Chapter One

Chapter One


Ordinary day, typical drama.

"Nakakainis talaga siya!!" dinig kong sabi ng isang babae sa labas ng cubicle sa restroom kung saan ako naka pwesto ngayon. Judging by her voice, alam ko agad na kaklase ko 'to. Si Hannah?

"Ano ba kasing nangyari at ba't na confiscate phone mo?" tanong ng isa pa na sa tingin ko ay si Fiona, ang best friend ni Hannah na taga kabilang section.

"As in sobra!" gigil na sabi ni Hannah. "Nag check lang ako saglit ng phone ha? Tinignan ko lang yung oras, sinumbong agad ako kay Miss Patangan! Parang tanga!"

"Ang OA naman niyang president niyo? Sana sinaway ka na lang muna niya bago nag sumbong?"

"Ewan ko ba doon. Galing galingan masyado. Napaka kiss ass sa mga teachers. Alam mo ba nung quiz namin, nag sumbong din yan sa teacher na nagtanong kami sa kabilang section kung ano ang mga lalabas sa quiz. Bagsak tuloy yung buong klase tapos siya lang ang may perfect score," pag kukuwento pa niya.

"Ang epal nga! I-impeach niyo na nga yan. Ba't niyo ba binoto kasi yan na class president?"

"Alam mo naman, pag matalino automatic na binoboto. Malay ba namin ganyan ugali niyan. Transferee eh. Akala nung una mabait kasi tatahi-tahimik. Nasa loob pala ang kulo. No wonder walang kaibigan 'yan dito."

"Gagi baka friends sila ng mga teacher."

"Hindi niya friends ang mga teachers. Pet siya ng mga teachers. Tutal palagi rin naman siya nauutusan mag Xerox ng mga questionnaires eh tsaka taga dala ng assignment sa faculty."

Nagtawanan yung dalawa. Napairap na lang ako.

Ilang Korean drama na at pelikula ang ipinalabas na may ganitong eksena. Nam-b-backstab sa restroom tapos yung bina-backstab nila nasa loob pala ng cubicle. Sa sobrang gasgas na nung eksena, akala ko natuto na ang mga tao na mag check muna ng cubicle bago mambackstab.

I flushed the toilet bowl at napansin kong pareho silang natigilan sa pagtawa. Lumabas ako sa cubicle and I saw their dumbfounded expression nang makita nila ako.

Awkward silence---well in their part because this is not awkward for me at all. Wala naman akong pakielam at sanay naman akong nakakarinig ng hindi magagandang bagay sa akin.

Pumunta ako sa may sink kung saan sila nandoon at nag hugas ako ng kamay. Pareho pa rin silang tahimik at pinapakiramdaman ang bawat kilos ko.

Matapos kong mag tuyo ng kamay, I check the time sa wrist watch ko at tinignan ko si Hannah.

"Ten minutes na lang bago matapos ang break. Balik ka na agad sa classroom," sabi ko then I walk past her.

Pero bago pa ako makalabas narinig kong bumulong siya.

"Kiss ass."

Hindi ko na pinansin at tuloy tuloy lang akong naglakad. Narinig ko pa silang dalawa na gigil na gigil na nag r-rant tungkol sa akin.

Well hindi naman ako naapektuhan sa mga ganyan ganyan nila. Alam kong galit lang sila dahil nahuli sila at hindi nila matanggap na sila ang may mali.

Sigurado akong hindi lang siya simpleng napatingin sa oras nung nilabas niya ang phone niya. Nakita kong nag s-scroll siya sa Twitter kanina at hindi nakikinig sa klase. Sinumbong ko siya kasi una, alam kong di siya makikinig sa akin pag pinagsabihan ko siya. Pangalawa, against sa rule ang pag gamit ng cellphone habang nag k-klase. Pangatlo, mahilig magpa surprise quiz ang teacher namin, ano na lang isasagot niya kung 'di siya nakikinig?

