Chapter Thirty Five

Chapter Thirty Five

Anong dapat kong isuot?

Dress? Off-shoulder? Sleeveless? O mag t-shirt na lang ako?

Napatitig ako sa cabinet ko. Sobrang onti lang ng choices dito at karamihan puro tshirt pa.

Bakit kasi kailangan naka civilian kami pag pupunta doon sa leadership seminar? Why can't we wear our school uniforms instead para hindi na ako nahihirapan nang ganito?

Naglakad ako papunta sa kama ko at nahiga doon. Napapikit ako and I suddenly remember Mona nung time na nag punta kami sa Intramuros for a project. Ang cute ng suot ni Mona noon. If I'm not mistaken, naka dress siya? Simple dress lang pero dahil maganda siya, dalang dala niya rin yung damit.

Actually kahit naka school uniform niya, ang ganda niya pa rin. Sobrang effortless.

Samantalang ako, kailangan ng matinding effort.

Pero bakit kasi kailangan kong pag effort-an ng husto ang isusuot ko?! Hindi naman pa bonggahan ng damit ang pupuntahan ko? Leadership seminar yon. Seminar.

Napa buntong hininga ako at napatingin sa pusa kong si Sebbie na kasalukuyang naka pwesto sa dulong bahagi ng kama ko. She's also staring at me at pakiramdam ko sa mga tingin niya ay hinuhusgahan niya ako.

"Wag mo 'kong tignan ng ganyan," sabi ko dito. "Hindi mo alam ang struggle ko dito."

But Sebbie just keep on staring at me. Muli na lang akong napa buntong hininga.

Mukha akong tanga.

Well... ano pa bang bago doon?

Liking Harold means most of the time, I feel stupid about myself. Yung onting kilos lang niya ang lakas na ng epekto sa akin. Simpleng ngiti lang, gusto ko nang matunaw. At nakakainis because I tried to be logical about what I feel pero wala eh, hindi ko na mapaliwanag. Ang alam ko lang, para akong tanga na ginagawa lahat ng 'to when I know na hindi naman niya ako gusto. Baka ang gusto pa niya si Mona, eh. I mean, Mona likes Seb. Pero hindi malabo na eventually magustuhan niya rin si Harold eh.

Si Harold na yun. Who wouldn't like him?

Ang swerte mo naman Mona.

Napabangon ako at tinignan ko ang cabinet ko. Kahit anong i-suot ko diyan, if iba ang gusto ni Harold, walang magiging epekto sa kanya. So why bother? Sayang effort. I should just wear a simple shirt and pants para komportable.

Oo tama.

Inilabas ko sa cabinet ko yung isa kong shirt at jeans para i-ayos.

This will do.

~*~

Or not.

Umaga. I woke up before my alarm clock rings at nag prepare agad ako. I-su-suot ko n asana yung shirt pero bigla akong nag overthink.

We're going in a conference and it's a formal occasion sa pagkakaintindi ko. Tapos mag su-suot ako ng shirt at jeans lang? Hindi kaya mag mukha akong out of place sa lugar na 'yon?

Oo tama. Baka mag mukha lang akong ewan. I need to be presentable, lalo na I am representing the name of our school. Hindi naman pwedeng mag mukha lang akong mag g-grocery.

That's why I took out my most presentable dress at ayun ang isinuot ko.

Hindi dahil kay Harold, pero dahil gusto kong mag mukhang maayos.

Oo tama, hindi ito dahil kay Harold. Bakit ako magpapaganda para sa kanya? Mag m-move on na nga 'di ba?

Tsaka okay 'to na magkasama kami ngayon. Kailangan sanayin ko na ang sarili ko sa presensya niya nang hindi naiilang.

Dito ma-te-test ang discipline ko sa sarili ko. I should will myself not to feel anything about him anymore. Kaya ko 'to.

Ten minutes bago dumating ang service na susundo sa akin, bumaba na ako. I saw my dad eating breakfast on our dining table while sipping his cup of coffee. May binabasa siya sa iPAD niya habang nakakunot ang noo. Probably work related.

Napahinto ako saglit. I'm contemplating kung magpapaalam ba ako sa kanya o hindi. I decided not to at dire-diretso na lang akong nag lakad papuntang pintuan.

