Chapter Four

Chapter Four

Dismissal time. Meeting for the project.

Katulad nung unang supposedly meeting namin na hindi natuloy, papunta kami ngayon sa bahay nina LJ para doon mag meeting. Habang nag lalakad kami palabas ng school gate, hindi ako mapakali at maya't maya ko iniikot ang tingin ko dahil baka bigla na naman sumulpot si Harold at yayain ni Seb.

Wala akong tiwala kay Seb. Pinanganak ata yan to make my life miserable at ramdam ko na any moment, pwedeng pwede niya akong ilaglag.

Naramdaman kong may kamay na pumatok sa tuktok nang ulo ko kaya napatingala ako. At sino pa nga ba?

"Kung hinahanap mo si Harold, pwede mo naman sabihin sa akin. I-te-text ko siya para sa'yo," he said with a wink.

Tinignan ko siya nang masama.

"Marinig ka nila!" suway ko sa kanya at napatingin ako kay LJ at Chichi na nauunang mag lakad sa amin.

Seb just chuckled at ginulo niya ang buhok ko. Tinabing ko naman ang kamay niya.

"Bakit ka ba takot na takot na malaman nang iba na may gusto ka kay Harold? Dami niyo naman na may gusto sa kanya. Marami makaka relate sa'yo. Pwede pa kayong mag tayo ng fansclub. Ikaw ang president," pang-aasar niya.

Inirapan ko lang siya at binilisan ko ang mag lakad. Ayoko nang kausapin ang isang 'to. Mas lalong nasisira ang araw ko.

~*~

"Welcome to our humble abode," sabi ni LJ nang makarating kami sa bahay nila.

Their house is slightly bigger than ours. It's a two story house na very traditional Filipino house ang dating.

"Paki hubad na lang po ang mga sapatos dahil hahabulin ako nang nanay ko ng walis tambo pag nadumihan ang pinakamamahal niyang sahig at carpet," sabi ni LJ. Sinunod naman namin siya at iniwan namin ang mga sapatos namin sa labas ng pintuan.

Pag pasok namin, bumungad agad yung malaking family portrait nila sa living room. Sa portrait, lahat sila naka formal attire. Nakaupo ang parents ni LJ sa gitna habang sila naman magkakapatid ay nasa likod. Apat sila. Dalawang babae, dalawang lalaki. At kung t-tantyahin ko, feeling ko pangalawa o pangatlo si LJ sa magkakapatid.

Sa tabi ng portrait nila, kapansin pansin yung altar. May nakapatong na crucifix sa gitna. Then may mga santo rin. Nandoon di si Mama Mary na may nakasabit na rosary. Meron ding Santo Niño na may nakasabit na sampaguita at picture ng Our Lady of Perpetual Help.

"Tara sa kusina, nag luto si Ate Rosa ng pancit canton at itlog pang meryenda," sabi naman ni LJ.

"Yown! Kaya gusto ko rito sa inyo, eh. Laging may pa-meryenda," sabi naman ni Seb sa kanya.

Sinundan namin si LJ sa may dining area at nakita ko ang isang middle aged woman na nag hahanda ng pagkain. Tinawag niya itong Ate Rosa at nagpasalamat. Siguro siya ang kasambahay nila.

Agad na pumwesto si Seb at Chichi sa tapat ng pabilog na lamesa at naupo sila doon. Judging by how they act, this is not the first time na nag punta sila rito kina LJ.

"Uy Miss President, tatayo ka na lang ba diyan?" tanong ni LJ as she took the seat in between Seb and Chichi. "Tara na. Pancit canton oh. May pandesal pa."

Naupo ako sa isang vacant seat doon---sa tapat ni Seb. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa akin at ngiting ngiti habang kumukuha ng pandesal.

Problema na naman nito at bakit nakangiti na naman? Nababanas ako.

Inangat ko na lang ang tingin ko doon sa litrato ng The Last Supper na nakasabit sa likuran ni Seb.

"Kain na, Iris," sabi niya habang inaabutan ako ng pandesal.

I tried my best not to roll my eyes. Hindi ko maintindihan bakit palaging may diin pag sinasabi niya yung pangalan ko? Yung diin na parang nang aasar. Para bang pinapaalala niya na may alam siya tungkol sa akin.

Naiinis ako!

Huminga ako nang malalim at kinuha ko na lang ang notebook at ballpen ko.

"Mag meeting na tayo," sabi ko.

"Wait lang madam, kumain muna tayo," sabi naman ni Chichi. "Papasukan tayo ng bad energy pag nag isip tayo ng gutom. Mabablangko lang mga utak natin."

"Gago, kahit busog ka, blangko pa rin naman utak mo," natatawa tawang sabi ni LJ kay Chichi.

Napaisip bigla si Chichi at napakamot siya sa ulo, "oo nga 'no? May point ka doon."

Nagtawanan yung tatlo. Napa buntong hininga na lang ako dahil wala na naman pinapatunguhan 'to. Na delay na kami ng isang araw tapos nag aaksaya pa kami ng oras ngayon?

