Chapter Forty Five

Chapter Forty Five

I woke up with a throbbing pain on my left foot and a bad headache. Nang pagkadilat ko, sobrang confused ako kung nasaan ako. All I can see is white ceiling and white wall.

Until a familiar face greeted mo.

"Buti naman at nagising ka agad!" sabi ni LJ sa akin at parang bigla akong napabalik sa ulirat dahil sa lakas ng boses niya. "Alam mo bang muntikan ka nang masagasaan ah?! Bakit kasi tumatawid ka nang hindi ka lumilingon sa tatawiran mo?! Tapos nawalan ka pa ng malay!"

Unti unti akong bumangon at inikot ko ang panigin ko at doon ko lang narealize na nasa loob ako ng isang clinic. Napatingin ako sa left foot ko at napansin kong naka bandage ito.

"Anong nangyari?" tanong ko kay LJ while massaging my temple dahil ang sakit talaga ng ulo ko.

"Muntik ka na matumba at natwist mo yung ankle mo. Ayan namaga!" sabi ni LJ. "Tapos hinimatay ka. Buti na lang nakita ka ni Seb!"

Seb. Si Seb...

Narinig ko ang boses niya, tinatawag niya ako.

"Nasaan si Seb?" tanong ko kay LJ.

"Hinahanap mo ako?" dinig kong boses mula sa kabilang kama at nakita ko si Seb na nakaupo doon habang nakatingin sa akin. May bandage din ang kanang kamay niya.

Parang biglang nawala ang sakit ng ulo ko at napalitan ito nang pagaalala nang makita ko ang kamay niya.

"Seb! Anong nangyari?!" taranta kong tanong.

"Chill Iris, sugat lang 'to. Malayo sa bituka," he said while giving me a reassuring smile. Lumapit siya sa akin and he sit at the edge of my bed. "Ikaw? Okay ka na ba? Hindi ka na ba hilo? Namamaga yung paa mo. Sabi nung doctor kailangan mong ipahinga yan. Wag ka na munang mag part time, kami na bahala doon."

Napailing ako, "ba't ka nagkasugat sa kamay?" tanong ko.

"Pareho kayong natumba nung pag hila niya sa'yo palayo doon sa parating na kotse," sabat naman ni LJ. "Hinarang niya yung kamay niya sa ulo mo para hindi tumama sa semento."

Napatingin ako sa kamay ni Seb and I can feel guilt rushing through me. Nasaktan si Seb dahil sa akin. Dahil padalos dalos ako. As much as I try not to panic or to maintain a clear head, may mga pagkakataon talaga na hindi ko ito naiiwasan. And more often than not, may napapahamak ako.

Why am I so good at hurting people that are precious to me?

Inangat ko ang tingin ko kay Seb at hindi ko maitago ang guilt na nararamdaman ko.

"Sorry Seb," I said with full sincerity. "I'm really sorry."

"Huy," sabi nito sa akin at dumikit siya sa akin. "Hindi ka naman kailangan mag sorry. OA lang yung pagkaka lagay ng bandage nung nurse pero maliit lang yung sugat ko. Feeling ko type lang ako nun at gusto niyang hawakan ng matagal ang kamay ko," pagbibiro niya to make me feel better.

"Yuck sino ba 'yang nurse na 'yan walang taste," sabi ni LJ na parang nasusuka suka.

Napangiti ako nang bahagya dahil sa pang aasar nila. Tumabi rin sa akin si LJ.

"Wag kang makonsensya. Kung hindi ka niligtas ni Seb at may nangyaring masama sa'yo, alam niyang 'di namin siya patatahimikin ni Chichi buong buhay niya. Kaya tama lang 'yang ginawa ni Seb."

Tumango si Seb, "oo. Takot ko lang talaga diyan kay LJ at Chichi."

This time, I can't help but to smile widely. I still can't believe I already got friends na totoong concern sa akin.

Somehow, I feel like I'm starting to heal.

Baka naman pwede na akong maging okay? Pwede na akong maging masaya? Kaya ko na ulit magpapasok ng ibang tao sa buhay ko.

