Chapter Fifty Four

Chapter Fifty Four

After my mom died, I shielded myself from feeling any kind of emotions na makaka apekto sa akin. Nag focus lang ako sa pag aaral. I didn't even let other people in my life. I build my wall so high para walang makapasok dito.

But eversince I transferred to this school, things drastically change. Si Harold. Si LJ at Chichi.

Si Seb.

Unti-unti, tinibag nila yung wall na itinayo ko. Unti-unti, they made me feel things again.

At siguro sa sobrang tagal kong dineprive ang sarili ko sa any sorts of emotions, parang hirap na hirap akong i-handle ngayon ang emosyon ko. It's overflowing. It's overwhelming.

And I can't believe na umiiyak ako ngayon—habang nag rereview.

Since pinayagan na ako ni daddy na sumali sa Quizardry Tournament at binigyan na rin niya ako ng pera for the registration fee, pag rereview na agad ang ginawa ko. Kinakabahan ako kasi alam kong mas prepared ang ibang schools kesa sa amin, at ayokong matanggal agad.

No. Ayokong walang maiuwi na panalo.

Binasa ko yung reviewer ko about Philippine mythology. Sabi nila marami raw questions na related dito ang lalabas sa first round ng tournament.

'Bakunawa is the moon-eating creature that causes natural occurrences such as earthwakes and eclipse.'

Moon-eating creature.

Moon.

Naalala ko yung pinagusapan namin ni Seb tungkol sa phases ng moon. At dahil naalala ko si Seb, naalala ko rin yung picture na nakita ko sa phone niya.

Mas lalo akong napaiyak. Napatakan pa ng luha ko yung reviewer ko kaya agad ko itong nilayo.

Nakakainis! Ba't ko ba iniiyakan si Seb? Ni hindi ko nga alam kung sino yung girl na tumawag sa kanya eh!

Gusto kong isipin na baka kamag anak niya yun. Baka kapatid? Pinsan?

Pero bigla ko ulit naalala yung isang beses na nakita ko siyang may ka holding hands sa mall. Holding hands as in their fingers intertwined. And I doubt you will hold your sibling like that.

Naiinis ako na yung thought na may ibang gusto si Seb, it hurts me.

Kay Harold, I am already preparing myself na may iba siyang gusto. Isa pa, hindi ko rin alam kung anong gagawin ko if ever ako ang gusto niya and it's something I cannot deal with.

But with Seb, ewan. I would be lying to myself kung sasabihin kong ayokong maging 'kami.'

Kaya ngayon hindi ko ma handle ang emotions ko kay Seb. I know I need to distance myself to him so I could sort out my emotions. Pero paano ko gagawin yun kung palagi kaming magkasama?

Isa pa, nung panahong I'm feeling down because of Harold, I got Seb.

Ngayon, sino nang tatakbuhan ko?

Napabuntong hininga na lang ako at pinigilan kong umiyak.

Ang dami dami kong iniisip. Kailangan ko nang mag review. Kaya please lang, Seb. Wag ka nang mang gulo sa isip ko. Please.

Biglang nag beep ang phone ko and I saw someone sent me a message.

Si Seb.

Napabuntong hininga na lang ako.

I opened his message at binasa ko 'to.

'Wala na akong braincell para i-absorb 'tong mga nasa reviewer. I-yolo ko na lang kaya ang competition?' tanong niya.

At kasunod ng question niya na 'yun ay nag send siya ng picture niya na wacky habang hawak hawak yung reviewer.

Huminga ako nang malalim at cinlose ko yung messenger. In-off ko yung phone ko. Kinuha ko yung unan ko and then I buried my face there atsaka ako sumigaw.

Lord is testing me. I hate it.

~*~

"Thank you for passing your application forms, Iris, Seb," sabi ng adviser namin.

Another day sa school. Pag pasok ko, ang una kong ginawa ay pumunta sa teacher's office to hand in my application and letter of consent. At kung nang aasar nga naman talaga ang tadhana, nandoon din si Seb.

