Chapter Fifty One

Chapter Fifty One

'Iris? Gising ka na ba? Nandito ako sa labas ng bahay niyo. Wala lang, sabay tayo pumasok?'

Ayan ang text message ni Seb na bumungad sa akin pagkagising na pagkagising ko. Nung una, hindi ko pa halos ma absorb ang nababasa ko, hanggang sa halos mapatalon ako sa kama nang marealize ko ito.

Si Seb?! Nandito siya sa labas ng bahay namin?!

I checked the timestamp of his message. Halos twenty minutes ago pa nung sinend niya 'to! Napatingin ako sa bintana namin to check kung naka abang ba si Seb sa may gate. Hindi ko siya makita. Wala siya.

Umalis na ba siya? Bakit ang aga aga niyang nasa tapat ng bahay namin?

At bakit siya pumunta rito?! Napadaan lang ba siya? Pero ang layo ng bahay nila dito ah!

Agad agad akong bumaba para tignan kung nasa labas pa si Seb. Ni hindi ko na nakuhang mag hilamos at mag suklay sa pag mamadali.

"Good morning anak," dinig kong bati ni daddy sa akin. "Saan ka pupunta?"

"May titignan lang po sa labas!" sabi ko without looking at him.

Binuksan ko ang pinto ng bahay namin, pero bago pa man ako makalabas, I heard a familiar voice calls out my name.

"Iris."

Napahinto ako at napatingin sa dining table namin. At doon, nakita ko si Seb na nakaupo habang nag hahain naman si daddy ng almusal.

I froze. Seb shyly gave me a smile.

"Nakita ko 'tong kaibigan mo na nakatambay sa labas ng bahay natin kaya pinapasok ko muna," sabi ni daddy sa akin. "Mukhang hindi pa nag a-almusal eh."

Dad gave me a meaningful stare. Yung para bang gusto niya akong tanungin kung bakit may nag iintay na lalaki sa akin sa labas ng bahay namin.

And as much as I want to answer him, hindi ko rin alam!

"O-okay lang po! Busog naman po ako. Ayos lang po sa akin mag antay sa labas," sabi ni Seb sa daddy ko.

"Nakapag luto na ako iho. Hindi rin naman naming mauubos ni Iris 'to. Sabayan mo na kami," pag pupumilit naman ni daddy at muli siyang tumingin sa akin. "Ikaw naman anak, maligo ka na kaya muna?"

Doon ko lang naalala na nakapantulog pa ako. I'm wearing this old and worn out PE uniform, tapos shorts na luma na rin. Magulo ang buhok. Hindi pa na hihilamos.

Parang umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko at napatalikod ako agad.

"Maliligo lang ako," sabi ko at nagmadali akong pumanik pabalik sa kwarto ko.

Nakakahiya!

~*~

"So.. Seb right?" tanong ni daddy habang kumakain kami ng almusal. "Saan ka nakatira?"

Nakita kong pasubo na ng kanin si Seb pero agad niya itong binaba nang kausapin siya ni Daddy. He looks awkward and nervous that I can't help but to feel awkward and nervous too.

"Ah, doon po ako sa kabilang baranggay po. Sa Santo Tomas po."

Napaisip si daddy, "Oh. Mas malapit kayo sa school? Napalayo ka pa nung pumunta ka dito."

Napainom ako nung juice na nasa harapan ko. Nakita ko rin napakuha si Seb nung kape na nasa harapan niya at diretso niya ito ininom.

"Aray!" sabi ni Seb nang bigla niyang ilayo ang tasa ng kape sa bibig niya at mukhang napaso ang dila niya.

"O, mainit yan," sabi ni daddy.

Agad ko naman siyang pinag lagay ng tubig sa baso.

Napilitan lang yan si Seb kanina na mag kape dahil ipinag timpla siya ni daddy! Tinanong pa nga if gusto niya ba kape, hot choco o gatas eh! Ngayon napaso pa dila niya.

"Salamat," sabi sa akin ni Seb at ininom niya yung tubig na inabot ko.

"Napadaan po ako," said Seb after awhile. "Kaya po naisipan ko po na sabayan na po si Iris po... sir."

Seb looks nervous. I've never seen him nervous, kaya hindi ko maintindihan bakit ninenerbyos siya ngayon.

At hindi ko rin maintindihan bakit ninenerbyos din ako? Wala naman kaming ginagawang kasalanan ni Seb, pero yung pakiramdam ko parang nahuli akong may ginagawang kalokohan.

"Naalala ko dati hinatid mor in si Iris pauwi 'di ba? If I remember correctly, ikaw yung kasama niya," sabi ni daddy.

Napatingin ako kay daddy. Gusto ko siyang senyasan na stop asking question kasi parang ini-interrogate niya si Seb! Pero hindi niya ako tinitignan. Instead, diresto lang ang tingin niya kay Seb.

"Ah, opo. Ako po yun, sir," sagot ni Seb. "Gabi na po kasi nun kaya hinatid ko na si Iris."

After sabihin ni Seb yun, napainom ulit siya ng kape. At muling napaso ang dila niya. Kaya uminom ulit siya ng tubig. Ni hindi na niya nagagalaw yung pagkain na nasa harap niya.

