Chapter Fifty Seven

Chapter Fifty Seven

I always see Mona as this strong, independent girl. She always keeps her head held high sa kahit anong sitwasyon pa. Kahit nga yung panahong nahuli namin siya sa lahat ng ginawa niya, kahit na hindi na siya kinakausap nun ng buong klase, laging taas noo pa rin siya. Hindi nagpapatinag.

But now...

Nandito kami ngayon sa loob ng classroom. Naka lock ang pinto. Nasa harapan namin si Mona at hindi ito makatingin ng maayos sa amin. Halatang halata ang takot sa mukha niya.

Kung titignan, para kaming nasa isang coming of age movie at kami nina LJ ang mga bully.

Lumapit si LJ kay Mona at hinablot niya ang hawak hawak nitong purse kung saan nakatabi ang classfund namin.

"Bakit mo dinudukutan ang class fund natin?" LJ asked her coldly. "Ano na namang plano mo, ha, Mona?"

"M-may ambag din naman ako diyan kaya may karapatan ako sa pera!" sagot ni Mona. "Tsaka hindi ko naman dudukutin eh! Ibabalik ko rin naman!" she said. She looks frustrated na parang any minute, iiyak na siya.

"Bakit, nag paalam ka bas a class treasurer? Nag paalam ka ba sa amin? Pera rin namin 'yan ah!" sabi ni Chichi. "Lagot ka talaga pag nalaman 'to ng mga teachers!"

"Oo nga!" pag sangayon naman ni LJ. "Malaking violation 'to!"

"I mean, 'di naman ako nakapag basa nung school handbook, pero sinasabi ng gut-feel ko na pwede kang matanggal sa honor, bruha ka!" duktong pa ni Chichi. "I say, deserve!"

Nakita ko ang panic sa mukha ni Mona nang sabihin nii Chichi yun.

"Wag niyo akong isusumbong!" sabi niya dito. "Please... Hindi... hindi ko afford mawala sa honor. Please wag niyo akong isusumbong. Maawa naman kayo.."

"At bakit kami maawa sa'yo?" LJ said coldly. "Naawa ka ba nung in-out mo 'ko?" LJ took a step forward at bahagya niyang tinulak si LJ. Ramdam na ramdam ko ang sama ng loob nito. "Anong ginawa kong kasalanan sa'yo? Naging mabait kami sa'yo ha! Tinrato ka naming kaibigan tapos ayun ang gagawin mo sa'min? Hindi mo ba alam kung ano yung gulong ginawa mo! Tinanggalan mo 'ko ng choice, Mona! Ninakawan mo 'ko ng free will na sabihin kung sino ako sa panahon na handa na 'ko!"

Napaiwas ng tingin si Mona kay LJ. Nakita kong nangingilid ang luha ni LJ.

"So kung isusumbong kita, ganti lang yun. Patas na tayo," duktong ni LJ. "Tsaka totoo naman, magnanakaw ka. Dapat lang talagang malaman nila."

I saw panic on Mona's eyes as she burst into tears. Nagulat ako sa sunod na ginawa niya.

She kneeled down in front of us.

"Mona!" suway ko sa kanya. "Anong ginagawa mo?"

"Please wag niyo 'kong isumbong," sabi nito. "Anong dapat kong gawin para hindi niyo ako isumbong? Gagawin kong lahat kahit anong iutos niyo sa akin! Please.. ito na lang yung chance ko..."

Napahagulgol ng iyak si Mona sa harapan namin. Isang bagay na hindi ko inexpect na mangyayari.

Alam kong hawak namin ang alas ngayon. It's our chance para makaganti man lang doon sa mga ginawa niya sa amin. Naalala ko yung panahon na ako ang umiiyak ng ganyan dahil sa ginawa ni Mona. Mabigat sa dibdib. Masakit.

But do I feel better seeing her like this?

No.

I feel awful.

Napatingin ako kay LJ at Chichi at maging sila, hindi makapag salita. Kita ko ang galit sa mata ni LJ. But knowing her, I know she's conflicted too.

Dahil hindi rin naman masamang tao si LJ.

Lumapit ako kay LJ at kinuha ko yung pouch na hawak niya. Lumuhod din ako sa floor, sa tapat ni Mona.

"Kaya ka ba kumukuha ng pera dahil pang entrance fee mo doon sa competition?" tanong ko sa kanya.

Bahagyang napatigil si Mona sa pag iyak at tumango siya. Pinunasan niya ang luha niya.

"Pero sobra sobra 'to sa pang entrance," sabi ko sa kanya.

Napaiwas siya ng tingin, "kailangan ko rin bumili ng supplies ko atsaka... mga pangkain sa bahay."

