Chapter Sixteen


Chapter Sixteen

Ang lakas ng ulan.

Nung lumabas kami ni Seb sa school na magka share sa ilalim ng payong, parang naisipan ng langit na pag-tripan kaming dalawa dahil mas lumakas ang ulan.

At hindi lang yun, may kulog at kidlat pa na kasama.

Takot ako sa kulog at kidlat eversince bata pa ako. Naalala ko kasi nung seven years old ako, nag bakasyon kami sa isang rest house sa Batangas. Over looking the sea yung tinuluyan namin na beach house noon. Kaso biglang bumagyo, nawalan pa ng kuryente. Kasabay ng kulog at kidlat, kitang kita ko ang malalaking alon noon sa dagat. Takot na takot ako.

I remember my mom making me some hot chocolate habang si daddy naman kalong kalong while telling me some made up stories about fairytale and adventures.

Eventually nawala ang takot ko sa kulog at kidlat dahil kada may bagyo, ginagawa na nila sa akin yun to calm me down. At some point, nilolook forward ko pa dati yung nasa loob lang kami ng bahay, magkakasama, habang umuulan.

But my fear of thunderstorm came back when my mom wasn't there anymore to make me hot choco and my dad stopped telling me stories.

Biglang kumulog ng malakas and I flinch. Ayokong ipahalata kay Seb na natatakot ako pero too late, mukhang naramdaman na niya.

"Okay ka lang ba?" he aksed.

"Oo, bakit hindi?" I said defensively. Then bigla ulit kumulog at napahawak ako sa braso ni Seb.

"Sorry," sabi ko at agad kong inalis yung kamay ko sa braso niya.

Napatingin ako kay Seb. Doon ko lang napansin na basang basa na siya kasi kahit halos sa akin lang nakatapat yung payong.

"Uy nababasa ka," sabi ko at ibinaling ko sa kanya yung payong.

Napangiti si Seb, yung ngiting mapang asar, tapos muli niya itinapat sa akin yung payong.

"Wag kang magulo, sabi nila mas gwapo ako sa wet look."

Napailing na lang ako.

"Ba't kasi hindi ka nakisabay kay Mona?" I whispered, but loud enough para marinig niya.

"Bakit? Kung sumabay ba ako sa kanya, hindi b-bagyo?" he asked, bemused.

"I mean, para hindi ka sa payong ko nakiki siksik!"

Bigla ulit kumulog at ako ang napasiksik kay Seb. I heard him chuckled. Napa distansya ako nang bahagya.

Bwisit.

"Balik na lang muna tayo sa school," sabi ko. "Baha na raw doon sa kanto kaya baka wala ring dumaan na bus."

"Hindi komportable sa school. May alam akong tambayan."

"Saan?"

Nginitian niya ako.

"Basta.

~*~

Dinala ako ni Seb sa isang bahay. Oo, isang bahay. Ito yung lumang bahay na nadadaanan ko pumapasok ako. Sa kabilang kanto lang 'to from our school.

Yung exterior nung bahay is parang bahay during Spanish era. First storey house lang 'to na may mababang bakuran. Yung labas is parang nababakbak pa na pintura.

Nung una, hesitant akong pumasok. Ang dami kong tanong kay Seb. Nag t-trespass ba kami? Kilala ba niya may ari niyan? Anong meron sa loob?

"Basta makikita mo na lang," sabi ni Seb.

Then nauna siyang pumasok. Walang doorbell, or katok, or tao po. Dire-diretso niyang binuksan yung pinto at tumunog yung wind chime na nakasabit.

"O Seb!" dinig kong boses ng lalaki mula sa loob. "Sarado kami ngayon, lakas ng ulan eh."

Sumunod ako kay Seb at nagulat ako na ang bumungad sa akin ay parang reception area. Sa likod ng cashier ay may isang matandang lalaki---ayun ang kausap ni Seb.

"Maestro," tawag niya rito. "Patambay naman muna kami dito nung kaibigan ko. Wala kaming masakyan."

"O siya sige, pumasok kayo," tinignan niya ako at nginitian. "Pareho kayong basang basa ah?"

"Magandang hapon po," bati ko rin.

"Magandang hapon din," sabi nung matanda na tinawag kanina ni Seb na Maestro. "Solo niyo ngayon ang lugar ha? Mag sasara muna ako, diyan lang kayo," sabi nito sa amin at lumabas siya kaya naiwan kami ni Seb sa loob.

Inilibot ko ang paningin ko. Sa kaliwang bahagi ng bahay, may hile-hilera ng bookshelf na puno ng iba't ibang libro. Sa gilid noon, may mga bean bags, couch at net kung saan ka pwedeng umupo.

