Chapter Fifty

Chapter Fifty

I am sleep deprived because of a guy. Again.

Napatitig na lang ako sa kisame ng kwarto habang pinapatay ng kanang kamay ko ang phone kong nag a-alarm.

I's a holiday today kaya naman wala kaming pasok sa school. Pero nakalimutan kong mag off ng alarm ko kagabi kaya ito, nagising pa rin ako ng 6AM.

Isa't kalahating oras pa lang ang tulog ko.

Siguro ganito na talaga ako. Pag may bagay akong hindi naiintindihan about sa nararamdaman ko, hindi ako makakatulog hangga't hindi ko na-a-analyze maigi ito.

I spent my night analyzing about my feelings for Seb.

It's a fact that I am starting to fall for him. Hindi ko na matatanggi ito, at alam kong walang use kung pilit kong aalamin kung paano nag start ang feelings na 'to. Pero malaki ang hinala ko na the reason why I got moved on so fast from Harold is because of Seb.

Now down to the next fact---yes, I feel scared that I am falling for this guy. At ito yung ang tagal tagal kong inanalyze kagabi kung bakit.

I am closer to Seb. I am more comfortable with Seb. Sa lahat ng tao, sa kanya ko lang kayang mag open up nang buong buo. And that contributes sa isa sa mga kinatatakot ko.

What if dahil sa feelings ko, bigla siyang mawala sa akin?

Pero hindi lang 'yun. More than that, hindi ko alam kung ano ako para kay Seb. Hanggang ngayon gulong gulo pa rin ako.

Una, nakita ko siya noon na may ka holding hands na babae. Hindi lang yun, may isang beses din na sinabi niya sa akin na may ka date siya. Ang tanong, sino yun? May girlfriend ba siya? Naging girlfriend? Niligawan? Hindi ko alam.

Pangalawa, umamin siya sa akin dati na gusto niya si Mona. Pero nung nag confess naman si Mona sa kanya, sinabi niya na ako ang gusto niya.

That leads to my third issue, totoo ba na gusto niya ako o hindi? Ginawa niya lang bang palusot yun?

I sometimes feel na special ang treatment sa akin ni Seb. Pero hindi ko rin matiyak dahil kung iisipin, mabait din siya kina Chichi at LJ. Inaalagaan din niya ang dalawa.

At kung gusto niya ako kaya niya ginagawa ang mga bagay na yun, what's stopping him for confessing?

He gave me clue kung sino ang crush niya. Yung kantang hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang title.

Kung ako yun, bakit hindi na lang niya directly sinabi sa akin?

Seb is confusing me.

Yung kay Harold, sobrang linaw na wala siyang gusto sa akin. Pero kay Seb, hindi ko alam. Naguguluhan ako.

And maybe that's the main reason why I am scared. Because I don't know what to expect.

~*~

Around past seven, naisipan ko nang bumangon to cook breakfast for my dad. Kahit kasi holiday, kailangan pa rin niyang pumasok sa office. And since lunch time pa naman kami magkikita kita nina LJ, naisip kong ako na lang ang mag luluto ng breakfast ngayon.

"Dalaga na anak ko," sabi ni daddy nung nakita niyang nasa kusina ako at nag luluto. Nag panggap pa siyang naiiyak iyak. Napairap na lang ako.

Sometimes dads can be so dramatic.

"Sabihin mo sa daddy mo thank you sa pa cake," sabi ni Chichi sa akin nang makarating ako sa bahay nila. May binili kasing cake si daddy para sa amin na pilit niya talagang pinabaon sa akin.

"Yown cake oh!" sabi naman ni LJ na kasalukuyang nakasalampak ngayon sa pink at bulaklaking kama ni Chichi. Maraming gamit sa kwarto ni Chichi. Mga stufftoys sa tukador at kama, iba't ibang mga cute na una---may flower shape, heart shape, etc. Ang dami rin naka dikit sa pader. Mga posters ng mga kpop idols, pati mga pictures namin na pinrint niya sa polaroid film. Sobrang opposite ng room ko na walang masyadong gamit. Kung ano lang ang importante. Pero nainggit ako. Parang gusto ko ring mag lagay ng mga pictures namin.