"Yung parents mo?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya umimik. Napaiwas siya ng tingin sa amin at napakuyom ng kamao. I know a catch a glimpse of pain in her eyes at alam kong ito ang isang bagay na ayaw niyang pagusapan.

I understand. Dahil it took me a while too para mag open up nang tungkol sa family ko. Ang alam ko lang, hindi okay ang lagay niya sa kanila for her to steal money para may pang entrance siya sa competition at may pangkain siya.

"Alam kong galit ka sa akin," sabi ko kay Mona. "Pwede ko bang malaman kung bakit?"

Hindi makasagot si Mona na para bang hindi niya masabi sa akin ng harapan kung ano ang problema niya. But she knows na wala siyang choice kung hindi sagutin ang tanong ko.

Kaya naman napapikit na lamang siya when she finally admits what she truly feels.

"Naiinggit ako sa'yo, at ginawa ko lahat yun para mainis sila sa'yo at lumapit sila sa akin. Hindi ko alam na ganun kalala ang magiging epekto..."

Ayan na siguro ang pinaka honest na mga salita na narinig kong lumabas mula sa bibig ni Mona.

"Hindi ko alam kung bakit ka naiinggit sa akin," sabi ko dito. "Mas nakakainggit ka nga."

She looks up at me at nakita ko ulit ang inis sa mga mata niya.

"Alam mo kaya mas naiinis ako sa'yo? Kasi hindi ka aware kung gaano ka kaswerte," sabi niya. "At wag mong sabihin na mas nakakainggit ako dahil hindi mo 'ko kilala, Iris! Ang swerte mo napapaligiran ka ng mga kaibigan na handa kang ipagtanggol! Handa kang tulungan!" napaiwas siya ng tingin. "Ayun lang din naman ang gusto ko pero bakit ang hirap makuha...?"

Napatayo ako as I stared at Mona sharply.

"Makukuha mo naman yun sa amin kung hindi ka nakikipag kompitensya ng atensyon, Mona," sabi ko. "Pwede naman tayo maging magkaibigan, pero tinuring mo akong kaaway. Sinaktan mo pa kami."

Hindi nakapag salita si Mona sa sinabi ko. I saw the look of horror on her fae as she got hit by my words.

"Hindi ko pwedeng ibigay yung fund sa'yo, Mona," sabi ko.

Inilabas ko yung wallet ko at kumuha ako ng pera doon.

"Pero pwede kong ibigay sa'yo yung ambag mo nung nag part time ka para may pamp-vet si Sebbie. Tinrabaho mor in naman yan at since si daddy na yung sumagot noon, kailangan kong isoli sa'yo yung pera."

Inabot ko kay Mona yung pera, "tsaka yung share ko, ikaw na rin ang gumamit. I don't need it."

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya as she took the money I gave her.

"Okay fine! Yung share ko na rin!" sabi ni Chichi at inabot din niya kay Mona yung pera na kinita niya doon sa part time namin kina LJ. "Tutal madalas tayo magka chat noon about kpop and stuff! Hindi ko lang sure kung true yung pakikipag share mo ng interests with me or ineechos mo lang ako. Pero bayad nay an because I had fun talking with you."

"Chichi..." sabi ni Mona as her eyes is starting to tear up again.

"Kainis," dinig naming bulong ni LJ at napakmot siya sa likod ng ulo niya. Inilabas niya rin ang share niya. "O ayan. Galit pa rin ako pero hindi ako masamang tao."

Napangiti ako sa ginawa ni LJ.

"Bakit... bakit niyo ko tinutulungan?" tanong ni Mona.

I shrug, "para lamunin ka ng konsensya mo?"

Chichi helps Mona get up as she burst into tears.

Chichi, "tumayo ka nan ga diyan girl! Kumain na tayo! Lunch na!"

Tumalikod na ako at nauna na akong naglakad palabas ng classroom. As I was about to go out, narinig ko ang boses ni Mona from behind.

"Iris.... sorry. And thank you."

Bahagya akong napahinto dahil sa sinabi niya. I smile a bit, pero hindi na ako nag salita at dire-diretso akong lumabas.

~*~

"Pag president ba ng klase kailangan taga gawa rin ng sandwich?" tanong ni daddy sa akin habang busy akong nag p-prepare ng sandwiches sa kitchen namin so early in the morning.

It's Quizardry day. Babyahe na kami ngayon going to Subic kung saan gagawin ang competition.

Kahapon, habang pauwi kami ni Seb, nabanggit niya sa akin na hindi pala siya nakakpag almusal sa kanila kaya nagbibibili siya ng mga biscuit pantawid gutom sa byahe.

That explain the sandwiches na ginagawa ko ngayon.

