Ice Princess Chapter 9
Umalis din agad si Alyx pagkatapos nilang mag-usap. Doon lang nakahinga nang maluwag si Zaida. Ngayon lang niya naranasan na makipag-usap nang masinsinan tungkol sa matagal na niyang tinatagong damdamin.
It feels awkward, but it got a load off my chest.
Zaida found herself spending a longer time in the shower just thinking about him. She wondered if ever he'll drop by, she might face him wearing nothing but a towel.
Oh no, stop! She silently scolded herself. Ayoko siyang madaliin. Just let it happen when it's meant to be. I can't believe I'm thinking of such thoughts. Iba talaga ang tama ko.
Zaida grinned to herself as she rinsed off her vanilla-musk scented body wash. When she was done, she dried off with a large towel, which she wrapped around her. She used another towel for her dripping hair, which was tied at the bottom of her head.
She went to her room and hummed while getting dressed. She picked an emerald green wrap dress and blow-dried her hair, which was straight and went past her shoulders.
Ilulugay ko muna ito, para maiba naman.
She smiled at herself in the mirror as she did her make-up. It was nothing too heavy, just bb cream, loose face powder, some eyeshadow, and pink matte lip cream.
Wow, as if naman magde-date ulit kami. Ayain ko kaya? No, let him make the first move. Wait, let me check my online notifs.
Kinuha ni Zaida ang kanyang mobile phone sa ibabaw ng dresser at binuksan ang data.
Sakto lang na kakapadala ni Luis ng mensahe.
From Luis Moran:
Gising ka na? Let's have lunch.
Napangiti si Zaida. She took a selfie and then sent it to him.
From Zaida Herrera:
Lunch date? Sunduin mo na ako.
Nakita ni Zaida ang "heart eyes reaction" ni Luis sa kanyang selfie.
Aba, excited ata si Ma'am! Sige papunta na ako diyan. In ten minutes.
Sure, see you!
Ito ang huling pinadalang mensahe ni Zaida kay Luis.
Kinuha niya ang handbag sa may sabitan sa likod ng pintuan. Sa living room na siya naghintay, at bago pa mag-sampung minuto, may ring na ng doorbell sa labas.
Zaida sprinted to the door and opened it. Her smile was priceless the moment she met his gaze.
"Hi," ika niya.
"Uy, bihis na bihis ah!" Ngumiti rin si Luis at halata ang kanyang paghanga.
He was dressed in a collared shirt and dark jeans. Zaida secretly thought he looked so good, kahit simple lang ito manamit.
"Shall we go?" Hindi maitago ni Zaida ang kanyang kasabikan.
"Halika na!"
Zaida turned off the lights in her unit and went out. She locked the door and walked slowly alongside Luis.
"Saan pala tayo magtatanghalian?"
Luis took her hand and kissed the back of it.
"May alam akong lugar. Sumama ka na lang."
Sa Rua da Felicidade sila nagtungo. Ang ibig sabihin ng lugar na ito ay Happiness Street. Dati itong kilala bilang red light district ng Macau, ngunit nabago ang image nito at naging kilalang pasyalan para sa mga masasarap na pagkain at souvenirs. Bakas sa lugar ang impluwensiyang Chinese at Portuguese.
Magkabila ang hilera ng mga kabahayan na may mga pulang pintuan at Chinese-style terraces. May mga dumadaan na mga tao na tumitigil para kumuha ng pictures ng lugar o kaya ay selfie.
"Pwede pakuha ng picture doon?"
Tinuro ni Zaida ang isang pulang pintuan. Nagtungo siya agad at tumayo sa harapan nito.
"Akala ko ba di ka mahilig sa picture," biro ni Luis.
"Basta diyan sa phone mo, okay na. Para maalala mo ako."
Ngumiti si Luis habang kinunan si Zaida nang tatlong beses. Lumapit si Zaida at tinignan ang mga kuha.
"Wow, nice shot. Gawin mong wallpaper ah?" tawa niya.
