Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Two
I want to cry. I really want to cry.
Ayan ang paulit ulit kong thoughts while I lie awake in my bed, staring at my ceiling.
Ang bigat ng pakiramdam ko. Sinusubukan kong i-absorb lahat ng mga sinabi sa akin kanina ni Seb.
"Walang sense para ituloy mo pa yung nararamdaman mo sa akin. Alam kong mahirap, but please move on."
That's what he said. And I know I should be an emotional wreck right now. I know I should be too heartbroken. Maybe I am, but surprisingly, walang tumutulong luha sa mata ko.
Hindi ko alam, ganito ba pag sobrang sakit, hindi ka makaiyak? Dala dala mo lang sa loob mo? Ayaw lumabas?
Naalala ko ganitong ganito rin ako noon nung nawala si mommy. Kaya nga naissue pa ako ng mga kamag anak namin, eh. Because I didn't shed a single tear nung lamay niya. Kahit nung libig ni mommy. At nung mga sumunod na araw matapos niyang mawala.
The first time I cried about it was when I told Seb what happened.
Napatakip ako ng unan as I feel a lump on my throat.
Naalala ko ang kwento ni Seb kanina. Yung mga nangyari sa kanya in the past, yung burden at guilt na dala dala niya. Naiintindihan ko lahat nang 'yon because I've been through the same.
Pero kanina, habang nag ku-kwento si Seb sa akin, ramdam ko ang isang malaking wall sa pagitan namin. Kinuwento lang niya sa akin ang mga pangyayari, pero hindi niya sinabi sa akin ang mga naramdaman niya ng mga panahon na yun. Sinabi niya sa akin ang lahat in a way na parang hindi big deal iyon. Probably sinabi niya sa akin yun for the sake na tigilan ko na ang feelings ko para sa kanya and nothing else.
And still... hindi pa rin niya sinagot ang tanong ko. Gusto ko lang naman malaman kung gusto niya ako, o hindi eh.
Napahinga ako nang malalim.
I guess Seb's really bottling everything up inside. And I'm still not yet the person na willing siyang sabihan ng mga nararamdaman niya.
Baka ayun na nga ang sagot. Hindi na niya kailangan sabihin sa akin kasi malinaw na.
~*~
"Good morning, Prez!" dinig kong sigaw from my behind habang naglalakad ako papasok ng school. Bago pa ako makalingon sa tumawag sa akin ay bigla na lang may dumamba sa likod ko at inakbayan ako.
It's LJ.
"Iris I miss youuuu!" dinig ko naman mula sa kanan ko at nakita ko si Chichi na papalapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit.
"Congrats, congrats nanalo kayo!" sabi ni LJ. "Iba talaga pag matatalino."
"Pa share naman ng braincells," sabi naman ni Chichi.
Napangiti ako nang bahagya.
"Thanks. Na miss ko rin kayo," sabi ko sa kanila.
Biglang napatakip ng bibig si LJ.
"Chi, narinig mo ba 'yon? Na-miss niya raw tayo!!"
Sinalat ni Chichi ang noo ko, "hindi siya nilalagnat. Mukhang totoo naman."
Napatawa ako nang bahagya, "mga sira."
We all laugh.
"So... nakaamin ka na ba sa crush mo?" bulong ni LJ sa akin. Lumapit din si Chichi para marinig ang sasabihin ko. Pareho silang ngiting ngiti.
Samantalang ako, parang biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Well, sabi ni Seb hindi pa alam ni LJ at Chichi ang tungkol sa kanya so hindi ko pwedeng ikuwento yun. Pag sinabi ko namang rejected ako ni Seb, for sure magtatanong sila sa kung ano ang nangyari sa usapan namin at baka magalit pa sila kay Seb---which is ayokong mangyari.
"Uhmm.. 'di pa ako nakahanap ng chance," sabi ko sa kanila.
"Ano ba 'yan! Ine-expect pa naman namin ni LJ babalik ka ditong may jowa na!" Chichi said with a pout.
I forced a smile.
Not gonna lie, akala ko rin pag balik ko kami na.
"Speaking of the devil..." sabi ni LJ habang nakatingin siya sa may entrance ng gate ng school.
Pare-pareho kaming napatingin at nakita kong naglalakad si Seb papasok. The usual na may nakapasak na headset sa tenga, medyo magulo ang buhok at parang inaantok antok pa, at nakapamulsa.
"Seb!" tawag ni Chichi dito.
Napaangat ang tingin niya sa amin. Napayuko naman ako as I feel a tight knot on my chest.
