Chapter Forty Eight
Chapter Forty Eight
"Pwede mo namang sabihin sa teachers mo na may sakit ka," told me habang pinaghahain niya ako ng almusal. Nakailang buntong hininga na kasi ako at sa totoo lang walang wala akong ganang pumasok. "It's okay to take a break from time to time, Iris."
Alam na rin ni daddy yung nangyari kahapon sa school. Nung una iniisip ko kung aamin ba ako sa kanya na may ganoong gulo. Baka isipin niya nasa masasamang kaibigan na naman ako. Masama ang loob ko kina Chichi, that's a fact. Pero alam kong hindi rin sila masamang kaibigan and I'm still hoping na magkakaayos kami, kaya ayokong magalit si daddy sa akin.
But I'm glad na same ang take nila ni Seb sa nangyari. Dad told me na me and my friends should talk. Sinabi pa nito na alam niyang isang malaking misunderstanding ang nangyari at hindi dahil hindi kami naging tunay na magkakaibigan.
"'Di ba sabi mo sila ang unang tumulong sa'yo nung nasa vet si Sebbie? That alone proves na they care for you. Kaya don't let them go anak. Magusap usap kayo."
Pero dahil alam din ni dad na masama ang loob ko sa kanila, sinasabi niya ngayon na wag muna akong pumasok.
At sa totoo lang tempted ako. But I can't.
"Hindi po pwede, eh. May quiz kami."
Hindi na ako kinulit pa ni daddy dahil alam niyang hindi naman din ako papayag na may ma-miss na exam. We're good now at hindi na ako ganoong ka pressured to impress him, pero sayang naman yung pinaghirapan ko ng ilang buwan to stay on top. I can't miss an exam. Kahit pa sabihin na onting points lang 'yun.
I arrived thirty minutes before the bell rings. Halos lahat nasa classroom na.
Nakita ko rin si Chichi, nasa isang side at nakikipag kwentuhan kay Glen. Nung pumasok ako, ramdam ko agad ang awkwardness dahil bigla siyang natahimik. Pero hindi siya lumilingon sa pwesto ko. Iniwas ko rin ang tingin ko sa kanya.
Maya maya, I saw LJ enters the room. Lahat napatahimik nung dumating siya. Everyone's avoiding her gaze, pero lahat din nag nanakaw ng simpleng tingin sa kanya. Nakakarinig ako ng mga bulungan sa paligid at pakiramdam ko nagpapantig ang tenga ko.
I look at LJ. Nakayuko lang 'to. Her hairs covering her face. Pero kahit ganon, I can clearly see her swollen eyes.
She quietly sat down on her seat without talking to anyone.
Napabuntong hininga ako. Sa totoo lang, gusto kong lapitan si LJ. I want to set aside kung ano man ang sinabi niya at yung pain na naramdaman ko nun. I just want to be there for her. Kaso paano? I feel like hindi ako ang tamang tao na lapitan siya ngayon.
"Huy nakayuko ka diyan!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses na 'yun. Nakita ko si Seb, nasa tabi n ani LJ at hinampas ang likod nito. Mukhang nagulat din si LJ dahil napatayo rin niya sabay amba ng sapak kay Seb.
"Gago ka ba?! Ba't ka nang gugulat?!" iritang sabi ni LJ sa kanya.
"Joke lang. 'To naman init ulo," hinatak ni Seb ang braso ni LJ. "Tara samahan mo kong bumili sa canteen."
"Ikaw na lang, ba't mo pa ako hahatakin? Lumpo ka ba?"
"Samahan mo na 'ko dali!" pangungulit ni Seb sa kanya hanggang sa wala nang nagawa si LJ kung hindi ang sumama dito.
Napangiti ako.
Seb's always like that. Kala mo wala siyang pake sa mga tao, pero sa totoo lang, siya ang unang nakaalalay sa lahat.
Sa lahat.
Oo nga. Hindi lang sa akin, kundi pati na rin sa iba.
Ganun talaga siya, may innate kindness.
