Chapter Five
Chapter Five
"Alam mo, magkaka wrinkles ka kaagad niyan," sabi ni Seb habang busy siyang ubusin ang fries na in-order niya sa Mcdo. "Kung hindi nakataas ang kilay mo, naka kunot naman ang noo mo."
Magka-tapat kami sa isang lamesa sa mcdo. Nag lean forward naman siya sa akin para silipin maigi ang mukha ko.
"Ganyan ka ba kasaya na kasama ako at napapa kunot na lang ang noo mo?" tanong niya.
Napahinga na lang ako nang malalim at ipinako ang tingin ko sa chicken fillet na kinakain ko. Nararamdaman ko one of these days mawawalan na talaga ako ng self control sa taong 'to at tuluyan ko na siyang masasapak.
Sabi niya mag kita kami sa mcdo as one of his conditions para hindi niya ako ilaglag kay Harold. Pag dating dito, nagpalibre siya ng coke float at fries. Ako naman, nag rice meal dahil hindi pa ako nag d-dinner. And the whole time na kumakain kami, puro pang aasar lang ang ginagawa niya sa akin.
Ang weird pa rin. Gusto lang ba talaga niya ng coke at fries kaya niya ako pinapunta? Wala ba siyang kasamang kumain sa bahay nila kaya nag hanap siya nang mahahatak?
I mean same. But I don't mind eating alone. I'd rather eat alone kesa makinig sa pang aasar ng isang 'to.
"Pero sure ako mag i-smile ka mamaya," sabi ni Seb.
Napa-angat bigla ang tingin ko sa kanya at bahagya akong kinabahan.
"Bakit? Anong meron mamaya?"
He smiled widely, "you'll see."
"Seb ano naman 'to?"
"Relax. Wala ka bang tiwala sa akin?"
"Wala," mabilis kong sagot.
"Aray," daing naman niya while clutching his chest. "Sakit naman nun."
Napairap ako. He chuckled.
"I really love it when you do that. Cute mo," pang yayamot niya.
Napailing na lang ako sa yamot. Makakuha lang talaga ako ng chance, ihuhulog ko siya sa kanal.
"Anyway, magugustuhan mo pupuntahan natin. Dapat nga 'di kasama 'to sa mga conditions ko kasi ikaw makikinabang."
"Ano ba kasi 'yun?" medyo naiirita ko nang tanong.
"Chill," he chuckled then tumingin siya sa wrist watch niya. "Tara na. It's about to start."
"Ang alin?"
Tumayo si Seb at hinatak niya rin ako patayo.
"Basta."
~*~
I almost curse nung dinala ako ni Seb sa basketball court ng school namin. Sa court ay nandoon ang basketball team ng school namin and isa pang basketball team from another school. May ilan ding nanunuod sa bleachers.
"Practice match," sabi ni Seb sa akin habang naglalakad kami papasok. "Nahulaan ko lang na hindi ka aware na may practice match ngayon dahil masyado kang busy sa pag i-isip sa project."
Nung makapasok kami, agad kong tinignan 'yung bleachers kung saan nakapwesto ang team nina Harold. Agad ko siyang nakita doon, nag w-warm up. Kasama siya sa limang mag lalaro.
My heart almost did a somersault at the sight of him in his basketball jersey. Number 7.
"Tara lapitan natin siya," sabi ni Seb at akmang maglalakad papalapit kina Harold pero agad kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya.
Napalingon siya sa akin. Umiling naman ako.
"Wag," sabi ko.
"Bakit wag?"
"Nakakahiya."
"Ha? Eh siya nga nagpapunta sa akin. Lumapit daw ako pag nandito na ako."
"S-sige, wait na lang kita rito," I said.
Napatawa naman si Seb. "Sumama ka na. Alam ko namang gusto mong makausap si Harold."
"Kaya mo na 'yan," pagmamatigas ko.
"Ayaw mo talaga?"
Hindi ako umimik.
"Okay ako na lang. Pero walang sisihan pag may nasabi ako kay Harold---"
"Tara na!" yamot kong sabi at nauna ako mag lakad sa kanya.
I heard him chuckled.
Nakakainis talaga! Ang lakas mang blackmail!
~*~
"Harold!" tawag ni Seb dito nang makalapit kami sa mga bleachers.
Napatigil si Harold sa pag w-warm up at napalingon sa amin. Nang makita niya kaming papalapit, napangiti siya.
My heart almost stopped beating. Ngiti pa lang 'yon.
Grabe ang lakas naman nang epekto nito sa'kin.
"Uy!" bati nito sa amin and his gaze landed to mine. "You're here too," he said with the brightest smile I've ever seen.
I think I'm melting.
"Nahatak ko," sabi ni Seb. "Nagpalibre ako ng fries, eh."
Napatawa nang bahagya si Harold. "Loko! Dapat ikaw ang manlibre sa kanya!"