Nakita kong binubuksan na agad ni LJ yung cake na dala ko pero sinuway naman siya ni Chichi at sinabing kakain muna kami ng dinner.

Kanina pa raw nandito si LJ. Nagulat na lang daw si Chichi n aumaga pa lang, nasa labas na ng bahay nila si LJ.

"Eh ayokong tumambay sa amin," sabi nito habang kumakain kami ng lunch. "Ang bad vibes ng mood."

"Hindi pa rin kayo nag uusap ng papa mo?" tanong ko rito.

Tumango siya, "wala, ayaw naming magkibuan pareho. Kung hindi niya ako tanggap, edi hindi. May magagawa ba ako?"

There's pain in LJ's voice. Nakwento na niya sa amin ni Chichi ang nangyari. Her mom's in shocked nung nalaman niya ang tungkol kay LJ. Muntik pa raw siya ipag pray over. Pero after a day, nagusap din sila ng mommy niya at naging okay sila. Her siblings doesn't mind from the very start. Sabi pa nga raw nung isa na matagal na nilang alam yun kasi masaydong obvious si LJ. Pero yung papa niya, hanggang ngayon mukhang hirap pa rin tanggapin.

"Baka kailangan lang ng time ni Tito," sabi ni Chichi. "Alam mo naman, ikaw ang paboritong anak nun. Hindi ka matitiis nun."

"Tinitiis na nga niya ako ngayon," sabi ni LJ. "Buti pa kayo ng daddy mo Iris, okay na kayo."

Yes, naikwento ko na rin sa kanila ang tungkol sa amin ni daddy—pati ang nangyari noon kay mommy. Akala ko nga habang nag kukwento ako, maiiyak ako. Pero hindi. I manage to tell it to them calmly, siguro dahil okay na rin ang lahat ngayon. Mas naiyak pa nga si Chichi habang nagkukwento ako eh.

"And speaking of..." pag iiba naman ni LJ ng topic. "Ikaw Chichi, 'di pa ba kayo bati ni Harold?"

Napalingon ako kay Chichi, "nag away kayo ni Harold?!"

"Hindi kami nag away," paliwanag naman ni Chichi. "Hindi ko lang alam kung paano siya haharapin after ko siyang---you know---i-turn down."

"Ayorn, nabasted," sabi ni LJ. "Sira diskarte din nung isang 'yun eh."

Napabuntong hininga ako and I also feel bad for Harold.

Hindi pa kami nag uusap ulit at hindi ko pa nagagawang ipaliwanag ang side ko, at kahit masama ang loob ko sa kanya, naiintindihan ko pa rin why he acted that way.

Tagal nga naman niyang pinlano na umamin kay Chichi only for his feelings to be revealed that way. Siguro katulad lang din ni LJ, nanakawan siya ng chance na sa kanya mismo manggaling iyon.

"Chi... I hope hindi ako ang dahilan bakit mo siya tinurn-down," sabi ko, and I feel guilty pag iniisip ko yun.

"Uy hindi 'no!" giit ni Chichi. "Okay, I admit nagkaroon din ako ng crush dati kay Harold."

"Hindi ngaaaa?" sabi ni LJ na parang 'di siya makapaniwala sabay tulak kay Chichi. "Ang galing niyo magtago ng feelings ni Harold ha! Hindi halata! Pero ba't mo siya binasted?"

"Eh hindi ko na siya crush," diretsahan namang sagot ni Chichi. "Naguguluhan kasi ako dati sa kanya. Akala ko gusto niya si Mona, tapos akala ko rin gusto niya si Iris. So ako naman syempre, ayokong aksayahin ang beauty ko sa isang lalaki na 'di ako gusto, kaya nag move-on ako. Eh it turns out, type pala niya ako all this time. Too late na nga lang nung nalaman ko."

