Chapter Sixty
Chapter Sixty
SEB'S POV
'Parang u-ulan.'
Ayan ang isip isip ko habang nag lalakad kami papunta ni Iris sa leisure house. Naalala ko nung unang beses kaming nag punta dito, malakas ang ulan nun at pareho kaming basang basa.
"Parang u-ulan," sabi ko kay Iris habang nauuna siyang mag lakad. Hindi niya ako pinansin, dire-diretso lang siyang nag lalakad. Ni hindi nga niya ako tinitingnan, eh. Nung mga nakaraang araw, halos hindi niya ako lingunin. Kinakausap niya lang ako pag kailangan—puro about sa competition. Nung nanalo kami ng award, gusto ko siyang i-congratulate dahil alam kong naghirap din siya sa award na yun---sila ni Mona. Pero para akong asong nababahag ang buntot pag lalapitan ko na siya. Ino-overthink ko kung tama bang move na kausapin ko siya o palipasin ko muna. After all, hindi ko rin naman talaga ineexpect na mangyayari 'to.
Hindi ko inexpect na a-amin sa akin si Iris.
Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya.
Gusto niya ako.
Ang babaeng dating iniisip ko na hinding hindi ako papansinin, ngayon umamin sa akin na gusto ako.
But what did I do? I ruined everything.
Dahil kesa maging masaya, pinangunahan ako ng takot pag nalaman niya ang mga nangyari sa akin noon.
Narinig ko ang biglang pag kulog ng langit at napahinto rin nang bahagya si Iris. Naramdaman ko ang gulat sa kanya.
Oo nga pala, takot siya sa kulog at kidlat.
Agad akong lumapit sa kanya at hinila ko siya sa tabi ko.
"May payong ako," sabi ko habang inilalabas ko ang payong sa bag ko. "Tabi ka sa akin."
Pero kahit takot ay dumistansya pa rin siya. "Ako rin," matipid na sabi nito at inilabas ang payong niya atsaka muling nag lakad palayo.
Napabuntong hininga na lang ako habang pinapanood ko ang likod niya.
Pag sinabi ko kaya sa kanya, lalayuan niya ako?
Anong magiging reaksyon niya if she finds out someone died because of me?
~*~
I met Iris during the darkest days of my life. Well, hindi niya ako kilala noon and it was just a chance encounter. Naalala ko noon, nakasakay ako sa jeep pauwi galing school. Halos kasisimula pa lang ng school year non at transferee ako. Mula sa high-end all-boys school, nalipat ako dito sa mumunting co-ed private school malapit sa tinitirahan ng tita ko. Dito kasi ako nakakuha ng full scholarship kaya dito ako pumasok.
Sobrang init ng panahon na yun. Hindi init dahil sa araw kundi dahil parang uulan sa gabi kaya naman parang naglalabasan ang singaw sa paligid. Ang lagkit sa pakiramdam. Naalala ko noon kung gaano ako ka iritable. Namimiss ko yung hatid-sundo na naka kotse. Komportable at hindi ganitong kainit. Dahil malapit ako sa may driver seat nakaupo, maya't maya pa may nagpapaabot ng pamasahe sa akin.
Halos hindi ako makangiti nung oras na yon, pero dahil ayokong mas uminit ang ulo ko, ipinasak ko na lang ang headset sa tenga ko at nakinig ng music. Elvis Presley. I always love old songs. It makes my mood better.
Pero mukhang wala rin magawa ang musika sa akin nung panahon na yon dahil ayaw biglang gumana ng headset ko. Badtrip. Kabibili ko lang nito doon sa kanto ng school namin ah? Pangit na nga ng quality, ang dali pang masira. Badtrip talaga. Namimiss ko rin yung mamahalin kong beats. Pero ayoko nang gamitin yun.
Ayoko nang gamitin ang lahat ng bagay na bili mula sa pera ng tatay ko.
Naalala ko non, napapikit na lang ako ng mata non dahil sa inis, pero pilit na tinitiis ang mga ganitong sitwasyon dahil alam kong wala nang atrasan 'to. Nandito na ako. Itinapon ko na ang prebilehiyong ibinigay sa akin ng aking ama.
Mas okay na 'to, kesa gamitin ko ang pera niya.
Pero muli akong napadilat nung marinig ko ang boses ng katabi ko.
"Hindi pa kayo nagbabayad."
Napatingin ako doon sa sinasabihan niya. Tatlong lalaking estudyante na sa tingin ko ay mas matanda ng year sa akin. Senior na siguro ang mga 'to.