I'm so glad na hindi ako nakaiyak kagabi kaya hindi ako mukhang wasak ngayon. Ayokong humarap kay Seb na mukha akong broken hearted dahil hindi 'to kakayanin ng pride ko.
"Good morning!" ngiting ngiting bati ni Seb sa amin habang chill na chill siyang naglalakad papalapit sa amin. "Aga natin ngayon ah?" tanong nito.
"Himala hindi ka late!" puna naman ni LJ. "Inspired ka bang pumasok ng maaga?"
Seb chuckled, "inspired agad? Pwede bang nag babagong buhay na kasi pa-graduate na tayo?"
Napasinghap ako at napaiwas nang tingin.
Kinakausap niya kami na parang walang nangyari. Na parang hindi siya nag open up sa akin nor hindi niya ako ni-reject.
And it hurts.
Siguro nag expect din ako na makita siyang awkward---as much as alam kong hindi maganda yun—pero at least, nakikita kong hindi lang ako ang apektado sa nangyari kahapon.
But I guess that's not the case.
"Kung nag babagong buhay ka, mag tuck in ka ng uniform!" suway sa kanya ni Chichi. "Sige ka baka pagalitan ka ni Ms. Prez!"
"Ay sorry!" sabi naman ni Seb at dali dali siyang nag tuck-in. "Sorry Ms. Pres!"
So he's back to calling me Ms. Pres now huh? Hindi na Iris. Okay. Gets.
"Guys punta muna ako sa library, isosoli ko lang yung mga hiniram kong libro," sabi ko at pinakita ko yung dala dala kong eco bag na may laman na mga books. Yung mga ginamit namin na reviewers during the competition.
"Ang dami mong dala ah," sabi ni LJ. "What if, tulungan mo kaya si Iris 'no Seb? Tutal nakinabang ka rin naman sa mga libro na yan!"
Akmang kukuhanin ni Seb ang dala dala kong mga libro nang agad kong ilayo 'to sa kanya.
No. Just no. If he wants to pretend that nothing happens, bahala siya. I can't do the same.
"Wag na," I said coldly. "Ako na 'to."
Takang nakatingin sa akin si LJ at Chichi. Alam kong dapat mag explain na ako sa kanila about sa nangyari or else ipagtutulakan nila ako kay Seb. Isa pa, ayoko rin naman mag sinungaling. Kailangan ko lang talaga pagisipan maigi kung paano ko ito sasabihin sa kanila without revealing kung ano ang dahilan ni Seb.
"Mabigat," sabi ni Seb. "Ako na magdadala niyan sa library. Sumabay ka na kina Chichi."
Of course, sosolohin niya ang punta doon kasi ayaw niyang maiwan kasama ko.
What do I even expect?
"Magpapatulong na lang ako sa iba."
Nakita kong parating si Harold, and without even thinking, agad akong lumapit sa kanya.
"Harold!! Pa tulong naman padala nito sa library," sabi ko dito.
Nakita ko ang takang expression nito, pero kinuha niya pa rin ang mga dala kong libro.
"Okay," he said with a smile.
I smiled back, at sabay kaming pumunta sa library.
Hindi na ako lumingon kina Chichi at LJ. For sure they are giving me confused look right now. Hindi ko rin nilingon si Seb. Probably wala rin siyang pakielam.
Buti na lang talaga hindi ako makaiyak. Pero grabe, ang bigat naman nito sa pakiramdam.
~*~
"Iris, hindi ata dapat dito ang librong 'to?" sabi sa akin ni Harold at inalis niya yung book na basta ko na lang isinuksok doon sa shelf. "Baka pagalitan tayo ni Sir Gomez."
"Sorry," sabi ko kay Harold.
Sobrang lutang ng utak ko simula nung hatakin ko si Harold papunta dito sa library. Siya na nga ang nakipag usap kay Sir Gomez ang librarian namin habang isa isa naming ini-scan yung mga libro na hiniram ko. Nag volunteer pa siyang tumulong mag balik. Pero ni hindi ko maimik si Harold dahil sa lalim ng iniisip ko.
"Ako na bahala dito," sabi ni Harold. "Sa top shelf 'to nakalagay, eh."
Isa isang nilagay ni Harold yung mga libro sa top shelf. Abot niya kahit hindi na siya gumamit ng platform para tumungtong.
Napatingin ako sa kanya and it kinda reminds me why I liked him in the first place. Harold is always nice and always polite. He's willing to go out of his way to help someone. Cherry on top na lang na ang gwapo ng isang 'to at ang ganda ng height.
Would life be easier I just stay in love with him?