But before I could even open the door, narinig ko siyang nag salita.

"Going out with friends?"

I froze. Naramdaman ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko because of his remark kaya naman napalingon ako agad sa kanya.

"Hindi! Conference. Yung pinaalalam ko. M-may letter ako na iniwan doon sa table mo po," depensa ko while trying to keep my voice steady.

Tinignan ako ni daddy. His expression is unreadable. O baka galit siya. Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko nasa lalalmunan na ang kaba ko.

"Ah okay," sabi nito at muling ibinalik ang tingin niya sa iPAD niya. "Ingat."

Hindi na ako nag react, tuloy tuloy na lang akong lumabas ng bahay without saying a word.

When will I heal from this?

~*~

It took me a few minutes bago ako kumalma. Nung lumabas ako ng bahay namin, dama ko ang panginginig ng buong katawan ko.

'Naks! Kasama niya sa conference ang crush niya. Good luck at enjoy!'

Ayan ang text message ni Seb na bumungad sa akin. Inaasar na naman niya ako kay Harold. Para ring nakikita ko ang mapang asar nito na ngiti. Kung totoong gusto niya ako, why the hell is he pushing me to Harold?

O baka dahil wala lang talaga 'yon?

Oo kasi kung meron yun, hindi naman niya ako itetext di ba? His text message is total unprovoked. Ni hindi ko nga sinabi sa kanya na mag leadership conference ngayon eh, ewan ko kung kanino niya nalaman? Siguro kay Chichi o LJ. Pero 'di ba? Pwede namang hindi siya mag text? Kung nasasaktan siya, bakit niya pa ako kailangan i-message, 'di ba?

So ibig sabihin, hindi niya talaga ako gusto kaya niya akong nagagawang asarin genuinely.

Bakit kasi sa dinami rami ng babae na babanggitin niya ako pa? Hindi ba pwedeng si Chichi na lang?!

Hindi ko nireplyan si Seb dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin, nor hindi ko alam kung tama bang mag reply ako.

Bakit ba kasi nakikisali pa siya sa iisipin ko?! Nakakainis.

I suddenly saw a van approaching our house at nakita ko sa plate number na ito na yung service namin. Dali dali akong lumapit sa van at may nag bukas ng pinto mula sa loob.

And then I was greeted by a pair of beautiful eyes and a warm smile.

"Hi Ms. Pres, you ready?" tanong sa akin ni Harold while motioning me to hop in the car.

See what I told you? Wala naman siyang ginagawa pero yung buong pagkatao ko, nag wawala na. Nakita ko palang siya na nakangiti sa akin, parang yung will na hinugot ko para mag move on, biglang nag laho na parang bula.

Sinabi ko sa sarili ko na I will try my best na i-lessen ang feelings ko kay Harold, pero paano? Pinag buksan pa lang niya ako ng pinto, tumaas na ulit nang tumaas ang feelings ko.

Please, paano ba ako kakawala dito?

I tried to avoid his gaze nung pasakay na ako sa van at tumabi sa kanya. Pang tatluhan ang upuan pero dalawa lang kaming nakaupo dito. Thank god, dahil baka hindi ko na alam ang gagawin ko kung masyado kaming magiging magkatabi. Baka tumalon na lang ako palabas ng van.

"Naks, ayos na ayos ah?" dinig kong sabi ng boses mula sa likod at agad akong napalingon.

What the---?!

"Excited?" ngiting ngiti tanong nung lalaking nasa likod sa akin.

Mapang asar na itsura while giving me a meaningful look.

Si Seb.

What the hell?

"Kasama ka?!" gulat kong tanong sa kanya.

Teka, kaka text lang niya ng good luck tapos kasama pala siya? Paano? Kailan? Saan? Bakit?!

"Sorry naman kung disappointed ka," sabi niti habang nagpapanggap na masama loob. "Pero oo kasama ako."

Uhh... bakit bigla akong kinabahan?

To be continued...

A/N

Dreams, i'll post another chapter within this week pambawi sa matagal kong hindi pag u-update. Thank you so much for your patience! <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top