Chapter Sixty Four

Chapter Sixty Four

Ang lakas nang ulan. It's just two in the afternoon and yet, ang dilim na sa labas.

Habang bumabyahe ang taxi kung saan kami nakasakay ni Seb patungo sa bahay ko, ramdam namin ang paghampas ng hangin sa bintana nito.

"Mukhang gagarahe na rin ako pagkababa niyo," sabi ng taxi driver. "Mukhang mag babaha na sa mga daan, eh."

Kumulog ulit. Napapikit ako. Naramadaman ko ang paghawak ng kamay ni Seb sa ibabaw ng kamay ko. He didn't say anything. Napalingon ako sa kanya at nakita kong diretso lang ang tingin niya sa daanan.

I smile a little.

"Paano ka uuwi?" tanong ko sa kanya. "Patila ka muna sa amin saglit?"

Tumango lang siya. Alam kong wala rin naman siyang choice kung hindi ang samahan ako sa amin. He's basically stranded with me. For sure alam naman niyang mahihirapan siyang umuwi nung nag offer na lang siya bigla na ihatid ako, pero ginawa niya pa rin. Alam kong hindi niya ako matiis and it gives me this intense feeling of warmth. Sa kahit anong sitwasyon talaga, laging nandyan si Seb para sa'kin 'no? Kahit na naglalagay na siya ng boundaries sa pagitan naming dalawa.

"Pasok ka," sabi ko kay Seb nang makarating kami sa bahay after almost thirty minutes na byahe. Malapit lang ang mall sa amin, pero dahil nag traffic na sa labas kasi sabay sabay naguuwian ang mga tao, inabot na kami ng halos thirty minutes.

I click the light switch dahil kahit umaga pa, ang dilim na sa labas. Pero pag pindot ko, ayaw bumukas ng ilaw.

"Hala, brown out ata," sabi ko kay Seb.

Lumapit sa akin si Seb and he tries to open the other switch.

"Mukhang brown out nga," he said.

Nagkatinginan kaming dalawa, and we suddenly look away dahil pareho kaming nakaramdam ng awkwardness. I can feel my face heating up, but I tried my best to look calm. Ayokong mag mukhang apektado ako na magkasama kaming dalawa ni Seb ngayon sa bahay, kami lang, umuulan, brown out.

NO. I NEED TO STOP MY THOUGHTS.

"May rechargeable lamp kami," sabi ko. "Wait kukuhanin ko lang."

And without looking at him, dali dali akong tumakbo paakyat sa kwarto ko.

~*~

I managed to calm myself. Effective yung pagtakip ng unan sa mukha at pag sigaw doon habang gumugulong gulong sa kama. At least I was able to release lahat ng tension na nararamdaman ko. After that, bumaba ako habang dala dala ang recheargable lamp na parang walang nangyari. Nakuha ko pang mag suklay ng buhok dahil alam kong mukha na akong bruha dahil sa pinag gagagawa ko.

Pag baba ko, I spotted Seb na nakaupo sa sofa namin. Nakatabi sa kanya si Sebbie and he's gently scratching the back of Sebbie's ears.

"Ang laki mo na. Siguro ang lakas mong kumain 'no? Ang lusog mo, eh. Dati liit liit mo pa."

Sebbie just stared at Seb with his bored eyes. Hinimas naman ni Seb yung may leg part ni Sebbie. He meowed in protest and started licking yung part kung saan siya hinawakan ni Seb na para bang nililinis nito.

"Ang yabang mo ah!" reklamo ni Seb sa pusa ko. "Malinis kamay ko huy! Baka mas mabango pa nga kamay ko sa hininga mo, eh."

Napatawa ako nang bahagya at parang tuluyan nang nag evaporate lahat ng awkwardness na nararamdaman ko.

He's still Seb afterall.

"Tinotoothbrushan ko yan kaya mabango hininga niyan," depensa ko.

Napatingin sa akin si Seb at nang makita niya akong dala dala ang lamp, agad niya kinuha sa kamay ko 'to.

"Saan 'to ilalagay?" tanong niya sa akin.

"Sa kitchen," sabi ko. "Meryenda tayo?"