"Once may schedule na, ibibigay ko agad sa inyo."

"Thank you po," sagot ko rito.

"Oh, by the way Ms. President, paki follow up na rin kay Mona yung application niya. Hanggang bukas na lang 'yun."

"S-sige po," alangan kong sabi.

Syempre kahit hindi kami okay ni Mona, I know it's my duty na sabihan siya. Lalo na magiging magka team pa kami sa tournament na 'to.

After that lumabas na kami ni Seb at nag lakad pabalik sa classroom. Nauuna ako nang bahagya sa kanya mag lakad.

No, more like mas binibilisan kong mag lakad dahil ayokong makasabay siya. Ni hindi ko siya magawang tignan sa mata.

Kagabi, sinabi ko sa sarili ko na walang sense kung iiwas ko so it's better to act normal in front of him. Sanay naman ako dati sa ganun, eh. Showing no emotion. Giving them a blank expression. Kunyari hindi affected.

Pero nung nakita ko pa lang siya, hindi ko na agad maitago ang emosyon ko at halos hindi ako makatingin sa kanya! Kasi pag tinignan ko siya, baka sumabog na lang ako—or worst, baka maiyak ako. At ayokong umiyak sa harapan niya kasi hindi ko maeexplain kung bakit. Baka tanungin niya ako kung anong problema. Ayokong umamin.

Dadalhin ko sa hukay ang feelings na 'to.

Hindi ako aamin.

"Uy sineenzoned mo 'ko kagabi!" sabi ni Seb at naramdaman ko ang pagtapik niya sa braso ko.

I feel electrified. Napapaikit ako at napahinga nang malalim as I tried to calm myself down. Pero hindi ko siya sinagot. Nag lakad lang ako.

"Uy," sabi ni Seb at tinapik niya ulit ako.

Ba't ba tapik nang tapik ang isang 'to?!

"Ba't 'di mo 'ko pinapansin?" tanong niya, and this time, kasabay ko na siyang mag lakad.

Bakit kasi ang lalaki ng hakbang ng lalaking 'to!

"May minememorize ako sa isip ko," sagot ko naman without looking at him.

Alam kong kukulitin pa niya ako, pero parang blessing in disguise nang biglang tumunog ang bell.

"Mag start na klase, bilisan natin!" sabi ko at tumakbo ako palayo.

Literal na save by the bell yun.

~*~

"Mona, nireremind pala ni Mrs. Sanchez yung application form mo and yung letter of consent. Hopefully mapasa raw by tomorrow," sabi ko kay Mona nang mag lunch break kami.

Hindi naman niya ako pinansin at dire-diretso lang siyang nag lakad palabas ng room na akala mo ay walang narinig. Napailing na lang ako.

"Sabihin mo lang, sasabunutan ko 'yan," dinig kong bulong ni Chichi sa akin.

Napangiti na lang ako doon at umiling.

"Let's say no to violence."

"Parang gusto ko na naman ulit hingin kay Seb yung video! Ako na magpapakalat!" inis naman na sabi ni LJ.

I pat her back to calm her down.

Alam kong hindi pa rin mawala ang saman ang loob ni LJ kay Mona. I can't blame her. Siya ang pinaka nag suffer sa ginawa nito. And seeing Mona with her I-don't-give-a-fuck attitude frustrates me too. Pero sa ngayon, hindi ko alam kung paano ang tamang pag deal sa kanya.

"Halika kumain nan ga lang tayo," yaya ko sa kanila at sabay sabay kami pumunta sa cafeteria.

Pag dating namin sa cafeteria, nakita naming naka occupy sa isang table si Seb at Glen. Magkatapat ang upuan nung dalawa. Agad namang lumapit si Chichi.

"Tara tabi tayo sa kanila!" sabi nito.