Tinignan ng masama nung tatlo yung babaeng katabi ko.
"Manahimik ka diyan kundi paabangan ka namin sa kanto," pananakot ng mga 'to.
Pero kesa matakot ay walang kakurap kurap na nag sumbong ang babae doon sa driver.
"May hindi pa po nag babayad dito, oh. Bababa na sila."
"Hoy mag bayad kayo! Iisahan niyo pa ako ha!" sabi nung jeepney driver kaya naman walang nagawa yung tatlo kung hindi ang mag bayad doon sa driver.
"Epal amputa," dinig kong sabi nung isang lalaki doon sa babaeng katabi ko. "Wala kang magawang matino sa buhay mo?"
"Parang dapat sarili niyo ata ang tinatanong niyo niyan," kalmadong sabi nito sa kanila. "Mukhang sa maayos naman na eskwelahan kayo nag aaral. Nagtatrabaho ng marangal si manong, dadayain niyo?"
Matapos nun ay nag para na ang babae atsaka bumaba. Hahabulin ko pa sana siya dahil nakita kong may nahulog siya. Isang pambura. May pangalan na nakalagay---'IRIS.' Katulad ng titulo ng isang kanta ng paborito kong banda na Goo Goo Dolls.
Hindi ko maiwasang mapanganga sa tapang ni Iris. Kanina ko pa rin napapansin ang tatlong lalaking yun at nag sesenyasan nga sila na bababa sila nang hindi nag babayad. Simpleng bagay lang naman sa perspektibo ko, pero oo nga, pandaraya pa rin yun. Pagnanakaw. Pero hindi ako nag salita.
I feel like I've been punched in my gut at para akong nagising bigla sa katotohanan. Parang bigla kong naalala kung bakit ako nandito ngayon at kung bakit tinitiis ko na ang ganitong buhay.
Dahil sa ama ko—si Mayor Ricardo Madrigal.
Mabait, matapat, matulungin at may malasakit sa kapwa.
Ayan ang palagi kong naririnig kapag pinag uusapan ng mga tao ang aking ama. Kaya naman bata pa lang ako ang yabang ko na. Mahal ng mga tao ang ama ko, bukod pa doon, nabibigyan niya kami ng magandang buhay. Ako at ng kuya ko.
Hindi kami pareho ng ina ng kuya ako. Anak ako sa ibang babae—at hindi ko na nakilala ang ina ko. Namatay siya ng maaga. Pero kahit ganoon, hindi ko naranasan na may kulang sa atensyon ng ama ko sa akin. Sa katunayan, pakiramdam ko mas malaki ang tiwala sa akin ni dad kesa sa kuya ko. Kaya naman hindi na rin nakapagtataka kung bakit mainit ang dugo sa akin ng kuya ko.
Wala rin naman akong pakielam. Wala naman siyang magagawa sa akin dahil ako at ako ang palaging kinakampihan ni dad.
Naalala ko noon, kumakandidato pa lang na kapitan si dad, grabe na namin siya suportahan. Madalas kami sumama sa mga kampanya, may mga mangilan ngilan interview na rin ang na-attendan namin na puro papuri ang sinasabi namin tungkol sa kanya.
Ilang beses ko rin sinabi, gusto kong maging kagaya niya, minamahal ng mga tao at ginagalang. Nakakatulong at hinahangaan. Sabi ko, balang araw, ako ang papalit sa pwesto niya.
Dad said that's something he wants for me, too. Sabi niya sa utak na meron ako, kayang kaya kong gawin ang bagay na ginagawa niya.
Naalala ko, grade seven ako, my dad's planning to run as the Mayor of this city. Kasabay noon, may inilabas siyang isang business---investment company kung saan layunin nito na makatulong sa mga tao.
Madalas may mga kausap ang daddy ko sa amin. Madalas din na palihim akong nakikinig dahil interesado ako sa mga ganung bagay. Ang dami nilang terminologies na hindi ko naiintindihan, pero malinaw sa akin noon na ginagawa nila ito upang tulungan ang taong bayan na umangat sa buhay.
May tropa ako noon---si Lester. Naalala ko madalas siyang nag r-rant sa akin kung paanong hirap na hirap ang pamilya niyang makaahon sa mga utang nila.
Binanggit ko kay Lester ang investment company na tinatayo ni dad. Sabi ko wag niya ipagkakalat dahil sa iba ipapangalan ni dad yung kumpanya. Pero pwede silang mag hulog doon at baka makatulong sa kanila.