Napatitig si daddy kay Seb. He looks serious. Napaiwas si Seb ng tingin. He looks nervous. Ako naman, napa kagat na lang sa tinapay na kinakain ko.

Maya maya, biglang ngumiti si daddy.

"Glad to know na may kaibigan si Iris na nagaalala sa kanya. Salamat sa pag sabay sa kanya."

Seb smiled awkwardly too.

"Wala po 'yun."

After that, tinigilan na siya ni daddy sa pag interoggate and we just have a normal conversation. Thank god.

~*~

"May gusto sa'yo 'yon," bulong sa akin ni Daddy habang inaabot niya sa akin yung baon ko. Katatapos lang namin mag breakfast at iniintay na ako ni Seb sa sala, habang nasa kitchen naman kami ni daddy.

"O baka naman nililigawan ka na nun?" duktong pa niya.

"Dad!" suway ko. "Hindi niya po ako nililigawan at mas lalong wala siyang gusto! Napadaan lang nga raw!"

Tinignan ako ni daddy na parang hindi siya naniniwala.

"Daddy totoo nga!" inis kong sabi.

Mga tatay talaga masyadong mapag hinala!

He shrugged at inabot niya sa akin ang baon ko. "Okay, if you say so. Pag ihahatid ka ulit niyan, o sasabayan pumasok, papasukin mo dito sa bahay. Isabay natin ng pagkain."

I stared at him. Alam kong i-interrogate lang niya ulit si Seb and seriously hiyang hiya na ako!

"Alis na po ako."

I heard dad chuckled and he let me leave. Buti na lang hindi na siya nag tanong pa nang kung anu-ano.

Naabutan ko naman si Seb na nasa sala at nakatingin sa family picture namin. Nilapitan ko siya.

"Seb, tara?"

Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa picture na parang malalim ang iniisp. Tinapik ko siya sa braso and he almost jolted dahil sa gulat. Napalingon siya sa akin and he smiled.

"Ready ka na? Tara," sabi nito at sabay kaming nag lakad palabas.

Habang naglalakad kami papunta sa sakayan, medyo nauuna nang bahagya si Seb sap ag lalakad.

He's quiet which bothers me dahil hindi naman siya ganito. Madalas nang aasar yun. Pero ngayon...

Na freak out ba siya ni daddy kanina?

"Uy sorry pala ang daming tanong ni daddy," sabi ko sa kanya. "Wag mo na pansinin yung mga tinanong niya."

Nilingon niya ako at nginitian.

"Ayos lang. Gets ko rin kasi bigla bigla na lang ako tumambay sa labas ng bahay niyo," sabi nito na medyo nahihiya hiya.

"Ba't ka nga ba napadaan?" tanong ko.

He shrugged at muli niya akong nilingon. This time, he got a huge grin plastered on his face.

"Nanaginip kasi ako," sabi nito.

"Anong panaginip?"

"Nanalo raw ako sa lotto nung sinabayan kita. Testing lang baka magkatotoo," pag bibiro niya.

Tinitigan ko siya. Hindi ko alam kung seseryosohin ko ang sinasabi niya o hindi. Hindi ko alam kung bibigyan ko ng meaning ang pag punta niya sa amin o hindi.

Nakaka frustrate, at the same time, bakit umaasa ako?

Seb slowed down his pace para masabayan niya ako sa paglalakad. Napatingin ako sa kanya. He's looking ahead, at natahimik na naman siya na parang malalim ang iniisip niya.

Then it hits me.

What if something's bothering Seb? Kaya pinuntahan niya ako, dahil gusto niya mag open up pero hindi niya alam kung paano mag start?

Kasi kanina pa lang, nung nakita ko siya, I already sense something's bothering him. Akala ko baka nahihiya lang siya kay daddy, pero hindi.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya.

Napalingon siya sa akin na parang nagulat siya sa tanong ko. Then he immediately smiled at me.

"Oo naman. Bakit?"

Umiling ako, "ang tahimik mo?"

He showed his playful grin once again, "worried ka ba sa akin? Na touch naman ako doon, Ms. Pres. Ang sarap sa feeling!"

Inirapan ko siya. Nakakairita tanungin ang isang 'to! Hindi naman ako sineseryoso! Kung ayaw niya mag open up, 'di wag!

Umuna ako sa paglalakad. Naramdaman ko naman ang kamay ni Seb sa braso ko.

Napalingon ako sa kanya. Nakayuko siya. He's avoiding my gaze.

"May nag away sa bahay namin," mahina niyang sabi. "Narindi ako kaya lumabas na agad ako. Ayoko naman pumasok agad, tapos ewan. Nakita ko na lang sarili ko na nasa tapat ng bahay niyo." Muli siyang napakamot sa ulo, "nahihiya ako sa daddy mo, dinamay niya pa ako sa almusal niyo. Pero salamat. Ngayon na lang ulit ako nag almusal."

Nawala bigla ang pagkakasimangot ng mukha ko and my expression softens dahil sa sinabi ni Seb.

He never opened up before, pero ngayon, it feels like I got a glimpse of his life. Kahit hindi ko alam ang buong nangyari.