Muling ibinalik ni Harold ang tingin niya sa akin, "if my friend over here is giving you a hard time, just tell me okay? Gugulpihin ko para sa'yo."
I almost smile. Almost.
Napatango na lang ako sa sinabi niya kahit sa loob loob ko gusto ko nang mag wala.
"Ba't mo ba 'ko pinapunta?" tanong ni Seb sa kanya.
"Pabantay ng gamit," sabi naman ni Harold sabay abot kay Seb ng isang duffle bag.
"Gago talaga nito. Ginawa mo pa 'kong alipin. May locker ka naman?"
"Para pag tapos ng game uwi agad," sagot naman ni Harold. Lumingon ulit siya sa akin, "enjoy kayo sa game mamaya, Miss President. Dahil manonood ka, mas gagalingan ko."
Tumango ako. Naka ilang somersault na ang puso ko.
"G-good luck," I stuttered.
Nginitian ako ni Harold, "thanks."
Habang nag lalakad kami ni Seb papunta sa audience bleachers, para akong lumulutang sa alapaap dahil kay Harold.
"Itsura mo para kang naka droga. Mamaya ma tokhang ka ah?" pangaasar ni Seb pero hindi ko siya pinansin. Ina-absorb ko pa rin yung sinabi ni Harold sa akin.
"Baka gusto mong yakapin 'yung bag niya?" tanong ulit ni Seb habang inaabot niya yung bag sa akin.
I absentmindedly took it and wrap my arms around it. Mas nag lumundag ang puso ko.
I heard Seb sigh. "You're unbelievable," he whispered.
Hindi ko inintindi. Basta ang alam ko, I'm glad I came.
~*~
I'm at the edge of my seat. Ang tagal mag simula ng game at hindi ko maintindihan ang grabeng excitement na nararamdaman ko.
I've only seen Harold played once. At it's just a glimpse. Ni hindi ko natapos ang game nun dahil kailangan kong umuwi agad at mag aral. Pero ngayon, makakapanuod ako ng full game nila.
Alam ko dapat nasa bahay ako ngayon at nag a-advance study na but for some reason, I'm glued to my seat. Ni hindi ako tinatamaan ng konsensya na nandito ako ngayon. Siguro mamaya pag nag sink in na sa akin itong mga pinag gagagawa ko.
I heard Seb hummed a song. Napatingin ako sa kanya at nakita kong may nakapasak na earphones sa tenga niya. Napatingin din siya sa akin at tinanggal niya ang isang earphone sa tenga niya.
"Gusto mo makinig?"
Umiling ako, "hindi ako mahilig sa kanta."
"That's sad," sabi niya at inilagay pa rin niya yung isang piece ng earphone sa tenga ko at narinig ko ang song na pinapakinggan niya.
It's another old song again na hindi ko alam ang title.
Don't it always seem to go
That you don't know what you got 'til it's gone.
They paved paradise and put up a parking lot.
"Ang luma nung kanta," sabi ko.
Napangiti siya, "you noticed?"
Tumango lang ako.
"I love old songs," sabi niya. "Ako lang 'to pero, mas dama ko yung mga lumang kanta. Ganyan mga pinapakinggan ko madalas. From 70s, 80s hanggang early 2000. Ako ata yung tinatawag nilang old soul."
I just gave him a look na para bang sinasabi ko na wala akong naiintindihan sa sinasabi niya.
"Hindi ka nakikinig ng kahit anong kanta?" tanong niya ulit.
"Hindi."
"Alam mo minsan i-try mo. Masaya makinig ng music. Minsan sila 'yung nag ku-kuwento ng mga bagay na hindi mo masabi."
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na may malalim din palang masasabi ang isang 'to.
"Ah! Alam ko na kung ano yung kanta na pwede sa'yo ngayon."
Inilabas niya yung phone niya kung saan naka-kabit ang earphone at nag scroll scroll doon.
"Ito! Isang kanta ng Smokey Mountain na ni-revive ng MYMP noong year 2005. Kilala mo naman siguro ang MYMP 'di ba?"
Umiling ako. Napabuntong hininga siya.
"What do I even expect? Anyway, ayan pakinggan mo."
The music starts playing.
Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana nama'y magpakilala.
Ilang ulit nang nagkabangga
Aklat kong dala'y pinulot mo pa
'Di ka pa rin nagpakilala.
Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin
Anong aking dapat gawin?
I almost choked nung marinig ko yung lyrics. A memory came playing into my mind. Yung araw na nagka bangga kami nahulog yung mga notebook na dala ko at tinulungan niya akong pulutin ang mga 'to.
For some reason, naramdaman ko na naman ang pag s-somersault ng puso ko.
Kailan.. kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit anong aking gawin, 'di mo pinapansin.
Kailan... kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin.
Kahit anong gawing lambing, 'di mo pa rin pansin.
