Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Three
Ang lakas nang loob kong gumala samantalang wala naman akong alam na lugar na pwedeng galaan. As someone na ilang taon na puro school-bahay ang buhay, wala akong idea kung saan pwedeng tumambay, mag chill, o gumala ang mga estudyanteng katulad ko.
Naisip ko nung una na pumunta na lang kami sa Leisure House. Pero palagi nang nandoon si Seb at baka ma bored lang siya at iwan ako so pass.
It's still too early para kumain ng lunch kaya hindi ko rin naman mayaya si Seb kumain somewhere.
Kaya naman naisipan ko na lang na pumunta sa lugar kung saan pwede kaming mag ikot---sa mall.
Oo, alam ko, napaka cliché and napaka common. Pero wala na akong ibang maisip kung saan dadalhin si Seb.
Nung nasa jeep kami papunta sa mall, tahimik lang si Seb na nakaupo sa tabi ko. Hindi siya umiimik, pero hindi rin naman siya nag t-try umalis which is a good sign. I think.
Nang makarating kami sa mall, sarado pa ito because it's still 9:30 in the morning. Kaya naman doon muna kami ni Seb tumambay sa may grocery area. Sa labas ng grocery, may bilihan ng snacks. Naisipan kong bumili ng gulaman at siomai para sa aming dalawa.
"Second breakfast," sabi ko kay Seb habang inilalapag ko ang siomai sa table kung saan kami naka pwesto. "Pero tig dalawa lang tayo sa siomai para hindi tayo masyadong mabusog. Gusto kong makakain nang marami sa lunch," I told him with a smile.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya at napatingin sa akin si Seb.
"Iris kung ginagawa mo 'to dahil---"
"Hindi pa ako nakakagala nang ganito during class hour," pag putol ko sa sinasabi niya. "Never ko kasi na try ang mag cut ng class para gumala. Nakwento sa akin ni Chichi at LJ na natry na nila once. Yung may kinakabaliwan silang actor tapos nalaman nila na may mall show, tumakas sila sa klase para makapunta? Well, wala rin naman akong lakas ng loob mag cut ng klase, isa pa, I still think it's not right and it's something na I wouldn't tolerate---as a president of course. Kaya I'm happy I got this chance na makapag gala during class hour na legal at hindi ko kinakailangan mag cut ng klase."
Napatingin sa akin si Seb. He looks confused while trying to process kung ano yung pinag sasabi ko.
"I mean, dati kung saan saan mo ako kinakaladkad, so ako naman kakaladkad sa'yo ngayon. O naiilang ka ba ngayon dahil alam mong crush kita?"
Napaiwas bigla nang tingin si Seb sa akin and he clears his throat. I can see his ears slightly turns red. Gusto kong mapangiti, pero pinigilan ko.
Hindi pa niya alam na alam ko na yung title ng kantang pinahulaan niya sa akin. Nasa bag ko yung record at hindi ko pa rin naibibigay sa kanya.
Let me feign ignorance for a little while. After all, hindi rin naman dahil doon kaya ko siya kinaladkad ngayon.
"So.. anong gusto mong gawin dito sa mall?" tanong sa akin ni Seb. Alam kong iniiba nito ang usapan. Okay lang, basta sasamahan niya lang ako.
I shrug, "ewan. Arcade? Hindi pa ako nakakapasok doon. Tapos lunch siguro tayo after arcade. Tapos pwede tayo manood ng movie! Sabi ni LJ meron daw nirererun na old movies dito sa cinema nila. Fifty pesos lang yung ticket. Game? Kung okay lang sa'yo na kasama mo yung may crush sa'yo?"
Nakita kong mas namula yung tenga niya. Kahit mag supla-supladuhan pa siya diyan, may mga moments talaga na hindi matago ni Seb ang iniisip niya.
"Basta hindi ka aasa," mahina nitong sabi.
Edi boom, wow, ni-real talk ako.
"Namatay na yung pag-asa ko sa'yo wag kang mag alala. Kay Harold nga naka move on ako, sa'yo pa kaya?" medyo irita kong sabi, pero pinigilan ko ang sarili ko na wag masyadong mainis. Baka makalimutan ko kasi na kaya kami nandito ay para i-comfort ko siya.
Napatingin ako kay Seb. I saw a glimpse of disappointment in his eyes—pero agad din niyang naitago ito by smiling.
"Edi ayos!" sabi niya. "Arcade ba? Tara."
Tumalikod si Seb sa akin at nauna na siyang mag lakad. Ako naman, dali dali kong kinain yung natitirang siomai sa harap ko atsaka ako sumunod sa kanya.
