tingin kay Seb. Inaatay ko ang sagot niya. Gusto kong malaman kung may nagustuhan na ba siya at kung sino para naman may bala rin ako sa kanya. Hindi naman pwedeng ako lang ang laging na b-blackmail dito.
Napatingin sa direksyon ko si Seb and then our eyes meet. Bigla siyang ngumisi nang nakakaloko and he shrugged his shoulder.
"Malay," sabi nito.
"Korni mo!" sabi naman sa kanya ni LJ.
"Pero ngayon pa lang salute na ako sa babaeng magpapa fall sa'yo. Like, feeling ko may special powers siya para magawa niya yun," sabi naman ni Chichi.
Harold chuckled, "same here, same here."
"Pero ikaw naman pag usapan natin, Harold," sabi ni LJ. "Bakit ka nandito? Siguro may crush ka sa isa sa amin 'no?" diretsahang tanong ni LJ.
"Meron," diretsahang sagot naman ni Harold.
At ako'y nabulunan bigla sa kinakain kong pancit canton. Dali dali kong ininom yung soft drinks na nasa tabi ko.
"Oh dahan dahan miss prez," sabi ni Seb habang nakatingin sa akin. "Sabi sa'yo, eh, baka mabulunan ka."
~*~
I tried my best to concentrate habang nag m-meeting kami. Kahit nasa tabi ko si Harold the whole time.
Sabi ni Harold, joke lang yung may crush siya sa amin, pero bakit nag e-expect pa rin ako na hindi lang joke yun? Baka totoo?
I hate myself. Masyado akong nag a-assume sa mga bagay bagay. Dapat tigilan ko na 'to. May plano ako 'di ba? Dapat mag stick ako sa plano. Hindi ako sanay na nagugulo ang plano ko. Ayun ang pinaka hate ko sa lahat. Kaya ako mismo, dapat mahigpit ako sa sarili ko. Dapat hindi ako magpa sway sa nararamdaman ko.
Pero paano ko ba aalisin si Harold sa isip ko? Ang hirap naman.
Short meeting lang ang nangyari dahil nagkasundo agad kami sa dapat gawin. We decided to take photos sa mga famous old landmarks sa Manila para sa museum na gagawin namin. Pag uusapan na lang ulit namin kung kailan kami lilibot.
Naunang umuwi si Harold dahil may basketball practice pa raw sila. Si Chichi naman nagpaiwan kina LJ dahil mag m-movie marathon yung dalawa. They invited us to stay but I declined since may kailangan din ako gawin sa bahay.
Kaya in the end, kami ni Seb ang sabay na umuwi.
The whole ride home, malalim pa rin ang iniisip ko at sobrang lutang ako kaya hindi ako nag sasalita. Hindi rin naman ako kinikibo ni Seb at tahimik lang din siya. Hindi ko nga napansin na hindi pa siya bumababa sa jeep na sinakyan namin, eh. Nagulat na lang ako na sinabayan niya ako nang baba nung nandoon na sa tapat ni village namin.
"Oh, banda rito rin ba bahay mo?" tanong ko sa kanya.
"Hind. Hinahatid kita," sagot naman niya.
Nagtaka ako sa sinabi niya, "bakit?"
"Bakit hindi?" balik na tanong niya at nauna siyang mag lakad sa akin. "Tara na, mag gagabi na."
Bakit parang ang sungit bigla nito? Napansin ko rin yun kanina, parang bigla bigla siyang nawala sa mood? Anong problema niya?
Nauna siyang mag lakad papunta sa bahay namin. Nasa likod naman ako at nakasunod sa kanya. Tahimik pa rin siya at hindi niya ako iniimikan. Hindi ko tuloy alam kung galit ba siya sa akin? Pero hinatid niya ako. So kung galit siya, mukhang hindi naman sa akin? Baka kina Harold nung sinabing nambabasted siya ng babae?
Ay ewan! Ang dami dami ko na ngang iniisip, dadagdag pa siya!
"Dito na ko," sabi ko sa kanya nang makarating kami sa tapat ng gate namin.
Huminto sa paglalakad si Seb pero hindi niya ako nililingon.
"Uhm.. pasok na ako sa loob," sabi ko sa kanya. "Bye."
Hindi pa rin siya umimik at lumingon.
Anong problema nito?!
Tinalikuran ko na siya and I was about to open our gate nang marinig ko siyang mag salita.
"Iris, saglit."
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at bahagya niya akong hinila papalapit sa kanya.
Nag tama ang mga tingin namin, and this is the first time I've seen him this serious while looking at me.
"Iris," he breathed.
It seems like he wants to tell me something but is struggling to say it.
Inintay ko siyang magsalita, but in the end, napabuntong hininga siya at nginitian ako. Yung usual na ngiti niyang mapangasar.
May kinuha siya sa bulsa niya at iniabot sa akin.
Chocolate drink.
"Kapalit nung ininom ko. At least yan hindi mo kailangan i-display kaya pwede mong inumin," he said.
After that, umalis na siya---leaving me standing there, confused.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top