Chapter Fifty Nine
Chapter Fifty Nine
"Sabi ko, oo. Gusto kita."
There's a deafening silence after that. Nakatingin lang kami ni Seb sa isa't isa, parehong hindi makapag salita. I saw how Seb's confused look turn into surprised. His mouth left ajar. Para bang ang tagal bago mag sink in nung sinabi ko sa kanya.
And the more he's not reacting, mas nag wawala ang puso ko. I can feel how fast my heart beats na parang any minute, aatakihin ako. Masakit sa dibdib. Nakakahilo sa kaba.
Sabi ko after competition ko sasabihin! Pero hindi ko alam kung makakahugot pa ako ng ganitong klaseng lakas ng loob kung ipagpapaliban ko. Kaya kahit gustong gusto ko nang mag tago dahil sa biglaang pag amin ko, pinili kong panindigan na lang.
But Seb still left speechless.
At seryoso, kinakabahan na talaga ko.
Kumalas ako ng tingin.
"Uhm... n-need mo muna ba i-absorb yung sinabi ko?" tanong ko sa kanya. Alam kong nabigla ko rin siya and I feel bad. "E-eto dapat yung sasabihin ko after competition, pero mukhang 'di ko na kayang patagalin. T-tsaka the reason why umiiwas ako nung mga nakaraang araw sa'yo, dahil din dito. Because I'm trying to figure out what I feel for you. So.. ayun..." my voice fades at napaiwas ako ulit ng tingin sa kanya.
A moment passed at hindi pa rin nag sasalita si Seb. Mas kinabahan na ako. I know nakakabigla ang pag amin ko sa kanya. But if he feels the same way.. hindi ba dapat, sabihin na niya?
O baka naman ako lang talaga 'to?
Napalunok ako. Parang ang sikip bigla ng dibidb ko. For a moment, parang bigla akong nag sisi na umamin ako.
Lakas loob akong lumingon sa kanya and my heart instantly sinks when I saw the look on Seb's face.
He's not looking at me, instead, nakayuko lang siya. Pero kitang kita ko ang lungkot sa mata niya. At guilt...
Bakit ganyan ang reaction niya?
So ibig sabihin ba nito...?
"Seb...?"
"Iris.." pag putol niya sa sasabihin ko. He's still not looking at me, instead, nakatingin siya sa mga kamay niya na hindi rin mapakali. He looks uneasy.
Napahinga nang malalim si Seb at napahawak siya sa noo niya. Nilingon niya ako at nagtama ang mga tingin namin. Doon ko mas nakita ang guilt sa mga mata niya.
"Iris... sorry."
Parang bahagyang tumigil ang pag hinga ko. Hindi agad nag sink in sa akin ang ibig sabihin ni Seb.
"Iris," napahilamos siya ng mukha. He looks frustrated. "Sorry... I'm sorry... Hindi... hindi ko—"
"Gets!" pag putol ko sa sasabihin niya.
Ayokong marinig. Hindi ko kayang marinig.
His sorry is enough para maintindihan ko.
"Gets na, Seb," sabi ko while forcing a smile kahit na nararamdaman ko ang panginginig ng gilid ng labi ko at pangigilid ng luha sa mga mata ko. "Okay lang. Wag mo intindihin ang sinabi ko. Feeling ko kailangan ko lang sabihin yun. Wag mo nang itindihin."
Hindi nag salita si Seb. Napaiwas ulit siya ng tingin. Hindi niya giniit ang dapat sana niyang sasabihin nor hindi niya ipinaliwanag ang sarili niya. Hindi rin niya ako kinontra ang sinabi kong wag na niyang intindihin.
I mean what I said pero...
Wow. Ang sakit.
Agad akong umiwas ng tingin sa kanya.
"S-sige, balik na ako sa loob," sabi ko sa kanya at tumayo ako. "See you bukas."
Hindi ko na siya hinayaan pang mag salita at nag lakad na agada ko palayo.
Habang naglalakad ako, pabigat nang pabigat ang mga hakbang ko.
I should've expected this outcome. Pinrepare ko ang sarili ko na umamin kay Seb pero hindi ko naihanda ang sarili ko sa rejection. Ineexpect ko ba talaga na may gusto siya sa akin?
So imagination ko lang lahat.
Most likely.
Kasi kung gusto niya ako, hindi sorry ang sasabihin niya.
Kung gusto ako ni Seb, hahabulin niya ako ngayon.
But no. He let me leave without a word.
At grabe. Ang sakit.
Hindi ko alam kung paano ko nakayang pigilan ang mga luha ko hanggang sa makarating ako sa room namin. Glad Mona's already asleep kaya hindi niya nakita ang expression sa mukha ko. Hindi ko alam kung magtatanong siya, pero hindi ako ready pag usapan kung ano ang nangyari.
I just tucked myself in my bed and cries myself to sleep. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak hanggang sa makatulog. Ang alam ko lang, may isang beses na narinig ko ang mga yapak ni Mona papalapit sa akin. She doesn't say a word, pero pag lingon ko sa gilid ko, there's a box of tissue there.
