Chapter Three

Chapter Three


Lunch time. Nandito ako sa cafeteria at kumakain mag isa habang paulit ulit na nag re-replay sa utak ko ang nangyari kanina.

Alam kong matalino akong tao. Ilan na rin ang mga complicated questions sa exams ang nalusutan ko.

Pero yung nangyari kanina....

Ilang beses kong ni-replay sa utak ko 'yon. Ang dami kong naiisip na pwedeng lusot na mapapapaniwala ko si Seb. Ang pinaka maganda ay dapat sinabi kong napulot ko lang yung picture—which is totoo naman---at ibabalik ko kay Harold yun.

But I just stood there in front of him, hindi umimik, hindi nakapag salita, hindi nakapag deny. Good as confirmation na rin na pumayag ako sa deal niya.

Tinusok ko yung pritong hotdog na baon ko na may halong onting pang gigigil.

I really can't believe that guy outwitted me. At aaminin ko na medyo natatakot din ako sa mga ipapagawa niya sa akin.

Iniisip ko nga, hayaan ko na lang siya? Ibuko na niya ako kay Harold, bahala na. Wala na akong paki.

Then biglang pumasok sa isip ko ang scenario na pwedeng mangyari. Binuko ako ni Seb, then Harold stared at me with his eyes full of pity. Most likely he will say sorry because he doesn't feel the same way.

My stomach churns and I felt dizzy with the thought.

No. I can't handle that rejection. Mas okay pa na hindi na niya malaman kahit kailan. Bahala na kung alilain ako ni Sebastian. Basta hindi ko kaya.

Naramdaman kong may nag occupy ng seat in front of me kaya naman napaangat bigla ang tingin ko, and I saw the devil in front of me. His hair is messy as always, he got a sleepy eyes and a wide grin on his face. May headset na nakapasak sa tenga niya at may hawak siyang tray ng pagkain.

"Tabi ako ha?" sabi niya at ipinatong niya ang tray ng pagkain sa lamesa. Bago siya maupo, tinanggal niya yung headset sa tenga niya at isinabit ito sa leeg niya.

"Pag humindi ba ako aalis ka?" tanong ko.

His grin became wider, "hindi."

Napairap na lang ako sa inis. Meron talagang mga tao na pinanganak para bwisitin ka 'no?

"Alam mo Miss President," sabi niya. "Ay sorry, hindi na nga pala 'yan ang dapat kong tawag sa'yo. Alam mo Iris," pag uulit niya sa sinasabi niya at may halong diin pa ang pagkakasabi niya sa pangalan ko. "Pansin ko lang, sa iba wala kang reaction. Pag may sinasabi sila sa'yo, you will just stare at them with your resting bitch face."

Napahinga ulit ako nang malalim. Wow. Nung una dinescribe niya ako na maasim ang mukha. Ngayon naman resting bitch face?

"Pero pag ako ang kumakausap sa'yo," pagpapatuloy niya, "kumukunot ang noo mo, tumatalim mga tingin mo, nagagawa pa kitang pairapin. I feel so.... honored."

I look at him in disbelief. Okay, that's twisted. This guy is twisted.

"Ano bang kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

He shrugged, "wala gusto lang kitang sabayan pagkain."

"Ba't 'di ka doon sa mga kaibigan mo?"

He's always surrounded by people. Minsan hindi ko na alam kung sino talaga ang group of friends niya kasi palipat lipat siya. I can see our classmates likes him, unlike me.

Muli siyang nagkibit balikat at ngintian na naman ako.

I tried my best not to roll my eyes dahil ayoko nang bigyan na naman siya ng panibagong reaksyon.

"Ba't ka ba ngiti nang ngiti?" tanong ko while keeping a straight face but somehow, hindi pa rin nakatakas ang hint of annoyance sa boses ko.

Tinitigan niya ako at nagpangalumbaba siya sa harapan ko, "eh ikaw? Bakit hindi ka ngumingiti?" tanong niya.

