Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Eight
This competition is nerve-wrecking.
Alam kong prepared lahat ang mga school na sumali unlike us na last minute na lang nasabihan at dalawang linggo lang kaming nakapag review.
Sa First Round, natapat kami sa St. Claire Academy. It's an exclusive school for girls at alam ko medyo mahal din doon. Sa first three questions, puro sila ang nakakasagot. Magaling sila sa mga math-related questions samantalang kami, ayun ang weakness namin. Nakabawi kami sa general knowledge questions. Mostly si Seb ang mga sumagot. Even yung mga tanong na wala sa reviewer namin, si Seb nasasagot ni Seb. Medyo nakabawi rin ako sa mga science related questions.
Sa last two questions, leading ng one point sa amin ang St. Claire. Nagkataon pa na parehong math question ang tumapat. If they got to answer this, automatic, talo na kami. Uuwi na agad kami.
But surprisingly, Mona managed to snatch the last two questions. Kita ko ang bilis niya sa pag s-solve ng equation doon sa papel na halos hindi ako nakasunod. I've never seen her work so eagerly.
That's why nanalo kami with only one point difference.
And this is only the first round.
"You guys did an amazing job!" sabi ni Ms. Alvar, yung history teacher namin at the same time, coach din namin dito sa competition. "I'm pretty confident na kayang kaya niyo ang second round!"
"Na save po kami ni Mona doon sa last two questions," sabi ko dito.
"Oo nga Mona, nice one," sabi naman ni Seb.
Napayuko si Mona and I saw a genuine smile from her. Probably the most genuine one I've seen.
"Kailangan natin mag review ulit sa math kasi magagaling yung kalaban," sabi niya.
"I agree," sabi ko naman. "Maybe we could set a review sessh—"
"Pero kakain muna tayo!" pag putol naman ni Seb. "Afterall, nanalo tayo ng isang round. Out of 30 schools, pasok tayo sa 15 na natira."
"That's right," sabi naman ni Ms. Alvar. "I'm happy to see you guys working hard. But you also need to recharge and reward yourself. Tara, I saw a seafood restaurant just near this place. My treat!" masigla niyang sabi.
Pare-pareho kaming napangiti at sumama kay Ms. Alvar para mag lunch doon sa sinasabi niyang seafood restaurant.
Pag dating namin doon, we see a couple of students na nag l-lunch din. Some are celebrating dahil nanalo sila while others are trying to comfort themselves dahil uuwi na sila earlier than expected.
Nag enjoy sa pag order si Ms. Alvar. May crab, shrimps and baked mussels pa.
"Kumain kayo nang marami para may ganang mag review mamaya! Sagot ko na ang kape niyo," sabi nito.
"Buti na lang si Ms. Alvar sumama sa atin," pag bibiro naman ni Seb. "Hindi kami magugutom."
"Naman!"
We all laugh.
Napag usapan namin yung mga nakapasok na school. May isang Science Highschool, pasok din ang Prince Academy at may nabanggit pang mga school si Ms. Alvar. Expected din pala ng karamihan na makakapasok ang St. Claire. Our win was unexpected kaya naman mas naging extra careful sa amin yung ibang schools.
"Ayos, para tayong mga underdogs na minamaliit tapos biglang matatalino pala!" sabi ni Seb. "Kung sabagay, sino ba mag iisip na matalino ako?" he laughs.
"Oo nga," pag agree ko.
"Di talaga halata," pag sangayon din ni Mona.
"Huy ang sama niyo sa'kin!" nakasimangot na sagot naman ni Seb.
Natawa si Ms. Alvar, "yaan mo Seb, kunyari ikaw ang secret weapon nila."
We all laugh.
I feel lighthearted. Kung kanina kabadong kabado ako, parang biglang nawala ngayon. Kahit bago mag start ang competition, kinakabahan ako sa kung paano kami magiging magka team ni Mona. I know may awkwardness dahil doon sa mga nangyari. She apologizes again to me before the competition at hindi ko magawang sabihin sa kanya na okay lang at kalimutan na ang ginawa niya, because I know I'm still deeply hurt. Alam kong aware din si Mona doon kaya hindi niya pinupush na maging okay ako sa kanya. I try to act casual around her for the sake na maging maayos ang teamwork namin. But after the first round, pakiramdam ko medyo na break din ang ice between us.
That's nice.
Sana tuloy tuloy na ang ganito.
After an hour and a half, natapos kaming kumain nang busog na busog.
"Thanks sa treat Ms. Alvar, pag po ba nanalo kami ulit sa round two, may pakain ulit?" tanong ni Seb habang palabas kami ng restaurant.
"Oo na. Basta galingan niyo."
"Ayun oh!" masiglang sabi nito. "Gaganahan ulit ako!"