"Bilis mo ring naka move on ha," sabi ni LJ.

Napangiti si Chichi, "kasalanan ni Glen, mang aagaw ng atensyon."

Pareho kaming napangiti ni LJ dahil kitang kita namin ang saya sa mata ni Chichi.

"Kayo na ba?" tanong ko.

"Uy hindi ano baaaa!" sagot ni Chichi na parang nahihiya hiya. "Pero sobrang happy kasi ako pag kasama siya like mas ten times pa ang saya kesa nung time na kasama ko si Harold. Akala ko sagad na yung feelings ko nun kay Harold, and then Glen came and boom, kaya ko pa palang mas mainlove nang malalim? Alam nyo yun? Ang cute kasi niya! Tsaka ang funny! I mean, hindi naman niya intensyon mag patawa pero napapatawa niya ako. Tapos alam niyo ba nung nag away away tayo, hindi ako iniwan nun. Girls ang sweet niya, binilhan niya ako ng turon at gulaman to cheer me up!"

Napapahawak sa noo si LJ, "parang kailan lang sinabihan mo siya na mukha siyang planggana."

"Eh kaaway pa natin siya nun. May character development naman siya! Tsaka hello... ngayong nakilala ko na siya, sobrang sweet niya. Tsaka chill lang talaga pag kausap ko siya? Alam niyo yun? Ang happy lang." Nagpangalumbaba si Chichi, "kaso mukhang torpe. Kung pwede nga lang ako na manligaw sa kanya, eh."

Hinila ni LJ yung ilang strands ng buhok ni Chichi. Napa aray naman si Chichi habang napatawa ako.

Pero napaisip din ako.

Posible pala talaga yung naka move on ka agad sa isang tao dahil may biglang umagaw ng atensyon mo.

Posible rin na mas malala yung maging tama mo doon sa napapatawa ka at chill lang na nakakausap mo.

I clutched my chest.

Heart, please stay still.

~*~

"May idea ka ba kung sino ang gumawa, Iris?" tanong sa akin ni LJ.

Katatapos lang namin mag lunch at kasalukuyan na naming kinakain yung cake na binili ni daddy. Nag timpla rin si Chichi ng kape bilang katerno nito.

At ngayon, napunta na ang usapan namin tungkol sa kung sino ang nag lagay ng regalo ni LJ sa board at ang nag send kay Chichi nung voice recording.

Hindi ako makasagot sa tanong ni LJ. Sa totoo lang, isa lang naman ang iniisip kong pwedeng gumawa nun, pero hindi ko alam kung tama ba na mag bintang ako.

"Meron 'no?" tanong ni LJ. "It's okay, pwede mong sabihin sa amin."

Huminga ako nang malalim. "Si Mona."

Parehong natahimik ang dalawa.

"It made sense," sabi ni LJ. "Sino sino lang ba ang nasa eatery namin nung nawala yung regalo? Ikaw, umalis ka nun. Si Seb, sinundan ka. Naiwan si Chichi, Glen, Mona at Harold."

"Palagi kong kasama si Glen sa kusina," sabi ni Chichi.

"That leaves Mona and Harold," sabi naman ni LJ.

"At biktima rin si Harold nung recording," sabi ni Chichi.

"Oo nga," sabi naman ni LJ. "Kung iisipin, doon din natin sa cafeteria pinagusapan yung nasa recording. And all of a sudden, nakita ko na nandoon na pala si Mona. So posibleng narinig niya."

"Actually nung nagalit ako, idinidiin niya pa lalo sa akin si Iris," sabi naman ni Chichi.

"Pero ang tanong, bakit niya ginawa 'to?" sabi ni LJ. "Gusto ko siyang kumprontahin. Kasi gago nun, makakatikim talaga sa akin yun. 'Di niya alam yung bigat nang nagawa niya."