I heard the referee blowed its wistle. The game's about to start. Hindi pa tapos ang kanta pero hindi ko ibinalik kay Seb ang earphone niya. Hindi rin naman niya inihinto ang kanta.
Napatingin ako kay Harold. Naka line up na yung starting players sa gitna. Pumunta sila sa kani-kanilang puwesto. Yung dalawang captain, nasa gitna for the jump ball. Mas mataas tumalon yung captain ng team ni Harold. Napunta sa side nila yung bola. Si Harold ang nakasalo. Ang bilis niyang tumakbo. Nakapunta agad siya sa target niyang puwesto and he jumped in the air as he tossed the ball.
Pasok sa ring. Three points shots. And it's only the first few seconds of the game.
Hiyawan ang mga tao.
While me? It felt like I've fallen for him even deeper. Hindi ko alam kung dahil sa galing niya sa paglalaro? Dahil ang ganda ng ngiti niya? O dahil sa pinapakinggan kong kanta?
But I have fallen for him.
At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa feelings na 'to.
~*~
Harold's team won. Actually it was an easy win. Tambak ng ten points ang kalaban. They did great. Kitang kita ko ang saya ni Harold nung nanalo sila.
At ako? Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nahulog sa kanya kanina.
Ang gago pa ni Seb kasi after ng game, gusto ako ang mag abot kay Harold nung duffle bag niya. Nung tinanong ko siya bakit hindi na lang siya, ang sagot niya sa akin, nararayuma siya.
"Masyado ka pang bata para magka rayuma!" I told him.
"I'm an old soul remember?" palusot niya.
Old soul niya mukha niya. Masyado siyang maraming palusot. At dahil hindi ko kayang harapin si Harold at baka tuluyan na akong sumabog, pumunta muna ako sa restroom. Buti na lang at bukas pa yung restroom malapit sa may court kahit gabi na.
Nag hugas ako ng kamay at tumingin ako sa salamin. Ang gulo ng buhok ko. Bago pala ako umalis ng bahay, I just tied it in a messy bun. Ni hindi ko masyadong sinuklay. Hindi rin ako nag pulbo man lang at pabango.
Tapos humarap ako kay Harold nang ganito ang itsura?
I felt my stomach churn at parang gusto ko nang i-flush ang sarili ko sa toilet.
Nakakahiya!!
"Uy mag usap naman tayo!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang may narinig akong nag salita mula sa labas ng restroom. And the voice sounded familiar.
Lumabas ako para tignan at nakita ko si LJ.
Sabi na siya 'yun, eh. Nandito siya? Nanood din ba siya ng game? Mainit pa kaya ulo niya sa akin?
Lalapitan ko sana siya kaya lang napansin ko may kinakausap siya.
"Bakit mo ba ako iniiwasan?" sabi ni LJ sa kausap niya. "Dahil nalaman mong ganito ako?"
"Hindi naman sa ganun..." sabi nung kausap niya.
Sinilip ko kung sino ito and I saw a girl... I forgot her name. Pero kung tama ako nang pagkakaalala, kaklase siya ni Harold.
"Jen naman," sabi ni LJ. "I know... I know aware ka sa feelings ko for you..."
"LJ please."
"At alam ko naman na hindi mo talaga ako magugustuhan kasi nga..." she trailed off at napaiwas siya nang tingin kay Jen.
"Pero..." sabi ni LJ at hinawakan niya ang braso nung kausap niya. "At least we remain friends? Pwede naman 'yun 'di ba? Okay lang sa akin 'yun basta wag ka umiwas." I heard her voice shake habang nakikiusap siya. Malayong malayo sa LJ na kausap ko kanina.
Inalis nung girl ang pagkakahawak ni LJ sa braso niya, "hindi ko kasi alam na ganyan ka. Nagulat ako. Hindi ako aware. Akala ko sweet ka lang na kaibigan. Sorry, hayaan mo muna ako."
Umalis 'yung babae. Napatingin ako kay LJ at halos panlambutan ako ng tuhod nang makita ko ang expression sa mukha niya.
It's the same expression I had two years ago. At pakiramdam ko parang bumalik sa akin lahat ng pain na naramdaman ko nun.
Napalingon si LJ sa kinatatayuan ko and our eyes meet. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya nang makita niya ako.
"Narinig mo lahat?" tanong niya sa akin habang tinitignan ako nang matalim.
"LJ I'm---"
"Huhusgahan mo rin ako?" sabi niya, cutting me off. "Hindi na ako magtataka kung banal banalan ka rin. Hindi rin ba pasok sa rules mo ang kagaya ko?" she asked at nakita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
Tinalikuran niya ako, and before I could say anything, she ran away from me.
To be continued...
Titles of the songs mentioned in this chapter:
- Big Yellow Taxi by Counting Crows
- Kailan by MYMP
#MoonChildWP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top