Chapter Forty Four

Chapter Forty Four

Nakasakay ako ngayon sa jeep papunta kina LJ para sa part mag part time. Lutang. Wala akong tulog. Nag research ako ng kanta buong gabi and now, I am sleep deprived. Ngayon lang ako nakinig sa ganoong karaming kanta sa loob ng isang gabi at pakiramdam ko ang init na ng tenga ko.

Pero nahanap ko ba ang kanta? Hindi. Dahil nakakainis, wala ako ni isang maalala sa lyrics. Paano nangyari 'to? I'm so good at memorizing things, pero ngayon wala akong maalala? The only thing I can remember is the melody and how Seb hummed it beautifully, and how the light from the light post made his eyes grew brighter and how he smiled at me when he sent me home that night---STOP.

JUST. STOP.

Bakit ganito na ang thought process ko?! Bakit ayaw mawala ni Seb sa isip ko? Ano 'to? No. No no no no no no. Kung ano man 'to, baka gutom lang 'to dahil hindi pa ako nag aalmusal. Oo tama.

Ilang beses kong pinaulit ulit sa utak ko na wala lang 'to, gutom lang ako, o baka stressed dahil sa nangyayari. Pwede ring thankful lang ako kay Seb dahil lately palagi siyang nandiyan sa tabi ko. Oo tama. He's always pag malungkot ako, at may problema. Laging nakaalalay sa akin at lagi niya akong tinutulungan. He's such a great friend.

Friend.

Ganito ba talaga ang mga kaibigan? O iba na 'to? Totoo ba yung sinabi ni Seb kay Mona na he likes me ginamit lang niya ako to reject Mona?

Kung totoong gusto ako ni Seb, magbibigay ba talaga siya sa akin ng clue kung sino ang crush niya?

At ano bang title ng kantang 'yon?! Ba't wala akong maalalang lyrics?!

Lagpas na 'ko. Lagpas na ako sa bababaan ko.

Wait---LAGPAS NA AKO.

"Para po!" sigaw ko doon sa jeepney driver. At mukhang napalakas ata ang pag para ko dahil biglaan nag break yung jeep at nagkagipitan ang mga pasahero.

Mabilis akong bumaba while mumbling words of apology sa mga nakasakay. Lahat sila masama ang tingin sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako.

Hindi pa man nag i-start ang shift ko, pagod na agada ko.

~*~

"Wala bang pagkain sa bahay niyo at gutom na gutom ka?" tanong sa akin ni LJ habang kinakain ko yung suman at kape na ibinigay niya sa akin. Pangalawang suman ko na 'to, at oo, dama ko talaga ang gutom.

Sabi ko na, eh. Kaya talaga ako napapa overthink kaninang umaga ay dahil sa gutom at wala nang iba. Glad I arrived an hour early kaya napakain pa ako ng almusal ni LJ. Nagkamali kasi ako ng tingin ng oras at akala ko kanina ma l-late na ako.

Oo na lutang ako. Dahil din sa gutom.

"Salamat sa suman," sabi ko kay LJ. "Pati na rin sa pag payag niyo na mag part time dito."

"Hay nako naririndi na ako kaka thank you mo. Mga lagpas sampung beses ka na atang nagpapasalamat sa'kin. Kesa magpasalamat ka nang mag pasalamat diyan, tulungan mo na lang ako dito," sabi ni LJ at may inilabas siyang isang box wrapped into a ribbon.

"Ano 'yan?" tanong ko.

Lumingon lingon si LJ sa paligid atsaka sinabi sa akin, "regalo ko sa girlfriend ko. Ikaw muna mag tago please? Baka kasi may makakita dito sa bahay. Alam mo na..."

Kinuha ko yung box, "oo naman. Ako nang bahala dito."

Napangiti si LJ. "Yorn! Thanks! Grabe alam mo may letter diyan sa loob. First time ko nga mag sulat nang ganon. Akala ko nakaka cringe. Ayos din naman pala. Kinakabahan lang ako baka hindi niya magustuhan yung sinulat ko. Dinikitan ko na lang ng picture namin yung sulat pangontra umay."

Natawa ako nang bahagya sa sinabi ni LJ, "magugustuhan niya yan. Ineffortan mo, eh."

Mas napangiti si LJ, "sana nga."

"LJ?"

"O?"

"Wala ka pa bang balak sabihin kay Chichi?"

Napatahimik si LJ nang bahagya at napabuntong hininga.

"Gusto ko na rin sabihin sa kanya, pero hindi ako makakuha nang tyempo. Tsaka hindi ko rin alam ano ang magiging reaksyon ni Chichi sa akin. Matatanggap ba niya ako? Ewan. Wag ko na lang kayang sabihin sa kanya? Importante pa ba na malaman niya?"

