Chapter Forty Six

Chapter Forty Six

Nanlalamig ang buong katawan ko habang nakatingin ako sa bulletin board kung saan nakapaskil yung letter ni LJ at yung picture nilang dalawa ng girlfriend niyang si Jen.

Naalala ko yung sinabi sa akin ni LJ nung ipatago niya sa akin yung regalo niya. She wrote a handwritten love letter. May picture pa nilang dalawa.

Ito yun. Sigurado ako. Pero paanong mapupunta yun dito? Ipinatago sa akin ni LJ yung regalo! Dala ko nga yun sa bag ko!

Agad kong inopen yung bag ko at hinanap ko yung regalo dito. Alam ko nung inabot sa akin ni LJ yun, inilagay ko sa bag yun eh!

Wait, inilagay ko nga ba? Ayun yung bago tumawag sa akin si daddy. Yung bago ako muntik muntikanan nang masagasaan.

Naiwan ko ba sa cafeteria nila? O nalaglag ko ba 'to?

Bakit wala sa bag ko!

"Iris, okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Seb. "Anong hinahanap mo?"

Inangat ko ang tingin ko kay Seb. My eyes starting to get blurred.

"Seb, sabi ni LJ ingatan ko yung regalo niya. Pero naiwala ko," nanginginig kong sabi. "And now..."

Napatingin ako ulit sa bulletin board. Nakita ko ang mga estudyanteng nag babasa doon, nag bubulungan. Yung iba, nagtatawanan.

Pinag tatawanan ba nila si LJ?! Lalapitan ko dapat sila at tatanungin pero bigla kong narinig ang tawag ng isa naming kaklase.

"Ms. Pres! Pila na raw lahat sa school ground para sa flag ceremony."

Napailing ako.

"Kailangan kong puntahan si LJ. Kailangan ko siyang kausapin."

Tinalikuran ko sila at plano ko nang sundan si LJ nang bigla akong harangin ni Seb.

"Iris, tingin ko mas okay kung ako ang susunod kay LJ," sabi nito.

Umiling ako, "hindi pwede! Kailangan ko siyang kausapin. Nag aalala ako sa kanya! At kailangan kong magpaliwanag at mag sorry! Ayokong magalit siya sa akin, Seb."

"Alam ko," he said at ipinatong ni Seb ang magkabilang kamay niya sa balikat ko to calm me down. "Pero mataas ang emosyon ngayon ni LJ. Mas mabuti kung bigyan mo muna siya ng time. Akong bahala. Wag kang magalala, ibabalik ko siya rito."

Seb gave me a reassuring smile and I calmed down a bit.

"Wag mo siyang iiwan hangga't hindi siya okay, please," pakiusap ko kay Seb.

"Akong bahala," he said at umalis na si Seb.

Naglakad ako papunta sa classroom habang pinipigilan ko ang pag iyak.

Natatakot ako na baka magalit sa akin nang malala si LJ. But more than that, mas natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya.

I know how scared she is na mag out. And as much as I want her to be herself, gusto kong gawin niya yun at her own time, pag ready na siya.

Not like this.

And I can't imagine how hurt she is right now. Parang nadudurog din ang puso ko dahil sa nangyayari.

Please, sana maging okay lang si LJ.

Nang papunta ako sa classroom, nakasalubong ko na ang mga kaklase ko na naglalabasan na at papunta nang school ground. Nakita ko si Chichi na nag lalakad kasama si Glen. Agad akong lumapit sa kanya.

"Chi! Nakita mo ba yung sa bulletin board? Si LJ..." my voice trailed off nang mapansin kong namamaga ang mata ni Chichi habang matalim ang tingin niya sa akin.

"Chi?"

Iniwas ni Chichi ang tingin niya at naglakad siya palayo.

"Chi wait!" tawag ko dito at hinawakan ko ang braso niya pero agad niya itong hinawi.

"Wag mo 'kong hawakan."

Mahina ang pagkakasabi niya, pero matalim. Pakiramdam ko para akong sinaksak.

Bakit galit siya sa akin? Anong nagawa ko?

Nakita kong mabilis na naglalakad palayo sa akin si Chi while Glen is giving me an apologetic look at agad niyang sinundan si Chichi.

Nanlalambot akong sumunod sa mga kaklase ko pababa ng school grounds. Gulong gulo ako sa nangyayari.

Pagdating ko doon, pasimula na ang flag ceremony kaya agad akong pumunta sa unahan ng pila. Nakita ko si Chichi sa likod. There's a cold expression on her face at diretso lang ang tingin niya. Ni hindi siya ngumingiti.

Ito ang unang beses kong nakita na ganito siya at hindi ko alam kung bakit. Napansin kong tumabi si Mona kay Chichi. She asked her kung okay lang ba siya pero hindi rin pinansin ni Chichi si Mona.

Inikot ko ang paningin ko. Nakita kong humahabol si Seb sa pila—but he's alone. Wala si LJ. Nagkatinginan kami ni Seb and he gave me a defeated expression. My heart sunk at parang pinipilipit sa sakit ang puso ko.

I feel a mixture of worry and guilt. Worry dahil alam kong sobrang nasasaktan ngayon si LJ. Guilt, dahil alam kong kasalanan ko 'to. Kung iningatan ko lang yung regalo na 'yun, hindi mangyayari 'to.

LJ trusted me with her deepest, most personal secret, tapos ito ang mangyayari?