"Kain na!" sabi ni LJ at inilapit niya sa akin yung plato ng pancit canton. "Chill lang muna. Magagawa natin yang project na yan. Nasa grupo natin si top one and top two."

"Nasa group natin ang top two?" takang tanong naman ni Seb. "Sino? Ikaw LJ?"

"Ulul! Mukha pa akong top two? Ikaw ogag!"

"Ako? Talaga ba?" natatawa tawang sabi ni Seb.

"Akala ko ako lang ang walang alam, ikaw rin pala," sabi naman ni Chichi at muli silang nagtawanan.

Napatitig na lang ako.

Ni hindi niya alam na top two siya? At mukhang hindi pa siya seryoso sa lagay na 'yan but still, ang onti lang nang agwat namin. Samantalang ako...

I felt a tight knot on my stomach at ayoko nitong nararamdaman ko kaya naman pilit kong itinulak ang mga negative thoughts sa kadulo-duluhan ng isip ko.

"Mag start na tayo," pag uulit ko. I really have to distract myself.

"Kain muna," sabi ni LJ. "Paglalagay na kita sa plato."

"Ayoko," sabi ko. "Hindi ako kumakain niyan. Besides, nandito tayo para mag meeting, hindi mag bonding."

Nakita kong napakunot ang noo ni LJ sa sinabi ko.

"Ay sorry naman po mahal na prinsesa at ito lang ang pagkain. Pasensya na ho at kumakain muna kami 'no? Gutom na kami, eh. Pero mukhang may lakad ka ata at madaling madali ka, pasensya na at inaaksaya namin ang oras mo."

Napabuntong hininga ako. Halata na sa tono niya na nainis siya sa sinabi ko. Pero mas lalo kaming walang mararating kung papatulan ko pa kaya hindi ko na lang inintindi.

"Okay mag start na tayo," sabi ko at binuksan ko yung notebook ko at sinulatan ko ng date. "Since yung project natin is para sa exhibit, sana makaisip tayo ng something new. Yung makaka caught ng attention ng mga papasok sa exhibit. Isa rin kasi yun na defining factor para makakuha tayo ng mataas na grade."

"Ba't hindi na lang ikaw ang mag decide?" sabi ni LJ. "Tutal ikaw naman laging nasusunod 'di ba?"

Hinarap ko siya, "group project kasi 'to. So kahit na nandito sa group na 'to yung top one and top two, kailangan may maiambag ka rin kasi unfair naman sa grading," I told her a matter-of-factly.

Nakita ko na mas kumunot ang noo niya na para bang na offend siya sa sinabi ko. Nagtaka naman ako kasi I'm just saying the truth?

"Ganyan ka ba talaga?" yamot niyang sabi. "Napaka bossy mo tapos feeling mo ang galing galing mo. Kung gusto mo edi ikaw gumawa ng project na yan! Saksak mo sa baga mo yang grade mo. Wala naman akong pake diyan!"

"Kaya masamang nag m-meeting ng gutom, nagiging bad vibes," dinig ko namang bulong ni Chichi.

Napabuntong hininga ako at muli kong isinara yung notebook ko. This is why I hate group projects.

"Mag meeting na lang tayo kapag hindi na mainit ulo mo."

"Kahit wag na!" iritang sabi niya.

"Una na ako, Love Joy Marie," sabi ko at narinig ko siyang nag sabi nang iba't ibang mura habang naglalakad ako palabas ng bahay nila.

Panibagong araw na naman ang naaksaya. Kaya ayoko talaga sa bahay nang iba gumagawa ng project, eh. Tapos pag napagsabihan mo nagagalit sila.

Why can't they just follow? I mean, yung project naman talaga ang pinunta namin doon. Bakit kailangan nang maraming distractions?

Isang bagay na napatunayan ko ay walang nagagawang maganda ang distractions. And yep, I learned that the hard way.

Kaya ayoko rin nang distractions eh. Kahit pa sabihing si Harold ang distraction na 'yon.

Nakarating na ako sa may labasan nang subdivision kung saan nakatira sina LJ. Mukhang bihira pa ang nag dadaan na jeep sa lugar na 'to.

Tinignan ko ang wrist watch ko. It's almost five in the afternoon. Isang oras ang naaksaya ko.

Habang nag hihintay ng jeep sa may waiting shed, inilabas ko na lang muna yung notes ko at nag review para sa quiz bukas. Nagulat naman ako nang may biglang humablot ng notebook ko. Pag angat nang tingin ko, nakita ko si Seb. Nakasukbit sa kanang balikat niya ang backpack niya, hindi na naka tuck-in ang polo, gulo gulo na naman ang buhok at nakangiti nang mapang-asar sa akin.

"Hanggang dito ba naman nag re-review ka?"

Napairap ako. Yung kaninang irap na pigil na pigil akong ilabas. I heard him chuckle in return.