Sa kabilang side naman, may mga TV, at nakita ko may nakakabit na playstation. Then meron din parang mini kitchen kung saan ka pwede mag luto ng binili mong noodles o kape.

So hindi bahay 'to kundi leisure place.

"Hide out ko," sabi ni Seb sa akin. "Onti lang din na estudyante nakakaalam nito kasi akala nila lumang bahay lang. Syempre di ko pinag sasabi baka magkaroon ako ng kaagaw sa playstation, eh," he said with a smile tapos nilingon niya ako. "Kaya ikaw wag mo ipagsasabi kahit kanino ha?"

"Paano mo naman nalaman 'tong lugar na 'to?" tanong ko.

"Secret," he said with a wink.

Hindi ko na siya inintriga ulit.

~*~

Nag palit kami ni Seb ng PE uniform dahil parehong basa ang school uniform na suot namin. Hinayaan naman kami ni Maestro na isampay sa laundry room niya yung mga uniform namin.

It turns out na dito rin pala ang bahay ni Maestro.

Sabi ni Seb, as a child, Maestro was deprived of a lot of things. He's a college drop out na napilitan mag trabaho ng maaga para makatulong sa pamilya.

But that didn't stop him of putting up his own business. Sabi ni Seb, past time lang ni Maestro 'tong leisure house. Yung business talaga niya is isang grocery store.

Sabi pa ni Seb, yung mga nandito sa loob ng leisure house, yung mga playstation, comic books, iba't-ibang indoor games, ito yung mga bagay na gusto niya bilhin noon nung bata pa siya na hindi niya nagawa kaya binili niya ito ngayon. Tapos naisipan na rin niya i-share sa iba. Mababa lang ang bayad sa renta ng mga laro dito sa leisure house kaya naman hindi rin niya masyado pinapaalam ang lugar na 'to at baka gawing tambayan ng estudyante kesa mag aral.

Tinanong ko si Seb bakit Maestro ang tawag kay Maestro pero sabi niya he had no idea. Eversince din hindi niya alam ang real name nito.

"Saya 'no?" sabi ni Seb habang kumakain kami nung noodles na nilibre niya. Nandito kami ngayon sa magkatapat na bean bag. Sa gitna namin, may maliit at mababang table kung saan nakapatong yung noodles na kinakain namin. "Saya maka rinig ng ganyang success stories tapos malalaman mo shine-share niya yung blessing niya sa iba."

Tumango lang ako bilang sagot.

"Saya rin na alam mo pangarap mo sa simula pa lang," halos pabulong kong sabi before I can even stop myself.

Napapikit ako nang bahagya. Wishing na hindi n asana mag react si Seb sa sinabi ko.

"Sarap nung noodles," sabi ko bilang pag i-iba ng topic. Kahit mukha akong ewan kasi instant noodles lang naman itong kinakain namin.

Pero si Seb ang kausap ko at napaka dakilang pakielamero niya sa lahat ng bagay kaya hindi pa rin niya pinalagpas ang sinabi ko.

"Ah, kaya ba GAS yung kinuha mong strand?" he asked non-chalantly.

Hindi ako umimik.

Naalala ko nung pa senior high na ako at kailangan nang pumili kung anong strand ang kukuhanin ko, hindi ako makapag decide. Hindi ko alam kung anong course ang kukuhanin ko sa college. Hindi ko alam ang gusto kong marating sa buhay ko.

Na p-pressure ako. Graduating na ako and yet, hindi ko pa rin alam ang gusto kong mangyari. I'm still stuck in the past. May kailangan pa akong gawin. Pag hindi ko nagawa yun, feeling ko hindi ako makakausad sa future.

Pero, makakausad pa nga ba talaga ako? Hindi ko na sigurado.

"Huy," dinig kong sabi ni Seb and it snapped me back to reality. "Okay ka lang?"

Umiwas ako nang tingin at ipinako ko ang atensyon ko sa noodles na kinakain ko. "Sarap nung noodles," pag uulit ko.

Naramdaman kong lumapit siya sa akin at nagulat ako nang bigla niyang ipatong yung kamay niya sa tuktok ng ulo ko kaya napa angat ako.

"Ayos lang yan," he said in a soft voice. Walang halong pang aasar o ano. "Ayos lang kung 'di mo pa alam ang gusto mong gawin. Sabi nga nila, pag naligaw ka, mas marami kang ma-di-discover na daan."

I feel like crying. Naramdaman ko yung pag init ng mata ko and a huge lump on my throat pero pinigilan ko. Yumuko lang ako at sunod sunod akong sumubo ng noodles.

What Seb said hits me. For some reason, it gave me warmth and comfort. And that makes me want to cry because it has been a long time since I felt this kind of warmth and comfort. Tapos who would expect na out of all people, kay Seb ko pa 'to makukuha.