In-open na yung gate papunta sa loob ng mall. Sabay kaming pumasok dalawa.
~*~
"Gusto ko non!" sabi ko kay Seb habang tinuturo ko ang stuffed keychain na naka display sa counter ng arcade. It's a black cat that looks so much like Sebbie.
Hindi umimik si Seb.
"Kailangan daw manalo ng tickets para mabili yung keychain. Paano gagawin?" tanong ko kay Seb.
"Kailangan mo mag laro ng games," paliwanag nito sa akin. "May lalabas na ticket base sa score mo."
Tinignan ko kung ilan tickets ang kailangan para makuha ko yung stuffed keychain.
150.
Ang dami naman! Hindi ako marunong mag laro ng kahit anong games dito!
Nilibot ko ang paningin ko. Kaming dalawa pa lang ni Seb ang nandito sa loob ng arcade. The girl in the counter is eyeing us suspiciously. Siguro dahil pareho kaming naka school uniform. Kung titignan nga naman, para kaming mga nag cutting para makapag date.
I blush at the thought at dali dali akong naglakad palayo sa counter habang taka namang naka sunod sa akin si Seb.
Nakita kong may basketball ring doon sa may far end side ng arcade. Hindi ako marunong mag basketball pero mukhang ito lang ang alam kong laruin.
"Gusto kong mag basketball," sabi ko kay Seb. "Tingin mo makakakuha ako ng maraming tickets dito?"
Seb just shrugged, "try mo."
Gusto ko siyang panliitan ng mata. This is not the scenario I was imagining. 'Di ba typical eksena sa mga romcom na mag vovolunteer yung guy na siya ang mag lalaro para makuha yung stuffed toy na gusto ni girl?
Pero dito... he's just standing there looking so bored---or maybe pretends to be bored para 'maka move on' na ako at hindi ako umasa sa kanya.
Gusto kong umirap. Gusto ko rin mainis. Tempted akong hatakin siya somewhere private para makapag usap na kami dahil nayayamot na ako at ang dami kong bagay na gustong klaruhin sa kanya. But I need to remind myself na I'm here to cheer him up. Mamaya na ang usap. Gusto ko munang maibaba ang wall ni Seb na ang taas taas.
Tumira ako ng bola. Ni hindi man lang tumama sa ring. Tumira ulit ako. Napunta ito sa kabilang side. Nakaka limang tira na ako pero ni isa doon wala pa rin pumapasok.
I'm getting frustrated.
"Paano ba nagagawa ni Harold 'to?" bulong ko sa sarili.
"Ako na nga," dinig kong sabi ni Seb kaya agad akong napalingon sa kanya. Nakita kong nasa tabi ko na siya at kinuha niya yung bola mula sa kamay ko.
Hindi ko maiwasan mapangiti nang malawak na halos mapunit na ang bibig ko.
"Talaga? Ikaw na mag lalaro?" I asked him. I can't hide the excitement in my voice.
Napatigil nang bahagya si Seb at napatitig sa akin. Bigla naman akong na-conscious dahil feeling ko may something sa mukha ko.
"Bakit?" I asked him. "May dumi ako sa mukha?" sabi ko at agad kong pinunasan ang magkabilang pisngi ko.
Seb looks away and he cleared his throat. "Natanggal na yung dumi," sabi nito. "Ako na ang mag lalaro para makaalis na tayo agad," duktong pa niya.
Napasimangot na lang ako nang bahagya.
Ano ba yan, alis na alis na siya. Mukhang hindi naman siya mag eenjoy sa ganito.
Pumorma si Seb na i-sh-shoot ang bola. Infairness, mukha siyang basketball player! He threw the ball and I anticipated it na ma shoot sa ring. Kaya lang masyado mataas ang tira ni Seb kaya lumagpas yung bola.
Seb cleared his throat as I saw his ears turning red.
"Practice lang yun. Isa pa," sabi nito.
Inabot ko sa kanya yung bola. Tumira ulit siya. This time, bitin naman masyado at ni hindi man lang tumama sa ring.
"Isa pa!" sabi nito at nag abot ulit ako ng bola. Sablay na naman ang tira niya.
Hanggang sa naka lima, anim, sampu na siyang tira, wala pa rin pumapasok.
"Grabe iba talaga si Harold," bulong ko. "Biruin mo yun lagi siya nakaka shoot? Ang hirap pala talaga maging basketball player."
Napatingin sa akin si Seb. Salubong na ang kilay niya at mukhang pikon na pikon siya na hindi siya makashoot ng bola.
I want to laugh. Pero pinigilan ko.
Ano? Edi tanggal ang angas mo ngayon?
"Wala na akong barya pang hulog. Magpapapalit lang ako," sabi nito.