~*~

Nakapag halungkat ako ng pancit canton sa kitchen drawer. Sakto ding may itlog pa sa ref at nakakita ako ng hot choco na pwede namin inumin.

Malakas pa rin ang ulan sa labas and there's no sign of it stopping anytime soon. Hindi ko rin alam kung gaano katagal ang brown out. Buti na lang talaga at naka gas ang lutuan namin at mahilig mag imbak ng mga delata at frozen goods si daddy. At least we could survive the night.

"Paano pala makakauwi daddy mo?" tanong sa akin ni Seb habang nagpapakulo siya ng tubig para sa pancit canton. Ako naman ang taga prito ng itlog.

"Nag text siya sa akin," sabi ko dito. "Uhmm.. mukhang doon muna siya sa office nila hanggang sa tumila ang ulan."

Actually I told my dad not to leave the office anymore. I'm way too scared na baka mapahamak lang siya kung babyahe pa siya.

Natahimik si Seb and I know what he's thinking. He's stuck with me the entire night. At alam niyang i-b-brought up ko yung napagusapan namin last time.

And yes, plano ko talaga yon. There's still a lot of things I need to say.

"Alam ng daddy mo na nandito ako?" tanong niya without even looking at me. Nakatitig pa rin siya doon sa pinapakuluan niyang tubig. Mukhang malalim ang iniisip niya, dahil kumukulo na 'to, pero hindi pa rin siya kumikilos.

Tumango ako habang inilalagay ko ang pinirito kong itlog sa plato.

"Oo," sabi ko dito. "He's glad you're here kasi at least may kasama ako dito. At hindi rin naman kita gugutumin dito so need for you to worry."

Lumapit ako sa pwesto ni Seb at ako na ang nag lagay ng noodles sa kumukulong tubig.

Parang napabalik siya sa ulirat dahil sa ginawa ko.

"Sorry, 'di ko napansin," sabi niya.

Pumunta ako sa kabilang side niya para kuhanin ang plato na paglalagyan ng pancit canton at isa isa kong binuksan ang mga seasonings.

"Feeling ko iba ang ikinaka-worry mo," sabi ko sa kanya.

Hindi agad siya umimik, pero maya maya ay narinig ko ang pag buntong hininga niya.

"Alam ko, ang dami ko pang kailangan ipaliwanag," sabi nito sa akin.

Napalingon ako sa kanya. Hindi makatingin nang diretso si Seb sa akin. I know that despite of him being cold towards me, alam kong kinakain din siya ng konsensya for treating me like that.

Mali, but it is something I understand dahil minsan na akong nalagay sa ganoong sitwasyon.

"Bago mo ipaliwanag, kumain muna tayo," sabi ko sa kanya and gave him a smile.

Nang maluto na ang pancit canton, itinimpla ko na ang hot choco, samantalang si Seb naman ang nag hain sa lamesa.

We both eat in silence.

Nag i-scroll lang ako sa phone at sinusubukan na makibalita sa kung ano na ang nangyayari. Nag suspend na ng klase pero mukhang stranded sa school ang ilan sa mga kaklase namin. Glad that LJ and Chichi managed to go home. Nung sinundo si Glen, hinatid na rin sina Chichi at LJ. Pare-pareho silang nag u-update sa gc at naki update na rin ako na safe ako at nasa bahay.

Napaangat ang tingin ko kay Seb at nahuli ko siyang nakatingin, at mabilis niyang ibinaling sa pagkain niya ang tingin niya.

Alam kong kanina pa siya maya't maya tumitingin sa akin. Probably inaantay niya akong mauna na mag open ng topic. Maybe he's anticipating kung ano ang sasabihin ko.

Probably he's scared to hear what I'm about to say---or kung ano rin ang mga sagot niya sa tanong ko because guilt is written all over his face.

"So..." pasimula niya. "Magtanong ka na, o kung may sasabihin ka. Makikinig ako ngayon at susubukan kong sagutin lahat ng mga tanong mo."

That cold expression is back, pati na rin monotone voice niya napaka walang emosyon. Alam kong itinataas na naman niya ang wall niya sa akin. For sure he's trying his best not to show any emotions or any signs of weakness na makakapagpabali sa desisyon niya.