I just did the right thing. Masyado lang siyang galit ngayon to realize that.

Naglakad ako pabalik sa classroom. Sa may hallway katapat ng classroom namin, nakita kong nag ku-kumpulan ang mga lalaki kong kaklase. Mukhang may ginagawa na naman kalokohan.

"O tara laro na!" dinig kong sabi nung isa at sa kamay niya, may isang box ng playing cards.

Napailing na lang ako at nilapitan ko sila. Mabilis kong inagaw yung cards doon sa kamay ng kaklase ko.

"Playing cards are not allowed in the school premise," sabi ko sa kanya.

Nakita kong pare-pareho silang napasimangot sa akin.

"Gago 'di naman kami mag susugal! Uno cards lang yan!" inis na sabi nung isa.

"Oo nga Miss President, nagkakatuwaan lang," sabi naman nung isa.

"Still, it's not allowed," I said at nilagay ko sa bulsa ko yung card. "Ibabalik ko na lang 'to after class."

"Epal leche," dinig kong sabi nung isa. "Kung 'di ka lang babae inabangan na kita sa kanto at ginulpi."

Hindi ko pinansin yung sinabi niya at pumasok na lang ako sa classroom. Kahit magalit sila, wala naman silang magagawa. Nakuha ko na. Hanggang salita lang din naman sila.

Rules are made for a reason. At pinaka ayoko yung hindi sumusunod sa mga rules. Kung wala silang disiplina, pwes ako meron.

Pag pasok ko sa classroom, nakita ko na sobrang ingay at gulo ng mga kaklase ko. Yung upuan, wala sa tamang ayos. Lahat sila nakapalibot sa kanya kanya nilang circle of friends. Masayang nag kukuwentuhan, nagtatawanan, ang ingay.

Ako? Wala akong circle of friends. At alam ko rin naman na walang may gustong makipag kaibigan dahil nga ganito ako.

I don't really mind, though. It's a waste of time and energy. Just like being affected to everything they are saying to me. Kaya wala akong pakielam kasi wala naman akong nararamdaman sa mga sinasabi nila. Hurt? No. Hindi ako madaling maapektuhan, lalo na sa mga empty insults.

Ganito talaga ako. Laging nasa iisang linya lang ang emosyon. Hindi madaling maapektuhan sa mga bagay na nangyayari sa paligid ko. Pakiramdam ko kasi unnecessary and useless? Sagabal lang din sa mga goals ko.

Pero tao rin naman ako at kahit na bihirang mangyari, marunong pa rin akong makaramdam.

Well, sa school na 'to, dalawang tao lang ang may kakayahang makapagpataas ng emosyon ko.

"Miss Pres!" dinig kong sabi ni Kate, yung secretary ng klase. "Sabi ni Sir de Guzman padala na lang ng assignment sa faculty. Nandoon na sa teacher's table yung mga notebook."

Tumango ako at kinuha ko yung mga notebooks ng mga kaklase ko.

"Here comes the teacher's pet," dinig kong sabi ng isa kong kaklase pero dedma lang ulit at nag lakad ako palabas ng classroom. Nakita ko pang sinamaan ako ng tingin nung mga lalaki na kinuhanan ko ng cards kanina. Hindi ko na lang din ulit pinansin.

Naglakad ako papunta sa faculty habang inaalalayan kong wag mabagsak sa mga braso ko yung notebooks na dala dala ko. Medyo marami kasi at mabigat pero alam ko naman na walang tutulong sa akin kaya dinala ko na lang lahat.

Kaso wala rin use ang pag i-ingat ko dahil pag liko ko ng corridor, may nakabangga akong estudyante at nahulog lahat ng dala kong notebook.

Napabuntong hininga na lamang ako at yumuko para pulutin yung mga notebooks.

"Sorry miss," dinig kong sabi ng nakabanga sa akin and I froze.