"Wag muna," awat ko naman kay LJ. "We need to prove first na siya ang gumawa, kasi itatanggi niya lang yun kung kokomprontahin natin siya."

"Tama!" sagot ni Chichi. "Magpapaka detective dapat tayo! Pero curious talaga ako, anong dahilan ni Mona."

Hindi ako umimik. Posibleng dahil gusto niya si Seb.

Pero hindi ko pa rin maiwasan na isipin na kayang gawin ng isang tao ito dahil sa selos. I just feel like, there's more to Mona's action than what I see.

And I badly want to understand her.

Ang dami pa namin napag kwentuhan nina Chichi at LJ na umabot kami nang hanggang alas-syete ng gabi. Chichi offered na dito na kami mag dinner pero nag promise ako sa daddy ko na sabay kaming mag hahapunan kaya naman nauna na ako ng alis. Meanwhile, si LJ naman nagpaiwan kina Chichi dahil ayaw pa talaga niyang umuwi sa kanila.

Sana talaga magkausap na sila ng papa niya.

"Ingat ka pauwi Iris ha?" sabi ni Chichi habang hinahatid niya ako palabas sa gate nila. After three blocks, makakalabas ka na sa subdivision, pwede mong lakarin. Bihira kasi ang dumadaan na tricycle. Teka, samahan na lang kaya kita? Gabi na eh."

"Uy hindi okay lang," sabi ko kay Chichi. "Kaya ko na 'to."

"Si Seb!" biglang sabi ni Chichi na agad akong napalingon sa tinuturo niya.

Pakiramdam ko parang biglang talon ng puso ko nang makita ko si Seb na nakatambay doon sa sari sari store malapit sa bahay nina Chichi at mukhang umiinom pa ng juice na nabili niya.

He's wearing a white shirt paired with a jersey shorts. Naka tsinelas lang din 'to. Ganun pa rin, magulo pa rin ang buhok niya, gusot ang damit, pero... bakit ang gwapo na niya sa paningin ko?

Hindi katulad ng kay Harold but...

He's glowing.

Lalo na nung lumingon siya sa amin, tapos nung nagtama tingin namin, nakita kong napangiti siya.

Ito na ba yung sinasabi ni Chichi na mang aagaw ng atensyon? Yung ganito?

"Lagi yang tambay si Seb sa tindahan na yan," sabi ni Chichi.

Lumapit naman sa amin si Seb. Halata sa mukha niya na hindi niya ineexpect na makikita niya ako dito. And I swear, I feel like ganoon din ang surprise sa mukha ko.

"Uy, si Ms Pres nandito," sabi ni Seb sa akin.

"Oo chumika kami!" sabi naman ni Chichi. "Ihatid mo nga siya palabas. Baka may humarang sa kanya diyan eh."

"Magkano bayad?" tanong ni Seb habang nakangisi ng malawak.

Ay. May bayad yung pag hatid sa akin.

"Okay lang ako na lang," sabi ko at tatalikod na ako pero hinawakan ni Seb ang braso ko that sent electricity all over my body.

Please. Nanghihina ako.

"Joke lang!" sabi niya. "Alam mo namang malakas ka sa kin eh."

"O ikaw na bahala diyan Seb ha!" bilin ni Chichi at nagpaalam na siya sa amin papasok ng bahay nila.

"Tara lets?" sabi ni Seb, at nag simula na kaming mag lakad.

Huminga ako nang malalim at tumingala na lang ako sa langit while trying to distract my feelings. Ilang beses ko nang nakasabay si Seb na umuwi, pero iba yung pakiramdam ngayon.

Iba ang pakiramdam nung inamin ko na sa sarili ko na gusto ko siya.

Nung pag tingin ko sa langit, I saw a clear sky kaya naman kitang kita ko yung buwan. Napahinto ako saglit at napatitig.

"Full moon," sabi ko kay Seb.

Napahinto rin si Seb at napatingin sa langit.

"Oo nga 'no?"