Nang matapos ilagay ni Harold ang mga libro sa shelf, humarap siya sa akin at ngumit.
"So... gusto mo bang mag open up kung bakit nag away kayo ni Seb?"
Nagulat ako bigla sa tanong niya. Nahalata na niya agad yun?!
"H-hindi naman kami magkaaway," pag mamaang-maangan ko.
Pinanliitan ako ni Harold ng mata.
"May sinabi bang hindi maganda sa'yo ang taong yun? Sabihin mo lang, paabangan natin sa kanto."
Natawa ako nang bahagya.
"Wala. Ako ata may nasabi."
"Hmm?" napalingon sa akin si Harold na para bang hindi siya naniniwala.
"Umamin ako na gusto ko siya tapos ayun, basted," I said with a laugh.
Hindi ko alam kung bakit ako umamin sa kanya, pero pakiramdam ko kailangan kong sabihin dahil kung hindi, sasabog ako. Harold is the safest person na pagsabihan dahil alam niya rin ang tungkol sa past ni Seb.
"Sinabi ba niya yung tungkol sa...?" Harold's voice fades.
Tumango ako dahil alam ko na agad kung ano ang tinatanong niya.
"And sinabi niya rin na aalis na siya after graduation kaya walang use kung magkagusto ako sa kanya."
"Iris..." lumapit sa akin si Harold and he tap my back to comfort. "I'm sorry."
Umiling ako. "Ayos lang. Gets ko naman na di niya rin ako gusto so, fine. Walang problema. Tsaka mukhang di rin naman siya affected."
Napa palatak si Harold and he looks frustrated.
"Alam mo yung kaibigan ko na yan, hanga ako sa utak minsan. Pero may mga pagkakataon na ang sarap niya ring sabihan nang bobo. I didn't let him punch me for this," he whispered.
Nagtaka ako sa sinabi ni Harold at bigla kong naalala na nag away nga pala sila ni Seb noon. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pinag awayan nila.
Pero connected ba sa akin yun?
"But I hope Iris you won't hate Seb that much," Harold said. "I know it's not easy and maybe this is too much for you. Pero si Seb... kahit mukhang palaging nakangiti at nakatawa ang isang yun, façade lang lahat nang yun. Kung nakilala mo si Seb sa kung paano ko siya nakilala, sobrang patay ng mata niya, walang emosyon. Parang dala dala niya ang mundo, eh. You won't believe me but the first time I truly see Seb happy was when he's talking to you.
Of course it's valid na nasasaktan ka ngayon at kung nakakaramdam ka sa kanya ng inis—kahit ako rin, eh. But what I want to say is that Seb is so good at hiding his emotions, and I hope you won't think na hindi siya affected. If there's one thing I know about that guy, it's that you are the person that is capable of affecting him that much."
Hindi ako nakaimik agad sa sinabi ni Harold. Napaisip ako bigla dahil dito. Bigla ulit bumalik sa isip ko yung mga nangyari kahapon. Yung usap namin. Yung way ng pagkukwento niya. Yung mga sinabi niya.
Inalala ko yung expression niya.
The way he maintained a blank expression. Kung paano niya in-omit sa conversation yung feelings niya.
"Nandiyan ba si Reyes?"
Naputol ang train of thoughts ko nang biglang may nagsalita at nakita kong may isang babaeng papalapit sa amin.
She's quite small, pero kung lumakad ang siga. She's wearing a ball cap and a varsity jacket na ipinatong niya sa school uniform niya. She looks cute, pero parang naghahanap siya ng gulo.
"Aannd my day is ruined," bulong ni Harold.
"Ano Reyes? Dito ka na naman sa library naka tambay? 'Di porket ikaw pinaka maraming score last game, may dahilan ka na ma late sa practice," sabi nito kay Harold.
"Good morning to you too, Miss Gabrielle," bati naman ni Harold sa kanya.
Napairap lang 'to at biglang napatingin sa akin.
"This is Iris by the way," pakilala ni Harold sa akin. "And she's Gabrielle, the secretary of the team."
"Gabbi," sabi niya sa akin sabay lahad ng kamay. Tinaggap ko naman ito para makipag shake hands. Nagulat ako nang maglapat ang mga palad namin, hinila niya ako papalapit sa kanya atsaka siya bumulong. "Kung pinopormahan ka niyan ni Reyes, naku wag kang mag papauto. Nasa loob ang kulo niyan."
"What are you telling her?" tanong ni Harold sa kanya.
"Wala sabi ko halika na, mag m-meeting na tayo! Ingles ingles ka pa diyan," sabi nung Gabbi at nauna na itong mag lakad paalis.
