Chapter Seven
Chapter Seven
"Sa Saturday, brainstorming of ideas tayo. Walang uuwi hangga't hindi nakakaisip nang matinong idea for the story concept. Dito na rin tayo mag divide ng tasks. Sa Sunday naman, pwedeng dito na tayo mamili ng mga gagamitin para sa project," sabi ni LJ sa amin at tinignan niya ako. "Ayos ba 'yon Miss President?" tumango ako. Tinignan naman niya yung dalawa. "Wala naman siguro kayong angal?"
Nagkatinginan lang yung dalawa.
"So sa amin ulit sa Sabado ha? Not unless may gustong mag offer ng bahay?" tanong uli ni LJ.
"Sa inyo na," sagot ko.
"Ayos! So anong gusto mong meryenda?" nakangiti niyang tanong.
"Okay na ako sa pancit canton at pandesal," sagot ko naman.
"Talaga lang ha? Kakainin mo yun ha?"
"Oo. Basta after kumain gagawa tayo."
"Kami pa ba? Naman!"
Muling nagkatinginan si Chichi at si Seb. Tapos ay pareho nila kaming tinignan ni LJ na para bang nakakita sila ng aparisyon sa harapan nila.
"Nag l-loading ata ang utak ko," sabi ni Chichi sabay hawak sa noo niya. "Mahina ang signal. 'Di ko gets."
"May nakain ba kayong dalawa na masama?" tanong naman ni Seb.
Pareho kaming umiling ni LJ.
"Bakit may problema ba?" I asked.
"May masama ba ha?" tanong naman ni LJ.
Napatikom na lang ang bibig nung dalawa ang hindi na nagsalita pa.
Ayos na kami ni LJ after namin mag usap doon sa may hagdan. Na resolve na rin yung issue naming dalawa about doon sa sagutang nangyari sa bahay nila. Nagulat nga ako na kaya naman pala namin mag usap nang matino. At nagulat din ako na responsableng tao rin naman pala siya.
Maybe I judged her easily. Totoo yung sinabi niya. Tatanungin ko sila ng ideas pero by the end of the day, ipipilit ko ang gusto ko. Ewan. Alam kong isang bagay yun na mali sa akin. Yung wala akong tiwala sa iba. Pero dahil sa nangyari, nung mag open up siya sa akin and somehow nalaman din niya ang tungkol kay Harold, gumaan ang pakiramdam ko sa kanya at nakita kong kaya ko naman pala siya pagkatiwalaan.
~*~
"Paano kayo nagkabati ni Love Joy? Sino unang kumausap? Ikaw ba nag approach? O siya? Ano sinabi mo doon? Ano sinabi niya sa'yo?"
Dismissal time. Naglalakad ako papunta sa sakayan ng shuttle bus pauwi sa amin at nakasunod sa akin si Seb. Ayaw niya akong tantanan nang tanong. Naririndi na ako sa totoo lang and I am so close to punching his face.
Hinarap ko siya kaya napatigil siya sa paglalakad at pagsasalita.
"Kung gusto kong mag kwento, matagal ko na akong nag salita," sabi ko.
Nag make face naman siya, "damot."
Napairap ako. Ang isip bata nakakairita.
Napansin kong napatingin si Seb sa bandang likuran ko at biglang nag liwanag ang mukha niya.
"Uy Harold!" tawag niya.
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at napalingon ako bigla sa likuran ko.
"Nasaan?" mahina kong tanong kay Seb dahil hindi ko makita si Harold. "Saan siya?" pag uulit ko nang tanong habang hinahanap ko ito.
Then, I heard Seb laughed.
"Joke lang. Wala siya."
Nilingon ko siya at tinignan ko nang masama.
"Bakit ba lagi mo akong inaasar?" seryoso kong tanong. "Tapos lagi mo pa akong pinag t-tripan. Bakit ako?"
Seb looked at me directly in the eye and gave me a knowing smile.
"Bakit nga ba?" he asked, then he took a step forward. "Tingin mo?"
Bahagya akong natigilan at napaatras.
Teka, bakit gumaganyan siya ngayon? Hindi naman siguro....?
"Kasi ang saya mo asarin," sabi niya then he chuckled as he pats the top of my head.
Mas lalo akong napasimangot.
Of course, what do I even expect? Wala lang talaga siya magawa kaya ako ang ginagawa niyang target ngayon. Sana lang talaga at mabored na siya sa akin so that he will just leave me alone.
"Wala ka talagang magawang matino. Wag mo na nga akong guluhin kasi hindi ka naman nakakatuwa," sabi ko sa kanya at tinalikuran ko siya at naglakad palayo.
Luckily, hindi na siya sumunod sa akin at hinayaan niya na ako.
The next day, Seb was extra quiet. Well, nag good morning siya nung dumating siya sa classroom namin, but other than that, hindi na niya ako inaasar. Actually, ni hindi nga rin niya ako inaasar. Napaisip tuloy ako kung nainis ba siya sa akin nung sinabihan ko siya na wala siyang magawang matino? Pero grabe naman ang pikon niya samantalang siya ilang beses niya akong pinikon!
O baka naman nag sawa na nga siya nang kakaasar sa akin tutal wala naman siyang mahihita sa akin na kahit ano. Baka nga. Mabuti naman at hindi ko na siya kailangan intindihin.
