Chapter Six
Chapter Six
Rejection.
Sabi nila, it is something na hindi maiiwasan. We will experience a couple of rejections in our life and we can't do anything about it but to accept. Ganun naman daw talaga. We will learn from it, they say. Eventually, those same rejections can make us stronger.
Pero meron ding mga rejections that wil scarred you for life. Yung klase ng mga rejection na once na na-experience mo, your life would never be the same anymore.
And often times, we get that kind of rejections to the people we love.
Hindi mawala sa isip ko 'yung itsura ni LJ kagabi after the girl she loves rejected her for who she was.
I had that same expression two years ago---after that incident happened. After me and my dad's relationship crumbled into pieces.
Napatitig ako sa labas ng bintana ng shuttle bus kung saan ako nakasakay papasok sa school. Medyo punuan ang bus dahil rush hour kaya naman naka tayo nalang ako habang nakahawak sa handrail.
Naisip ko, paano kaya kung biglang bumangga kung saan ang bus na 'to? What if I died too? Will my dad cry? O iisipin niya I got what I deserve. Na this is a punishment for what I did?
I can feel my heart breaking into tiny pieces dahil sa mere thought na yun. I tried to shrug it off. Sinubukan kong ibaling ang thoughts ko sa ibang bagay. Ayokong maapektuhan na naman ng pain dahil walang mangyayari sa akin. Gusto ko na lang maging manhid sa sakit.
Biglang nag emergency break ang bus kung saan ako nakasakay at dahil lutang ako, napabitaw ako sa pagkakahawak sa handrail at muntik na akong tumilapon. Kaso may biglang humawak sa magkabila kong balikat at inalalayan ako.
"You okay?"
Napalingon ako sa gilid ko and I saw Harold looking at me with a concerned expression.
Dali-dali akong umayos nang tayo at bahagyang dumistansya sa kanya. My heart is beating fast. I can still feel the ghost of his touch on my shoulders.
"K-kanina ka pa diyan?" I asked him while avoiding his gaze.
"Yep," sabi niya. "I said hi to you nung pumasok ako kaso parang ang lalim nang iniisip mo kanina. Pero kanina mo pa ako katabi.
Nag hi siya. Tapos hindi ko siya pinansin?! Anong problema ko! Bakit hindi ako nag hi back! Ano na lang i-isipin niya? Snob ako?
Gusto ko nang bumaba ng bus.
"S-sorry!" I stuttered. "Hindi k-ko narinig."
Why the hell am I stuttering?
"It's okay. You look pre-occupied. Sino iniisip mo ha?" he said in a playful tone. Napa-angat saglit ang tingin ko sa kanya and he's smiling at me. Gusto kong matunaw.
"Quiz," sagot ko. "M-may quiz mamaya. Nag re-review ako s-sa utak ko."
Napatango siya, "I see." Then bigla siyang napabuntong hininga. "Sana kasing talino mo ako. Kailangan ko nang matinding effort para makapasa. Alam mo naman, ma-k-kick out ako sa team pag may failing grades ako." Napatawa siya while scratching the back of his head.
Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Parang gusto kong umiyak.
"H-hindi ako matalino," sabi ko. "Effort din para makakuha ng high grades."
"I know you're just being humble," he said teasingly.
Umiling ako, "hindi talaga. S-si Seb. Siya yung matalino," pag a-admit ko.
Napatango si Harold, "totoo 'yan. Henyo rin ang isang 'yun kaya 'di nakakapag taka na nakakuha siya ng full scholarship."
Nagulat ako sa sinabi ni Harold, "full scholarship?"
"Oo. 'Di mo ba alam? Nag apply siya doon sa scholarship ni Mayor. Nakuha naman siya basta i-maintain niya lang ang grades niya. Mukhang nagagawa naman niya kahit parang hindi siya nag-aaral."
Biglang nag full stop ulit yung bus na sinasakyan namin at muntik na naman akong tumilapon pero muli akong hinawakan sa balikat ni Harold.
I heard him chuckled, "mahina pala ang balance mo, Miss President," he said teasingly as he pulled me near him. Hindi ako halos makahinga. My heart is about to burst. Hindi ako makapaniwala na sobrang lapit ko sa kanya ngayon. And I'm praying to God na sana hindi namumula ang mukha ko ngayon. Sana hindi niya mahalata na halos himatayin na ako dahil sa presensya niya.
Inalis niya ang pagkaka-akbay sa akin pero hinawakan niya yung top ng backpack ko as support just in case matumba ulit ako. Hindi rin siya humiwalay. Ang lapit pa rin niya. Too close to the point na I can smell his scent. Peppermint and fresh soap. I love his scent.
"Buti na lang nagkasabay tayo," he said, almost whispered.
Hindi ako umimik at napayuko na lang ako.