Gusto kong gawan si Seb ng makakain sa byahe na hindi junk food, pero masyadong halata pag siya lang ang gagawan ko. Mamaya sabihin niya masyado siyang special! That's why I ended up making sandwich for everyone. Meron para kay Mona, sa adviser namin, at doon sa isa pang teacher na kasama namin. Kaya naman ang aga aga kong gumising para lang i-prepare ang mga sandwich na 'to.

Nakakainis ka Seb.

"Gusto ko lang silang gawan, daddy," sabi ko sa kanya.

"Baka naman para yan sa boyfriend mo."

Napakunot ang noo ko, "wala akong boyfriend!" giit ko sa kanya.

"O ba't ka galit? Joke lang!"

Napahinga na lang ako nang malalim. Hindi ko rin alam kung bakit ako defensive nakakainis!

Binilisan ko na yung pag aayos ng sandwiches habang si daddy naman ay nag ayos ng breakfast para sa akin. Sabi niya, kahit may baon daw ako ay kumain muna ako kaya naman pinagbigyan ko na siya. Tutal isang linggo rin siyang walang makakasabay kumain dito.

After that, nagpaalam na ako kay daddy. He wished me luck para sa competition at nangako naman akong gagalingan ko.

Ang meeting place namin ay sa tapat ng school kung saan din kami susunduin ng service na mag dadala sa amin sa Subic.

I'm a little early, pero pag dating ko doon, nakita kong naka abang na si Seb. He's wearing his uniform habang nakasabit naman sa balikat niya ang dala dala niyang duffle bag.

He looks sleepy. Naglalakad pa lang ako papalapit, panay na ang hikab niya. Nang matanaw niya akong paparating, his eyes lit up as he smiled widely at me at kumaway siya.

Napahinga ako nang malalim as I try to maintain a straight face.

Bakit ang cute?

"Aga ah," sabi ko sa kanya.

Nag siguro na ako, baka hindi ako magising sa alarm eh," he said while still grinning at me.

Napatingin si Seb doon sa paperbag na dala dala ko.

"Ano yan?" tanong niya.

"Ah... sandwich. Gumawa ako para sa lahat," sabi ko.

"Meron din ako?" he asked.

Oo. Dahil nga sa'yo kaya ko ginawa 'to!

"Meron naman..."

Seb smile widely, "hulog ka talaga ng langit! Akala ko tiisan na lang ng gutom hanggang makarating sa Subic eh!"

"Sa 'yo na rin yung sandwich ko!" sabi ko naman. "Busog kasi ako eh, ang daming pinrepare na breakfast ni daddy kanina."

"Baka ikaw naman yung gutumin..."

"Hindi!"

"Hmm.. sige, pag ayaw mo talaga mamaya. Pero hindi ko muna kukuhanin."

I smiled, "okay."

Seb smiled back.

"May ibibigay rin ako," he said softly at may kinuha siya sa bag niya. May inilabas na pouch si Seb at sa loob non, may beaded bracelet.

Nagulat ako nang hawakan bigla ni Seb ang wrist ko. His touch gives jolt of electricity na instantly feel my face burning.

Isinuot niya yung beaded bracelet sa kain. Meron itong crescent moon na charm.

"Sabi nung ale na nagtitinda, for goodluck daw," sabi niya.

Napatingin ako sa wrist ni Seb, napansin ko na nakasuot din siya nung same beaded bracelet pero walang charm yung kanya.

"Ang ganda, moon yung akin," sabi ko. "Anong charm yung kay Mona?"

"Walang kay Mona," he said. "Ikaw lang meron," diretsahan nitong sabi.

Hindi ako nakaimik agad. Hindi ko alam ang sasabihin.

Binilhan niya ako ng bracelet... Ako lang...

Dapat ko bang bigyan ng meaning 'to?

"Cute," I heard a voice from behind us at nakita naming na kararating lang ni Mona. Nakatingin siya sa wrist ko na hawak hawak pa rin hanggang ngayon ni Seb. "Couple's bracelet?"

"Hindi!" tanggi ko agad. "Ano 'to... ano..."

Mona just smirks at tumalikod siya sa amin. "Ayun na yung sasakyan."

Napatingin kami doon sa sasakyan na parating. Naunang pumasok si Mona. Hindi naman ako nakagalaw kasi pakiramdam ko nag iinit ang mukha ko. Bakit ganoon? Feeling ko nahuli akong may ginagawang kasalanan kahit wala naman!

I heard Seb's chuckle.

"Wag mo pansinin yun," sabi ni Seb. "Tara na?"

Kinuha ni Seb yung dala dala kong bag at siya na ang nag lagay sa likod ng sasakyan.

Napahinga na lang ako nang malalim.

One week Quizardry.

After that....I'll confess.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top