And then there's also Chichi na hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa kanya. Bakit nagagalit siya ngayon sa akin? I hope kausapin niya ako dahil ang hirap manghula.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng will na huwag umiyak buong flag ceremony. Pero sa totoo lang, halos wala na dito ang isip ko. I keep on thinking about LJ and Chichi and there's this unexplainable worry na ang bigat bigat sa pakiramdam. Bakit ganito? Bakit parang may mali? Gulong gulo ako sa nangyayari.

At alam ko na hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakakausap si Chichi.

Kaya naman nung matapos ang flag ceremony, muli kong hinarang si Chichi at decided ako na hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya ako kinakausap.

"Chichi please! Usap tayo?" sabi ko dito.

Tinignan lang niya ako pero muli akong nilagpasan. Hinawakan ko siya sa braso.

"Chichi naman, ano bang ginawa ko? Bakit ka ba nagagalit sa'kin?"

Hinarap ako ni Chichi. Nagulat ako nang makita kong may namumuo ring luha sa mga mata niya.

"Ba't hindi na lang kayo ni LJ mag usap? Tutal kayong dalawa lang naman ang magkaibigan," she said.

"Ano? Anong sinasabi mo Chichi. Dahil ba yun sa secret ni LJ---"

"Naging totoo akong kaibigan sa inyo," sabi ni Chichi sa akin and this time, pumatak na ang luha sa mga mata niya. "Tapos ano? Behind my back kung anu-ano ang pinag sasasabi niyo sa akin? Tingin niyo pa hindi na importante na malaman ko yung tungkol kay LJ! Ayos!"

Nagulat ako sa sinabi ni Chichi. "Ha? Chi never naming ginawa yun!"

"Sinungaling!" Chichi shouted kaya naman napatingin sa amin yung mga estudyanteng naglalakad pabalik sa classroom.

Inilabas ni Chichi ang phone niya at may ipinarinig siyang recording sa akin.

Boses namin ni LJ.

"Wala ka pa bang balak sabihin kay Chichi?"

"Matatanggap ba niya ako? Ewan. Wag ko na lang kaya sabihin sa kanya? Inportante pa ba na malaman niya?"

Wait... Yung conversation na 'to. Nangyari 'to nung bago kami maaksidente ni Seb...

"Umamin sa akin si Harold na he likes Chi. Nagpapatulong pa nga. Anong plano mo?" dinig kong boses ni LJ mula sa recording at parang bigla akong pinanlagkitan ng pawis dahil alam ko ang susunod dito.

"I-ba-bash si Chichi? Sisiraan kay Harold?" dinig kong boses ko.

At doon na naputol ang recording.

"Chi... let me explain. Hindi yan ang buong usapan namin—"

"Pero malinaw," mariin na sabi ni Chichi. "Nagawa mo na ba? Nasiraan mo na ko kay Harold?"

"Chi naman---!"

"O nandito na pala siya," sabi ni Chichi at nagulat ako nang makita kong papalapit si Harold sa amin.

Please. No. No. No.

"Harold!"

"Chi please! Pakinggan mo muna ako!"

Pero hindi niya ako nilingon. Nakatingin lang siya kay Harold.

"Uy. Nakita ko yung sa board, kumusta si LJ?" tanong ni Harold.

"Si Iris hindi mo kukumustahin?" sabi ni Chi. "May gusto pa naman siya sa'yo. Ngayon nag seselos siya sa akin dahil ako raw ang gusto mo at plano niyang siraan ako sa'yo."

Nakita ko ang gulat sa mga mata ni Harold dahil sa sinabi ni Chichi. Napalingon siya sa akin and the betrayed look he's giving me is very evident.

Dire-diretsong naglakad palayo si Chichi kaya naiwan kami ni Harold doon.

"Harold---"

"Sorry for asking you to help me," he told me coldly. "I regret trusting you."

Tinalikuran ako ni Harold at sumunod siya kay Chichi.

While me? Naiwan ako doon nang nakatayo while I feel my whole world crash.

Kanina, nagising ako nang masaya. For the first time in a while, nakasabay ko si daddy mag alumsal. He cooked breakfast for me while I brewed coffee for us.

Excited akong pumasok nun. Excited akong sabihin na si daddy na ang sumagot sa bills ni Sebbie kaya maibabalik ko na ang pera nila. Yayayain ko sana silang mag swimming sa weekend. It was dad's idea. Since may kinita rin naman kami sa part time, pwede naming gawin yun. Nag offer pa si daddy na siya ang mag d-drive sa amin sa resort.

For the first time in my life, I feel happy.

Pero bakit biglang binawi agad sa akin yun?

Hindi ko alam na ito ang madadatnan ko ngayon.

Naayos nga yung sa amin ni daddy, pero nawalan na naman ako ng mga kaibigan.

Bakit ba lahat sila umaalis? Lahat lumalayo? Ganito ba talaga? Meant to be ba akong mag isa?

"Iris," I heard a voice from behind me at napalingon ako.

Nakita kong nakatayo doon si Seb at bakas ang concern sa mukha niya.

"Anong nangyari? Okay ka lang ba?" tanong nito.

Napahinga ako nang malalim.

Seb. The only person who's always at my side.

"Seb... hindi maganda pakiramdam ko. Parang hindi ko kayang pumasok," I told him.

And before I knew it, napahagulgol na lang ako nang iyak sa harapan niya. 

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top