Chapter Sixty Six
Chapter Sixty Six
"Double celebration pala ang ganap natin sa Sabado, eh!" sabi ni LJ sa amin habang nakapwesto siya sa gitna namin ni Chichi at pareho siyang naka akbay sa amin. "Iba talaga pag may mga tropa kang high achievers!"
Kasalukuyan kaming nakatingin ngayon sa board kung saan nakapaskil ang overall top student for this school year ng batch namin. Sa pinaka tuktok ng listahan, nandoon ang pangalan naming dalawa ni Seb.
1. Iris Celestine Castro
2. Sebastian Madrigal
3. Leilani dela Cruz
4. John Angelo Villanueva
5. Ramona Sy
"Feeling ko tuloy ang talino ko rin!" sabi ni Chichi. "Friends kami ng Valedictorian at Salutatorian!" sabi naman ni Chichi.
Tinignan ko siya, "nakapasa ka nga sa university na gusto mo!" sabi ko kay Chichi. "Don't belittle yourself."
Mapapa pout si Chichi. "Pero sad pa rin ako kasi magkaiba kami ng school ni LJ."
"Nu ka ba! Malapit lang naman ang CEU at FEU. Pwedeng pwede kitang sugurin sa Mediola," sabi naman ni LJ.
Chichi's going to CEU habang sa FEU naman nag decide si LJ mag enroll. Pareho silang nakapasa sa dalawang universities na 'yon, nagkataon lang na magkaiba ang naging preferences nila kung saan sila mag e-enroll.
And that concludes, sa magkakaibang university nga ang bagsak naming lahat.
"Teka nasaan na ba si Seb?" tanong ni Chichi. "Nakita niya na ba 'tong result?"
Tumango ako, "he already knows the result because the teachers texted it to us last night. Alam ko nasa faculty si Seb ngayon, kinakausap ata siya about his scholarship."
Hinila ako ni LJ papalapit sa kanya.
"Sad ka?" she whispered.
"Hmm?"
"Na aalis na si Seb," sabi nito.
Tumango ako. I know I can be honest with them.
"Kaya ba hindi naging kayo?" sabi ni Chichi. She looks sad. "Dahil aalis na siya?"
"Isang factor yun," sabi ko sa kanilang dalawa. "Pero marami pang dahilan, and I understand."
Hindi na sila nagtanong pa ulit and I'm grateful na hindi nila ako kinukulit na mag share sa kanila. I know they understand na it's something na mahirap i-share sa lahat.
Muli akong napatingin sa board at tinitigan ko ang pangalan ko sa pinaka taas.
Siguro kung hindi ko naging kaibigan sina Chichi, siguro kung hindi kami naging okay ni daddy, I would probably feel empty looking at my name on top.
Pero dahil naging maayos ang sitwasayon ko, and I got friends I can celebrate with, it made me feel happy.
Thank god this school year is much better than the rest.
~*~
Lunch break. Seb is not yet back from the faculty habang sina Chichi at LJ naman ay nagpunta sa dance club to bid their goodbye. Me and Glen decided to wait for them inside the classroom para sabay sabay na kaming kakain. Afterall, they gave us three hours lunch break. Wala na rin kasing klase at puro rehearsals na lang kami ng graduation ceremony.
Napatingin ako kay Glen sa desk niya na busy mag mobile legend kaya naman tumayo ako at lumabas ng classroom. Tumambay ako sa veranda at doon nagpahangin.
Napatingin ako sa ibaba. Ang daming estudyante from lower batch ang nag l-lunch break. Most of them are preparing for their finals. Somehow, nainggit ako sa kanila kasi they still have time to enjoy highschool. Magkikita kita pa karamihan sa kanila next school year. Magkakasama sama pa ulit.
I feel another tight knot on my stomach.
Mamimiss ko talaga 'to.
"Congrats Valedictorian."
Napalingon ako nang marinig ko ang boses na yun at nakita kong papalapit sa akin si Mona. She's smiling at me genuinely habang inaabot niya sa akin yung cupcake na hawak niya.
"Sa'kin 'to?" I said at hindi ko rin maiwasang mapangito because of her gesture.
She looked away and shrugged, "kung gusto mo lang."
Kinuha ko yung cupcake, "thanks. Top 5 ka, congrats. Pero mas matalino ka doon sa three and four. Nahuli ka lang ng pasok this school year."
Nakita kong napangiti rin nang bahagya si Mona, "salamat. At least nakapasok pa rin sa honor list."
"Uhm... sa UP ka rin 'di ba? I mean, mag aaral?"