"Ang cute mo pag umiirap ka. Para kang sinasapian ng demonyo. Isa pa nga."

It took me every will not to land my fist on his face. Pero sobrang tempted na talaga ako.

Napatawa si Seb. Malamang dahil nakita na naman niya ang pikon kong mukha.

"Init ulo mo kanina ha," sabi niya.

"Hindi ako ang mainit ang ulo. Si LJ."

"Akala ko nga magbabasag siya ng pinggan nung tinawag mo siyang Love Joy Marie. Marunong ka rin pala mang asar?"

"Hindi ako nang aasar. Tinawag ko lang siya sa pangalan niya."

Muling napatawa si Seb, "you're unbelievable, you know that?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"But you know what? LJ has a point. Hindi ko alam kung napapansin mo pero laging ikaw nga ang nasusunod."

"I'm asking for your suggestions."

"Pero by the end of the day, yung suggestion mo pa rin ang gagawin namin, tama?"

Dahil mostly ng mga suggestion niyo, hindi okay! Gustong gusto ko sabihin pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam ko naman na walang magandang maidudulot 'yon.

"Besides, gagawa naman talaga tayo ng project. Pero hindi naman siguro masamang kumain muna ng meryenda bago gumawa 'di ba?" pag papatuloy ni Seb.

"Ayoko lang nag aaksaya ng oras."

"Pag aaksaya ba ng oras ang makipag kwentuhan at tawanan sa mga tao?"

"Mabibigyan ba tayo ng grade nun?" tanong ko.

"Sa grades ba umiikot ang mundo?" tanong din niya.

Hindi ako umimik. Walang use makipag talo. Walang use ipaliwanag ang sarili ko. Wala naman mag babago.

Tumayo si Seb at pinatong niya ang kamay niya sa tuktok nang ulo ko. Ang hilig niyang ginagawa yan at naiirita ako.

"Minsan okay rin makisama, Iris. Malay mo maka ngiti ka nang totoo," sabi niya as he gave me a smile at naglakad na siya paalis. Kung saan siya pupunta, I had no idea.

Napahinga ako nang malalim.

Distractions.

I don't need distractions.

~*~

It's past six nang makauwi ako sa bahay. Madilim na rin sa labas. Nung pumasok ako sa bahay namin, agad naman ako sinalubong ni Aling Feliz---yung kasambahay namin.

"Ginabi ka na ah?" sabi niya. "Gusto mo na mag hapunan? May naka hain na sa lamesa."

"Sige po," sabi ko habang ibinababa ko ang bag ko sa lamesa sa sala.

"Nandiyan na rin daddy mo," sabi niya and I saw her hesitate. "Kumakain na siya. Sabay ka na?"

Napahinto ako at napayuko.

"Mamaya na lang po pala ako kakain."

Hindi na umimik si Aling Feliz at ako naman, agad akong umakyat.

Habang paakyat ako sa hagdan, na-silip ko ang dining area namin. Nakita ko si daddy na mag-isang kumamain. His back is against me kaya hindi ko tanaw ang mukha niya---but he's slightly slouching. Parang bagsak ang katawan dahil sa trabaho? Ngayon na lang ulit siya nakauwi nang maaga. At mukhang halos kakauwi lang din niya dahil hindi pa siya nakakapagpalit nang pambahay.

Gusto kong bumaba at sabayan si daddy sa pag kain. Gusto kong tanungin kung kumusta siya sa work niya. Gusto ko rin mag kwento nang about sa school ko. But I know it's a bad idea kaya naman umakyat na lang ako sa taas at nagkulong sa kwarto ko.

I don't want to face another rejection.

Nahiga ako sa kama ko and I buried my face in my pillow. I felt a lump on my throat at pakiramdam ko parang may nakadagan sa dibdidb ko sa bigat nang nararamdaman ko. Huminga ako nang malalim. Ilang beses. Inhale. Exhale. I tried to swallow the emotions na nagtatangkang kumawala. I know it won't do me any good. Mas okay yung manhid na lang ako. Mas okay kung hindi ko na lang pansinin ang mga emosyon na 'to.

Distractions.

I hate distractions.

I heared my phone beep. Tinignan koi to and I saw Seb sent me a message.

Ano na naman?!

I read his text.

SEBASTIAN MADRIGAL:

Hi Iris. Hindi ko pa pala nasasabi yung second condition ko 'no?

So here's my second condition: kita tayo ngayon sa mcdo sa tapat ng school. Pag di ka sumipot, alam mo na mangyayari. Kita kits. I'll be there in 30 mins.

Ngayon talaga?! Ano na naman trip nito? At anong gagawin namin sa mcdo?!

Bumangon ako at muli kong isinuot ang sapatos ko.

I really, really hate distractions.

Pero somehow, mas okay na akong ma distract sa yamot ko kay Seb kesa maramdaman yung mga bagay na gustong gusto ko nang ibaon sa hukay.

So I went out to meet him.

To be continued...

#MoonChildWP

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top