"Unbelievable," Harold whispered and he look pissed off. By the looks of it, mukhang may bad blood silang dalawa nung Gabbi dahil ngayon ko lang nakita si Harold na inis.
"I need to go now, Iris."
"Sige okay lang, ako na bahala dito. Thank you sa help."
"No problem," he pats my head at nginitian ako. "Pag may ginawa sa'yo so Seb, sumbong mo sa akin. Akong bahala diyan."
Napangiti rin ako, "thank you Harold. Buti na lang ikaw ang nahatak ko."
He smiled again at umalis na siya.
Inayos ko yung mga natitira pang libro. After nun, bumalik ako sa library counter kung saan nakaupo si Sir Gomez. He's playing some music from an old record in his turntable. Nung una hindi ko pinansin, but as the song goes on, unti unti kong narealize na familiar sa akin ang kantang 'to.
And I don't want the world to see me
'Cause I don't think that they'd understand
When everything's made to be broken
I just want you to know who I am
Dali dali akong lumapit kay Sir Gomez as I start to recognize the song.
"Sir.." tawag ko rito. "A-ano pong title nung kanta?"
"Hmm?" napaangat yung tingin niya. "Ito? Ah. Kanta 'to ng Goo Goo Dolls eh."
Kinuha niya yung case nung vinyl CD at pinakita niya sa akin. Sa likod nito, nakasulat ang mga title ng tracks doon sa album.
Pero may isang title ng kanta na ginuhitan.
'Iris'
"Iris," sabi ni Sir Gomez.
Natahimik ako as I tried to process it. Naalala ko yung gabing nag usap kami ni Seb sa convenience store, when I asked him kung sino ang gusto niya and he gave me this song as a clue.
Ibig sabihin... ibig sabihin...?
"Teka, kaklase mo si Sebastian 'di ba?" tanong ni Sir Gomez. Tumango ako. "Ayos. Paki balik naman sa kanya 'tong vinyl record. Kanya 'to eh. Pinahiram niya lang sa library," sabi nito. Inalis niya yung CD sa turntable at inilagay sa case atsaka niya ito ibinigay sa akin.
Muli akong napatitig doon sa list ng mga kanta.
Si Seb din ba ang gumuhit sa Iris?
Wala ako sa sariling nag lakad palabas ng library dala dala ang vinyl.
I feel stupid.
I've been asking him what he feels about me when he already told me before.
Hindi lang sa kantang 'to pero kung hindi sa lahat ng kilos niya at kung paano niya ako pinakitunguhan.
Yung mga panahong pilit niya akong pinapatawa.
Mga panahong hindi niya ako iniwan.
Mga panahong hinayaan niya akong umiyak sa kanya.
Seb helped me go out of myself. He helped me get through my trauma. Hindi siya natakot na i-realtalk ako sa mga bagay na alam niyang mali. Pero kita ko rin ang saya sa mata niya nung mga panahong sinabi ko sa kanya na okay na kami ni daddy.
Si Seb. Ang dami niyang nagawa sa akin.
Anong nagawa ko para sa kanya?
Habang naglalakad ako pabalik ng classroom, nagulat ako nang makasalubong ko si Seb. Nakasukbit ang bag niya sa balikat niya at mukhang papunta siya sa library.
Napahinto ako sa paglalakad. Ganoon din siya.
"Uhm.. excused daw tayo sa klase today kasi ilang araw tayo nag compete," sabi nito sa akin. "Nauna nang umuwi si Mona."
Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa kanya while I'm hugging the vinyl record against my chest tightly. I feel a lump on my throat at parang biglang ngayon gustong kumawala ng luha na hindi ko mailabas simula kagabi.
"Uhm.. ayun, sinabi ko lang," Seb said awkwardly. "U-una na ako."
Nakita kong patalikod na si Seb. Huminga ako nang malalim to prevent myself from crying dahil alam ko, hindi ito ang tamang oras.
Sa pagkakataong ito, si Seb muna.
"Seb!" tawag ko sa kanya at dali dali akong lumapit atsak ko humawak sa braso niya.
Napalingon siya sa akin. I gave him a sincere smile.
"Tara gala tayo," sabi ko dito.
Nagulat si Seb sa sinabi ko at kita ko ang pagtataka sa mga mata niya.
"Pero---"
"Sige na please? Tara. Libre ko."
Hindi naka angal si Seb. Kita ko pa rin ang confusion sa mukha niya sa bigla kong pag yayaya and I take it as chance na hilahin na siya paalis.
Sa pagkakataon na 'to, ako naman ang aalalay sa'yo.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top