Baka pwede ko nang patawrin ang sarili ko.

"Iris!"

Parang biglang nabasag lahat ng hope na nararamdaman ko nang marinig ko ang boses ni daddy na tinatawag ako. Napalingon ako sa may pintuan at nakita ko siyang nakatayo doon.

Hindi ko mabasa ang expression niya. Nag aalala ba siya? Galit? Pero ang alam ko, halos lumabas ang puso ko sa aking dibdib dahil sa sobrang kaba.

"D-daddy---"

"What happened to you?!" tanong niya and his voice sounds louder than usual na mas lalo kong ikinakaba.

I know he asked me a question, pero parang hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hindi ko makuhang sumagot.

The last time my dad raised his voice at me, ayun yung araw na ginrounded niya ako.

"Sir namaga lang po yung ankle ni Iris kasi mauntik na siya mitumba kanina. Dinig kong sabi ni Seb sa daddy ko. "Pero wag po kayong mag alala, hindi naman po na sprain. Mawawala rin daw po agad pamamaga niyan.

"Gusto niyo po bang makausap po yung doctor na tumingin sa kanya? Pwede ko pong tawagin," sabi naman ni LJ dito.

Pero pareho silang hindi pinansin ni daddy. Alam kong nakatingin lang siya sa aki, while me? I can't meet his gaze.

"We're going home," he said. And I know he sound mad.

May nagawa na naman ako para madisappoint siya.

~*~

The whole ride going home, walang nagsasalita sa amin ni daddy and I feel suffocated. I know he's mad at me. At yung thought pa lang na 'yun, para na akong sinasaksak ng ilang libong ulit.

I received a text from LJ telling me na sila na ang bahala tumapos ng shift ko doon sa eatery. I want to thank them dahil sobrang hiyang hiya na ako sa lahat ng tulong na binibigay nila sa akin, pero ni-pag r-reply hindi ko magawa. Para na lang akong nabatos a kinauupuan ko.

Nang makarating kami sa bahay, inalalayan ako ni daddy papasok pero hindi siya nag sasalita. Ni hindi niya ako tinatanong kung bakit nasa clinic ako o bakit namamaga ang ankle ko. Hindi rin niya ako tinatanong kung bakit nag p-part time job ako.

And yes, mas nakaka suffocate itong katahimikan namin kesa yung kanina na pinagtaasan niya ako ng boses.

Mas masakit itong katahimikan na 'to dahil parang pakiramdam ko, nililibing na niya ako nang buhay.

Nang makapasok kami sa bahay, pinaupo ako ni daddy sa sofa.

"Nag tanghalian ka na?" tanong nito sa akin nang hindi man lang ako tinitignan. "Kung hindi pa, may pagkain diyan. Ipaghahain muna kita."

Hindi ako sumagot. Pinanood ko siyang pumunta sa hapag kainan para mag hain. Nakita kong kumuha siya ng mga kubyertos. Isang placemat, isang pinggan, isang baso at isang pares ng kutsara't tinidor.

Isa lang. Katulad ng maraming beses na almusal, tanghalian at hapuan after my mom died, laging solo. Dahil hindi na kami nagkasabay kumain ni daddy.

Sanay na ako, oo. But right now, it's hitting me like a trainwreck.

Tumayo ako at lumapit sa lamesa habang si daddy, nasa kusina at ikinukuha ako ng pagkain. I can feel the searing pain on my foot pero hindi ko ito ininda. Huminto ako sa tapat ng kubyertos sa lamesa. Tinitigan ko ito, and I felt my eyes blurred dahil sa namumuong luha dito. Napahinga ako nang malalim. Parang may nakadagan na bato sa dibdib ko. Parang may nakabara sa lalamunan ko. At pakiramdam ko, lahat ng emosyon na pinigilan ko at ibinaon ko sa kailailaliman ng pagkatao ko simula nung mamatay si mommy, unti-unti nang gustong kumawala.

At hindi ko na kayang pigilan 'to.