"Picture tayong dalawa," pag-aaya ni Luis.
Itinaas ni Luis ang kanyang phone at ilang beses din silang kumuha ng larawan. Bakas ang kaligayahan sa kanilang dalawa, lalo na kay Zaida.
"Ngayon ko lang naaninag mga ngiti mo," ika ni Luis.
"Kahit nga ako, nagugulat sa sarili ko. The world looks better because I'm seeing it with you. I'll be happy walking in any street as long as you're with me."
Hinarap ni Zaida si Luis at dinampian niya ito ng halik.
"Uy, ikaw na ang nauunang humalik!" Di mapigilan ni Luis ang matawa. "Tapos sa gitna pa ng maraming tao! Nasaan ang inhibitions mo, Ma'am Herrera?"
"Kunwari ka pang nahihiya, gusto mo naman," ngumuso si Zaida na para bang naiinis. Ngunit agad din itong natawa.
"Gutom na ako siguro, saan pala tayo kakain?"
"May sikat na noodle shop sa tabi, doon na lang tayo."
"Sige."
Nagtanghalian ng masasarap na noodles at dumplings sila Zaida at Luis. Binigyan pa nga sila ng libreng dessert ng may-ari.
"This is free." Nilapag ng server ang isang plato ng buchi balls sa kanilang lamesa.
Tinignan ni Zaida ang matandang lalaki sa likuran ng server. "Seriously?" tanong niya.
Lumapit sa kanila ang matanda at sinabing, "I'm the owner of this noodle shop. I'm giving you free desserts for boyfriend-girlfriend," ngiti niya.
"Wow, thank you," tumayo si Luis at nakipag-kamay sa matanda. "When we come back, she'll be my wife."
Natawa ang matanda. "She's very pretty. You two look good. Let me know about the wedding! Couples who eat here come back married."
Umalis na ang matanda at bumalik na si Luis sa lamesa.
"Aba, gusto na tayo magpakasal!" Tawa niya.
Hindi mapigilan ni Zaida ang ngumiti. "Teka, hinay-hinay muna. Kinikilala pa natin ang isa't isa."
"Oo naman, di tayo nagmamadali." Kumuha si Luis ng buchi at kumagat dito.
"Siya nga pala, wala ka pang naikukwento tungkol sa sarili mo," panimula ni Zaida. "Bukod sa tito ka ni Jabe at dati kong kasama sa uni."
Si Jabe ang naging kaibigan ni Alyx, na pamangkin pala ni Luis.
"Iyon ba? Oo nga," natigilan si Luis.
"Playboy ka ba dati?"
"Hindi ah!" Mariin na pagtanggi ni Luis.
"Sus, kunwari ka pa," sabay inom ng tsaa ni Zaida.
"Huwag kang mabibigla, pero may asawa ako dati."
"What?" Nanlaki ang mga mata ni Zaida.
Hindi makatingin nang diretso si Luis. "Kaya ayoko ganitong usapan."
"It's okay." Hinawakan ni Zaida ang kamay ni Luis at mataimtim siyang tinignan.
Nagbuntong-hininga si Luis at nagpatuloy.
"College girlfriend ko siya. Nagsama kami kaagad pagka-graduate namin, na walang basbas. Seven years kami sa iisang bubong. Pero naghiwalay din kami."
"Bakit naman? Nasaan na siya?"
Lihim na nangamba si Zaida na baka bumalik ulit ang nasabing babae at maging issue ito sa kanilang dalawa ni Luis.
"Hindi ko alam kung anong nangyari sa amin, pero alam mo iyon, kusang nawala yung spark na tinatawag nila. Nakadagdag pa doon na mas nakatuon siya sa kanyang trabaho bilang interior designer, habang ako naman, busy sa pagiging propesor at radio announcer. Magkaka-anak sana kami, pero nakunan siya. Sa bandang huli, siya ang umalis."
"Hindi mo man lang hinabol?" Kumunot ang noo ni Zaida.