Tumango si Mona, "oo. Same university tayo. Magkaibang branch nga lang."
I found out na nakapasa rin si Mona sa UP at mukhang sa UP Diliman siya mag aaral. Glad things had worked out for her.
During parents-teacher conference, I found out yung family situation ni Mona. I was also in the teacher's office nung sinabi ni Mona ang reason why both of her parents can't attend the conference---and even the graduation. Her dad's in China at matagal na silang walang communication dito. Her mom had alcohol issue, and they are planning to send her sa rehabilitation. Right now, yung lola niya ang umaalalay sa kanya. But her lola had to work at hindi ito makakaattend sa mga ganap ni Mona sa school.
Now it made me understand kung bakit ganoon na lang ang mga naging kilos niya. Its not an excuse, I know. Mali pa rin siya. But it made me understand where she's coming from.
And it made me forgive her for what she've done. Lalo na ngayon na nakikita ko na very eager siyang mag bago.
"Mona..." sabi ko. "May pa despedida kami kay Seb sa Saturday. Sama ka," yaya ko sa kanya.
Umiling si Mona, "pass. Awkward lang yun tsaka may mga aasikasuhin na rin ako."
Tumango ako.
"Iris.."
"Hmm?"
"Good luck sa college."
"Ikaw rin. Good luck. Sana magkita tayo. Sa UP Fair o kung saan man."
"Sana," sabi nito at tumalikod na siya at naglakad palayo.
~*~
Saturday Night. Nandito kami ngayon sa eatery nina LJ to celebrate a lot of things.
Graduation, despedida ni Seb, pagpasa ko sa UP, pagpasa naming lahat sa mga desired schools namin, and even our friendship.
Sa dami nang gusto naming i-celebrate, hindi na kami nagpalagay ng dedication sa cake. Pero bumili na lang kami ng anim na candles para sa aming lahat.
"Okay pass the cake and blow the candle! Pero bago yun, mag wish muna ah!" sabi ni LJ.
"Ba't may pag wish hindi naman natin birthday?" tanong ni Chichi.
"Hayaan mo na! Gawa tayo sariling rules, bakit ba!" reklamo naman ni LJ. "O Glen ikaw na mauna dahil ikaw katabi nung cake."
Kinuha ni Glen ang cake at sinindihan niya ang isang kandila.
"Baka naman i-wish mo pa na maging tayo na," sabi ni Chichi that made everyone laugh except for Glen.
"Sana wala akong maibagsak na subject sa college," hiling ni Glen sabay blow. Nagpalakpakan kami. Napairap naman si Chichi.
"Ako na!" sabi nito at siya naman ang nag sindi ng kandila.
"Sana hindi na maging manhid ang crush ko," wish ni Chichi.
"Ikaw na kasi maunang umamin!" pagbibiro naman ni Seb.
"Magpapakipot pa ako nang onti 'no!" sabi ni Chichi sabay flip hair.
"Sino ba crush mo?" tanong naman ni Glen sa kanya.
Ramdam ko na halos lahat kami, muntik nang mapa facepalm.
"Dude..." sabi ni Harold habang iiling iling. I know he's the most frustrated here.
"O siya ako na!" sabi ni LJ at kinuha niya kay Chichi ang cake at nag sindi ng kandila.
"Sana wala rin akong maibagsak na subject sa college, sana maging going strong kami ng girlfriend ko, sana walang masaydong homophobic sa papasukan ko, at higit sa lahat, sana maging safe place na ang mundo para sa mga bading na tulad ko! And I thank you!!"
Naka receive ng standing ovation mula sa amin si LJ dahil doon.
"Laban bading!" sigaw naman ni Chichi sabay raise ng iniinom niyang Sprite at nag toast silang dalawa.
LJ looks extra happy lately. Siguro malaking epekto rin yung hindi na niya kailangang itago ang tunay na siya sa mga tao. Mukhang nakapag usap na rin sila ng father niya at nagkaayos na sila.
I'm glad.
"O si Harold na!" sabi ni Seb at inabot ni Seb yung cake kay Harold. "Hilingin mo na sana maging MVP player ka sa UAAP."
"Baliw," sabi naman ni Harold habang tatawa tawa.
"Hindi naman niya kailangan hilingin 'yon," sabat ko naman. "Kasi magkakatotoo naman talaga."
Napangiti si Harold sa akin at nakipag high five. "Ikaw talaga kakampi ko rito."
"Naman!" proud kong sabi.
"Dahil diyan i-invite kita sa mga laban ko," sabi ni Harold.
