Chapter Forty One

Chapter Forty One


"O ano ambagan na tayo! Dali! Patak patak!" sabi ni Chichi habang nasa cafeteria kami at nag lu-lunch. Nag lapag siya ng isang daan sa gitna namin. "Para sa medical bills ni baby Sebbie!"

Naikwento ko na sa kanila ang nangyari kung bakit na late ako ng pasok kanina. At dahil pinangunahan na rin ako ni Seb sa pag i-explain, nalaman na rin nilang lahat na ang pangalan ng pusa ko ay Sebbie.

Ang weird lang na wala ni isang nag tanong kung bakit Sebbie ang pangalan ng pusa ko. Walang kumwestyon o na weirduhan man lang. Maybe I'm just overthinking.

Ay ngayon, nung nasabi kong hindi ko alam saan ako kukuha ng pera na pambayad sa vet ni Sebbie, nag volunteer sina Chichi, LJ, Harold, Seb at Glen na mag ambagan---na agad ko namang kinontra.

"Uy hindi naman kailangan," sabi ko sa kanila at agad kong ibinalik ang isang daan na inabot sa'kin ni Chichi. "Hindi ko naman kayo pwedeng pagastusin para sa pusa ko."

"Ano ba, tanggapin mo na lang," sabi ni Chichi at muling inilapag ang isang daan sa harapan ko. "Hindi naman para sa'yo 'yan, eh. Para kay Sebbie 'yan."

"True!" sabi naman ni LJ at nag lapag siya ng fifty pesos. "Sorry ito lang ang extra money ko. Pero pwede tayong mag part time diyan sa karinderya namin after class para makaipon kung gusto niyo? Sakto kailangan ng tulong ngayon ni Mama."

"O game ako diyan," sabi naman ni Harold at nag bigay rin siya ng pera. Seventy pesos. "Onti lang din extra sa baon ko, pero tulong ako doon sa part time!"

Napangiti ako sa kanila while trying to hold back my tears. Eversince na nangyari yung aksidente ni mommy, inilayo ko na ang sarili ko sa mga tao thinking na okay na akong walang kaibigan, dahil ipapahamak lang naman nila ako, eh. They will demand unreasonable things na ikakapressure ko. Ayoko an ulit maranasan ang bagay na ganoon.

But with this group of people, they've been nothing but supportive to me. Never kong naranasan na kailangan kong patunayan ang worth ko sa kanila.

That's why I feel emotional.

Napayuko ako while trying to contain my tears dahil ayoko na ulit umiyak. Pakiramdam ko ang dami ko nang iniyak kanina habang nasa vet kami.

"Salamat. Babawi talaga ako sa inyo."

"No worries Iris. Just focus on Sebbie," nakangiting sabi ni Harold and I feel my chest tightened kasi nararamdaman ko na naman ang pagkahulog ko sa kanya pero hindi nga pala pwede.

"Oo nga, o eto ambag ko," singit naman bigla ni Seb sabay lapag ng limang daan sa harap ko.

Nagulat naman ako sa halaga na binigay niya.

"Hala ang laki nito Seb!"

"Okay lang. Parang anak ko na rin naman yang si Sebbie," he said with a smirk at halatang nangaasar.

"Pero---" kokontra pa sana ako kaya lang bigla naman nag lapag ng pera si Glenn sa harap ko.

Isang libo.

"Ayan ha kasya na 'yan siguro sa isang araw na confinement ni Sebbie. Ang bubuuin na lang natin yung mga para sa susunod na araw na bills."

I look at Glen in disbelief.

"Huy, okay lang ba talaga 'to? Ang laking halaga na binigay niyo. Mamaya naubos na allowance niyo."

"Hindi yan!" sabi naman ni Seb sabay akbay kay Glen. "Lagi naman may pabaon na lunch ang mama ni Glen tapos hatid sundo na siya eh. Kaya okay na okay lang yan!"

Inalis naman ni Glen ang pagkakaakbay ni Seb sa kanya.