"Kung gusto mong maging house wife lang ni Harold, okay lang yun. Sabi nga nila, you do you."

Parang biglang umatras yung palabas na luha sa mata ko and I glared at him.

"Wag mo na nga ako asarin kay Harold," I hissed.

"Bakit? Tayo lang naman dalawa nandito. Wala naman makakarinig. Hindi mo naman kailangan mahiya sa akin kung gaano mo ka crush si Harold."

"Stop---s-sige ka. Aasarin din kita!"

He chuckled, "kanino mo naman ako aasarin."

"K-kay Mona!" I said.

Mas lalong lumawak ang ngiti sa mukha ni Seb and he look at me amused.

"Kay Mona," pag uulit niya, tapos yung tingin niya sa akin parang nangaasar siya.

Umiwas ako nang tingin, "alam ko naman type mo siya."

"Paano mo nasabi?" tanong niya.

"Obviuosly, lahat naman kayo type siya. Even Harold."

"Si Harold? Paano mo nasabi?"

"W-wala! Halata sa kanya nung magkausap sila ni Mona."

Tumango si Seb, "ah," he said without denying nor confirming anything. Nakakainis.

We ate in silence, but after a while, nag salita siya.

"Wag kang mag alala, hindi lahat."

Hindi ko alam if he's talking about himself or Harold o ibang tao pero hindi ko na tinanong.

Medyo natakot akong alamin ang sagot.

~*~

Past eight na nung humupa ang ulan at bumaba ang baha. Nag volunteer si Seb na ihatid ako sa amin kahit na pinag tatabuyan ko siya.

"Wag mo 'kong pigilan," sabi ni Seb. "Kailangan may maidagdag ako sa gentleman points ko."

Napailing na lang ako sa kanya, kasi as if naman kaya ko talaga siyang pigilan? So I just let him be.

"Saan ka nakatira?" tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami papasok ng subdivision.

"Diyan lang," sagot naman niya.

"Saan diyan?"

"Secret," he said with a grin. "Baka puntahan mo 'ko eh ayoko pa naman ng bisita."

"Feelingero ka 'no?" tanong ko. "Bakit naman kita pupuntahan?"

He shrugged, "baka mamaya ako na crush mo at hindi na si Harold?"

Bahagya kong hinampas ang braso niya kaya napatawa naman siya.

"Feelingero ka nga."

"Bakit? Hindi ba ako ka crush crush?" tanong niya. "Hinatid kita pauwi, dinala kita doon sa leisure house, tapos nilibre pa kita ng noodles!"

Umiling na lang ako kasi napaka petty niya. At the same time, he makes me want to laugh, pero pinipigilan ko lang.

Biglang humangin nang malalaks at nag laglagan yung mga basang dahon sa puno na nasa tapat namin. Napatingin sa akin si Seb at natawa siya nang bahagya. Lumapit siya at may tinanggal siyang dahon sa ulo ko.

"Another pandagdag sa gentleman points ko," he said jokingly.

"Nag tanggal lang ng dahon, gentleman na agad?"

"Oo. Di ba ganun yung mga nasa kdrama?"

I shrug, "malay. Di ako nanonood."

Pinitik niya nang mahina ang noo ko, "manood ka para matuto ka namang kiligin."

"Bawas gentleman points mo," inis kong sabi habang hinihimas ko noo ko.

"Ay sorry!" sabi niya. "Kiss ko para di na masakit?"

Ngumuso si Seb. Inambaan ko siya ng kamao ko.

"Subukan mo."

Natawa siya.

Gusto ko rin matawa. Kahit sobrang mapang asar nito ni Seb, somehow, I feel lighter today dahil sa mga hirit niya. Somehow, I feel okay.

Pero katulad nung ilang beses kong pagtakas sa reyalidad, panandalian lang ang saya dahil babalik at babalik pa rin ako sa katotohanan.

Nakita kong may papalapit na kotse sa amin dahil sa ilaw nito. Tumabi kami pareho ni Seb sa daan.

Hindi ko pa naaninag yung kotse nung una dahil madilim. Pero nang papalapit na ito, doon ko lang narealize kung sino ang parating.

It's my dad.

Huminto yung kotse sa tapat namin ni Seb at ibinaba ni daddy yung bintana. He's looking at me seriously---like he's mad.

Biglang kumabog ang dibdib ko. Parang lalabas ang puso ko. Naramdaman ko ang panlalambot at parang nahihilo ako sa sobrang takot.

"Get in the car, Iris," my dad said.

Walang sali-salita ay sumakay ako sa kotse. Ni hindi ko na nakuhang mag paalam kay Seb.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top