Ipinako ko ang tingin ko sa kinakain ko at hindi ko sinagot ang tanong niya.

"Tsaka bakit lagi kang mag-isa kumakain?" tanong ulit niya.

"Masama ba?"

Umiling siya, "hindi naman. Pero minsan mas nakakagana kumain pag may kasabay."

I look at him with a dead stare, "hindi ako ginaganahan ngayon."

Muli siyang napangiti na parang may binabalak at bigla na naman akong kinabahan.

"Feeling ko dito gaganahan ka," sabi niya then bigla siyang tumingin sa may bandang likuran ko at itinaas niya ang kanang kamay niya. "Harold! Dito!"

Shit.

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako lumingon sa likuran ko. Hindi ko alam kung totoo bang tinawag niya si Harold o nant-trip lang siya pero kahit ano pa yan, ayokong lumingon.

"Uy Seb," dinig kong boses mula sa likuran ko at parang biglang lumundag yung puso ko.

"Tara tabihan mo kami," sabi ni Seb dito and I am so tempted to kick him in the leg.

Anong plano niya? Bakit niya pinalapit si Harold? Ibubuko na ba niya ako? But I let him call me Iris!

Naramdaman ko siya na naglalakad papalapit sa amin---hanggang sa i-occupy niya ang seat sa tabi ni Seb na nasa tapat ko.

"Hi," dinig kong bati niya. Pero dahil hindi ako nakatingin, hindi ko alam kung sa akin ba siya nag hi or hindi.

"Siya si Iris," sabi ni Seb.

"Hi Iris," pag u-ulit naman ni Harold at bahagya kong inangat ang tingin ko sa kanya. I saw him smiling at me and I almost melted kaya napayuko ulit ako.

"H-hi," I stuttered as I gave him a small wave.

"Iris si Harold nga pala, tropa ko yan. Magaling na basketball player yan. Galing mambola..."

"Gago," natatawa-tawang sabi ni Harold.

"Ibig kong sabihin, magaling humawak ng bola," paglilinaw ni Seb. "Alam mo ba Harold, itong si Iris...."

Napaangat ang tingin ko kay Seb at muli na naman akong sinalubong nang mapangasar niyang ngiti. Na parang sinasabi niya na ibubuko na niya ako. Napaatras ako nang bahagya sa upuan ko at ready to walk out na just in case may hindi magandang sabihin itong si Seb.

"...siya yung class president namin. Matalino yan," pagpapatuloy ni Seb.

Inaasar niya ako. Tinatakot niya ako. I swear this is blackmailing. Feeling ko may ipapagawa sa akin 'to mamaya na hindi maganda. Sigurado ako. Siguradong sigurado.

"Yeah I know her," sabi naman ni Harold at napalingon ako sa kanya. "Siya ang top one sa batch natin eh."

He knows me? Tama ba naririnig ko?

"Nga pala," sabi ni Harold sa akin, "sure ka 'di ka galit sa akin? I mean nung nabangga kita?"

Umiling ako, "hindi. Hindi ako galit. Promise!"

"Sabi ko nga sa'yo hindi siya galit. Ganyan lang talaga siya—"

Tinignan ko nang masama si Seb. Pinanlisikan nang mata. Pinatay sa talim nang tingin. Alam ko na ang susunod niyang sasabihin at ngayon pa lang gusto ko nang putulin ang dila niya.

"Ganyan lang talaga siya," pagpapatuloy niya, "cute."

I almost choked on my water.

Ano raw?!

Bahagyang napatawa si Harold at tinignan ako. Na conscious ako kaya napayuko ulit ako.

"Indeed she is," sabi nito.

Wait. What?

Did he just... agreed?

Pinag ti-tripan ba ako nang dalawang 'to?!

"But still, I apologize sa nangyari," sabi ni Harold at pagtingin ko sa kanya, nakita kong may kinukuha siya sa bulsa niya. "Here, my peace offering."

May inilapag siyang dalawang chocnut sa harapan ko.

