Started at the Cemetery

Started at the Cemetery

Love story na nagsimula sa sementeryo, matatapos sa sementeryo.

November 1 ngayon at nandito kami sa sementeryo para mag-alay ng dasal, kandila at bulaklak para sa lolo at lola ko. Sabi sa akin ni mama hanggang umaga kami dito para magbantay.

Ok lang naman kasi may nilatag sina mama at papa na higaan dito sa mausoleum.

Si ate at kuya ay parehong nagtetext at akong 12 years old pa lang ay nakatingin lang sa nitso ni Lolo at lola. Sa totoo lang naboboring ako. Kaso mahigpit na pinagbawal ni mama na h'wag akong lalayo sakanya.

Nakita ko naman na may mga batang naglalaro na kaedad ko at nangunguha sila ng kandila sa mga nitsong walang nagbabantay. Dahil sa hindi naman nakatingin si mama ay lumabas akong mausoleum.

"Bata, sa'yo na." Inabot sa akin ng batang lalaki na halos kaedad ko lang ang isang bilog ng tunaw na kandila at halatang pinagtagpi-tagpi niya ang mga naipon niya.

Umiling naman ako. "Bakit mo kinukuha 'yan? Baka magalit sa'yo ang kaluluwang kinukuhanan mo ng kandila," sabi ko sakanya.

Napangiti naman siya sa akin at nakita ko ang dimple na lumabas sa mapupulang pisngi niya.

"Kinuha ko 'to sa nitso nila lolo at lola. Hindi naman ako kagaya nila," tinuro niya ‘yung mga batang nangunguha ng kandila kahit bagong lagay pa lang.

"Ah. Eh saan ‘yung binabantayan mo?" tanong ko sakanya. Tinuro naman niya ‘yung mausoleum na dalawa ang palapag. At kagaya sa amin, slab din ang mausoleum nila at halatang Chinese sila dahil hindi ko maintindihan ang nakasulat sa lapida ng nakalibing.

"Ako nga pala si Euki. Ikaw ano pangalan mo?"

"Sophie."

Taon-taon every undas nagkikita kami ni Euki. Hindi pala kasi siya taga dito at nagbabakasyon lang silang pamilya tuwing sem-break.

Pareho na kaming 16 at taon taon kaming nagkakausap at nagkekwentuhan. Masayang kasama si Euki kahit ilang oras ko lang siyang nakakausap kada taon. Pasalamat na lang sa cellphone at facebook at kahit papano ay updated kami sa isa't-isa.

Naikwento niya sa akin na sa Ateneo siya magkokolehiyo at Management ang kukuhanin niya. Madalas ko siyang ka-chat sa facebook at minsan katawagan ko kapag gabi. I treasure our friendship at hindi ako gagawa ng bagay na ikakasira ng pagkakaibigan namin.

Nang tumuntong kami ng kolehiyo, sinabi niya sa akin na magiging busy na siya. Wala naman ‘yon sa akin kasi sa totoo lang busy na din ako. Pero kahit gano’n, gabi-gabi umaasa pa din ako na may  message siya sa akin kahit isang pangungumusta lang. pero wala. Hanggang sa lumipas ang araw at wala na akong natatanggap na mensahe galing sakanya.

17 na ako at ineexpect ko na makikita ko siya ngayong undas. Pero sa limang taon ko siyang kilala, ngayon ko lang siya hindi nakita sa mausoleum nila. Ang mama niya at bunsong kapatid lang niya ang nagbabantay sa puntod ng lolo at lola niya.

Syempre nalungkot ako. Parang naging bahagi na din kasi ng buhay ko ang makita siya kada nov. 1.

Nagulat pa ako nang tawagin  ako ng mama niya kasi nahalata niya ata na hinahanap ko siya.

" Ayaw sumama ni Euki. Sembreak nila pero hindi umuwi ang batang 'yon. Masyadong nawiwili sa pamilya ng  girlfriend niya." Anang mama niya.

No'ng oras na 'yon, nakaramdam ako ng ‘di maipaliwanag na kirot sa dibdib. Hindi ko rin alam kung bakit pakiramdam ko nanlalamig kalamnan ko. Siguro kasi nasanay talaga akong makita siya. At itong nararamdaman ko ay disappointment lang.