"Ako hindi mo yayayain?" sabat ni Seb sa amin.
"Makakauwi ka ba?" tanong naman ni Harold.
"Magagwan ko ng paraan," mabilis na sabi ni Seb. "Basta dapat kasama ako diyan."
"Ayon naman pala. Pag mambabakod, magagawan ng paraan," biro naman ni LJ.
"Hindi talaga ako ang ipupunta niya dito," sabi pa ni Harold at nagtawanan sila.
Pareho kaming napaiwas ng tingin ni Seb at ramdam ko ang pag init ng mukha ko. Napunta na naman sa amin ang topic bwisit.
"Mag wish ka na nang maayos, baka matunaw pa yang kandila," sabi ni Seb kay Harold."
"Ito na. Wish ko sana lagi tayong healthy, at sana hindi ako makalimutan ng mga kaibigan ko."
"Sus. Imposible," sabi naman ni Seb. Harold chuckled habang ipinapasa niya sa akin ang cake.
Nag sindi ako ng kandila at ako naman ang nag wish.
"Wish ko sana matupad lahat nang wish niyo... and sana magkita kita tayo palagi," sabi ko.
Pagkatapos kong hipan ang candle ay ipinasa ko ang cake kay Seb. Sinindihan ni Seb ang natitirang kandila doon atsaka pumikit. Then he blows the candle.
"Hoy ang daya! Ba't di ka nag wish!" reklamo ni Chichi.
"Oo nga, walang ganun!" sabi naman ni Glen.
"Nag wish ako. Di ko lang pinarinig sa inyo," sabi nito.
"Edi ulit!" sabi naman ni LJ. "Dapat may wish din tayo na di ipaparinig!"
At dahil inggitera ang mga kaibigan ko, ibinalik ulit namin ang cake kay Glen at isa isa kaming nagsabi ng mga silent wishes namin.
Nang makarating sa akin ang cake, pumikit ako and I pray hard.
I wish for Seb's safety and healing. At sana... sana bumalik siya sa akin.
~*~
"Ice cream tayo?" Seb asked me habang naglalakad kami papunta sa sakayan. Yakap yakap ni Seb ang paper bag ng regalong ibinigay namin sa kanya. Isang long coat and scarf dahil alam naming winter season tends to get too cold doon sa lugar na pupuntahan niya.
Seb offers to walk me home like he always does. Pero may kakaiba sa gabing ito. Parang ang bigat ng mga yapak ko. Siguro dahil alam kong ito na ang huling beses na magagawa ni Seb ito.
Sa Monday, graduation na namin. And a day after that, aalis na si Seb papuntang States.
Napalunok ako as I held back my tears because of that thought. Ni hindi ko makuhang sagutin ang tanong ni Seb dahil baka mag dire-diretso ang iyak ko, kaya naman tumango na lang ako sa kanya.
Dumiretso kami ni Seb sa convenience store kung saan kami kumain noon ng ice cream. Yung araw na ipinarinig niya sa akin yung song na Iris.
Dahil busog pa kami sa lahat ng desserts na kinain namin, we decided na kape na lang ang bilhin namin. Well, actually libre ni Seb. Ayoko sana but he insisted. Sabi niya, inuubos na lang din niya yung peso bills na nasa wallet niya.
"Excited ka na?" tanong ko sa kanya habang nakaupo kami sa stool na nakaharap sa bintana. Same place kung saan kami naka pwesto noon.
"Kabado," sabi niya. "Pero nararamdaman ko na rin yung excitement."
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Seb.." tawag ko rito. "I hope... I hope someday you'll get to do things na gusto mo talaga, and not because you feel like you are responsible of something."
Hindi agad umimik si Seb. He gently sipped his coffee, then I saw a small smile on his lips.
"May hindi pa pala ako napapakita sa'yo," sabi nito.
May kinuha siya sa bulsa niya at inilapag niya ito sa lamesa. Isang pambura. Sa pinaka cover ng pambura na 'yun, nakasulat ang pangalan ko. IRIS.
Na blangko ang utak ko sa ipinapakita sa akin ni Seb. Hindi ko alam kung bakit may pangalan ko sa pambura, pero naalala ko na ganitong klase ang gamit ko noon.
Napatingin ako kay Seb with a confused expression on my face.
"Nahulog mo sa jeep after mo makipag away doon sa mga pasahero na ayaw mag bayad."
Mas lalo akong na confused sa sinasabi niya... and then I remember. Oo nga, may nangyari na ganoong incident sa akin. Pero sa ibang school pa ako nag aaral non.