"What if ibang game na lang ang laruin natin?"
"Hindi!" sabi niya. "Makakashoot din ako! Makita mo. Si Harold dati hindi maka shoot ng bola yun. Inabot ng ilang buwan yun bago maka tira ng maayos. Tignan mo ko mamaya, makakarami ako," pagyayabang niya at tumalikod na siya para magpapalit ng coins.
I chuckled. Mukhang nag eenjoy naman pala siya. Kailangan lang muna talaga niyang pikunin saglit.
~*~
"Ilan ulit yung kailangan para makuha yung pusa na keychain?" tanong ni Seb.
"150 tickets," sagot ko dito.
He grinned, "naka 300 tickets tayo," pag mamayabang niya.
Napangiti rin ako.
"Galing mo doon sa hammer game, eh!" pangaasar ko sa kanya.
Ang tagal namin doon sa may basketball game. Ayaw tigilan ni Seb hangga't hindi siya nakaka score. Nung unang beses siyang naka shoot ng bola, para siyang bata na nagtatalon sa saya.
"Nakita mo ba yun? Pumasok yung bola sa ring, Iris!" he told me with full of joy that I can't help but to also grin.
"Oo! Galing mo doon ha!"
Napakamot siya sa likod ng ulo niya, "tsamba lang. Ibang game na tayo."
After that, nag try kami nang iba't ibang laro. I can see how Seb's enjoying it no matter how much he tries to hide it. Lalo na pag nakakakuha kami ng maraming tickets. Pinaka marami siyang nakuhang tickets doon sa hammer game kung hahampasin mo ng malakas yung foam. Pag mas malakas na hampas, mas maraming tickets ang lalabas. Mukhang dito niya ibinuhos yung frustration niya sa basketball game kanina.
Ipinapalit namin yung tickets doon sa counter. Pinili ko yung nakita ko kanina na stuffed keychain na black cat. But since sobra ng one hundred fifty yung ticket, kumuha pa ako ng isa pang keychain. Yung white cat naman.
"O sa'yo yan," sabi ko kay Seb nang matapos kong ipapalit yung ticket. Inabot ko sa kanya yung white cat.
"Okay lang ako," he said. "Para sa'yo naman talaga yung tickets."
He's back to being down again at hindi ako tinitingan. Siguro nag sink in na naman sa kanya na masyado siyang naging friendly kanina habang nag lalaro kami. I know he's trying to draw a line sa aming dalawa, and I understand. Pero isa yan sa kailangan naming pag usapan mamaya.
Kinuha ko ang kamay ni Seb at ipinatong ko sa palad niya yung stuffed keychain.
"Sa'yo yung isa because you worked hard for it," sabi ko sa kanya. "So, saan tayo kakain?" mabilis kong pag ch-change topic para hindi na siya makaangal.
Seb hesitantly puts the keychain inside his bag then he shrugs.
"Ikaw bahala."
Sabi ko na nga ba, ganyan ang magiging sagot niya. Kung alam ko lang kung ano ang mga trip nitong food, ako na talaga ang mamimili.
I hate it na kahit itong mga ganitong simple trivial things, hindi ko alam tungkol kay Seb.
"Bato bato pick," sabi ko. "Kung sinong matalo siya ang mamimili kung saan kakain. Best of three."
Well, kung hindi ko siya mapipilit mamili, might as well daanin ko na lang sa swerte.
Hindi na umangal si Seb at nakipag laro siya ng bato bato pick.
First round, bato ako, papel siya. He won.
Huminga ako nang malalim. Hindi ko alam kung bakit kabado ako samantalang pag pili lang naman ito ng makakainan.
Pero kasi ano pang sense na hinatak ko siya dito kung hindi siya ang mamimili?
Second round. I went for paper, he went for scissors.
I can't help but to feel dismay. Alam kong ang babaw lang nito pero I really want him to choose where to eat.
Napabuntong-hininga ako and I forced myself to smile. Ayokong makasira ng mood.
"Saan kaya okay kumain?" I asked. "Ikot ikot muna tayo? Hindi ko alam kung saan pwede dito, eh."
Nauna ako mag lakad palabas ng arcade. Pilit kong inaalala kung ano yung mga kinakain ni Seb pag lumalabas kami. Sobrang iba iba. Wala rin siyang binanggit sa akin na favorite food niya. Mahilig siyang mag meryenda. Inoorder niya palagi doon sa Leisure House is flying saucer at cup noodles. Madalas din siyang nag yayaya kumain ng ginataang bilo bilo. Pero ano ba trip niya dito sa mall? Hindi ko alam.
