141 𐊪

Kumportableng isinandal ni Frankie ang likod niya sa upuan ng kotse ni Reid. Siniguro na muna nitong nakasarang mabuti ang roll up door ng office. Masakit na rin kasi ang paa niya dahil maghapon siyang nakatayo.

Walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa mga susunod. Alam na ni Reid at hindi siya mapakali. Natatakot siyang magkatotoo ang sinabi ng manager nito, pero tama rin naman ang makaibigan niyang may karapatang malaman si Reid.

Inayos niya ang upuan para medyo maihiga iyon. Pumikit siya at hinaplos ang tiyan niya nang bumukas ang pinto ng driver's seat.

Pagkapasok sa kotse, kaagad na tinanggal ni Reid ang hood sa ulo at tiningnan siya nang patagilid. "Inaantok ka na?"

"Sobra," sagot ni Frankie.

"Saan ka pala nakatira ngayon?" tanong ni Reid. "Sure akong hindi na sa apartment n'yo ni Harley noon dahil nag-try akong magpunta roon."

Hindi nakasagot si Frankie dahil parang piniga ang puso niya sa pagkakasabi nito. Bukod sa mababa ang boses, alam niyang may lungkot. Buntis lang siya, hindi manhid. Isa pa, alam niya ang boses ni Reid.

"Lumipat kami medyo malapit dito. Siguro mga fifteen minutes away para hindi na 'ko mahirapan," aniya at hinaplos ang tiyan. "Hinahatid naman ako ni Risha pauwi kasi nadadaanan naman." Humikhab siya.

Tumango si Reid at nagsimula nang magmaneho. Na-miss niya itong panooring mag-drive lang. Ganoon kalala na kahit na nagmamaneho lang naman, guwapong-guwapo siya.

"Ituro mo na lang 'yong daan para maihatid na kita," sabi ni Reid nang hindi siya tinitingnan. "Para makapagpahinga ka na rin."

Muling humikhab si Frankie. "Musta ka na pala? Congratulations sa mga award mo."

"Thank you." Tipid ang sagot ni Reid na hindi pa rin tumingin sa kaniya. "Matagal ka na bang nagtatrabaho kay Risha?"

"After graduation," ani Frankie at nilingon ang daan. Medyo traffic dahil rush hour na rin. "Nag-offer naman siya kaya tinanggap ko. Sino ba naman ako para umarte, 'di ba?"

Pasimpleng nilingon ni Reid si Frankie at bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakalapat sa tiyan. Hindi niya alam ang sasabihin hanggang sa marinig ang busina mula sa likuran nila dahil umaandar na pala ang nasa unahan.

Marami siyang gustong itanong, pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula.

"Ano'ng dress pala 'yong napili for your graduation?" Iyon na ang pinakamaayos na tanong na naisip niya. "Sinuot mo ba 'yong dark yellow? Bagay sa 'yo 'yon."

Yumuko si Frankie at inayos ang upuan para dumiretso siya ng upo. "Puwede ba tayong dumaan sa may KFC? Medyo malapit na siya. Gusto ko ng mashed potato sana? Bababa na lang ako para bumili."

Tumango si Reid at ganoon ang ginawa nila. Nahihiya siyang si Frankie pa ang bibili, pero tama ito sa parteng hindi naman niya iyon magagawa. Halos araw-araw niyang pinag-iisipan ang tungkol sa sinabi nito dahil may katotoohanan iyon.

Na wala siyang magawa.

Tinawagan niya ang mga kaibigan niya tungkol sa pagkikita nila ni Frankie. Masaya ang mga ito para sa kaniya, pero siya mismo, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya.

"Okay na?" Inayos ni Reid ang paperbag na hawak ni Frankie. "Nabili mo na ba lahat?"

"Oo. Kinuhanan kita ng extra brownies. Baka mamaya kainin mo na naman 'yong sa 'kin, eh," natatawang sabi nito. "Kinuhanan din kita ng famous bowl at saka ng mushroom soup. Pareho na lang tayo. Hindi ko alam kung anong gusto mo ngayon, eh."

Tipid na ngumiti si Reid bilang sagot. Nasa parking lot pa rin sila nang magsimulang kumain si Frankie. Pumikit ito pagkahigop sa sabaw at tumigin sa kaniya.

"Hindi ka kakain?" nagsalubong ang kilay ni Frankie.

