Chapter Thirty Three

Chapter Thirty Three

Imposible.

Ayan ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko doon sa sinabi ni Seb.

'Oo. Si Iris.'

After ko marinig yun, na blanko na bigla ang utak ko. Tumuloy na lang ako sa pag akyat sa next floor at doon ako sa fire exit nun lumabas para hindi nila ako makita.

'Oo. Si Iris.'

Imposible talaga. I'm 100% sure na sinabi lang 'yon ni Seb dahil wala na siyang ibang mabanggit na name kay Mona. O hindi na niya alam kung paano irereject 'to. Nagkataon na binanggit ni Mona yung pangalan ko kaya napa-oo siya.

Tama. Ganoon nga siguro ang nangyari. Kasi paano ako magugustuhan ni Seb? Una sa lahat, siya pa nga nagtutulak sa akin kay Harold. Siya pa nag i-insist na umamin ako. So paano? Yeah he's kind to me and he helped me a lot, pero hindi ko naman naisip na dahil 'yun sa gusto niya ako. I just thought ganoon lang talaga siya as a person.

Kung si Glen nga na nakaaway niya, tinulungan niya, eh.

I just can't wrap my head around the idea na he likes me. Hindi ko maimagine sobrang hindi.

Pero paano nga kung...?

No no no no. Erase. No. Wala lang 'yon. Hindi ko dapay ine-entertain ang mga ganitong thoughts. Iris, umayos ka.

Bumalik ako sa classroom namin two minutes before the bell rings. Maya maya naman, nakita kong papasok din si Seb at Mona.

Ang normal lang ng facial expression nila. Akala mo walang confession na naganap.

Naupo sila sa kani-kanilang mga pwesto at ako naman, hindi ko maalis ang tingin ko kay Seb. Sinusubukan kong obserbahan ang kilos niya.

'Oo. Si Iris.'

Hindi totoo 'yon Seb, 'di ba? Nang g-good time ka na naman. Imposible talaga.

Biglang lumingon si Seb sa pwesto ko at nagtama ang mga tingin namin. Agad akong napaiwas nang tingin dahil pakiramdam ko lumundag ang puso ko sa gulat.

Bakit siya lumilingon dito? Dahil ba totoo na gusto niya ako?

Iris umayos ka parang awa! Ang dami dami mo nang iniisip, wag mo nang dagdagan pa.

~*~

English subject. Hindi raw makakapasok yung teacher namin kaya naman nag iwan na lamang siya ng activity na pwede naming sagutan.

Pumunta ako sa harapan para i-announce sa kanila ito.

"Ah classmates hindi makakapasok si Ma'am Gaanan."

Naghiyawan na agad ang mga kaklase ko.

"Ayun, early lunch break!" sabi nung isa.

"Tara tuloy na natin pag ML, rank na tayo!"

"Gago sa canteen na lang. Mahina signal dito."

"Ah classmates---" I said trying to get their attention pero walang pumapansin sa akin. Lahat sila excited gawin ang kani-kanilang business dahil walang teacher.

Maya maya, nagulat ako ng biglang sumigaw si Glen.

"Guys respeto naman! Di pa tapos magsalita si Ms. Prez oh!"

Natahimik silang lahat. Napatingin ako kay LJ at Chichi na parehong gulat na gulat din kay Glen.

This is Glen redemption arc indeed.

Pero ayun nga lang hindi rin siya masyadong pinakinggan ng mga classmates namin. Natigil lang sila saglit sa kwentuhan, pero balik daldalan na naman.

Napailing na lang ako.

"Mamaya na kayo mag daldalan," sabi ni Seb, his voice calm and he said it non-chalantly pero lahat sila sumunod sa kanya.

Natahimik ang buong klase at napatingin silang lahat sa akin. Lumingon ako kay Seb and he gave me a smile.

Napaiwas agad ako ng tingin.

Why the hell I feel so awkward?! Ngumiti lang siya, at dapat nag smile back ako as a thank you kasi tinulungan niya ako. Pero bakit ang hirap makipag eye contact sa kanya ngayon?!

'Oo. Si Iris.'

Ayaw akong patahimikin ng utak ko. Wala nga lang 'yon okay? Wala lang!