Buong pwersa kong hinawi yung mga kubyertos sa harap ko at kasabay ng pagkabasag nito sa sahig, I let out the loudest cry I could muster. Para akong nabibingi sa sarili kong sigaw at iyak pero hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko. Para akong sumasabog.

"Iris! What's happening to you?!" dinig kong sabi ni daddy as he approached me at hinawakan niya ang dalawang braso ko para patigilin ako.

Agad kong hinawi ang kamay niya at humarap ako sa kanya.

"Daddy sabihin mo na lang sa'kin! Please! Sabihin mo na lang sa akin na galit ka sa akin at disappointed ka! Sabihin mo na lang na kasalanan ko kaya namatay si mommy at hinding hindi mo ako mapapatawad doon! Dahil hindi ko rin kayang patawarin ang sarili ko! Pero daddy ang sakit na po! Ayoko na! Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko na. Ang sakit na. Paano ko papatawarin ang sarili ko?"

Napaluhod ako habang sunod sunod ang luhang pumapatak sa mata ko. Para akong mauubusan nang hangin sa katawan pero hindi ko magawang tumigil sa pag iyak.

"Si mommy, wala na siya dahil sa akin. Hindi ko sinasadya. Daddy hindi ko sinasadya. Sorry. Sorry hindi ako nakinig. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Sana ako na lang ang nawala! Sana ako na lang! Ibalik niyo sa'min si mommy! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko!"

Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni daddy sa akin as he tries to calm me down.

"Anak, sorry, anak."

Dinig ko ang pangangatog sa boses ni daddy and for a second, natigilan ako. Napaharap ako sa kanya at nagulat ako nang makita ko ang tumutulong luha sa mga mata niya.

"Hindi ko alam na ganyan ang iniisip mo. Patawarin mo ako anak dahil hindi kita naalalayan nung panahong nawala ang mama mo, dahil parang gumuho rin ang mundo ko non. At wala akong ibang sinisisi nun kung hindi ang sarili ko. Dahil sa trabaho ko, kailangan niyng mag adjust para sa'kin. Ni hindi mo makuhang magkaroon ng kaibigan dahil palipat lipat tayo. At yung isang beses na nagkaroon ka ng barkada, napagalitan pa kita. Kasalanan ko ang lahat anak. Hindi mo dapat isisi sa sarili mo yun. Ako ang nagkulang sa'yo dahil naging mahinang ama ako nung nawala ang mama mo."

"Daddy..."

My dad held my face in between his hands, and he wiped my tears away.

"At buong akala ko galit ka sa akin. Hindi ko alam kung paano ka kakausapin. Pero sa totoo lang, gustong gusto kitang makakwentuhan ulit. Gustong gusto ko ulit sumabay sa pagkain sa'yo. Kaya patawarin mo ako anak. Sana hayaan mo akong bumawi sa'yo, anak. Miss na miss na kita, anak."

Muli akong napahagulgol ng iyak dahil sa sinabi ni daddy. I place my arms around him and I gave him a tight hug. Like how I used to when I was a child. My dad hugged me in return and I felt the warmth I've been craving for eversince my mom died.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal doon ni daddy na magkayakap lang at umiiyak. Parang lahat ng luhang pinigil namin, emosyon na pilit namin itinago, lahat 'yun inilabas namin. I can't even count the amount of times we said sorry to each other.

After that, my dad joined me for lunch. Of course, ilang beses ulit akong nag apologize sa nabasag kong pinggan hanggang sa nagtawanan na lang kami ni daddy dahil dito.

I felt a heavy weight got lifted off my shoulder nang makatawa ako that I started crying again. Dahil akala ko, never na akong makakahinga nang ganito. I know, may pain pa rin. I know nandoon pa rin ang mabigat na konsensya at pag sisisi dahil sa nangyari noon.

But I feel lighter. Yung pakiramdam ko parang kaya ko nang maging okay.

The whole day, nag kwentuhan lang kami ni daddy. Doon ko lang nalaman na nilaban na niya sa trabaho niya na hindi ma-relocate so when can stay in one place. I talked about my friends at kung paano nila ako tinulungan to raise funds for Sebbie.