Napatingin ako kay Seb. He looks so happy at nakakahawa ang ngiti niya kaya naman hindi ko rin maiwasan na mapangiti.
Biglang lumingo sa akin si Seb at nagtama ang tingin namin. Agad naman akong napaiwas ng tingin dahil hindi ko ineexpect na lilingon siya. Nahuli niya tuloy akong nakatingin!
"Ba't ka nakatitig?" bulong niya sa akin. "Crush mo 'ko?" he asked with a playful grin.
Napairap ako kasi ang kapal talaga ng mukha niya kahit tama naman siya.
"Hindi. Mukha ka kasing sira," sabi ko sa kanya.
He chuckled at nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang wrist ko. Kinapa niya ang bracelet na suot ko na bigay niya. I feel myself blushed because of his touch.
"Sabi sa'yo lucky charm 'to," he whispered.
Binawi ko yung kamay ko sa pagkakahawak ni Seb dahil pakiramdam ko nag iinit na talaga ang mukha ko. Mamaya mag assume pa siya diyan nang kung anu-ano. Mahirap na. Baka mapaamin ako nang wala sa oras.
"Imbento mo lang yung lucky charm, eh," sabi ko sa kanya.
He grinned, "pero suot mo pa rin."
Hindi ako nakasagot agad. Nakakainis! Malamang suot ko dahil bigay niya!
"Uy bilisan niyo diyan, dadaan pa tayo sa coffee shop," tawag sa amin ni Ms. Alvar. Hindi ko napansin na medyo malayo na pala ang distansya nila sa amin ni Seb at nahuhuli na kami.
"Coming!" I told her at mabilis akong naglakad papalapit kina Ms. Alvar at Mona.
That guy really knows how play with my emotions.
Ms. Alvar gave us an hour break bago mag review. Natulog lang ako for a solid hour. Around three in the afternoon, nag meet kami para mag review. Inuna namin ang math dahil doon kami nahirapan sa first round. Ms. Alvar prepared a series of problems at inorasan niya kami para makita niya kung paano namin i-s-solve ng maayos. Si Mona ang pinaka mabilis mag solve sa amin, kaya ang gameplan, pag math questions, kami ang su-support ni Seb.
Around seven in the evening, we decided to call it a day at nag dinner na kami. Plan pa namin mag kanya kanya pang review pa ulit after dinner pero sinabihan na kami ni Ms. Alvar na mag pahinga na today para hindi kami ma burn out. Tutal free day naman naming tomorrow at pwede pa ulit kaming mag group study.
Nakinig na lang kami sa kanya. Sa totoo lang, feeling ko masyado nang information overload ang utak ko. Hindi ko na kaya pang mag absorb ng new information.
Bumalik na kami sa mga room namin. Nakahiwalay ng room si Seb sa amin at habang kami naman ni Mona ang magkasama sa kwarto. Pag pasok doon, parang bumalik yung awkwardness na wala ni isa ang nag sasalita sa amin.
"Mauna ka na maligo," matipid niyang sabi sa akin.
Hindi naman ako umimik at kinuha ko yung toiletries ko at nag quick shower na ako. Pagkatapos kong mag shower, sumunod naman sa akin si Mona sa loob ng bathroom. Habang nag aayos ako, napalingon ako sa may bintana ng room namin. Since overlooking to sa garden area ng resort, kita ko agad ang mga nakatambay doon. And there, in one of the benches, I saw Seb. Naka pajama na siya at tsinelas habang suot suot niya ang puting hoodie niya. May headset sa tenga at nagbabasa ng libro.
Sabi ni Ms. Alvar wag nang mag review but look at him, imbes na nagpapahinga, nag rereview pa rin.
Sanay akong makita si Seb na laging tulog, o parang hindi nakikinig sa klase. But what if it's just a façade? Because looking at him now, he's working hard.
I know I work hard too, pero pag nakikita ko si Seb, parang mas naiinspire ako na pag butihin lahat.
"Kung nilalapitan mo na lang kaya siya?" I heard Mona said nung pag labas niya sa bathroom.
Agad kong inalis ang tingin ko sa bintana at pinagpatuloy ko ang pag aayos ng mga gamit ko.
"Mukhang busy. Baka makaabala ako," sabi ko sa kanya.
"Di ka naman makakaabala sa kanya," she said. "Crush ka kaya nun."
Napalingon ako kay Mona. She said it nonchalantly.
"Well, alam mo naman na gusto ka ni Seb. Narinig mo nung sinabi niya yun sa akin," she shrugged.
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Alam mong narinig ko?"
Tumango siya.