Napatingin ako kay Seb, he's smiling at us habang sinesenyasan kami na umupo doon. Napaiwas agada ko nang tingin sa kanya at napayuko.

Grabe naman ang hirap nang ganito na iniiwasan ko siya.

Chichi immediately occupied the seat beside Glen. Alam ko na agad na tatabi si LJ kay Chichi kaya naman inunahan ko siya at naupo agada ko sa tabi ni Chichi.

Ayokong tumabi kay Seb. Hindi ko kaya. Hindi ko na nga siya matignan eh tapos tatabi pa ako? Pass.

Pag upo ko, hindi ko tinignan si Seb. Nakapako lang ang atensyon ko sa baon ko at inilabas ko 'to.

Pero maya maya lang, narinig kong nag salita si Seb.

"LJ palit tayo, dito ka na lang sa may bintana," sabi nito.

Napahinto ako nang bahagya. Naramdaman kong nag palit sila ng pwesto ang dalawa. Pero instead na yung gitnang upuan ang inupuan ni Seb, pumunta siya sa dulong upuan. Yung nasa tapat ko.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Diretsong nakatingin sa akin si Seb. He's not smiling. But rather, kunot ang noo niyang nakatingin sa akin.

Yumuko ulit ako. Dama ko ang kabog ng dibdib ko. Bakit ang seryoso ni Seb? Nakakahalata ba siya na umiiwas ako? Paano kung mag tanong siya sa akin? Hindi ko alam ang isasagot ko!

Bakit kasi hindi ko magawang mag act normal sa harapan niya?!

Pero buong time na kumakain kami, hindi nag sasalita si Seb. Busy mag usap sina LJ, Glen at Chichi about doon sa pinapanood nilang anime. Samantalang kami ni Seb, parehong tahimik.

Usually, nangungulit siya. Kakausapin niya ako. But no. Hindi rin niya ako kinikibo.

Galit ba 'to...?

Teka nga! Ako ang unang hindi namansin, so bakit ako ang nabobother ngayon?!

Binilisan ko ang pagkain. Halos hindi ko na nga manguya ang baon ko dahil sa sobrang pagmamadali. Nang matapos ako, dali dali kong iniligpit ang baunan ko.

"Guys una na ako, dadaan lang ako sa library," sabi ko habang nakatingin ako kina Chichi, pero pilit iniiwasan na tignan si Seb.

"Okay!" sabi naman ni Chichi. "See you sa classroom."

Mabilis akong nag lakad paalis. Nang makalabas ako ng cafeteria, medyo nakahinga ako nang maluwag.

Ang awkward nakakainis! Kailangan ko talagang ayusin ang sarili ko dahil hindi ko naman pwedeng iwasan habang buhay si Seb. Knowing him, alam kong makakahalata yun.

Ayokong mag tanong siya...

"Iris."

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Seb from my behind. Tinapik pa niya ang balikat ko.

"Oh Seb..." sabi ko dito habang nakayuko ako at nakapako ang tingin sa mga sapatos namin.

"Punta kang library?" tanong niya. "Sama na ako."

"Ah.." I forced a laugh. "Actually need kong dumaan muna sa... sa teacher's office."

Hindi siya nag salita kaya naman napilitan akong tignan siya.

Seb is staring at me and I was taken aback by his expression.

He looks... frustrated and confused.

Napahinga si Seb nang malalim.

"Naiintindihan ko kung hindi mo pa kayang sabihin," sabi niya. "Pero sana diretsohin mo na lang ako kung galit ka sa akin, para alam ko. Naguguluhan kasi ako, eh. Hindi ko kayang iniiwasan mo ko."

I stared at Seb at alam kong hindi na matago ang guilt sa mukha ko. Iniwas ni Seb ang tingin niya sa akin at tinapik ako sa braso atsaka siya nag lakad palayo.

Napahinga ako nang malalim. Pakiramdam ko para akong nabato sa kinatatayuan ko because for a moment hindi ako makakilos.

Patay. What should I do?

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top