"Uy penge!" sabi ni Seb at akmang kukuhanin yung isang chocnut pero agad kong hinampas yung kamay niya.

"Akin 'to!" sabi ko at agad kong kinuha yun sa lamesa.

Napatawa si Harold.

"Oo nga. Sa kanya ko binigay. Bumili ka nang sa'yo," sabi nito kay Seb.

"Damot," sabi naman ni Seb.

Hindi ko magawang ngumiti. Pero sa loob loob ko, halos lumundag na sa saya ang puso ko.

~*~

"Saya ka?" tanong ni Seb habang naglalakad kaming dalawa pabalik ng classroom. Hawak hawak ko pa rin yung dalawang chocnut na binigay ni Harold at ingat na ingat akong wag madurog 'to. "Mamaya hindi mo na kainin 'yan, ha?"

Napalingon ako sa kanya. Paano niya nalaman na wala akong planong kainin 'to?

"Wait, hindi mo talaga kakainin 'yan?" tanong niya sa akin.

Hindi ako umimik at inilagay ko sa bulsa ng skirt ko yung chocnut.

"Wala kang pake," sabi ko.

"Gago sayang. Ibigay mo na lang sa akin kung 'di mo kakainin."

Umiling ako, "bumili ka nang sa 'yo."

"Dali na! Yung balat na lang itago mo."

Umiling ako, "ayoko."

Napatawa si Seb at sinilip niya ang mukha ko.

"Wow, you're quite sentimental, huh?"

Iniwas ko ang tingin ko dahil nang yayamot na naman siya.

"Pero masaya ka? Nakausap mo ang crush mo?" tanong niya na may halong pang aasar.

Sa gulat ko, himapas ko siya.

"Wag ka maingay! Mamaya may makarinig sa'yo!" I hissed.

Napatawa ulit siya, "chill, Iris. Walang makakarinig. Halos nag bubulungan na nga tayo, eh. Baka ang isipin pa ng mga tao, tayo na," he said with a wink.

At muli akong napairap. Hindi ko na napigilan.

"That's the last thing I want to happen," sabi ko.

Napalingon siya sa akin, "bakit? Swerte ka kaya sa akin," pagmamayabang nito.

"I doubt," sabi ko at nilingon ko siya. Tinignan ko mula ulo hanggang paa at nakita ko na naman na naka tuck out yung school uniform niya. "Mag tuck in ka nga," suway ko rito. "'Di ba nasa school rules na bawal hindi naka tuck in?"

He patted the top of my head, "chill Miss President. Naka tuck out lang ako pero hindi naman ako nakapatay ng tao. Wag ka magalit."

"Ba't hindi ka na lang sumunod sa rules?" irita kong tanong habang tinatabing ang kamay niya sa ulo ko.

"Because it felt nice to break it from time to time," he said with a grin. "Now if you really want me my shirt tucked in, you can do it yourself."

Bahagya siyang lumapit sa akin as if he's inviting me na ako ang mag ayos ng uniform niya. Nandoon na naman ang usual na mapang asar niyang ngiti sa mukha niya.

"Ano Iris, gagawin mo ba?" mapangasar niyang tanong.

Inirapan ko na lang siya and I walk pass him bago ko pa siya maisipang sapakin dahil sa sobrang yamot ko. I even heard him chuckled behind me.

Alam kong siya ang naging way ko para makausap si Harold kanina but I still hate him.

'Because it felt nice to break it from time to time.'

For some reason, parang biglang nanikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya na 'yan.

From time to time? He always breaks the rule. But he always get away with it.

Nakakangiti pa rin siya, nakakatawa, nakakapang asar. Nagagawa ang mga bagay na ginagawa ng isang normal na estudyante.

While me?

I broke the rule once.

And I had to pay a big price because of that. 

To be continued...

A/N:


Hi Dreamers!

If you're going to post your comments on twitter, I hope you can use the hashtag #MoonChildWP so I can see your tweets <3

You can find me under the username iamAlyloony. I'm more active on twitter than on facebook hehe.

Thank you for reading so far <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top