"Nakita kita nun..." her voice fades. There's a hint of guilt. Siguro dahil naalala rin niya na kahit alam niyang narinig kong gusto ako ni Seb, lumapit pa rin siya sa akin nun para manghingi ng tulong na ilakad siya kay Seb.
Pero sa totoo lang, ayoko nang intindihin yun. Mas kinabahan ako sa fact na baka alm din ni Seb na narinig ko yun!
Hindi ko maialis ang panic sa mukha ko, at nahalata rin ni Mona that's why she said, "don't worry, hindi ka nakita ni Seb."
Medyo nakahinga ako nang maluwag at umiwas ang nang tingin kay Mona.
"Wala lang din naman yun," sabi ko. "Ginamit lang niya ko to turn you down."
Hindi nakaimik agad si Mona. But after a few seconds, what she told me next taken me aback.
"Tingin mo ganun klase si Seb? Yung gagamitin ang ibang tao para i-turn down ako?"
Hindi ako nakasagot sa tanong ni Mona. Pakiramdam ko nasampal ako doon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Napatingin si Mona sa labas ng bintana.
"Kaya puntahan mo na siya. He'll appreciate the moment," sabi nito. "Pero kung ayaw mo, ako na lang bababa."
Agad kong kinuha ang phone, wallet at kung ano mang libro ang nadampot ko.
"Labas lang ako saglit," I told her habang iniiwasan ko ang tingin niya.
Mona didn't say a word.
~*~
Naabutan ko si Seb doon sa may bench na nakatingala. Like he is staring at the sky so intently while there's a soft smile on his face.
Napahinga ako nang malalim. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'to. Bakit binaba ko siya rito? Binilhan ko pa siya ng kape doon sa vending machine na nadaanan ko.
I'm not like this with Harold. I never do things like this with Harold.
Pero kay Seb...
Huminga ulit ako nang malalim.
Bakit ganoon? Alam ko na naman na gusto ko siya at natanggap ko na sa sarili ko yun. Pero looking at him, why do I find myself falling harder?
Ano ba 'to? Normal pa ba 'to?
Biglang ibinaba ni Seb ang tingin niya at nakita niya akong nakatayo doon. Napako ang mga paa ko sa kinalulugaran ko while Seb is giving me a confused look.
Alam kong mukha lang akong tanga dito na nakatayo while clutching my book that's why I will myself to walk towards him.
"Uy, ba't nandito ka?" he asked while giving me a smile. Umusog siya sa kinauupuan niya to make a room for me. Tumabi naman ako sa kanya.
Umiling ako. "Wala lang," sabi ko dito.
"Hmm?" he asked confusedly.
Umiling ulit ako at inabot ko yung kape na binili ko para sa kanya.
Alam kong masyado nang halata ang mga kilos ko pero para akong sasabog.
"Uy ba't nagpakape ka? Anong meron?" tanong ni Seb.
At muli akong umiling.
"A-anong tinitignan mo kanina?"
"Ah.." sabi nito at tumuro sa langit. "Full moon ngayon. Naalala ko lang sinabi mo na pinanganak ka nung full moon."
Naalala pa niya yun?
"Mag rereview ka rin?" tanong niya habang nakatingin doon sa dala dala kong libro.
Ang daling um-oo. Ang daling sabihin na bumaba ako dito sa garden para mag review at hindi ko alam na nandito siya. Ang daling mag palusot.
But for some reason, hindi na rin ako nag attempt. Para na rin kasi akong sasabog.
Kaya umiling ako.
"E-ewan ba't dinala ko 'tong book. Pero nakita kita kaya bumaba ako."
Mas nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Seb dahil sa sinabi ko.
"Bakit naman? May utang ba ako sa'yo? O may need ka?"
Muli akong umiling.
"Eh ano? Gusto mo 'kong makasama?" pangaasar niya sa akin. "Crush mo 'ko 'no!" the usual na pamimikon niya.
On a normal day, iirapan ko lang siya at sasabihin kong ang kapal naman niya para mag assume.
Pero ngayon, hindi ko magawa ito.
Hindi ako umiling. I remained silent. My face is heating up and I can't even look at Seb. Dama ko ang kaba sa dibdib ko habang parang nanginginig ang kamay ko.
"Iris?" tawag niya sa akin. Naging seryoso rin ang tono ni Seb.
Huminga ako nang malalim at nilingon ko si Seb. I look at him directly in the eye at kita ko na nagulat siya sa biglaan kong pag lingon.
Nakakalunod ang mata niya, but still, hindi ko inalis ang eye contact ko sa kanya.
"Oo," sabi ko sa kanya.
"H-ha?"
Muli akong huminga nang malalim at hinugot ko lahat ng lakas ng loob na kaya kong hugutin sa buong pagkatao ko.
And then, I told him.
"Sabi ko, oo. Gusto kita."
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top