Dad knows about Sebbie. May ilang beses din na siya ang nagpapakain dito pag wala ako sa bahay at wala akong idea doon. He even brought cat bed and toys for Sebbie, kaso nga lang biglang nawala raw sa kwarto ko. He had no idea na nasa vet si Sebbie.

Ang dami pa naming pinagusapan ni daddy. Yung mga random na bagay na pinaguusapan namin noon.

And from time to time, pakiramdam ko parang bigla susulpot si mommy at sasali sa kwentuhan namin ni daddy. From time to time, I feel my heart sinks dahil naalala ko ang thought na wala na si mommy.

Sa gitna ng kwentuhan namin ni daddy, bigla na lang ako maiiyak. O minsan si daddy ang iiyak. Minsan sabay kami.

Pero ang comforting ng thought na at least alam na namin ngayon na we got each other's back.

That's why for first time in a while, I was able to sleep peacefully.

~*~

"Maga ang mata mo," Seb told me the next day nang makasabay ko siya pagpasok sa school. "Pero ang ganda ng ngiti mo. May magandang nangyari?" tanong nito.

Tumango ako, "sobra."

Seb gave me a curious look, "pwede mo ba i-share sa akin yan?"

"Ikukwento ko sa'yo mamaya. Basta samahan mo akong sunduin si Sebbie sa vet," sabi ko sa kanya. At parang biglang lumundag ang puso ko nang marealize ko kung ano ang sinabi ko kay Seb.

Did I just invite him to go out with me after school?!

Wait!! Bakit ganun naman ang thought process ko! 'Go out with me' is not the right term1 Ano... nagpapasama lang! Oo tama. Nagpapasama lang! At gusto ko siyang ilibre dahil ang dami niyang naitulong sa akin!

"Oo ba! Tayo lang?" tanong nito.

Hindi ako makasagot. Wala naman akong balak mag invite ng iba. Kahit tinulungan din ako nina LJ.

Pero kasi... mag o-open up ako! Oo tama! Mag o-open up ako at kay Seb pa lang ako komportable sabihin 'to kaya siya muna.

Tama. Tama. Wala nang ibang dahilan.

"P-pwede namang tayo lang," sabi ko at yumuko ako, trying to avoid his gaze. Why the hell do I feel awkward?!

"Ayos!" dinig ko namang sabi niya. "Gusto ko ako lang kasama mo."

Napalingon ako agad kay Seb at nakita kong ngiting ngiti siya. My heart skipped a beat.

Anong ibig niyang sabihin doon?!

I was about to react nang may itinuro bigla si Seb.

"Andyan na pala si LJ oh!"

Napalingon ako sa tinuturo ni Seb at nakita ko si LJ na papalapit sa amin. I smiled at her and waved my hands.

"Uy LJ!" bati ko rito.

Pero nagulat ako nang hindi siya kumaway sa akin. Habang papalapit ay doon ko lang napansin ang expression ng mukha ni LJ. She's crying. At nang mag tama ang mga paningin namin, nakita ko ang galit sa mga mata niya.

"LJ? Anong nangyari---?"

"I hate you!" she shouted at tinulak niya ako nang malakas to the point na halos matumba ako.

"Huy LJ! Ba't ganyan ka?!" sabi ni Seb.

"Pinagkatiwalaan kita!" sigaw ni LJ sa akin. "Alam na nilang lahat!"

Dire-diretsong nag lakad palayo si LJ habang umiiyak siya. While, me I was left dumbfounded and confused.

"Anong nangyari doon?" dinig kong tanong ni Seb sa akin.

Umiling ako dahil gulong gulo ako.

Pero pag lingon ko sa harapan ko, sa may malaking bulletin board ng school, nakita kong may pinagkakaguluhan ang mga estudyante.

Lumapit ako dito, and there, I saw LJ's handwritten love letter to her girlfriend. May naka attach pang picture nilang dalawa dito.

Parang biglang nanlamig ang buong katawan ko,

Itong sulat na 'to... nabanggit ni LJ kasama 'to doon sa regalo niya sa girlfriend niya.

Yung regalong ipinatago niya sa akin.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top