Chapter Eleven

Chapter Eleven


"Sino kaya 'yun? Ang ganda."

Ayan ang sabi sa akin ni Harold habang nakatingin siya doon sa babae na nakabangaan niya. Hindi mawala sa isip ko ang itsura ni Harold nun. Sinundan pa niya nang tingin yung babae habang papasok ito sa loob ng teacher's office.

"Baka new student," sagot ko sa kanya pero parang hindi na niya ako narinig kasi nabusy na siyang titigan yung babae.

Napabuntong hininga ako habang hawak hawak ko yung chocolate drink na bigay niya. Lunch break, at mag isa ako ngayon dito sa open field ng school namin at nakaupo sa isa sa mga bench sa ilalim ng puno. Kanina ko pa iniisip yung nangyari kanina tapos pakiramdam ko parang may tumutusok sa puso ko.

Asa pa akong may gusto si Harold sa akin. Nakakita nga lang nang maganda, nawala na agad atensyon niya sa akin. Yung pagiging mabait niya, ginagawa niya sa akin yun hindi dahil special ako, but because mabait na tao lang talaga siya at ganun siya sa lahat.

Kaya self, please don't misunderstood. Pag mali ka ng assumption at asang asa ka na, masasaktan ka lang. Gagawa ka lang ng bagay na ikaka distract ng sarili mo.

Tsaka ayos, kung new student yung girl, edi one way or another magiging magkakilala sila ni Harold. They will fall in love kasi I'm sure magugustuhan niya rin si Harold. Who wouldn't? Tanga na lang yung hindi magkakagusto sa kanya. Tapos pag nangyari yun, I will be forced to move on tapos makakalaya na ako sa nararamdaman ko na 'to.

Tinignan ko ulit yung chocolate drink na binigay ni Harold sa akin. Wala pa akong planong inumin 'to. Ewan, gusto ko lang muna itago kasi bigay niya 'to eh. Yung mga simpleng bagay nap ag tulong niya sa akin sa pagbubuhat ng notebook at pagaabot ng chocolate drinks meant a lot. Pero alam ko darating din yung time na hindi na ako ganitong maapektuhan sa mga simpleng paganito ni Harold. Excited na akong dumating ang araw nay un.

"Soon," bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa chocolate drink.

"Kung ayaw mo niyan akin na lang."

Bigla akong napalingon sa likod ko nang marinig ko ang boses ni Seb and before I knew it, nahablot na niya yung chocolate drink sa kamay ko.

"SEB---!!"

Bago ko pa siya mapigilan, tinusok na niya yung straw doon sa chocolate drink at sinimulan niyang inumin.

"Sarap nito ah?" sabi niya.

I look at him in disbelief. Iniinom niya ngayon yung chocolate drink na bigay ni Harold. YUNG BIGAY NI HAROLD. Eh wala pa akong plano inumin yon! Alam ko gusto ko nang mag move on pero hindi pa ngayon! Gusto ko pa titigan ng matagal yung chocolate drink tapos iniinom ni Seb ngayon tapos mukhang enjoy na enjoy pa siya?!

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko at hindi ko na napigilan ang sarili kong mapasigaw, "NAKAKAINIS KA ALAM MO?!"

Halos mapatalon si Seb sa tabi ko dahil sa biglaan kong pag sigaw.

"Whoa.. g-galit ka?"

Inambaan ko siya ng sapak at bahagya siya napaatras.

"Lumayo layo ka sa'kin nababanas ako sa'yo!"

Nag walk out ako sa sobrang inis. I hate that guy! I really hate that guy!!

~*~

Hindi ko pinapansin si Seb. Oo alam ko ang petty na nagagalit ako over a chocolate drink pero bakit ba? Epal siya eh. Bakit bigla siya nangunguha ng chocolate drink na hindi naman sa kanya? At walang tanong tanong kung okay lang kuhanin niya? Basta niya hahablutin sa kamay ko? Tapos iinumin ng diretso?

Pag naalala ko itsura niya nababadtrip ako. As in sobrang nababadtrip ako. Gusto ko siya sapakin.

"Kulang na lang labasan na ng apoy yang butas ng ilong mo, Ms. Prez," sabi ni LJ sa akin. Pauwi na kami and as usual sinasabayan na naman ako ni LJ at Chichi palabas ng school.

"Oo nga, pansin ko kanina ka pa bad mood. May nangyari ba?" tanong naman ni Chichi.

Umiling lang ako bilang sagot.

"Nga pala ano oras nga meeting natin bukas?" tanong ni LJ. It's Saturday tomorrow at finally aasikasuhin na rin namin yung project namin sa History. We've decided na mag meeting sa bahay nina LJ para sa gagawin namin.

'Di ba nakakabanas? Weekend bukas and yet makikita ko pagmumukha nung Seb epal.

"After lunch na lang, mga around two?" sabi ko. "Inform niyo na lang din si Seb."

"Inform saan?" dinig kong sabi ni Seb na parang kabute na biglang sumulpot sa tabi ko at umakbay sa akin.

Bigla na naman uminit ang ulo ko at lumayo tinabing ko ang braso niya sa pagkakaakbay sa akin.