"Paano mo nalaman...?"
"I was there, Iris," sabi nito. "Siguro sa mata ng iba maliit na bagay. Pero sa mata ko, nakita ko na ah, ganito pala ipaglaban ang tama. Hindi mawala sa isip ko ang insidente na 'yon. Paulit ulit na nag re-replay sa utak ko 'yun. Hanggang sa narealize ko, gusto ko rin ipaglaban ang tama sa maayos na paraan. Gusto ko rin tumulong sa mga tao na walang means para tulungan ang sarili nila. That night, I started to dream of being a lawyer. And that's because of you, Iris."
Nilingon ako ni Seb and he looked at directly in my eyes. His eyes are deep, full of emotions, and I can feel the sincerity in his voice.
"Salamat," he said at hinawakan niya ang kamay ko. His thumb gently caressing the back of my hand. "dahil sa'yo, I found a reason to be alive."
Napalunok ako as I tried to hold back my tears. Hindi ko inexpect na noon palang, magkaduktong na ang buhay namin ni Seb.
Nung panahon na di ko pa siya kilala, nakatingin na siya sa akin.
"Kaya ba lagi mo ako inaalalayan noon? Because somehow... you feel in debt?" tanong ko.
"Nung una," sagot ni Seb. "But eventually, I realized it's because I love you."
Napaangat ang tingin ko kay Seb at nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin. Mas humigpit ang pagkakahawak ni Seb sa kamay ko.
A tear fell from my eye as an overwhelming feeling hits me.
Wala akong ibang hiniling kundi ito.
I just want to hear those words directly from him.
"S-sorry kung natagalan akong sabihin," sabi ni Seb. "Hindi ko kasi alam kung tama pang banggitin ko sa'yo o mas makakalala lang sa sitwasyon. Hindi ako sigurado kung ano ang magiging epekto sa'yo pag sinabi ko pa kahit na alam natin na aalis na ako--"
"I'm happy," pag putol ko sa sinasabi ni Seb as a wide grin spread on my face. "I'm happy you told me that Seb."
Panandaliang natahimik si Seb. Mas lumapit siya sa akin and he gently brushed off the tears from my eyes.
"I love you," he whispered again.
"I love you too," I whispered back.
We both smile at each other, and we did not let go of each other's hands hanggang sa maubos namin ang kape na iniinom namin.
"Lakad na lang tayo pauwi?" suggestion ko kay Seb nang lumabas kami sa convenience store.
"Huh?" takang tanong naman ni Seb. "Malayo bahay niyo, ha."
I shrug. "Ayos lang sa akin. Pagod ka na ba?"
Umiling si Seb at muli niyang hinawakan ang kamay ko. This time, our fingers intertwined. "Ayos lang din mag lakad."
We both smile at each other at nag simula kaming mag lakad.
Habang nag lalakad pauwi, natanong ni Seb, "nahulaan mo ba yung song na pinahulaan ko sa'yo dati?"
Napangiti ako. "Oo."
Napahinto siya sa paglalakad at napalingon sa akin. "Paano? Kailan pa?!"
I giggled, "nung araw na nag mall tayo. Ibinigay nung librarian yung vinyl record mo ng Goo Goo Dolls sa akin."
Napahawak si Seb sa dibdib na para bang nakahinga siya nang maluwag.
"Akala ko noon mo pa alam eh! Sungit sungitan pa naman ako sa'yo para hindi mo isipin na gusto kita!"
Hinampas ko siya sa braso.
"Kahit 'di ko pa alam yung title, halata ka nang gusto mo 'ko."
Pinanliitan ako ni Seb nang mata habang ngingisi ngisi siya.
"Na halata mo? Sa manhid mong yan?"
Sinapak ko ulit siya nang mahina sa braso.
"Nakakainis ka alam mo yon?!"
Seb chuckles at muli niyang hinawakan ang kamay ko at nagsimula ulit kaming mag lakad.
"Bagalan lang natin," sabi niya.
Tumango lang ako.
Maya maya, tinanong ko siya. "Seb, sa'kin na lang yung vinyl, okay lang?"
I heard him chuckled again, "of course."
Another silence. And then...
"Iris?"
"Hmm?"
"I love you."
I smiled. "I love you too."
We walked slowly. Hands intertwined. Trying to extend the little time we have together.
To be continued...
Next update will be the Epilogue.
After you read the epilogue, don't forget to read my author's note kasi may announcement ako.
Thank you as always, Dreamers <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top