Sobra. Buti na lang nagkasabay tayo. My days became ten times better.
~*~
"So bakit kayo magkasabay ni Harold?" pang i-intriga ni Seb habang naglalakad kami papunta sa classroom.
Nakita niya kasi kami ni Harold na sabay pumapasok sa school grounds. Doon na rin kami nag hiwalay kasi need dumiretso ni Harold sa basketball gym bago ang start ng klase dahil may meeting daw sila ng team niya.
Parang kabute naman na sumulpot si Seb sa gilid ko at an gaga aga nang-i-intriga na.
"Nagkasabay kami sa bus," matipid kong sagot.
"Naks. Ganda ng umaga natin ah?" pang aasar niya. "Masaya ka naman."
"Oo," matipid kong sagot.
"Then why are you keeping a straight face?" takang tanong niya. "Patingin nga nang masaya. Isang ngiti naman diyan," he said habang pilit na sinisilip ang mukha ko.
I didn't give it to him. Hindi nagbago ang expression ng mukha ko at blangko pa rin.
"Tsk," palatak niya. "Hina naman pala ni Harold. 'Di ka kayang pangitiin."
Tinignan ko siya nang masama, "pag ngiti lang ba ang basehan ng pagiging masaya?"
Napangiti si Seb, "hindi naman. But it would be nice to see your genuine smile once in a while." Umakbay siya sa akin. Yung akbay pang tropa, at pilit ko siyang tinutulak palayo dahil ayokong may humahawak sa akin. Pero ang lakas ni gago ayaw patinag.
"Makinig ka," bulong nito. "May narinig ako na sabi nila, nakaka ganda raw ng mood pag ngumiti ang isang babae. Try mong ngitian si Harold, baka mabuo mo pa araw niya."
Bahagya akong napaisip sa sinabi ni Seb and I swear, I'm tempted to try it, pero naalala ko ang itsura ko pag ngumiti. No. Nope. Never. Baka kesa gumanda araw ni Harold, mabwisit pa siya sa pangit kong ngumiti.
Kinurot ko sa tagiliran si Seb at napasigaw siya sa sakit sabay alis ng braso niya sa pagkaka akbay sa akin.
"Aray ko!" sabi nito habang hinihimas ang tagiliran niya. "Ang brutal mo!"
Napairap ako.
"Ayusin mo ang pagkaka tuck in mo," puna ko na naman sa uniform niya na gusot gusot. Para na naman siyang hinahabol ng plantsa.
Kung ano ang ikina-ayos ni Harold, ayun naman ang ikina-dugyot niya.
"Hi Seb," dinig kong bati ng isang grupo ng mga babae.
Nilingon sila ni Seb at nginitian. Nakita ko naman nagtilian yung mga babae.
I look at them in disbelief.
Seriously?
Tinignan ako ni Seb na ngiting ngiti rin.
"See? Nginitian ko sila, nakumpleto na agad ang araw nila. The power of smile. Wala yan sa pag t-tuck-in, Iris."
I rolled my eyes again at binilisan ko ang paglalakad ko.
Minsan talaga dapat hindi ko na kinakausap si Seb para hindi nasisira ang araw ko.
~*~
Hindi ako pinapansin ni LJ. Well, I expected it after what happened yesterday. Doon sa bahay nila and yung nakita ko. I'm pretty sure she's worried sick. Alam ko nag iisip na 'yan kung may pinagsabihan na ba ako o wala. On top of that, she's suffering from heartbreak.
For some reason, nalungkot din ako para sa kanya. I know exactly how it feels.
Lunch break, I was able to finish my lunch in peace. Buti naman at hindi nang gulo si Seb.
Actually, he's nowhere to be found. Hindi ko alam kung saan siya nag lunch dahil hindi ko rin siya napansin.
Anyway, at least mapayapa ang pagkain ko. Walang magulo at nang aasar at kung anu-ano ang sinasabi sa akin.
I still have thirty minutes left bago matapos ang lunch break. Naisipan ko naman dumaan muna sa library to check kung anong libro ang pwede kong mahiram at mabasa.
Pero habang paakyat ako sa library, napadaan ako sa may fire exit and I heard someone sobbing.
My initial thought is not to mind it. Kung wala namang binreak na rule, wag na ako makielam lalo na kung personal matters kasi labas na ako doon. I don't like minding other people's business.
Pero somehow, I have this urge na silipin kung sino yung umiiyak. Somehow, malakas ang kutob ko na kilala ko ito.
And I'm right.
Nakita ko si LJ na nakaupo sa stairs papunta sa emergency exit. Nakapatong ang ulo niya sa mga tuhod niya at tuloy tuloy ang paghikbi niya.
She's alone.
Napaisip tuloy ako kung alam ba ni Chichi ang tungkol doon? But seeing her alone right now, I guess hindi.