Pinanliitan ko nang mata si LJ. Bigla naman siyang natawa.

"Joke lang! Alam kong importante malaman ni Chichi. Naghahanap lang ako ng tyempo."

"Tatanggapin ka nun. Tunay na kaibigan naman si Chichi," I assured her.

Napatango si LJ, "I know." Inangat niya ang tingin niya sa akin at bahagya niya akong siniko. "Speaking of Chichi, may nalaman ako."

"Ano yun?" tanong ko.

"May sinabi sa akin si Harold," sabi ni LJ at natigilan ako sa pagkain. "At sabi niya alam mo rin daw..." she trailed off.

Hindi niya na kailangan ituloy ang sasabihin niya dahil alam ko na agad ang tinutukoy ni LJ. Tumango na lang ako. "Oo, umamin sa akin si Harold na he likes Chi. Nagpapatulong pa nga."

"Anong plano mo?" seryosong tanong ni LJ.

Nag kibit balikat ako, "ewan? I-bash si Chichi? Siraan kay Harold?"

It's LJ's turn para panliitan ako nang mata at natawa ako.

"Nung una iniisip ko bakit si Chichi pa? Hindi ko magagawang magalit," sabi ko kay LJ. "Pero ngayon at least alam ko tamang tao yung nagustuhan ni Harold. I really can't blame him for liking Chichi."

Napabuntong hininga si LJ, "hindi ko rin talaga inexpect na si Chichi ang gusto nun. Pero may pag asa ka pa."

"Paano mo naman nasabi?"

"Kasi feeling ko walang gusto sa kanya si Chichi."

"Hindi naman natin masasabi 'yun. Kung si Harold nga hindi natin nahalata, eh."

"Maniwala ka sa akin, kilala ko si Chichi," sabi ni LJ. "Transparent na tao yun. Pag may nagugustuhan siya, hindi niya matago. Showy si Chichi sa affection. Kaya obvious na obvious kung kaibigan lang ang turing niya sa isang tao o nagkaka crush na talaga siya. Tignan mo."

Napatingin ako sa tinuturo ni LJ at nakita kong naglalakad na papunta rito sa cafeteria si Chichi. Sa magkabilang side niya ay si Harold at si Glen. Mukhang may ikinukwento si Chichi sa kanilang dalawa. Harold is listening intently at her habang nakayuko naman si Glen at nakapamulsa at mukhang nahihiya pa. Habang nag kukwento si Chichi, madalas siyang tumingin kay Glen at from time to time, tinatapik niya 'to sa balikat para tignan din siya ni Glen.

Napatingin ako kay LJ. She's grinning from ear to ear,

"Nahalata mo?" tanong nito sa akin.

"Baka naman hindi!"

"Pustahan?"

Hindi ako umimik. Nagulat ako nang tawagin ni LJ si Chichi.

"Chi halika dito!"

Napaangat nang tingin si Chichi sa amin at tumakbo papalapit sa table na kinauupuan namin ni LJ.

"Uy suman! Penge ako!!" sabi ni Chichi at umupo siya sa tabi ko.

"May tanong muna ako," sabi ni LJ. "Crush mo ba si Glen?"

Nanlaki ang mata ni Chichi at bigla siyang napatakip ng bibig.

"Obvious na ba?"

My jaw almost dropped while LJ let out a loud laughter. Akala ko inaasar lang ni Chichi si Glen. Ibig sabihin totoo?

But Harold---

"Halika na sa kitchen samahan mo kong kumuha ng suman bago tayo mag open," sabi ni LJ kay Chichi at hinatak niya 'to patayo.

"Uy wag kayong maingay ha! Mamaya mahalata ako!" sabi naman ni Chichi.

Natawa ulit si LJ, "oo quiet lang kami pero galingan mo rin naman sa pag tago." Napatingin si LJ sa harapan. "O Mona nandito ka na rin. Tara kain tayo ng suman!"

Napalingon ako bigla kay Mona at nakita kong kakarating niya lang at ibinababa ang bag niya. Akala ko talaga hindi na siya babalik dahil pinag hugas siya ng pinggan kahapon. I'm surprised she's still here.

It made me feel guilty. Baka naman talaga gusto niyang tumulong para kay Sebbie. Pero eto ako puro negative things pa rin ang iniisip ko about sa kanya.

Pumasok sa kitchen sina LJ, Chichi at Mona para kumuha ng suman. Naupo naman doon sa table malapit sa TV sina Harold at Glen dahil may pinapalabas na basketball game.