The next morning, I am sleep deprived with puffy eyes. Hindi rin nag salita si Mona o nag react nang makita niya ang itsura ko---which I appreciate. Pero hindi ko lang talaga alam kung paano ako bababa ngayon para magpakita sa kanila. I wore my reading glasses, but that's not enough to cover my puffy eyes.
Thank god free day namin ngayon to review. Hindi ko maimagine sarili ko na sasabak sa competition sa ganitong kondisyon.
Kasi naman. Sabi nang after competition na umamin, hindi pa ako nakapag hintay. Ito tuloy napala ako.
"Iris! Umiyak ka ba? What happened?" Ms. Alvar asked me the moment na bumaba kami ni Mona sa breakfast buffet area at nakita niya ang itsura ko.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko naman pwede sabihin na hindi ako umiyak kasi masyado namang obvious sa namamagang mata ko.
"Kabadong kabado kasi si Ms. Pres sa competition kagabi," sabi ni Mona. "Ayaw tumigil sa pag iyak."
Nagkatinginan kaming dalawa. I gave her an appreciative smile and she return it with a nod.
"Hala Iris, I know this is all nerve wrecking, pero relax lang okay? You all did great. At naniniwala akong kayang kaya niyo ang mga susunod na round. Look at Seb, relax na relax lang siya doon sa buffet area. May kausap pang magandang girl."
Agad akong napalingon sa may buffet area and there I saw Seb talking to a girl. Medyo maliit yung babae, maybe around my height? Mahaba ang buhok. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin, but I can clearly see Seb's expression.
Ngiting ngiti siya habang nakikipag biruan doon sa babae. Sinusubukan niyang guluhin ang buhok nito habang hinaharang naman nung girl ang kamay ni Seb gamit ang braso nito. Pareho silang nag tatawanang dalawa.
Napalingon si Seb sa pwesto namin at nang makita niya ako, nawala ang ngiti sa labi niya. Lumingon din yung babae sa pwesto namin, and that's when I recognize her.
Siya yung babae nasa phone ni Seb. Yung nakita kong picture na nakayakap sa kanya.
Si L.
Nung makita niyang nakatingin kami, nakita kong bumulong ito kay Seb na para bang tinatanong kung kami yung mga ka-team niya. Tumango si Seb dito at nag wave siya sa amin.
I want to wave back, to smile, to act friendly. But I can't bring myself to do it. Parang may kung anong pumipilipit sa tiyan ko.
I keep my face expressionless. Siguro ito ang isang magandang bagay na natutunan ko. Yung kayang kaya ko itago ang nararamdaman ko. I know, I look cold and unfriendly right now, pero hindi ko talaga kayang ngumiti.
Nakita kong nag wave na at umalis yung kaibigan ni Seb—or girlfriend—I don't know. Nag lakad naman siya papalapit sa amin. After that, nag lakad papalapit sa amin si Seb.
He looked down again, sad.. or baka guilty? Ewan ko rin. Pero nakatingin siya sa akin na parang concerned.
Kung bakit, ewan. Concerned dahil nireject niya ako kagabi tapos nakita ko siyang nakikipag biruan sa iba? Baka.
Ganun din kami mag biruan ni Seb, eh. So hindi pala talaga special ang treatment niya sa akin. Assuming lang ako.
"Sino yun?" tanong ni Ms. Alvar kay Seb na may halong pangaasar. "Ba't may kakilala ka sa Prince Academy? Ikaw ha.."
"Family friend lang po," sagot naman ni Seb. Agad naman siyang lumingon ulit sa akin na parang nag aalala, pero umiwas ako ng tingin.
Naiinis ako. Awa ba yung mga tingin na 'yon?
Hindi ko kailangan yun.
Ni reject na nga niya ako, eh. Pero sana wag naman din niyang tapakan ang katiting na pride ko.
Hindi ko kaya 'to.
"Ms. Alvar, okay lang po bang 'di muna ako sumabay mag breakfast? Medyo inaacid po kasi ako..."
"Ha? May gamot ka ba?"
"Opo. Papalipasin ko lang po.."
"O sige, pahinga ka muna. Kita kita tayo mamaya to review."
"Opo."
Tumalikod na ako at umalis. Wala rin talaga akong ganang kumain kaya nagkulong na lang ako sa room.
Hindi ako umiyak this time. Parang pakiramdam ko namanhid ako, o hindi ko na naman sinusubukan intindihin ang nararamdaman ko. I know I need to focus sa competition. I can't afford any distractions.
Kaya nilunok ko na lang ang nararamdaman ko.
Huminga lang ako saglit mag isa, kinondisyon ko ang sarili ko, after that, bumaba ako to meet them with only the competition in mind.
I heard na kasali rin si "L" sa competition. Smart girl. Nanood kami ng laban nila kanina and she's good with almost all the subject. Ang daming beses niyang nakasagot. Natalo nila ang kalaban nilang school with a wide gap of scores.