Napabuntong hininga ako. Alam ko dapat hayaan ko na siya. Iwan ko na siya. Tutal wala naman akong magagawa, eh? Hindi naman ako makakatulong. Baka mas worse pa ang magawa ko o masabi ko. At sa totoo lang, hindi ko rin talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
Pero hindi ko siya magawang iwan o pabayaan na lang.
Because I know exactly how it feels.
Dahan dahan akong lumapit kay LJ at naupo ako sa tabi niya. Napa angat naman ang ulo niya at tinignan niya ako.
"Anong kailangan mo?" she asked with her tearstained face.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang nga ba ang kailangan ko?
"Kung sesermonan mo ako dahil sa nalaman mo, I don't need it," she said as she wiped her tears. "Kasi for sure sesermonan din ako ni mama at papa pag nalaman nila."
"Hindi alam ng parents mo?" tanong ko.
Umiling siya, "paano ko sasabihin sa parents ko na ang tingin sa mga tulad namin ay makasalanan?"
Napaisip ako sa sinabi niya. Naalala ko yung vibe ng bahay nila. Old-school feel tapos may altar, may The Last Supper pa. Parang feeling ko alam ko na ang tinutukoy niya.
Nilingon niya ako nang may matalim na tingin, "bakit? Isusumbong mo ba ako sa kanila, ha? Sasabihin mo rin sa buong klase na ganito ako? Para sabihin ko sa inyo, hindi ako magiging straight kahit anong gawin niyo! Nakakapagod na magtago—" she burst into tears again. "Tutal yung tao namang iniisip ko na tatanggap sa akin, tinalikuran din ako."
Napapikit ako at napahinga nang malalim.
Oo. Masakit talaga na yung taong inaakala mong aalalay sa'yo, biglang binitiwan ang kamay mo. Pero masisisi ko ba siya? Kasalanan ko naman. Kasalanan ko. If only I didn't break that fucking rule.
Muli kong idinilat ang mata ko at dinig na dinig ko ang sunod sunod na paghikbi ni LJ. Kinuha ko sa bulsa ko ang wallet ko at binuksan ko ito. Kinuha ko yung naka-ipit na polaroid picture ni Harold at inabot ko ito kay LJ.
Panandalian siyang napatigil sa pag iyak. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya bakit pinapakita ko ang picture ni Harold sa kanya.
"Ano 'to?" kunot noo niyang tanong.
Napaiwas ako nang tingin, "lagi yan nasa wallet ko."
"Huh? Bakit...?" natigilan siya at base sa expression ng mukha niya, alam kong na gets niya ang nais kong sabihin. "You like him."
Tumango ako.
"And.. and ayokong may makaalam," sabi ko at pakiramdam ko nag sisimula na mamula ang mukha ko.
"Bakit?"
"Just because..." I trailed off at iniwas ko na nang tuluyan ang tingin ko sa kanya. "Ikaw.. ikaw ang una kong sinabihan," na hindi ako nabuko.
"Bakit mo sinasabi 'to?"
"Kasi.. kasi alam ko yung isang secret mo so sinabi ko yung secret ko."
Mas nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"Anong konek?"
"Para hindi ka na mag isip na ikakalat ko yung secret mo. Dahil pwede mo ko i-blackmail gamit ang secret ko," sabi ko sabay bawi sa kanya ng picture ni Harold at ibinalik ko 'to sa wallet ko.
Napatitig sa akin si LJ. She looks so confused. And then I was surprised when she burst in laughter.
"Wait.. wait Miss President hindi ko alam na may ganyan ka palang side," tawang tawa niyang sabi.
Mas lalong nag init ang mukha ko, "wag mo 'kong asarin kasi hindi naman kita inasar."
"Hindi lang ako makapaniwala! Si Harold? Talaga? Crush mo yung mokong na 'yun?" and she laugh again.
Sinimangutan ko siya. Then iniwas ko ang tingin ko.
"Walang masama," sabi ko.
"Hindi ko naman sinabing masama! Hindi ko lang inexpect," at natawa ulit siya.
"Walang masama kung ano ka," pag lilinaw ko sa sinabi ko.
Natigilan si LJ sa pag tawa.
"Ang mahalaga, tanggap mo kung sino ka," duktong ko.
Nilingon ko siya. I saw her eyes brimming with tears hanggang sa muli na naman siyang napahagulgol ng iyak.
"Thanks," she said in between tears.
At tulot tuloy na siyang umiyak. Hinayaan ko lang siya. Nasa tabi niya lang ako, hindi umaalis hangga't hindi siya humihinto sa pag iyak.
Kasi alam ko ang kahalagahan ng may taong nakikinig sa 'yo. Yung hahayaan ka lang umiyak without any judgement.
Ayun ang hiniling ko dati.
Pero sad to say, walang dumating.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top