Chapter Thirty Four

Chapter Thirty Four

"Tulungan mo naman akong maging kami ni Seb."

Napatitig ako kay Mona dahil sa sinabi niya. Nagkamali ba ako ng dinig? Nagpapatulong siya sa akin para maging sila ni Seb?

Pero sinabi ni Seb sa kanya na ako ang gusto niya...

So bakit sa akin siya nagpapatulong?

Napaisip ako maigi.

Kung sabagay. Kung alam ni Mona na ako ang gusto ni Seb at sa akin siya lumapit para mag patulong, alam niyang hindi makaka hindi si Seb sa mga requests ko.

Kung totoong gusto talaga ako ng tao. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin kayang paniwalaan 'yon. Napaka imposibleng mangyari.

But still...

"Uy, ba't ayaw mong sumagot?" tanong ni Mona sa akin while pouting. "Ayaw mo ba ako para kay Seb?" malungkot niyang sabi.

"Hindi--!" mabilis ko namang depensa. "Pero bakit sa akin ka nagpapatulong? Bakit hindi kay Chichi o kay LJ?"

Mas lumapit sa akin si Mona at ipinulupot niya ang kamay niya sa braso ko. I cringe, but tried my best not to show it to her para hindi siya ma-offend.

Hindi ako sanay na may nagpapaka clingy sa akin. Weird na pag sina Chichi, LJ o Seb ang lumalapit sa akin, hindi ako nag c-cringe. I guess hindi pa talaga ako comfortable kay Mona.

And right now, she's really making me feel so uncomfortable.

"Eh ikaw ang pinaka close kay Seb," sabi naman ni Mona sa akin.

Umiling ako, "actually, si Harold ang pinaka close kay Seb."

"I cannot ask Harold to help me. I don't want him to get hurt."

Napalingon ako bigla kay Mona dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?"

Mona bit her lip at napabuntong hininga siya, "well, ayokong maging assuming pero, I feel like Harold likes me."

I blink. I blink again. Wait, alam kong matagal na naman akong naghihinala, but still, parang nirereject ng utak ko ang kung ano mang ang sinasabi ni Mona sa akin ngayon.

"O-oh?" sabi ko while trying my best to keep a straight face. "Paano mo naman nasabi?"

"Madalas siyang nag m-message sa akin, and he's way too kind to me. Maybe assuming lang ako, pero iba ang sinasabi ng gut feel ko, eh."

Napalunok ako dahil pakiramdam ko parang may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. I feel like someone just punched me in the gut. Alam kong gut feel lang niya yon at ganoon lang talaga si Harold, mabait sa lahat. Pero kung napapansin ni Mona na iba siya pakitunguhan nito---which is napapansin ko rin naman---aba baka tama nga talaga ang hinala niya.

"That's why I cannot ask him to help me," sabi ni Mona at napahawak ulit siya sa akin. "Tsaka iba pa rin kung babae ang tumutulong sa akin. Please, help me. Please!" sabi nito habang pinag didikit ang dalawang palad niya.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin kay Mona. Nakatingin lang ako sa kanya without reacting.

Una, gusto kong umiyak dahil sa sinabi niya about Harold. Pero alam kong hindi ako dapat umiyak kasi wala naman mangyayari kung iiyak ako. Hindi naman niya ako magugustuhan kung iiyakan ko siya. Pero wow saglit lang, masakit siya. I tried to numb myself, pero mukhang malabo ngayon na wala akong maramdaman kasi sobrang evident ng pain na hindi ko alam paano makakawala dito.

Pangalawa, si Seb. Kung totoo nga na gusto niya ako (which is hindi ko pa rin pinaniniwalaan), tapos makikita niyang pinupush ko siya kay Mona, alam kong masasaktan siya. Probably ganitong klaseng pain din katulad ng nararanasan ko ngayon.

Wait---ganitong klaseng pain ba ang nararamdaman ni Seb everytime na inaasar niya ako kay Harold? Paano niya nakakaya 'to?

(Not unless wala kasi talaga siyang gusto sa akin.)

"Bakit parang ayaw mo?" tanong sa akin ni Mona nung hindi ako nakasagot sa tanong niya. Napa bitiw siya sa pagkakahawak sa braso ko (thank god!), at bahagya siyang umatras.

"Iris, do you like Seb?" she asked.

I almost choke kahit wala naman akong kinakain ngayon.

"Ha? Hindi!" mabilis kong sagot. "It's just that hindi ko alam kung paano kita tutulungan."

No. More like hindi ko alam paano ako hi-hindi sa sitwasyon na 'to.