"Ilang months ka nang buntis? Nagpapa-check up ka ba nang maayos? Maayos ba 'yong mga kinakain mo?" sunod-sunod na tanong ni Reid. "A-Alam ba ng parents mo?"

Ibinaba ni Frankie ang hawak na soup at tumingin sa kung saan. "Oo, alam na nila. Wala naman silang sinabi. Wala rin naman akong balak pakinggan pa 'yong sasabihin nila. Simula rin naman noong hindi ako um-attend ng graduation, hindi na rin nila ako kinau—"

"Hindi ka . . ." Tumigil si Reid at huminga. "Bakit?"

"Ayoko, eh." Hinalo ni Frankie ang pineapple juice na hawak niya. "Wala namang matutuwa kasi wala akong honor. Hindi ako nasabit sa cum laude, eh. Nagalit si papa kasi ang tamad ko raw."

Hindi sumagot si Reid kaya lumingon si Frankie. Nakayuko nitong hinahalo ang hawak na bowl ng mushroom soup. Bigla siyang na-curious kung ano ba ang tumatakbo sa isip nito, pero hindi niya magawang magtanong.

"Almost seven months na rin pala," ani Frankie nang maalala ang unang tanong. "Parang seven to eight weeks na rin kasi noong nalaman ko. Suka kasi ako nang suka noon sa office tapos sabi ni Risha, mag-test ako kasi ganoon daw siya noon. Siyempre nag-test ako kasi alam ko naman na may nangyari sa 'tin."

Nanatili ang tingin ni Reid kay Frankie at seryosong nakikinig.

"Noong una, malabo pa 'yong line, pero sabi ni Risha, positive na raw 'yon kaya sinamahan niya 'ko sa OB-GYNE niya," pagpapatuloy ni Frankie. "Kinuhanan nila ako ng dugo kasi mas accurate 'tapos ultrasound. Ayon, confirmed," ngumiti siya.

Pabagsak na sumandal si Reid sa upuan at nilingon ang kaliwa para hindi makita ni Frankie ang pamumuo ng luha niya. "Sana sinabi mo sa 'kin. Ako kasi dapat 'yong kasama mo, eh."

Bumagsak na rin ang luha ni Frankie. "Okay lang naman. Naging okay lang nama—"

"Hindi ako naging okay, Frankien." Humarap si Reid kasabay rin na bumagsak ang luha nito. "Hindi ako naging okay. Kung wala pang nakakita sa 'yo, wala akong alam. Hindi ko malalaman. Bakit naman ganito?"

"Ikaw lang naman ang inisip ko, Reid," suminghot si Frankie. "Tingin mo ba kung nalaman mo 'to, magiging best actor ka? Makukuha ka sa international films? Kung meron akong goal, meron ka rin, at nakita ko 'yon. Ayokong nakawin sa 'yo 'yon."

Walang sagot mula kay Reid na nakasandal sa upuan, nakatingala, at nakapikit. Kita ni Frankie ang lalim ng bawat paghinga at ang kamay na nakakuyom na kailan man ay hindi niya nakita noong magkasama pa sila.

"Frankien." Nilingon siya ni Reid. "Puwede ka bang sumama muna sa 'kin ngayon? Kahit ngayon lang. Please?"

Kahit na nakapag-decided naman na talaga siya, yumuko siya at nagkunwari munang nag-isip para hindi halatang marupok. Tumingin siya sa bintana para patagalin ang kunwaring pagdedesisyon kahit na ang totoo, hinihintay lang naman niya itong magtanong.

"Sige," aniya at hinarap si Reid.

Reid didn't waste anymore time. Hindi na niya kinain ang bigay ni Frankie ngunit hinayaan niya ito habang nagmamaneho siya. Paminsan-minsan niya itong tinitingnang masayang kumakain.

Dumiretso sila sa condo ng ate niya. Wala ito dahil mayroong shoot sa New York. Isa pa, kahit naroon ang ate niya ay roon niya dadalhin si Frankie dahil mas safe.

Tulad noon, sa city lights kaagad ang punta ni Frankie. Inayos naman ni Reid ang pagkain nila sa sala dahil hindi pa rin pala ito tapos.

Samantalang amazed na amazed pa rin si Frankie sa lugar. Na-miss niya iyon kung tutuusin, pero mas na-miss niya si Reid.

Tumabi si Reid sa kaniya at pareho silang nakatingin sa kawalan. "I miss watching the city lights with you, Frankie. Mali. Na-miss kita, lahat. Kahit 'yong good morning."