That triggers us to study more.
Alam kong masaydong naging seryoso ang vibe namin. Well, kung tutuusin, si Seb lang naman ang mahilig mag biro sa amin. Pero ngayon, hindi niya magawang makapag biro.
Hindi ko siya iniiwasan dahil alam kong imposible yun, that's why we talk casually. Mostly about sa competition. Napansin ko rin nag iba ang pakikitungo sa akin ni Seb. Kung dati napapansin ko yung maliliit na bagay na ginagawa niya para sa akin----yung mga simpleng pagbubuhat ng libro para sa akin, pag kuha ng tubig pag kumakain kami, pag save ng upuan sa tabi niya para doon ako umupo---ngayon, hindi na niya magawa.
Does it hurts? Oo. Pero sinubukan kong hindi indahin. Siguro itinigil din ni Seb ang mga bagay na yun to avoid more confusion on my part. How considerate.
Oo na. Gets na gets ko na, Seb.
We competed again and we won second round. Two points lang din ang lamang namin doon sa kalaban namin at yung isang sagot naming ay na tsambahan lang na tumama.
By third round, limang schools na lang kaming mag lalaban laban.
Kaya lang, nakatapat namin agad ang Prince Academy, and we lost. Ang laki ng gap. Dalawang beses lang kaming nakasagot. Ang gagaling nila, lalo na yung L. Talong talo kami.
Talong talo ako.
I feel so frustrated after the competition. Hindi man lang kami umabot sa top three. Gusto kong maiyak. Gusto kong sisihin ang sarili ko. Iniisip ko, dahil ba distracted pa rin ako kahit anong try kong wag ma distract? Dahil din ba na distract si Seb sa akin?
Maybe kung hindi ako umamin agad, kung nag focus muna ako sa competition, siguro hindi kami umabot sa ganito?
Ewan. Gusto kong umiyak but my feelings remained numb.
"We did our best," sabi ni Mona habang nag iimpake kami pauwi. "Sadyang mas matagal lang silang nag rereview sa atin at mas marami ang resources nila dahil pang mayaman na school."
Maari rin. Alam ko naman umpisa pa lang na wala kaming binatbat sa kanila. Alam ko naman na malayo rin ang narrating namin. Sabi ni Ms. Alvar, hindi madali makapasok sa top five. Lalo na na ilang linggo lang kaming nag review.
But I still can't help but to blame myself. Na pakiramdam ko kasalanan ko 'to.
I should've known better. I really should've known better.
Despite of Mona and Ms. Alvar's encouraging words, ramdam na ramdam ang pagka down namin habang nasa byahe kami pauwi. Walang nag sasalita. Walang nag rereact. Seb isn't uttering a single word. Makes me wonder if he's blaming me too. Hindi ko siya masisisi kung ganoon.
It's almost 5PM na nang makarating kami sa school. Since it's the weekend, wala ring katao-tao nun sa school.
"Magpahinga na kayo ha? And really, I'm proud of you guys. You all did great," sabi ni Ms. Alvar sa amin.
"Thank you po," sabi naman ni Mona.
After that, nag alisan na kami. Pagkakuha ko ng mga gamit ko, agad akong nagpaalam para umuwi.
Gusto ko nang mapag isa. Pakiramdam ko pag uwi ko, doon babagsak lahat ng emosyon na inipon ko.
Gusto ko nang magkulong sa kwarto at umiyak. I don't want to be in Seb's presence anymore. I feel suffocated.
"Ako na diyan."
Nagulat ako nang biglang may umagaw ng dala dala kong duffle bag. Pag lingon ko, it's Seb.
Agad akong huminto sa paglalakad.
"Seb please pakibaba yung bag ko."
"Ako na," he insisted. "Mabigat 'to oh. Mamaya mabali pa braso mo."
Hindi ako ngumiti. Instead, I look at him frustrated. Napahinga ako nang malalim.
"Seb please, wala akong lakas makipag talo. Bigay mo na sa akin yan."
"S-sabay na tayo pag uwi...."
"Bakit?" I asked him sharply. "Ba't ka sasabay sa akin?"
Napaiwas siya ng tingin at hindi nakasagot.
Inagaw ko sa kamay niya yung bag ko.
"Wag ka na muna gumawa ng mga bagay na ikaka confuse ko. Ituloy mo lang yung katulad nung pakikitungo mo sa akin sa competition. Please, Seb."
Tumalikod ako sa kanya and I was about to leave nang biglang hawakan ni Seb ang kamay ko.
"Iris..." he called, his voice breaking, kaya napalingon ako sa kanya.
I saw his expression. That same expression again. Sad, hurt, and full of guilt.
Pero isa pang ikinagulat ko nang makita ko rin na parang nangingilid ang luha sa mata niya. His hands are trembling.
"Seb..?"
"Pwede ba tayong mag usap?" he said, almost whisper na parang wala rin siyang lakas. "May kailangan kang malaman tungkol sa'kin."
To be continued...
*nag tago ang author*
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top