I always eat my comfort food pag down ako. Pero hindi ko alam ang comfort food ni Seb.
Nakakainis. Alam kong nag o-overthink ako masyado. Pero bakit ganun? Nung time na hindi ako okay, Seb can effortlessly comfort me, pero ako ngayon sobrang lost.
"Iris."
Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko. Pag lingon ko, it's Seb. Mukhang hinabol niya ako. Dahil sa lalim ng iniisip ko, hindi ko napansin na dire-diretso na pala akong naglalakad.
"Sorry," sabi ko kay Seb. "Na lost ako sa thoughts ko."
"May masarap na kainan sa labas," sabi niya. "Mga sizzling plate. Doon kami madalas tumambay dati ni Harold pag trip namin kumain nang masarap. Well, kung trip mo lang din. Ikaw naman mag dedecide kung saan kakain."
Hindi ko mapigilan mapangiti.
"Tara diyan tayo! Gusto ko diyan! Game!" I said too eagerly that Seb can't help but to smile too.
"Okay sige, tara doon."
~*~
Nakapwesto yung kainan one street away from the mall kaya naman napuntahan namin agad. Habang nag lalakad kaming dalawa, napansin ko na parang ang kulimlim nang langit. Wag naman sanang umulan.
Nung makarating kami doon sa place, medyo marami rami na ang tao. Lunch time na rin kasi at mukhang puntahan din ito ng mga empleyado para kumain.
I let Seb suggest kung ano ang masarap na food nila. We both order beef salpicao at mukha namang nag enjoy si Seb sa pag kain.
Tahimik kami habang kumakain. May paminsan-minsang nag kukwentuhan about sa arcarde kanina, pero bigla ulit magkakaroon ng silence.
Okay lang. Ayoko siyang pwersahin na maging tulad ulit nang dati dahil alam ko na mahirap gawin yun lalo na after he made it clear kung ano ang mga nangyari sa kanya. Alam kong mas naging mataas ang wall niya because of these unresolved issues and I totally understand that. Dahil ganoon din ako noon.
Pero at least, he is not completely shutting me off. Mas mahirap kasi siyang hatakin palabas sa dilim pag ganun.
Ayos lang. I'm patient and I'm willing to wait until kaya na niyang maging open sa akin.
By the time na natapos na kaming kumain, bumuhos na ang ulan sa labas. Malakas ito na may kasama pang pag kulog sa kalangitan.
Napapapikit ako kada naririnig ko ang kulog. I still hate the sound of it. I can't help but to feel anxious na baka may masamang mangyari kada naririnig ko yun.
"Iris, may paparating atang bagyo," sabi ni Seb. "Tinitignan ko sa news, mamayang gabi ata ang tama. Tingin ko mas okay kung umuwi muna tayo ngayon."
Hindi ako nakaimik agad. Ayoko pang umuwi. Gusto ko pang makasama si Seb. Gusto ko pa na mag usap kami kahit na about sa arcade lang o sa lunch. Manonood pa kami ng sine. I'm already making progress and I'm quite scared nab aka mag back to zero na naman ako pag pinutol agad namin ang araw na 'to.
Muling kumulog. Napapikit ako. That sound really felt like a warning sound that's something bad might happen. I feel anxious agad.
Of course, kailangan kong unahin ang safety namin. Mahirap na baka ma stranded pa kami dito.
I sigh and I look at Seb.
"Sige uwi na tayo."
~*~
Inihatid ako ni Seb doon sa sakayan ng taxi. Walang nakapila kaya nag abang pa kami ng ilang minute. After ten minutes or so, may dumaan na taxi at agad naman niyang pinara.
"Sakay ka na. May diretsong tricycle naman sa amin mula dito," sabi ni Seb.
Tumango ako and I forced a smile. "Okay. Ingat ka. See you bukas."
Tumango lang din siya at tumalikod na ako at tumakbo papunta sa taxi. I opened the door at sinabi ko agad sa taxi driver kung saan ang bahay namin.
Muling kumulog. Napapikit ako.
I was about to close the taxi door nang may biglang humawak dito.
Napalingon ako at nakita ko si Seb. He's a drenched in rain dahil tumakbo siya rito nang walang payong.
"Seb?"
Agad pumasok si Seb sa taxi at sinara niya ang pinto.
"Hatid na kita," sabi niya.
Bago pa ako makapag react ay umandar na ang taxi driver.
And just like that, nawala lahat ng anxiousness na nararamdaman ko.
To be continued...
Hi Dreamers,
More or less we have three chapters left for this story. Hopefully I'll get to finish it before the month ends.
Pero ngayon pa lang, thank you for reading and for always patiently waiting for my update <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top