Hindi ko makakalimutan yung saya nun sa mata ni Lester at kung paano paulit ulit niya akong pinasalamatan dahil doon. Inilibre pa niya ako ng isang stick ng fishball gamit ang natitirang baon niya. Sabi ko pa sa kanya noon na wag na, may pambili naman ako. Pero mapilit siya, eh, kaya hinayaan ko na lang.
Hindi ko alam na ayun na pala ang huling bagay na matatanggap ko sa kanya.
Makalipas ang ilang linggo, may lumabas na balita. Nahuling scam ang investment company ni dad at milyon milyon ang nanakaw nilang pera---kabilang na ang pera nina Lester.
Pinag hahanap na ng mga awtoridad ang kapartner ni dad ni si Daniel Lim. Ito kasi ang nakapirma bilang CEO ng kompanya. Hindi alam ng mga tao na si dad talaga ang totoong may ari.
Ilang beses ko siyang tinanong noon, anong nangyari, totoo bang scam yung investment company? Tinakbo ba talaga nila ang pera? Pero tanging sagot niya sa akin ay may mga bagay na hindi pa ako kayang intindihin.
"Pero dad, nag invest yung pamilya ng kaibigan ko dahil alam niyang ikaw ang may ari. Baka naman pwede mo silang tulungan na mabawi ang pera nila."
Nakita ko noon ang bahagyang panlalaki ng mata ni dad dahil sa sinabi ko. Akala ko nung una imahinasyon ko dahil dahil agad niyang pinalitan ito ng kalmadong ngiti atsaka itinanong sa akin ang pangalan ng kaibigan ko.
"Lester po. Lester Santos, kaklase ko po."
Hindi na nag salita si dad noon. Akala ko tutulungan niya. Tinawagan ko pa si Lester para sabihin na wag siya mag alala dahil nasabi ko kay dad na tulungan sila.
Pero sunod na lang na nabalitaan ko, nasunog ang bahay nina Lester. Walang natira sa pamilya niya---maging siya.
At alam ko na hindi isang aksidente ang nangyari.
Nung taon na rin na yun, nag open ng donation fund si dad para tulungan ang mga pamilya na na scam. Mas bumango ang pangalan niya sa masa at nanalo siyang mayor.
At sa same na taon na yun, nakabili rin siya ng isang mamahaling lupa sa Thailand at pinatayuan niya ng resort.
Samantalang ako, gabi gabi akong hindi pinapatulog ng konsensya ko. Halos hindi ako makakain. Wala akong ganang mag aral. Gabi gabi akong binabangungot. Nakikita ko si Lester at ang pamilya niya sa panaginip ko. Lahat sila naka duro sa akin, may dugo sa mga mata, sunog ang katawan. Wala silang sinsabi pero sa tingin pa lang nila, alam kong ako ang sinsisi nila.
Doon din ako nag simulang kwestyunin lahat ng bagay.
Totoo ba ang pagiging mabuti niya? Totoo ba ang mga pag tulong niya sa mga tao?
Mabait, matapat, matulungin at may malasakit sa kapwa.
Ang dating mga salita na nagbibigay ng depinisyon sa aking ama ay unti unti nang nabubura sa isip ko at napalita na lamang ng isang salita---corrupt.
My brother seems to know this, pero pinili niyang pumikit. Naalala ko sinabi niya, may mga bagay talagang kailangan gawin para umangat sa buhay. At sa ngiti pa lang niya, alam kong katulad na siya ng aking ama.
Hindi ko na kinaya. Para akong pinapatay ng konsensya ko. Alam kong hindi ko rin naman makukuhang magsalita tungkol dito, kaya naman nag layas na lang ako. I refused to spend any more cent from my father's money.
But I still feel helpless and conflicted.
From time to time, gusto ko pa rin isipin na mabuting tao ang ama ko. Na baka mali ako sa pang huhusga sa kanya. Na baka pwede ko pa ulit bigyan siya ng pangalawang chance.
From time to time, iniisip kong umuwi kasi hirap na rin ako sa buhay. Pipikit na lang ako at kakalimutan ko ang nangyari.
Pero kada maiisip ko yun, lagi kong naalala si Lester at ang libong tao na nasira ang buhay dahil sa ama ko.
Pag nakikita ko kung paano siya sambahin ng mga tao, gusto kong masuka. Gusto kong kalimutan na minsan pinagarap ko ring maging kagaya niya.
At ngayon, tanging paglayo at pananahimik lang ang nagawa ko.
There's blood in my hand.
And I'm not sure if Iris is willing to hold this hand pag nalaman niya lahat.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top