Lumipas ang araw at ikaw pa din ang iniisip ko. Nakita ko rin sa facebook mo ang relationship status mo. From single to taken. Kahit labag sa loob ko ay nag-comment pa rin ako.

'Ayeee, my gf na siya. :) kaya pala hindi na bumisita sa bicol. Hahaha :D'

Habang tinitipa ko ang mga salitang ‘yon ay mas lalong bumibigat ang kalooban ko. At ang tanga ko para ngayon ko lang mapagtanto na mahal na pala kita.

I was 18 and eventually ay aware ako sa feelings ko na gusto kita pero wala akong pag-asa. Unrequited love, ika nga.  Walang araw na hindi kita naalala. Naging inspirasyon din kita sa pag-aaral. Kasi sa totoo lang, naiinsecure ako sa girlfriend mong fashion design ang course. Alam ko kasi isa akong dakilang stalker mo sa facebook.

Tuluyan nang nawala ang communication natin dahil naging busy na din ako sa thesis namin.

Dalawang undas na ang pinalipas ko at hindi na rin ako nakakauwi sa amin kasi halos wala akong sembreak. Hirap pala ng BS Pharma. Ang sakit sa ulo magmemorize.

Hanggang sa mag graduate ako. Isa akong manager sa isang drug store at the same time ay chemist na nagdedevelop ng gamot.

Isang araw...

"Sophie, umuwi ka daw sabi ni mama. Ilang undas na daw ang hindi mo inuuwian," sabi sa akin ng ate ko.

"Busy ako ate." Lumuwas talaga ang ate ko galing bicol para lang sabihin sa akin 'to. -_-

"Sophie,"

"Oo na."

Sabay kaming umuwi ng ate ko sa bicol. Habang papalapit ang bus na sinasakyan namin puntang probinsya ay naalala ko ang lahat.

Kung paano kami unang nagkita. Kung paanong naging kasama niya ako sa pag-iipon ng natutunaw na kandila. Kung paanong nagkekwentuhan kami tungkol sa paranormal. At kung paano ako sakanya simulang nagkagusto.

Dumating kami sa Bicol at ako ang nakatokang bumili ng fresh flowers kasi daw dalawang taon akong hindi dumalaw sa amin.

November 1 na at halos hindi ako mapakali habang naghahanda kami ng pagkain para sa babaunin mamaya. Kahit kinukulit ako ng aking mga pamangkin sa ate at kuya ko ay hindi ko pa rin maiwasan isipin kung nando’n ba siya.

Paano kung nando’n siya? At paano kung may asawa na siya? Eh 24 years old pa lang kami eh. Sana wala pa.

Pero laking dismaya ko nang wala akong makitang Euki sa mausoleum nila. Nando’n ang buong pamilya niya pero wala siya. Gustong-gusto ko magtanong kung saan siya pero nahihiya naman ako. Gusto ko siyang makita. Hindi ako umaasa na magkaro’n kami ng relasyon. Ang gusto ko lang makausap siya at kahit papano maramdaman kong naibalik namin ang dati.

Nakatayo ako sa harap ng mausoleum namin nang may kumalabit sa akin na batang lalaki. Napatingin ako sa baba at tantya ko ay 2 to 3 years old pa lang siya. Ang cute at singkit din.

“Sa-sa’yo na,” bulol niyang sabi kaya napangiti ako. Inaabot niya sa akin ang binilog na tulo ng kandila na iba’t-iba ang kulay. Nag squat ako para maging pantay kami ng bata. He remind me of someone.

“Marunong ka ng gumawa neto?” gusto ko siyang kurutin kaso baka umiyak. Sobra niyang cute at parang gusto ko siyang iuwi sa bahay.

Umiling naman siya. “My daddy E made this for me,” lumitaw ang dalawang pantay na dimples sa mataba niyang cheeks kaya mas lalo akong natuwa.

“Ang cute mo naman.” I said instead. I heard him giggled. “Ano pangalan mo?”

“I’m James,”

“Nice to meet you Ja—“

“Jammy! Jammy, tawag ka na ng Mama mo!” natigilan ako sa lalaking papalapit kay James. Dahan-dahan akong napatayo habang pinagmamasdan ko ang lalaking matagal ko ng gustong makita.

“Euki,” mahina kong sambit.

“Daddy E. Mamaya na po. Ibibigay ko pa kay ate ‘yung ginawa mong candle ball.” Naka-pout na sabi ni James.