Humarap na lang ulit ako sa mga kaklase ko at itinuloy ko ang sinasabi ko.

"May iniwan si Ma'am Gaanan na worksheet exercise na kailangan nating sagutan. To be submitted din today kaya ito yung gagawin natin sa subject niya."

Inilabas ko yung mga workbook namin na may kani-kaniyang pangalan. I started to distribute it.

"Tulungan na kita."

Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Seb doon na plano akong alalayaan pero agad akong dumistansya sa kanya.

"Hindi okay lang!" sabi ko at nakita ko ang pinaghalong gulat at pagtataka sa mukha niya. "Uhh.. tutulungan na ako ni Glen," sabi ko.

Napalingon ako kay Glen and right on cue, tumayo siya para tulungan ako.

Kung anong magandang ihip ng hangin ang bumuga kay Glen para mag bagong buhay, gusto ko talagang magpasalamat.

"Kaya na namin 'to," sabi ko kay Seb at inabot ko yung workbook niya. "Concentrate ka na lang diyan."

Tinignan lang ako ni Seb as if asking me what's wrong. Syempre agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Naramdaman kong kinuha niya mula sa kamay ko yung worksheet but he didn't say a word. Tahimik na lang siyang bumalik sa pwesto niya.

~*~

Act normal.

Ayan ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko. I should act normal na kunyari dapat wala akong alam. Na wala akong narinig.

Pero hindi ko maiwasang ma awkward everytime na lalapit si Seb sa akin o magkakatinginan kami.

Alam kong beyond impossible na magkagusto siya sa akin, but at the same time, nakikita ko ang possibility. At ayokong i-entertain ang thought na yun. Pero pumapasok pa rin siya nang pumapasok sa isip ko.

Si Seb? May gusto sa akin? Paano?

Ano bang dapat kong maramdaman regarding this?

Lunch break. Buti na lang at walang dance club meeting sina LJ at Chichi ngayon kaya nakasabay ko silang mag lunch.

Si Seb naunang umalis ng classroom kaya hindi ko alam kung sino ang kasabay niya. Sa totoo lang, I was actually expecting na sasabay siya sa amin sa pagkain at nireready ko na ang sarili ko dahil baka ma awkard na naman ulit ako. Pero hindi naman nangyari.

I should feel relieved, right? I can eat in peace.

Pero kanina pa nagkakanda-haba ang leeg ko sa paghahanap sa kanya sa canteen. Sabay ba silang kumain ni Mona? Asan na naman kaya yon? Nasa fire exit ba siya ulit at natutulog?

Bakit ako concern? Ganito ba pag nalaman mong may gusto sa'yo ang isang tao? Nadadagdagan ang concern mo sa kanya?

Anong gusto?! Wala siyang gusto sa akin! Imposible nga 'yon. Tigilan mo na ang pag-iisip ng ganyan, self. Parang awa.

"Paano kung mag confess siya sa'yo, Ms. Pres?" tanong ni Chichi.

Gulat na gulat akong napalingon sa kanya at agad kong sinabi, "hindi siya mag co-confess! Friends lang kami ni Seb!"

Nagkatinginan naman si LJ at Chichi at pareho silang natawa.

"Anong Seb? Si Glen pinaguusapan namin!" sabi ni LJ. "Okay ka lang?"

Damn. Kaya dapat hindi lumilipad ang utak ko eh.

"I mean Glen," depensa ko. "Sorry nagkamali lang ng banggit."

"Ba't mo naman nabanggit si Seb? Iniisip mo ba siya? Inasar ka ba nung mokong na 'yun" sunod sunod na tanong ni LJ sa akin.

Pero bago pa ako makasagot, biglang may kinawayan si Chichi sa likuran ko.

"Seb dito!"

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Naramdaman kong he took the seat beside me and my goodness, hindi ko magawang lumingon sa kanya.

"Magagandang binibini," sabi nito. "Musta mga ulam natin diyan?"

"Eto okay naman," sabi naman ni Chichi. "Pinaguusapan ka namin kanina lang kasi mukhang iniisip ka ni Ms. Pres."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Chichi at napatingin ako sa kanya, pero hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pag kain.