Kaya dapat hindi ko binibigyan ng meaning ang pinapakita niya.
~*~
"Tara lunch!" dinig kong sabi ni Seb sa akin nang matapos ang subject namin before lunch break.
Napatingin ako kay Chichi. Nakita kong lumabas agad siya ng classroom kasama si Glen. Si LJ naman, lumabas mag isa.
"Baka walang kasama si LJ," sabi ko kay Seb.
"Wala ka ring kasama," Seb pointed out.
Napahinga ako nang malalim. I feel something on my chest. Something na hindi ko inexpect ever na mararamdaman ko towards Seb.
Don't expect anything, Iris. Mahirap na.
"Tsaka baka puntahan ni LJ girlfriend niya ngayon," sabi ni Seb sa akin. "Ayoko naman maging third wheel! O gusto mo ba si Harold ang kasama mo?"
Pinanliitan ko ng mata si Seb. Parang nag shift bigla into yamot ang feelings ko sa kanya kasi nang aasar na naman siya.
He chuckled nang makita niya ang expression ko.
"Isang araw talaga, mahihipan ka ng hangin tapos lagi nang nakatirik mata mo. Kaya dapat iwas iwasan mo ang pag tingin sa akin nang masama, sige ka," pananakot pa nito.
"Kumain na nga lang tayo!" irita kong sabi sa kanya at nauna na akong mag lakad. I heard him chuckled again as he followed me from behind.
Nang makarating kami ni Seb sa cafeteria, nakita naming ang daming estudyante dito. Buti na lang at may nakuha pa kaming empty table sa may gilid.
Nag paalam naman ako kay Seb na bibili lang ako ng inumin.
"Ako na," sabi nito sa akin.
Alam ko na agad na mag o-offer siya. Ganyan naman siya, eh. Loko loko, pero gentleman.
Pero hindi nga natin dapat bigyan nang meaning, hindi ba?
"Okay lang ako na," sabi ko sa kanya. "Titingin pa rin kasi ako ng pagkain doon dahil parang bitin ang ulam ko."
"Sure ka? Medyo mahaba ang pila," sabi naman nito.
"Okay lang. Kaya ko naman tumayo nang matagal."
"Okay. Balik ka agad. Pasalubong," pag bibiro nito habang nakangisi.
Inirapan ko lang siya pero pag talikod ko, I can't help but to smile.
BAKIT AKO NANGINGITI KAY SEB?!
Hindi ko na nagugustuhan 'to. May mali na sa akin. Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko.
Nag lakad na lang ako papunta sa food stall. Medyo mahaba nga ang pila pero mabilis naman.
A few feet away from me, I notice Chichi lining up too. Wala si Glen. Siguro nakabantay sa table nila.
I'm glad na may nakakasama siya ngayon. After this, dapat magpasalamat ako kay Glen for being there for Chichi.
Nakita kong napalingon si Chichi sa pwesto ko. Sakto naman na nakatingin ako sa kanya kaya nagtama ang mga tingin namin.
Sabay kaming napaiwas nang tingin.
Napahinga na lang ako nang malalim. Gusto kong makipag ayos, but at this point, hindi ko alam kung paano.
Gusto kong i-explain ang sarili ko sa kanya, pero hindi ko rin alam kung ready na ba siyang makinig sa akin. O mas paniniwalaan pa rin niya ang recording na 'yun.
Hindi rin ba siya napaisip kung sino ang nagpadala ng recording na yun? Si LJ ba hindi napaisip kung sino ang nag lagay ng letter niya sa school board?
Kasi ako, isa lang naman ang nasa isip ko kung sino ang gumawa nang lahat nang ito. And supposedly, icoconfront ko siya dapat ngayon, but she's absent.
Si Mona.
Hindi ko alam kung nagkataon lang o ano. Pero bakit pakiramdam ko tumatakas lang siya dahil alam niya ang nagawa niya?
"Uy si Jen tsaka yung gf niyang tibo," dinig kong sabi nung lalaki na nasa harapan ko na nakapila.