"Kung wala kang gusto sa kanya, then walang problema right?" sabi nito.

Alanganin akong tumango. Napangiti siya.

"Great! I'll let you know if I need your help. Thank you talaga Ms. Pres! I knew it. Magiging mag bestfriends tayo!" she said excitedly.

Nakatingin lang ako sa kanya habang tuwang tuwa siya.

Oh lord...

~*~

For the record, hindi ako totally um-agree kay Mona na tutulungan ko siya kay Seb. She just assumed na payag akong tumulong sa kanya just because sinabi kong hindi ko gusto si Seb. At sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko ito babawiin kay Mona. Magaling lang akong mag confront pag tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa school at sa mga rules and regulations na kailangan naming sundan. Pero kung personalan na? Hindi ko alam kung paano ko gagawin ito.

Kaya gagawin ko na lang muna ang pinaka madaling solusyon---for now.

Ang umiwas.

Hindi lang kay Mona, pati na rin kay Seb.

I feel like kailangan ko munang i-organize ang thoughts ko sa kung paano ko sosolusyonan ang bagay na 'to. Pero sa ngayon, dahil gulong gulo pa ang isip ko, mas mabuting wag muna akong maglalalapit sa dalawa para hindi nila ako guluhin dahil hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unahing isipin o maramdaman.

And then there's Harold.

I know wala na naman akong dapat isipin o gawin when it comes to Harold. I like him, he doesn't like me back. He probably likes Mona who happens to like his closest friend, Seb. Pero hindi ko na problema yun.

But it doesn't mean na porket wala na akong magagawa sa sitwasyon na 'yun ay hindi na ako naapektuhan.

Yung possibility na gusto ni Harold si Mona is still a very painful thought at pakiramdam ko nanunuot ito sa buto ko.

Kaya tama. Ang pinaka magandang gawin talaga ay umiwas.

Kay Seb, kay Mona at kay Harold.

"Uy Ms. Pres patingin naman ng assignment mo sa history!" sabi ni Seb sa akin pagkaupong pagka upo ko sa pwesto ko. Kinaladkad niya yung isang upuan papalapit sa akin.

Napabuntong hininga ako. Wala pang limang minute yung plano ko na iiwasan ko 'tong lalaking 'to and yet, he's already making it hard for me.

"Di ko pa tapos yung akin, eh," sabi niya. "Mahina talaga ako sa mga essay essay na ganyan. Ano nilagay mo?"

"Kung ano lang yung nasa topic natin tapos in-expound ko lang. I added my opinions and such doon sa pinag aralan natin."

Nilabas ni Seb yung book niya at yung pad paper kung saan niya isinusulat yung essay niya. Napasilip ako doon sa papel niya. Nakaka three sentences pa lang siya. Tapos may erasure pa. In less than fifteen minutes, mag start na yung klase and yet, nag c-cramming siya ngayon.

Gusto kong mapa facepalm. Minsan hindi ako makapaniwala na this guy's running for Salutatorian.

"Dito ka ba nag base?" tanong ni Seb at akmang guguhitan niya ng ballpen yung text book niya.

"Wait!" sabi ko sa kanya at napahawak ako sa wrist niya para pigilan siya sa pag susulat.

Napatigil si Seb at napatingin sa kamay ko na nakahawak sa kanya. Maging ako ay napatingin din at doon ako biglang natauhan. Agad kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ko.

Iris ano ba! Mag ingat ka sa mga kilos mo!

Kinuha ko na lang yung highlighter ko at inabot ko sa kanya.

"Gamitin mo," sabi ko. "Ay kaso color pink."

Kinuha niya sa kamay ko yung highlighter, "wala namang gender ang kulay. Thanks!"

He started highlighting yung parts ng libro niya. Napatingin ako sa mukha ni Seb habang nag ta-trabaho siya. Pag binabasa niya yung text sa libro, gumagalaw din ang mga labi niya habang nag babasa. Isa ring mannerism niya pag nag co-concentrate siya ay yung napapahawak siya sa dulo ng tenga niya. From time to time, he's using the back of his pen to scratch his temple.

Napaangat ang tingin sa akin ni Seb and his eyes met mine. Agad akong napaiwas nang tingin dahil hindi ko napansin na I'm staring at him way too much.

What the hell is wrong with me? Sabi nang i-iwas, eh. Hindi yung gagawa ako ng bagay na kabaliktaran sa pag iwas!

Kinuha ko yung pad paper kung saan ko isinulat yung essay ko at inabot ko ito kay Seb.

"Ayan, basahin mo na lang. Basta wag mong kokopyahin!"

Napangiti si Seb habang kinukuha yung essay ko.