"Kulang pa yan," he said na halos pabulong at alam kong he's pertaining doon sa utang na loob niya sa amin nung niligtas namin siya ni Seb.

"Aww! Ang sweet naman ni Glen! I love this redemption arc!" masiglang sabi ni Chichi at pinulupot niya ang kamay niya sa braso ni Glen. "Feeling ko pag dinagdagan mo pa yan ng isang daan, magkaka crush na ako sa'yo."

Biglang nag hiyawan si Seb at LJ dahil sa banat ni Chichi kay Glen. Nakita ko naman ang pamumula ng mukha ni Glen habang inaalis niya ang kaya ni Chichi sa braso niya.

Pero agad akong napalingon kay Harold. Nakikitawa siya habang inaasar nila si Chichi at Glenn, but I can already see that his smile is tensed. Alam kong hindi totoo. And most probably, ako lang ang nakakahalata nito dahil aware ako na gusto ni Harold si Chichi.

Now it made me wonder, si Chichi kaya, gusto niya ba si Harold?

Well, it doesn't matter anymore. Kahit hindi naman siya gusto ni Chichi, by the end of the day, hindi rin ako ang gusto ni Harold.

"Nga pala, text ko nga si Mona," sabi ni LJ habang inilalabas niya ang phone niya. "For sure gusto nun makiambag pag nalaman niya ang nangyari sa pusa mo."

"Wag na!" mabilis kong sabi kay LJ kaya bigla siyang napahinto. "Wag na natin siyang isama."

"Bakit naman? Tutulong yun for sure!"

"Wag na," I said firmly.

Napatingin sa akin si LJ na parang binabasa niya kung ano ang nasa isip ko but I just keep a straight face.

Tumango lang si LJ and decided not to push it. Buti na lang din hindi na siya nag tanong kung bakit.

Hindi pumasok si Mona ngayon. Sabi ni Chichi masakit daw ang ulo. I want to give her the benefit of the doubt na baka totoong masakit nga ang ulo niya. Pero I know na hindi siya pumasok dahil may ginawa siyang kasalanan sa akin.

Alam kong wala akong proof na siya ang nagpakain ng chocolate kay Sebbie. O baka nga naman may ibang nakain na masama si Sebbie nung gabing yun. Pero malakas ang gut-feel ko na may kinalaman siya doon.

Kung bakit, hindi ko maintindihan. Dahil ba close kami ni Seb? Dahil nag seselos siya?

If that's that case, ganoon ba ka heartless si Mona to harm an innocent cat just because nag seselos siya?

Hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang i-confront siya tungkol dito kung alam ko naman in the first place na never siyang aamin.

Pero masama na ba ako na pinag iisipan ko siya ng ganito?

I hope I'm wrong.

~*~

Dahil pareho kaming hindi nakapasok ni Seb sa first subject namin kung saan mayroon kaming quiz, our teacher asked us na maiwan muna para mag take ng quiz. Mabuti na lang talaga at naintindihan ng teacher namin at tinanggap ang excuse naming dalawa kaya pinayagan pa rin kaming mag take ng quiz.

Hindi naman mahirap ang quiz. Bukod doon sa dalawang question na medyo nalito ako, I feel like mataas taas pa rin ang magiging score ko.

Napatingin ako kay Seb na nag uunat unat lang matapos ang quiz. Itsura niya mukhang wala siyang naisagot, pero alam ko aral din yan at mataas din ang makukuha niyang score. After all, kailan pa ba siya bumagsak?

"Kagutom yun ah?" sabi ni Seb. "Tara kain tayong tusok tusok diyan sa labas bago natin dalawin si Sebbie," sabi nito.

Bahagyang napataas ang kilay ko.

"Sinong nagsabing kasama ka sa pag dalaw kay Sebbie?"

Napangisi siya habang isinusukbit ang bag niya sa kanyang likuran, "bakit? May karapatan akong makita ang anak ko."