Inangat ko ang tingin ko and I saw him in front of me. He's looking at me. His eyes looks apologetic habang tinutulungan niya akong mag pulot ng mga notebooks.

My blood rush. My heart pounded. At naramdaman ko 'yun, yung pagtaas ng emosyon na minsan ko lang maranasan.

Sabi ko kanina 'di ba dalawang tao lang sa eskwelahan na 'to ang may kakayahang makapagpataas ng emosyon ko?

Isa siya doon. Si Harold Reyes. Taga kabilang section. Basketball varsity player. Matangkad. Gwapo. He got the kindest pair of eyes and the most heart melting smile.

"Ang dami naman ng dala mo," sabi niya habang kinukuha isa-isa sa lapag yung nahulog na mga notebooks. "Sa faculty ka ba? Help na kita."

Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko at agad akong napayuko. Kinuha ko sa kamay niya yung mga notebooks na pinulot niya.

"Wag na," sabi ko.

"Sure ka--?"

Hindi ko na siya pinatapos mag salita. Tumalikod na ako agad at dali dali akong umalis. Pakiramdam ko kasi pag nag stay pa ako sa tabi niya, sasabog ang puso ko. Baka hindi na naman ako makapag concentrate niyan sa klase. Hindi naman pwede yun dahil baka wala akong masagot sa exam.

Kailan kaya darating ang araw na makakausap ko siya nang hindi ako natataranta? Pakiramdam ko nasa isip nun sobrang rude ko. Pero need kong gawin dahil hindi ko kaya ang presensya niya. Ayoko pa naman ng ganung pakiramdam. Yung nagwawala ang puso? Bumabaliktad ang sikmura sa kaba? Ayoko ng hindi kontrolado ang emosyon. I feel lost.

~*~

When it comes to making projects, I'm quite competitive. Hindi ako nag p-pasa ng project na bara bara lang. Dapat pulido. Dapat yung kitang pinaghirapan. Dapat pang perfect score ang grade.

Kaya pag may project, ang pinaka hate ko ay yung may groupings. Lalo na kung choose your own group.

Katulad ngayon.

History class. Nag announce ng project ang teacher namin. I was excited for a brief second until she dropped the bomb and told us it's a group project. Apat sa isang grupo. Choose your own groupmates.

She gave us fifteen minutes to find group mates at para lumipat ng pwesto katabi ng mga ka grupo namin.

Ang ingay naman ng klase. Naririnig ko ang sasaya nila kasi magkaka grupo. Mga nag sisitayuan, kinukuha ang bag para tumabi sa mga kaibigan nila.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo. Lumapit ako sa teacher namin.

"Ma'am," tawag ko. "Okay lang po ba kung i-solo ko ang project?"

Napangiti sa akin si Ms. Alvar, "it's a group project."

"Wala po akong ka group," sabi ko sa kanya.

"Hmm, imposible naman. Binilang ko kayo. Sakto kayo lahat na may ka grupo kung by four sa isang group." Inikot ni Miss Alvar ang tingin niya sa classroom. "Ayun. Mukhang kulang sila ng member doon," she said as she points the far end corner of the room.

Napatingin ako doon sa tinuturo niya at nakita ko ang dalawang girls sa gilid. Yung isa matangkad na maikli ang buhok. Mahaba than the usual yung skirt na suot niya at naka roll ang manggas ng uniform niya. Akala mo palaging naghahanap ng away. Si LJ.

Yung isa naman petite, mahaba ang buhok, may bangs, sobrang puti niya, may nail polish na itim at eyeliner na itim---which is bawal sa school at ilang beses ko na siyang pinagsabihan diyan---and she got a creepy smile. Si Chichi.

Napahinga ako nang malalim as I walk towards them. Pareho silang napatingin sa akin. Nakita kong napangiti si LJ.

"Yo Miss President, welcome to the losers group," sabi nito.

Hindi ako umimik. I just took the seat beside her.

"Kulang tayo ng isa," sabi ko.