"Favorite ni mommy," sabi ko sa kanya. "Nung bata ako, may telescope kami sa bahay tapos favorite bonding time namin ni Mommy yung tumingin sa buwan. Alam mo pinanganak ako during full moon?"

Napangiti si Seb dito, "you're a moon child."

"Baka nga? Baka rin kaya I know the phases of the moon by heart," kwento ko kay Seb. "Sabi nun ni mommy, phases of the moon mirrors us, human beings. Kasi 'di ba may iba't ibang cycle ang moon. Minsan half, minsan crescent, minsan full. Parang tayo lang daw, hindi tayo palaging buo, pero darating at darating din yung time na mabubuo tayo. Like the full moon."

Napatingin sa akin si Seb and then he smiled at me, "nasaan ka na bang phase ngayon, Iris?"

Napaisip ako sa tanong niya, "hindi ko alam. Siguro nasa phase na ako when everything's falling into place? Okay na kami ni daddy, okay na kami nina Chichi at LJ, tapos lately naisip ko na rin kung ano ang gusto kong i-take na course sa college."

"Pwede mo bang i-share sa akin kung ano?" tanong niya.

"Gusto kong maging vet tulad ni mommy," sabi ko. "Narealize ko yun after ung mangyari kay Sebbie. I want to save animals."

Napangiti si Seb sa sinabi ko.

"Sobrang bagay sa'yo yun. Naiimagine na agad kita na isang vet. At sigurado ako na magiging proud sa'yo ang mommy mo."

Hindi ko rin maiwasan na mapangiti dahil sa sinabi niya, "talaga? Tingin mo okay ako na maging vet?"

"Oo naman! Kita mo ba nung kinuha natin si Sebbie sa kalsada? Gusto niya agad sa'yo! Hanggang ngayon nga masama pa rin loob ko kasi ang sungit pa rin sa akin ni Sebbie. Kaya pag sabihan mo yang anak mo ha."

Natawa ako sa sinabi ni Seb.

"Bagay sa'yo yung mga bagay na nagpapasaya sa'yo," he said, this time sincerely. "Wag mong masaydong isipin ang iba, Iris. Gawin mo ang mga bagay na nagpapasaya sa'yo."

Humakbang papalapit sa akin si Seb and he pat the top of my head as he looks at me in the eyes. His stare is piercing, na parang tumatagos sa buong pagkatao ko.

He leans forward and whispered something in my ear.

"Stay wild, moon child. I'm proud of you," he said at bahagya siyang humiwalay. I can see a genuine smile on his face. I can feel the warmth of his voice. And I am flooded by this overwhelming feelings na alam kong sincerely siyang nag c-care sa akin.

At gusto ko na lang maiyak. Pero pinigilan ko.

"Ikaw?" tanong ko kay Seb. "Anong plano mo after college?"

Tumingin si Seb sa langit and then he shrugged.

"Ano nga ba?" sabi nito at muli niyang ibinalik ang tingin niya sa akin. "Mag apply na lang kaya ako bilang clown mo?"

Pinanliitan ko siya nang mata. Natawa naman siya.

"Tara na! Baka gabihin pa tayo!" sabi nito at nauna siyang maglakad.

Napahinga ako nang malalim and I can feel something piercing in my heart.

I already let down my walls when it comes to Seb. Lahat na nang bagay tungkol sa akin, nakukwento ko sa kanya---even my traumas, even the bad parts.

Pero bakit ganun?

Bakit pakiramdam ko, may mataas na wall pa rin na nakapaligid kay Seb na walang makatibag---kahit ako.

Everytime na nagtatanong ako tungkol sa kanya, hindi niya sineseryoso ang sagot.

Bakit ayaw niya akong papasukin?

This is another reason why I'm scared that I am falling for him.

Dahil hindi ko sigurado if I truly know the real Seb. 

To be continued...

Happy first day of face to face class sa mga students na readers ko! I hope you had a good day <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top