Pinanliitan ko siya nang mata, "akin si Sebbie."

He chuckled sabay patong ng kamay sa ibabaw ng ulo ko, "hindi ko naman inaagaw sa'yo. Nakiki share lang."

Napailing na lang ako at bahagyang napangiti. I know Seb's just trying to make me smile dahil kanina pa niya ako binibiro eversince umalis kami sa Vet. At sobrang na-appreciate ko si Seb.

Sobra.

Nung pag labas namin ng room, natanaw ko mula sa balcony ng second floor ang covered court ng school. Nandoon ulit ang basketball team at nag p-practice sila.

My eyes instantly searched for Harold. Nakita ko agad siya sa isang gilid, may hawak na bola at nag w-warm up.

Iba talaga ang glow niya pag nasa court siya. Pakiramdam ko mas gumagwapo siya while wearing that jersey of his at... pakiramdam ko para na namang may tumutusok sa puso ko kasi naiinis ako, bakit attracted pa rin ako kay Harold? Nasampal na ako ng katotohanan 'di ba? Kailan ba mawawala ang feelings na 'to?

"Wag mong titigan maigi, baka matunaw," sabi ni Seb sa akin.

Agad kong iniwas ang tingin ko kay Harold at dire-diretso akong nag lakad. Humabol naman sa akin si Seb.

"Gusto mo tawagin ko? Ayain ko mag meryenda. Papayag yun," alok ni Seb.

Umiling ako, "wag na."

"Kunyari ka pa, eh. Alam ko gusto mo. Tatawagin ko wait lang."

"Seb wag na," mariin kong sabi dito.

Pero akala ata niya nakikipag biruan pa rin ako o nag papakipot ako because he started dialing Harold's number.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at napataas ako ng boses.

"Bakit ba ayaw mong makinig? Ayoko nga 'di ba?!"

Biglang napababa ng phone si Seb at kita ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa reaksyon ko.

Hindi ko alam, masyado ba akong galit na nakatingin sa kanya? Masyado bang tumaas ang boses ko? O dahil nangingilid na naman ang luha sa mata ko?

"Iris... sorry.. joke lang yun..." he trailed off.

Huminga ako nang malalim at pilit kong pinipigilan ang pag iyak. Nakakainis. Lately nagiging iyakin na ako.

"May gustong iba si Harold at plano na niyang ligawan 'to. Please, wag mo na akong asarin sa kanya."

Seb's speechless habang nakatingin siya sa akin. Alam kong hindi niya malaman kung paano ako icocomfort o kung ano ang dapat niyang sabihin sa akin.

Napaiwas din ako ng tingin.

"Sorry sa pag taas ng boses," sabi ko sa kanya dahil bigla akong na guilty.

Pero nagulat ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ng ulo ko and the next thing I knew, nakadikit na ang noo ko sa dibdib niya at yakap yakap na niya ako.

"I'm sorry," he said and it sounded so sincere na parang pati siya nasaktan dahil sa nalaman niya.

It makes me want to cry.

"Tanga niya, hindi siya sa'yo tumingin," humiwalay si Seb sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako ng diretso sa mata. Seryoso ang mukha niya, and for a second my heart skipped a beat.

"Tanga talaga ni Harold," pagpapatuloy ni Seb. "Dahil kung ako 'yun....."

Pakiramdam ko parang huminto ang pag hinga ko while trying to anticipate what Seb is going to say next.

Teka, ano 'to? Kung siya 'yun, ano? Bakit hindi siya nagsasalita? Bakit nakatitig lang siya sa akin.

Ano yung sasabihin niya?!

Ngumiti bigla si Seb at hinawakan ako sa wrist, "tara kain tayong tusok tusok?" sabay hila sa akin.

Ni hindi niya tinuloy ang sasabihin niya!

At hindi ko alam kung dapat ba akong makahinga ng maluwag, o hindi? Kasi malamang i-o-overthink ko 'to ng ilang gabi!

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top