"Ah, wala pa siya," sabi naman ni Chichi.

"Sino?" tanong ko.

And right on que, biglang bumukas ang pinto ng classroom and I saw him.

Matangkad na lalaki, his hair down and slightly covering his eyes. Kinukusot kusot niya ang mata niya na parang bagong gising. Halata rin naman dahil sa lukot lukot na uniform na suot niya. Messy hair, ang lousy ng itsura.

Tinawag siya ni Ms. Alvar at u-unat unat pa siya naglakad papunta dito.

"Mr. Madrigal, why are you late?" tanong sa kanya nito.

"Ma'am sorry nagtatae ako eh. Kanina pa ako nakatambay sa kubeta. Gusto niyo po ng proof?"

Nagtawanan ang klase dahil sa alibi niya---maliban sa akin. I can't believe he's lying in front of a teacher.

Pero nagulat ako nang napangiti nang bahagya si Ms. Alvar.

"Next time na ma-late ka I'll deduct points from your grades."

Bigla siyang umayos ng tayo at nag salute.

"Ma'am yes ma'am!"

"Pumunta ka na sa mga ka grupo mo."

"Ka-grupo?"

"Hoy Seb dito!" tawag naman sa kanya ni Chichi at lumapit siya sa pwesto namin.

"Anong meron?" hihikab hikab na tanong ni Seb.

"History project," sabi naman ni LJ na parang walang pakielam.

"Ah," bigla siyang napatingin sa akin at ngumiti. "Ka-group natin si Miss President," sabi niya.

Hindi ko siya pinansin.

"Need natin mag meeting mamaya after class," sabi ko. "We need to plan ahead kung ano ang gagawin natin sa project."

"Ayoko nga," dinig kong sabi nung Seb at napalingon ako sa kanya.

"Wala ka naman choice," sabi ko dito.

Nakita kong mas lumawak ang ngiti niya. inilapit niya ang upuan niya sa upuan ko at naupo siya sa arm chair to elevate himself.

Bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

"Wala ka rin naman magagawa kung ayaw kong pumunta."

Napahinga ako nang malalim.

"Kailangan natin mag meeting," pag uulit ko sa sinabi ko.

Binigyan niya ako nang mapang asar na ngiti.

"Smile ka muna tapos sabihin mo please para pumayag ako."

Tinignan ko siya nang masama. Bigla naman siya napatawa ng malakas then he pat the top of my head.

"Joke lang Miss President. Oo naman mag m-meeting tayo. Ikaw pa ba? Lakas ka sa akin eh," he said with a wink.

"Lakas mo rin mang asar Seb," natatawa-tawang sabi ni LJ. "Pula ng mukha ni Miss President oh."

"Nararamdaman ko, may masaman aura na bumabalot sa kanya ngayon," sabi naman ni Chichi.

Napahinga ako nang malalim and I tried to calm myself down.

Sabi ko may dalawang tao ang nakakapagpataas ng emosyon ko sa eskwelahan na 'to.

Ang una ay si Harold Reyes.

At ang pangalawa ay si Sebastian Madrigal.

Hindi ko maintindihan kung bakit trip na trip akong asarin ng isang 'yan. At mas lalong hindi ko maintindihan bakit sa dami nang masasakit na salitang naririnig ko sa mga kaklase ko, sa pang aasar ni Seb pa ako apektado.

Most of the time, gusto ko siyang sapakin.

Katulad ngayon.

At talagang ka-grupo ko pa siya sa project na 'to?

I am doomed. 

To be continued...

a/n


Hi guys! To those who's following me on Twitter, my account iamalyloony got hacked :(

Pero pwede niyo ako mahanap sa username alyloony na account. For the meantime ayan muna ang gagamitin ko and diyan ako mag ppost ng update. Diyan na rin muna kayo mag tag ng mga reactions niyo sa story ko huhu. Thank you!


Use hashtag : #MoonChildWP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top