"Ganda," sabi niya sa akin habang nakatingin ito sa akin.

My heart stopped. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko alam kung paano mag rereact sa sinabi niya.

Did he just say I'm---

"Nung handwriting mo," duktong ni Seb sabay tingin sa essay ko.

Okay, nevermind. Hindi ako ang sinasabihan.

Gusto kong sipain ang sarili ko. Simula nung narinig ko na sinabi niya kay Mona na gusto niya ako, nabibigyan ko na nang meaning ang lahat ng bagay. I hate this! Ni hindi pa nga ako sure na totoo yung sinabi niya, eh tapos ganito na ako?

I want to kick myself.

"Haba nito ah? Pang Palanca Awards ata ito, eh," pagbibiro nito sa akin.

"Doon ka na sa pwesto mo mag sulat para mas makapag concentrate ka," sabi ko. Pero sa totoo lang, gusto ko siyang palayuin kasi any moment alam kong babalik na sa classroom si Mona.

Isa pa----dapat iniiwasan ko siya ngayon, 'di ba?!

"Mas nakakapag concentrate ako dito," sabi naman ni Seb. "Tsaka para may tanungan ako."

Napahinga ako nang malalim. Please, bakit ba ako pinapahirapan ng taong 'to? Gusto ko ngang umiwas eh kaso paano ako aalis kung lumapit siya dito sa pwesto ko?!

"Uy ano yan?"

Napaangat pareho ang tingin namin ni Seb at nakita namin si Mona na papalapit sa aming dalawa.

Oh goodness.

"Yung essay niyo?" sabi niya as she took the seat beside Seb. "Patingin! Paano niyo ginawa?" ngiting ngiti na tanong nito.

"Nag start pa lang ako," sabi naman ni Seb at nakita kong tinakpan niya ang essay ko gamit ang braso niya. Parang ayaw niyang ipakita kay Mona.

O assuming lang ako at mapag bigay ng meaning sa mga bagay bagay.

I heard Mona giggled, "ang cute naman ng book mo! Pink highlighter talaga?"

Ipinakita ni Seb ang highlighter niya, "cute 'no? Pinahiram sa akin ni Iris."

Natigilan si Mona at napa angat ang tingin niya kay Seb. Naka ngiti lang si Seb sa kanya. At ako? Ramdam ko ang tensyon.

Mona just confessed her feelings for Seb a while ago. Seb rejected her and told her he likes me.

At ngayon, pinapakita ni Seb kay Mona ang highlighter na pinahiram ko sa kanya. Parang wala lang pero ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila at pakiramdam ko rin para akong naiipit.

Sabi ko iiwas ako, pero bakit nasa gitna ako ng dalawang 'to ngayon?!

Can someone please get me out of here?

"Ms. Pres! Pinapatawag ka ni adviser sa teacher's office," dinig kong sabi ni Glen sa akin at agad agad akong tumayo and I excused myself to them.

I never thought na sasabihin ko 'to sa tanang buhay ko pero---hulog ng langit si Glen. Isa siyang anghel. Kung ano man ang nangyari para maging ganyan siya ngayon, thank you Lord.

Hindi ko na sila nilingon. Dire-diretso akong nag lakad papuntang teacher's office. Sana talaga pag balik ko doon, pareho na silang umalis sa pwesto ko because I don't want to deal with them anymore.

Kasi parang awa, paiwasin muna nila ako kahit hanggang weekend lang. Para makapag isip lang ako.

Pumasok ako sa loob ng teacher's office.... At halos mapa atras ulit ako sa gulat nang makita kong may ibang estudyante ang kinakausap ng adviser namin.

Yung isang gusto ko pang iwasan---si Harold.

"Iris come here!" tawag niya sa akin.

Napapikit ako at lumapit sa kanya. Nakita kong nginitian ako ni Harold at parang lumabot ulit ang puso ko and I smiled back at him.

"Yes po Ms. Alvarez?"

"There's a leadership training program in Antipolo that will be held this Saturday. I got two slots and we've decided na kayo ni Harold ang ipadala namin. I hope you're free this Saturday. It's a good opportunity plus dagdag din 'to sa extracurricular points mo. So, what can you say?"

Napatingin ako kay Ms. Alvarez, then kay Harold na ngiting ngiti sa akin at mukhang excited.

It is a good opportunity indeed. Something na hindi ako magdadalawang isip na i-grab.

Pero yung opportunity na magkaroon ako ng tahimik na weekend at magisip isip sa mga bagay na dapat kong pag isipan?

Gone.

Hindi ba talaga uubra na umiwas ako?

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top