"Morning," dinig kong bati mula sa likod ko at naramdaman kong may nag occupy ng seat sa tabi ko.

Isang salita, and yet pakiramdam ko parang lumundag ang buong pagkatao ko. It felt like someone shook my world at parang biglang nagising nang husto ang diwa ko.

Lumingon ako sa gilid ko and I saw Seb's smiling face. Parang nag flashback lahat sa isip ko yung nangyari kagabi. The exact moment when I felt something different to Seb and---what the hell? Bakit parang gustong mag wala nang puso ko? Anong nangyayari sa akin? Gutom pa ba ako? Kailangan ko pa ba ng suman?

Dapat ata sumunod ako kina LJ sa kitchen para kumuha ng suman.

"Nakatulog ka kagabi?" tanong niya.

HINDI KASI NAPUYAT AKO KAKAHANAP NUNG SONG AT KAKA OVERTHINK KUNG SINO ANG CRUSH MO AT KUNG BAKIT KO NARARAMDAMAN 'TO.

"Oo," I lied. "Pagkauwi natin tulog agad ako."

Nag inat si Seb, "ako rin grabe ang dami nating ginawa. Pero enjoy naman."

"masyado mo kasing ginalingan kahapon," sabi ko sa kanya.

Seb gave me a wide grin, "para kay Sebbie."

And my heart did a somersault.

Gusto ko na lang iuntog ang ulo ko sa pader. Paano nangyayari 'to? Because of that one simple moment parang nag turn ng 180 degrees ang feelings ko sa kanya. Kahapon lang may kirot pa akong nararamdaman sa fact na gusto ni Harold si Chichi. Pero ngayon? Wala akong ibang maramdaman aside from these chaotic emotions because of Seb.

Si Seb. Out of all people.

Baka hindi lang ako gutom. Baka kulang din ako sa tulog? O baka nadadala lang ako sa nangyayari kasi thankful ako masyado kay Seb?

"Uy ba't ka nakatitig sa akin? Gwapo ko ba?" tanong ni Seb at agad akong napaiwas nang tingin dahil hindi ko napansin na nakatitig na pala ako.

Nakakainis. Nakakairita siya. Ang taas ng self-confidence tapos ang galing mang asar.

BUT!! STILL!!!

"Mukha ka kasing clown," palusot ko.

"Clown na pwedeng mahalin," he jokingly said. But it made my heart jump at pakiramdam ko nag init ang buong mukha ko.

Dati naman ang hilig niya bumanat nang ganyan pero wala lang sa akin. BAKIT?! NGAYON?!

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong tumunog ang phone ko. But I'm thankful for the distraction dahil ewan, feeling ko namumula na ang mukha ko at ayokong makita ni Seb kasi baka isipin niya crush ko siya o naapektuhan ako sa kanya---WHICH IS NOT TRUE. Gutom at puyat lang lahat nang 'to!

Inilabas ko ang cellphone to check kung sino ang nag text and when I saw my dad's name on the screen, para akong binuhusan nang malamig na tubig.

Kung kanina nag iinit ang mukha ko, ngayon pakiramdam ko parang nawala lahat ng dugo sa katawan ko.

He never texted me. Not unless may kailangan siya o ano. But everytime na nakakarecieve ako ng message niya, nandoon pa rin ang kaba.

Nanginginig akong inopen ang message niya.

'Why are you doing part time jobs? We need to talk. Umuwi ka.'

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at damang dama ko ang kaba.

Paano niya nalaman? Galit ba siya? Did I disappoint him again?

Anong sasabihin ko?

Nanginig akong tumayo.

"Iris? Okay ka lang?" dinig kong sabi ni Seb and I can hear the concern in his voice.

"Si daddy nag text. Uwi lang ako saglit, sorry..." sabi ko.

Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.

"Gusto mo samahan kita?"

Umiling ako, "hindi na, kayo muna dito? Sorry. Babawi talaga ako. Sorry."

Nag mamadali kong kinuha ang bag ko at nag lakad ako palabas.

I know Seb's calling my name. Pero yung utak ko kailangan kong makauwi agad. Baka magalit si daddy. Baka sabihin niya disappointed siya sa akin. Baka may mangyari na naman nang dahil sa akin.

Ayoko.

Pinangako ko sa sarili ko nun na never na akong gagawa ng bagay na ikaka disappoint nila ni mommy.

Bakit nga ba hindi ako nag paalam?!

Dire-diretso akong nag lakad not knowing kung nasaan na ako dahil ang nasa isip ko lang ay kailangan ko nang makauwi.

Suddenly, I heard a loud beeping noise and screeching sound followed by Seb's scream.

"IRIS!!"

Black out.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top