Love ko si Chichi pero may times na gusto ko na lang tahiin ang bibig niya.

"Ba't mo naman ako iniisip?" dinig kong tanong ni Seb sa akin at tinapik niya ng bahagya ang balikat ko.

I have no idea kung bakit parang may dumaloy na kuryente sa balikat ko na hinawakan niya?

"Crush mo ba ko?" tanong ni Seb sa akin.

And I choked on my lunch.

Agad kong kinuha yung tumbler ko para uminom pero wala na itong lamang tubig.

"Ito inumin mo," sabi ni Seb at inabutan niya ako ng mineral water. Agad ko naman itong kinuha at ininom ng diretso hanggang sa mawala na ang pagka bilaok ko.

The hell? Bakit ayun pa naisipan niyang tanungin? It's clear na nagbibiro lang siya, pero kasi naman!!

"Okay ka na?" tanong ni Seb at tumango ako without looking at him.

"Thanks," sabi ko sabay balik ng bote ng mineral water sa kanya na halos paubos na.

"Yieee, uminom ka sa tubig niya. Indirect kiss!" pang aasar naman ni Chichi. At dahil sa sinabi niya parang biglang nag akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko at pakiramdam ko ang init init ng mukha ko ngayon.

"Lahat na lang inissue mo kay Ms. Pres!" natatawa tawang sabi ni LJ.

"Hala ninakaw mo ang first kiss ko," pagbibiro naman ni Seb sa akin at nagtawanan sila.

Pero hindi ko magawang matawa kasi ang init talaga ng mukha ko. Napatayo ako bigla kaya lahat sila natigil sa pagtatawanan at napatingin sa akin.

"Kailangan ko palang pumunta sa teacher's office," sabi ko habang nagmamadali akong mag ligpit ng gamit.

Hindi ko na sila pinag salita at dire-diretso akong umalis.

Act normal my face. It's impossible.

~*~

Sa may gilid ng hagdan sa my fire exit ko naisipang tumambay at mag tago. Dito na lang ako hanggang sa mag ring ang bell dahil ayoko talagang magpakita o lumapit kay Seb. Mukha lang akong tanga sa harapan niya. At paano kung gusto nga niya talaga ako at mag confess siya bigla? Paano ko i-ha-handle 'yon?!

Dapat kasi talaga hindi ko na narinig 'yun, eh. Ito ang napapala ko sa pag e-eavesdrop ng conversation ng ibang tao!

"Ms. Pres? Anong ginagawa mo rito?"

Napalingon ako sa nagsalita at gusto ko na lang matunaw dahil nakita kong papalapit sa akin ang isa pang tao na gusto kong iwasan.

Si Mona,

Can't I have peace?

"Nagpapatunaw lang ng kinain," sabi ko sa kanya. "Ikaw? Ba't ka nandito?"

Lumapit sa akin si Mona at naupo sa tabi ko.

"Same. Actually natuwa ako nung nakita kita dito kasi gusto kitang kausapin," sabi nito.

Bigla akong kinabahan. Wait, kakausapin niya ako? Galit ba siya sa akin dahil kay Seb? Hindi ko naman kasalanan yon! I-c-confront niya ba ako?

"A-ano yun?"

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong kamay,

"Secret lang natin to ah? Sa'yo ko lang sasabihin," bulong nito. "Actually... I like Seb."

I stared at her. Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. Pero mas hindi ko alam kung bakit sinasabi niya sa akin ito?

"T-talaga? Wow! Congratulations?" sabi ko. At gusto ko na talagang sipain ang sarili ko kasi para akong tanga.

"Actually, kaya ko sinabi sa'yo kasi alam kong close kayo ni Seb."

"Magkaibigan lang kami," mabilis kong sabi sa kanya.

"I know," nakangiti nitong sabi. "That's why lumapit ako sa'yo. Tulungan mo naman akong maging kami ni Seb."

To be continued...

A/N

Hi Dreamers! Sorry I wasn't able to post last week. Dami lang ganap sa buhay. But hopefully makapag post na ako on time sa mga susunod na weeks. Pag medyo nakaluwag sa time, I'll drop a surprise update! :)

See you again next week! :)

- Aly

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top