Napaisip ako, baka hirap din siya mag open up sa ibang tao. Baka tulad ko noon, ang taas din ng wall ko. But Seb has been patient with me hanggang sa ibinaba ko na ang wall ko sa kanya.

Pero ako, sumasama ang loob ko dahil hindi siya nag o-open up. Hindi ko man lang naisip na baka mahirap din para sa kanya yun.

I should also be patient with him. Ayokong maramdaman niya na wala siyang pwedeng pag sabihan.

I gently touch Seb's arm.

"Pag maaga kang nagigising dahil sa gulo, pwede ka naman pumunta sa amin," sabi ko sa kanya. "Marami naman mag luto ng breakfast si daddy. Hindi namin kayang ubusin lahat."

Napangiti si Seb sa sinabi ko. This time, I know it's not a forced smile.

So smiled back at him. At sabay kaming nag lakad papunta sa bus stop.

~*~

We arrived at school thirty minutes before the bell rings. Medyo marami na rin ang mga estudyante na nandito.

Nung nag lalakad kami papunta sa classroom, nagtaka naman ako dahil wala akong nakikitang classmates ko sa may corridor. Usually kasi pag umaga o break time, lagi silang nakatambay sa corridor. Yung iba, nakikipag asaran sa mga taga kabilang section. But it seems like everyone's inside the classroom.

O masyado ba kaming maaga ni Seb?

Pero pag pasok namin sa classroom, nakita kong nag kukumpulan sila sa isang side na para bang nagkakagulo.

Sa gitna ng pagkukumpulan nay un, I saw LJ. She looks mad. Nasa gilid naman niya si Chichi na hawak hawak ang braso niya ay tila pinipigilan siya.

"Huling huli ka na! Ikaw yung nag lagay ng sulat ko sa board! Ikaw yung nag send kay Chichi nung recording!" sigaw ni LJ dito.

Nagkatinginan kami ni Seb at agad kaming napalapit doon sa gulo.

Nakita kong nasa harap ni LJ si Mona. Nakaupo lang ito at blanko ang expression habang sinisigawan siya ni LJ.

"Grabe ganyan pala si Mona," dinig kong bulong nung isa kong kaklase.

Nilapitan ko sina LJ at Chichi.

"Anong nangyayari?"

"Ms. Pres!" sabi ni Chichi at may inabot siya sa aking isang phone. "Phone ni Mona. Nandyan lahat ng proof."

Tinignan ko yung phone, at nakita ko yung file ng voice recording doon. Pati na rin ang litrato ng letter ni LJ para sa girlfriend niya.

I expected this, and yet, parang gustong bumaliktad ng sikmura ko dahil sag alit.

Napatingin ako kay Mona. She seems unbothered, kahit na nakapalibot na kami sa kanya.

"Napaka gago mo! Inaano kita!" sigaw ni LJ dito. She's getting teary eyed. "Hindi mo alam kung ano ang epekto sa'kin ng ginawa mo!"

Hindi pa rin kumibo si Mona. Nakatingin lang siya sa text book niya at nag babasa basa na parang wala siyang naririnig.

Napahinga ako nang malalim. Nararamdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa galit.

How can someone be that cruel and emotionless?

Nilapitan ko siya at agad kong tinabing ang textbook na binabasa niya. Inilapag ko sa harap ang phone niya.

"Care to explain?" I asked in the coldest tone I could muster.

From her phone, inangat niya yung tingin niya sa akin. Her expression is cold. Parang nawala yung sweet na Mona na lagi niyang pinapakita.

Right now, she's just showing her true self.

Tumayo si Mona at hinarap niya ako.

"Explain what?" she asked.

"Ba't mo nagawa 'yun?"

She smirked, "because I don't like you." Lumingon siya kay LJ, "you disgust me." This time, kay Chichi naman siya tumingin. "And you? You're just so gullible."

Napasinghap ako habang pinipigilan ko ang sarili ko. I can't believe this girl.

"Dahil lang doon? Sisirain mo kami?"

"May iba pa ba akong kailangang rason?"

LJ screamed at halos sugurin na niya si Mona. Buti na lang at napigilan siya ng mga kaklase namin.

Pero nagulat ako nang biglang lumapit si Seb kay Mona at hinarap 'to.

"Recorded," sabi ni Seb habang ipinapakita niya kay Mona ang phone niya. "Lahat ng sinabi mo ngayon. Mamili ka, ippost ko sa social media, o isesend ko sa papa mo, o mag a-apologize ka sa kanila?"

Natigilan si Mona. And the first time, I saw fear in her eyes.

"Akin na yan." She tried to reach for Seb's phone pero nailayo agad ni Seb ito. "AKIN NA YAN!"

"Apologize," mariin na sabi ni Seb. He's glaring at Mona. Kita ko ang galit sa mga mata niya na for a moment, kahit ako natakot sa kanya.

Napatingin sa akin si Mona. Her eyes is brimming with tears.

"I—I'm.." she stuttered.

Pero hindi niya tinuloy ang sasabihin niya. Instead, binangga niya ako at dire-diretso siyang nag lakad palayo.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top