Daddy. Anak niya ‘to? Siya ang daddy E na tinutukoy ni James?

Nakita kong napakamot sa batok si Euki saka napatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang namumula ang tenga niya at parang nahihiya.

“Bakit mo naman ibibigay sakanya? Diba sabi ko ako ang magbibigay sakanya?” malambing na sabi ni Euki sa bata. Kinarga niya ito saka niya kinuha ang kandila.

“Sophie.” Nakangiti niyang sabi sa akin.

Malaki ang pinag-iba ni Euki. Mas lumapad ang kanyang balikat at mas naging firm ang build ng body niya. Hindi ko alam pero feeling ko may abs siya. Hindi naman nawala ang dimple sa mukha niya pero mas naging matured ang feauture ng mukha niya. Para na siyang model sa bench at puwedeng ikumpara kay Mario Maurer at Lee Min Ho.

“Kumusta ka na? Long time no see.” Pinilit kong maging casual sakanya. Ang dami kong gustong itanong na tinatago ko sa loob ng 7 years. Is he married? Anak niya na ba ‘tong karga niyang bata?

“I’m doing good. Ako na ang nagpapatakbo sa business nila daddy. Eh ikaw? Balita ko isa ka ng scientist.”

“Yeah,” bumaling ako kay James na nakangiti lang sa akin. “Anak mo na?”

Tumawa siya ng malutong. “Oh no. this little kiddo is my nephew. Anak ng sister ko.” I don’t know, pero literal na nakahinga ako ng maluwang. So he’s not yet married.

“Ah, medyo kamukha mo kasi eh. hahahaha,”

“Daddy E, put me down na. I wanna play,” sabi ni James kaya ibinaba na siya ni Euki.

“Wala ka last year dito. I was expecting na makikita kita,” malungkot na sabi niya. Gusto ko naman ibalik sakanya ang sinabi niya pero mas pinili kong manahimik.

“Nagreview ako  eh.” pagdadahilan ko na lang.

“Oo, ‘yon nga ang sabi sa akin nila Tita,” he was referring to my mother.

“Eh ikaw? Ano na ba ang nangyayari sa’yo? Hindi na kasi ako updated sa buhay mo eh,”

“Eto, in love pa din sa first love ko. Haha”

“Ah.” Bwesit ang sakit no’n ah. so nagbreak na sila ng girlfriend niya?

“Kailan lang ba kayo naghiwalay?”

“Huh? Hindi naman naging kami eh,” sabi niya kaya naguluhan ako.

“Eh diba naging kayo ni… ano nga ulit pangalan no’n? nakalimutan ko na. ‘Yung fashion design nga ang course.”

“Ah! Si Heide. Hindi naman kami nagtagal eh. Hindi rin nasundan. Hahahah”

“Ano? Eh bakit mo nasabing in love ka pa din sakanya?”

“Eh hindi naman siya ang first love ko eh.” Ouch! </3 May iba pa pala! Huhuhu

“Sino?”

“Ikaw,”

James’s POV

50 YEARS LATER

“Papa, sino po ba ang sa loob niyan?” tanong sa akin ng aking bunsong anak.

“Ito ang lolo at lola ng grandma mo.” Tinuro ko ang pinakalumang nitso sa mausoleum namin.

“Eh ‘yung magkatabi po?” tinuro niya ‘yung gawang marmol na nitso. Napangiti naman ako.

“Sila ang Lolo Euki at Lola Sophie mo. Uncle at Auntie ko sila kaya lolo at lola mo na din sila.”

“Ah.”

 “Alam mo bang dito rin sila unang nagkita? At November 1 din ‘yon. Nakakatuwa kasi kung saan sila unang nagkita ay do’n din sila huling nagkakasama.”

THE END!

=====

Serreh naman sa hindi kagandahan na wanshat. Hindi ko talaga 'to forte. Trying hard at its finest lang talaga ako. wahahaha

Kakauwi ko lang galing sementeryo kaya ko 'to naisipan. 

Oh siya! Time check, 2:19 AM. Matutulog na ako at umaga na. ^__^ Mornight!

PS: Bakit ang daming cute kapag undas? *O*

PSS: Naglipana ang jejemon. Nakakairita. >__<

PSSS: Meron ding over dressed. -___-

Kbye!

-Ate Thy <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top