"Oy Seb bukas yung meeting, " sabi ni LJ sa kanya.

"Oo naman naalala ko 'yon," sabi ni Seb at hinarap niya ko. "Miss Pres, tara kain tayo fishball libre ko."

"No thanks," I said curtly at binilisan ko ang pag lalakad.

Pero dahil sa matangkad siya, madali niya nasabayan yung pace ko.

"Huy, galit ka ba sa akin?"

"Hindi," yamot kong sabi.

"Eh ba't ang taray mo?"

"Ganito lang talaga ako okay?" inis kong sagot.

"Galit ka eh. Dahil ba nag sorry sa'yo mga kaklase natin?"

"Huh? Tapos na 'yun 'di ba?"

Mas binilisan ko ang paglalakad ko na halos patakbo na ako pero nasasabayan pa rin ako ni Seb. Alam kong na w-weirduhan na sa amin sina LJ at Chichi pero dedma, bahala na si Seb magpaliwanag. Napipikon lang talaga ako.

"Dahil ininom ko yung choco mo?"

Pagkasabi niya nun, bigla na naman nag flash sa isip ko yung itsura niya nung iniinom niya yung chocolate drink na bigay ni Harold. BIGAY NI HAROLD. Mas lalo tuloy ako nainis.

Hinarap ko siya at tinignan ko nang masama.

"Hindi nga sabi eh! Bakit naman ako magagalit na ininom mo yung chocolate? Napakaliit na bagay lang naman yun! Pero sana next time nag papaalam ka kesa yung basta basta kang nangunguha nang di sa'yo!" pagtataas ko nang boses at nag walk out ako bago pa makapag salita si Seb. Buti na lang din at nakita kong nakahinto yung bus na sasakyan ko kaya dali dali akong sumakay.

Gusto ko na lang magpakain sa lupa.

~*~

Ang petty ko. Sobrang petty ko at hindi ako makatulog kasi naiinis ako sa sarili ko. I can't believe na I lose my temper over a chocolate drink. At ngayon parang bigla akong nahiya sa inasal ko.

Pag inaasar ako ng mga kaklase namin, or nagpapasaway sila o sinasabihan nila ako nang kung anu-ano, I still manage to maintain my composure. Pero yung inasal ko kanina...

Okay fine, na g-guilty na ako. Alam ko mali si Seb pero mali rin ako na sigawan siya. At alam ko naman na nadamay lang siya sa selos ko kanina sa nangyari sa teacher's office.

Pero kahit na! Ang epal talaga nung ginawa niya! Hindi naman sa kanya yun, eh!

So hindi pa rin ako mag s-sorry. Tama. Tama?

Napabangon ako sa kama at napahinga nang malalim.

What the hell is happening to you Iris? Sobrang distracted mo ngayong araw, halu-halo pa emosyon mo tapos ngayon naiinis ka dahil sa mababaw na dahilan?

This is bad. This is really bad. It means I'm already getting affected sa mga nasa paligid ko.

It means I'm getting attached.

Hindi pwede 'to. Dapat tigilan ko na 'to.

Okay, I should get my shit together. Hindi ko na masyado iisipin si Harold, tapos I'll just talk casually to Seb tomorrow na parang walang nangyari.

Okay tama, ganun ang gagawin ko.

Tama. Kaya ko 'to kasi nagawa ko na yan dati sa mga taong napapalapit sa akin, eh. Walang pagkakaiba yung ngayon.

Ayun naman ang hidden talent ko. I'm so good at cutting people off my life.

~*~

The next day, I prepared early to go to LJ's house. But just when I was about to leave the house, I received a text from seb.

'Psst Iris papunta ka na kina LJ?'

Napairap ako. Makatanong kala mo walang atraso sa akin.

Huminga ako malalim. Okay, sabi ko 'di ba hindi na ako magpapaapekto?

Talk to him casually. Casually okay?

'Yep. Paalis na 'ko,' reply ko.

'Yown, ayos! Sabay na tayo. Dito ko sa tapat ng gate niyo.'

Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko. Nasa labas siya ng gate namin?! Paano niya nalaman bahay ko? At bakit siya nandiyan?!

Dali dali kong kinuha yung gamit ko at lumabas ng bahay. At oo nga, nandoon nga si Seb but he's not alone.

He's with Harold.

Halos malaglag ang puso ko nung makita ko si Harold with his casual clothes. Naka putting t-shirt siya at color blue na cap. Contrast sa suot ni Seb na naka black shirt at black cap. May pinaguusapan yung dalawa narinig ko natawa si Harold sa sinabi ni Seb. Pakiramdam ko yung kaninang halos mahulog na puso ko biglang lumundag.

Napalingon si Harold sa direction ko at napangiti siya nung nakita niya ako.

"Miss prez!" tawag niya sa akin at nag wave siya.

Ang ganda ng ngiti niya parang gusto kong maiyak.

Kasi kakapromise ko lang sa sarili ko na di ko na siya iisipin pero eto na naman ako, nahulog na naman.

Paano ba kumawala sa ganitong feeling?

To be continued...

A/N

Gusto ko lang malaman:

Team Harold

or

Team Seb?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top