"Wala na 'kong social media," ngumiti si Frankie. "Mas nami-miss kasi kita, eh. Ikaw ba naman laman ng feed ko! Baka mamaya bigla akong bumalik, awayin pa 'ko ng manager at love team mo. Ayokong ma-stress. Baka pumangit anak natin!"

Ngumiti si Reid at tumingin sa kaniya. "Paanong papangit, eh ganda-ganda mo?"

"Hoy! Ito ang hilig talagang mangbigla!" humalakhak si Frankie ngunit kaagad iyong napalitan nang hagulhol. "Miss na miss na kita. Sobra. Gusto kong mag-so—"

"Shhh." Lumapit si Reid kay Frankie at maingat itong niyakap nang mahigpit na mahigpit. "Tama na. Ang mahalaga alam ko na. Nagtatampo ako sa 'yo kasi hindi ka nakinig sa 'kin. Sabi ko sa 'yo, stay close, per—"

Humikbi si Frankie at tumingala kay Reid. "Pero ayokong masira 'yong career mo. Ayokong kasuhan ka nila at ayokong umingay 'yong pangalan mo dahil negative ang rason."

Bahagyang humiwalay si Reid. "Frankie, please. Ano'ng sinabi sayo ng manager ko? P-Paano niya nalaman 'yong tungkol sa 'tin? Paano ka niya nakilala? Nagkita ba kayo?"

"Nag-message siya sa 'kin." Inilabas ni Frankie ang phone at hinanap ang message ng manager ni Reid. "Ito. Hindi ko alam kung paano, pero takot ako, Reid. Kasi . .dahil dito. Sinabi niya sa 'kin na maraming nakakakita at mayroon kang endorsement na posibleng mag-pull out. May movie kang maaapektuhan kapag lumabas 'to."

Nakatitig si Reid sa phone ni Frankie.

"Pagkatapos naming mag-usap ng manager mo, tinawagan ako ni Mitch na kung puwedeng lumayo na muna 'ko sa 'yo kasi nakakasira na 'ko. Na . . ."

"Ituloy mo." May diin ang boses ni Reid. "Ituloy mo, Frankien, please."

Inalala ni Frankie lahat. "Ayokong maging downfall mo, ayokong bumagsak ka, at ayokong masira ka nang dahil lang sa 'kin. Sorry kasi naging mahina ako noon. Alam kong hindi valid, pero hindi ko na kaya 'yong bigat. Pinapalayo ka nila sa 'kin, galit sa 'kin family ko, wala akong honor, 'tapos . . ."

Sinalubong ni Reid ang tingin ni Frankie.

"Tapos kaya pala ako emosyonal kasi meron nito." Tinuro niya ang tiyan. "Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko, pagod ako, mainit ang ulo ko, at akala ko pagod na pagod lang ako, pero hindi pala."

Nanatiling tahimik si Reid.

Yumuko si Frankie. "Sorry kasi hindi ako lumaban, ha?" umiling ito. "Ayokong maging downfall mo, Reid. Ayokong makasuhan ka, ayokong mawala sa 'yo lahat. Sabi ni Mitch na posibleng alisin ka sa station at aayawan ka ng lahat. Ayokong mangyari sa 'yo 'yon. Fan mo ako, ayokong mawala sa 'yo lahat."

"Nagalit ba ang parents mo noong nalaman nilang buntis ka?" tanong ni Reid.

"Hindi ko na pinakinggan 'yong sasabihin nila. Ayokong ma-stress lalo! Baka mamaya mawala pa 'tong baby ko, eh 'di kawawa naman ako non! Wala na nga 'yong lodi ko, mawawala pa 'yong regalo," natawa si Frankie. "Kinalimutan ko muna lahat ng taong puwedeng maging dahilan para masaktan ako. Unahin ko muna 'tong baby ko."

Reid looked down. "Kaya pati ako, kinalimutan mo?"

"Sinong nagsabi sa 'yong kinalimutan kita?" Bumagsak muli ang luha ni Frankien. "Tignan mo wallpaper ko, 'yan ba kinalimutan?"

Tiningnan ni Reid ang wallpaper ng phone ni Frankie. It was them. Mahina siyang natawa. Inilabas niya ang phone niya at iniharap iyon kay Frankie.

"Same."

T H E X W H Y S

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top