Nung lunch break, mag-isa na naman ako kumain as usual. Si Chichi at LJ naman, over the lunch meeting sa dance group club kung saan sila member. Si Seb? Nowhere to be found again.
Sa totoo lang, sa dami ng group of friends ni Seb, hindi ko alam kung saan talaga siya belong. Sino kasabay niya kumain? Sino madalas niya kausap o kadaldalan? O baka tulad ko rin siya na mag-isa lang din?
Ewan.
Teka, bakit ko nga ba siya iniisip? Kung ano man ang trip niya sa buhay, labas na ako doon. Buhay niya 'yan, eh. Basta wag niya lang akong idadamay.
Binilisan ko na ang mag lunch dahil may quiz kami sa next subject at gusto kong mag review ulit nang mabilisan just in case may na miss out akong topic. Habang nag lalakad naman ako papunta sa classroom, nakita ko ulit sa may corridor yung mga kaklase kong lalaki na nag kukumpulan.
Agad ko silang sinilip kasi mamaya nag lalaro na naman sila ng cards o ng kung ano.
"O ano na naman?" sabi sa akin ni Louie, yung kinuhanan ko ng UNO cards nung nakaraan.
Hindi ko siya pinansin at sinilip ko ang ginagawa nila. May pinapanuod sila sa phone nung isa.
"Ayan o basketball game!" sabi naman ni Gino, yung may hawak ng phone at ipinakita sa akin. "Pati ba 'to bawal?"
Hindi ko na lang sinagot ang tanong niya at tumalikod na ako tutal wala naman silang ginagawang mali.
"Epal talaga amputa," dinig kong sabi ni Louie.
"Uy gago tignan niyo," sabi naman ni Gino.
At biglang nagtawanan yung mga lalaki. Hindi ko na lang pinansin at tuloy tuloy na ako naglalakad thinking na baka doon sa pinapanuod nila yung pinagtatawanan nila.
"Sabihin ba natin?" dinig kong tanong nung isa.
"Wag. Hayaan niyo karma niya yan," sabi naman ni Louie.
Napalingon ulit ako sa kanila at nakita kong lahat sila nakatingin sa akin at nakangisi. Napataas ang kilay ko.
Anong meron?
Napailing na lang ako at napabuntong hiniga. No use patulan.
Naglakad na lang ulit ako papasok sa room nang magulat ako nang may biglang umakbay sa akin.
Napalingon ako dito and I saw Seb behind me.
"Ano ba?" sabi ko as I tried to remove his arm from my shoulder but he won't budge.
"Kumain ka na?" tanong niya.
"Oo. Teka wag ka umakbay naiirita ako," sabi ko. Pero hindi pa rin niya inaalis ang kamay niya.
"Tara kain tayo!" at ibinaling niya ako palabas ng classroom nang hindi tinatanggal ang pagkakaakbay sa akin.
"Huy! Kumain na nga ako! Ano ba!" inis kong sabi sa kanya.
"Edi samahan mo 'ko," nakangiti niyang sabi.
Naiinis ako!
Napadaan ulit kami doon sa grupo nina Louie at pare-pareho pa rin silang nakangisi sa akin.
Pero nagulat ako nang lingunin sila ni Seb.
"May problema ba?" tanong niya sa mga 'to and I've never heard him so serious.
Ang mas ikinagulat ko ay nang mawala ang ngiti sa mga mukha nina Louie at ibinaling na lang nila ulit ang atensyon nila sa pinapanuod nila.
Teka... takot ba sila kay Seb at isang salita lang, tumigil sila? Paano?
Natigilan ako sa nangyari kaya naman hindi ko na napansin na inilalayo na ako ni Seb sa kanila. Naka-akbay pa rin siya sa akin at masyado siyang malapit.
"Iris," bulong nito at mas lumapit siya sa akin. "May tagos ka."
Pakiramdam ko nag akyatan lahat ng dugo sa mukha ko. Kumawala ako sa pagkakaakbay niya at tumakbo ako papunta sa girl's restroom.
Shit. Kaya pala pinagtatawanan nila ako.
Madaling madali ako sa pag takbo habang ipit ipit ng kamay ko ang skirt ko. Kaya lang pag liko ko sa hallway, bigla akong na dulas at pa-upo akong bumagsak. Ramdam ko ang sakit sa balakang ko.
"Miss President? Hala!"
Napa-angat ako ng tingin at nakita ko si Harold sa harap ko. Of all people.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito sa akin as he offered his hand to me para tulungan ako makatayo.
Tinignan ko lang ang kamay niya.
Hindi ako tatayo. Paano ako tatayo? Makikita niya! Nakakahiya! Ayoko. Anong gagawin ko?
Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. Pakiramdam ko pinagpapawisan na rin ako.
Bakit ba ang malas ko ngayon?
Then, bigla kong naramdaman na may humawak sa magkabila kong braso at pilit akong itinayo.
"Okay ka lang?" boses ni Seb.
Tumango ako. And I've never been glad na marinig ang boses niya.
Hindi siya umalis sa likuran ko to cover me up.
"Uy Harold," bati nito dito. "Kausapin ko lang 'to si Iris sagalit."
Tumango naman si Harold at tinignan ako, "you sure you're okay?"
Tumango lang din ako, "thanks."
At naglakad na kami paalis ni Seb.
To be continued...
Musta yung flow ng story so far? Let me know your thoughts! :)
#MoonChildWP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top