Napatingin ako sa tinuturo nila and true enough, I saw LJ and Jen enters the cafeteria. They both look down and they both avoiding everyone's gaze.
"Nakaka cringe sila," sabi nung babaeng kausap niya. "I mean, okay fine, love wins. Pero si LJ? Talaga ba?"
"Baka mayaman," sabat naman nung isa.
"Malamang," sabi ulit nung lalak. Napatingin ako sa kanya. Itsura palang mukhang mysoginistic jerk na. "Kaya pala hindi ako sinasagot ni Jen, ang gusto pala yung mayaman na tibo."
Nagtawanan sila.
"Wala namang bayag yan," dagdag pa nito. Mas nagtawanan sila.
Napapikit ako. Pakiramdam ko sasabog ako dahil sa sobrang inis sa mga naririnig ko. I was about to confront them nang marinig kong may nagsalita sa harapan nila.
"Mas mukha kang walang bayag. Panget mo."
Pare-pareho kaming napatingin sa nagsalita. It's Chichi and she's glaring at them. Kita ang galit sa mga mata nito.
"Anong sabi mo?" iritang sabi nung lalaki at nilapitan niya si Chichi. He smirked at her. "Wala akong bayag? Baka gusto mong i-check para malaman mo."
That's it.
Lumapit ako sa kanila at humarang ako sa pagitan ni Chichi at nung lalaki.
"Hindi na kailangan i-check, obvious naman na wala," sabi ko dito.
He looks offended by what I said. Most likely we hurt his fragile masculinity with our remarks. Bigla niya akong dinuro.
"Hoy, wag ka nakikielam dito. Hindi ikaw ang kinakausap ko ha! Punta ka na lang sa teacher's office and just kiss their ass kasi wala ka naman ibang alam kung hindi ang magpa impress!" Insulto nito sa akin sabay hawi paalis para harapin si Chichi.
"Hoy panget!" sigaw naman ni Chichi dito. "Sino ka para manulak ng babae ha! Tsaka excuse me lang! Anong sinasabi mong wala siyang ibang alam kung hindi ang magpa impress?! Hindi mo ba alam matalino yan! Maraming laman ang utak niyan! Hindi tulad ng utak mo na kinakalawang na! Panget ka na nga, bobo ka pa. Sinalo mo na lahat!"
"Sumosobra ka na ha!" inis na sabi nung lalaki at aambaan na niya ng sampal si Chichi pero lumapit ulit ako at tinulak siya.
"Mas sumosobra ka na!"
Naririnig ko yung mga taong nakatingin sa amin na pinapatigil na kami. Pero masyadong mainit ang ulo ko para tumigil.
"Anong nangyayari?"
Pare-pareho kaming napalingon nung marinig namin ang boses na yun. It's LJ. At takang taka siya kung bakit kami nakikipag away ni Chichi.
"Ito na pala yung walangkwentang tibo na pinagtatanggol niyo," sabi nung lalaki.
Nag pantig ang tenga ko.
Mukhang ganun din si Chichi.
Pero ang unang sumugod ay si LJ.
"Hoy! May kwenta ako gago!" sabi nito at tinulak niya yung lalaki.
Sumunod si Chichi.
"Oo nga! Di hamak na mas talented siya sa'yo! Nakita mo na ba siyang sumayaw!"
"Ikaw ang walang kwenta diyan! Kung anu-ano sinasabi mo, subukan mo kaya munang tumingin sa salamin. Kaya ka nababasted eh, kasi lahat sa'yo masama!" sigaw ko.
"Ang harsh," bulong ni Chichi.
"Sakit non," bulong ni LJ.
I flip my hair.
"It's satisfying," sabi ko.
Pero pare-pareho kaming natigilan nang makita naming may papalapit nang teacher sa amin.
"What the hell is happening here?!" sabi nito. Napatingin siya sa akin, kay LJ, kay Chichi, at doon sa lalaki.
"Go to my office, now!"
You got to be kidding me.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top