I know that so well. At sa totoo lang, wala akong planong baliin ang desisyon ni Seb.

Pero may mga bagay akong hindi nasabi.

"Okay," sabi ko at ibinaba ko ang phone ko atsaka ko siya tinignan nang diretso sa mata. "Hindi mo ako pinag salita last time eh, kaya sasabihin ko lahat nang dapat kong sabihin. I think mas na absorb ko na siya ngayon."

Napayuko si Seb. He's trying to avoid my gaze. He's bracing himself. Napahinga naman ako nang malalim and then I reach for his hand from above the table.

Biglang napatingin sa akin si Seb nang ipatong ko ang kamay ko sa kamay niya. I squeezed his hand tight in a comforting manner.

"Gusto ko lang sabihin Seb na I'm sorry you had to go through all of that. I know it's been tough, but I'm also proud of you for doing what is right. Alam ko na hindi madaling tanggapin na yung dad mo—which happens to be your role model too---ay ganun. Pero thank you kasi hindi ka nag bulag bulagan sa nangyari, kahit gaano kasakit tanggapin. At yung incident noon, alam ko mahirap na hindi sisihin ang sarili mo. Pero Seb, I hope you won't be too harsh on yourself. I hope you don't blame yourself too much. Dahil kahit pagbali-baliktarin natin ang pangyayari, ang father mo ang may kasalanan at hindi ikaw."

I blink as a tear fell in my eye habang isa isa ko 'tong sinasabi kay Seb. Nakita ko ang gulat sa mukha niya dahil ineexpect niya na panunumbat ang sasabihin ko. Alam kong ineexpect niya na magtatanong ako tungkol sa amin.

Pero hindi ang tungkol sa amin ang mga bagay na gusto kong sabihin, dahil nung ma absorb ko na ang kwento ni Seb, naintindihan at natanggap ko na rin kung bakit hindi magawang makaamin sa akin ng diretso si Seb.

I squeezed his hand tighter.

"At gusto ko rin sabihin sa'yo na congratulations kasi nakakuha ka ng scholarship sa university abroad! Big deal yun ha! Hindi biro yung ginawa mo! Kinabahan tuloy ako bigla baka mamaya ikaw na ang grumaduate na Valedictorian!" I said jokingly as another tear fell in my eye.

Seb did not laugh, but instead, iniwas niya ang tingin niya sa akin. Tumingin siya sa plato niya, sa may pinto, sa kalan, at sa kisame, hanggang sa napapikit siya.

"Wala ka bang gustong itanong?" he asked after a while. His voice breaks and I know he's also holding his tears back.

Umiling ako.

"It's up to you Seb, if you want to share it with me. Pero kahit ano pa yun, that doesn't change the fact na nandito ako sa likod mo. I'm cheering for you."

Muling napapikit si Seb and this time, I see a tear fell from his eyes. This time, siya na ang humawak sa kamay ko. Ramdam ko ang higpit nito, na parang nanghihingi nang saklolo sa akin.

"Iris..." he said in between tears. "Ang hirap."

Three words that made me burst into tears dahil tagos na tagos sa akin ang sinabi niya. Ramdam na ramdam ko kung gaano siya nahihirapan ngayon.

Tumayo ako sa kinakaupuan ko at lumipat ako sa tabi ni Seb. Pagkaupo ko pa lang, he already pulled me near him as he enveloped me into a tight hug. Rinig ko ang pag iyak niya na parang isang bata. Alam kong matagal niya rin tinago ang mga emosyon na 'to, at unti unti itong lumalabas ngayon.

"Ang hirap Iris, hindi ko alam kung kaya ko," he said.

I hugged him tight at tinapik ko siya sa likod, katulad nang kung paano niya ako kinomfort noon.

And I let him rant to me. Hindi ako nagsalita. Nakinig lang ako.

Dahil alam ko na ayun ang kailangan ni Seb ngayon.

To be continued...

Hi Dreamers,

I'll try to post the next chapter later next week, although hindi ko po mappromise since may tight deadlines ako sa work sa following weeks.

Pero ayorn, yep, the ending is coming. Originally, I'm planning to finish this end of january, pero mukhang di aabot so most likely the last chapter will be posted first week of feb <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top