"Nagmakaawa ako, pero desidido na siyang umalis. Hinayaan ko na lang, kung doon siya magiging masaya. Kaya ito, matagal akong single," kibit-balikat ni Luis. "Until you came."
"Love is a decision. Araw-araw, siya pipiliin mo, kahit na gaano kahirap, kayong dalawa haharap sa hirap ng buhay," ika ni Zaida.
"Mukhang nanonood ka ng mga pelikula ng Star Cinema," ngisi ni Luis.
"Totoo naman kasi. Ngayon alam ko na backstory mo, bigla akong nangamba."
Kinuha ni Luis ang kamay ni Zaida at maingat itong hinawakan.
"Ikaw na ang pinipili ko magmula ngayong araw na ito. We will work on this love together."
"Pero, babalik ka rin ng Pilipinas dahil sa trabaho mo, at ako maiiwan dito. Hindi ko pa nga alam kung anong gagawin ko dito." Nanlumo ang mukha ni Zaida dahil sa kanyang naiisip.
"Ano ang sinabi sa iyo ni Doleer?" tanong ni Luis.
"Binigay na niya sa akin ang unit na tinitirahan ko ngayon, at ako na raw bahala. Mukhang tinatanggal na niya ako sa pagiging bodyguard, ang dahilan niya, para magkaroon ako ng sariling buhay."
"Why not make the most out of this? Get out of your comfort zone and grow."
"Tama ka nga doon. Magpahinga muna siguro ako hanggang sa may final decision na."
Zaida smiled weakly at Luis. Nag-aya na siyang umalis at nagpatuloy sila sa paglalakad. Nakarating sila ng Senado Square, inakyat nila ang Ruins of St. Paul Church, at huli nilang pinuntahan ang St. Dominic Church para magdasal.
Magkatabi silang naupo sa wooden pews at tahimik na nanalangin.
"Anong pinagdasal mo?" bulong ni Luis kay Zaida.
"Sana ikaw na habangbuhay ko."
Zaida smiled at those words.
"Sa akin, sana ikaw na talaga ang mananatili sa tabi ko."
"I already made that decision. Pero paano ito, long distance relationship?"
"Huwag kang magmadali, dahil ikaw ang pinipili ko. Ayan oh, witness si Lord," ngiti ni Luis. "Babalik ako dito sa December. Enjoy yourself here. Go anywhere you want, dahil alam ko sa akin ka rin babalik. Kung wala ka pang decision sa gagawin mo, just let things fall into place. Ngayon ka pa magiging problemado, financially secured ka na."
"Oo nga, siguro di lang ako sanay na walang ginagawa."
"Relax, you worked so hard all your life."
Nanahimik si Luis. May kinuha siya sa kanyang bulsa na maliit na kahon. Binuksan niya ito sa harapan ni Zaida.
Hindi nakaimik si Zaida nang makita ang engagement ring na may isang Swarovski crystal.
"Agad-agad?" Hindi siya makaimik at di niya maipaliwanag ang nararamdaman.
Luis took hold of her left hand and slipped it on her ring finger.
"Ayan, di na kita papakawalan. Seryosohan na ito." Ngumiti si Luis sa kanya.
"Yes! I will marry you, Luis Moran!"
"Ang bilis, di pa nga ako nagtatanong." Natawa si Luis sa kanya sabay kuha sa mukha ng dalaga. Saglit lang siyang humalik dito, at sinuklian siya ni Zaida ng isa pang halik.
"Nakakahiya, nasa simbahan tayo," ngisi ng dalaga.
"Seryoso ako sa iyo, ginawa ko talaga sa harapan ni Lord. Baka pabalikin ka na naman sa planeta niyo tapos di ka na makakauwi."
"Dito na ako for good! Ikaw kasi!"
Yumakap si Zaida kay Luis at magkahawak-kamay silang lumabas ng simabahan.
"May di pa pala ako nasasabi."
"Ano iyon, Ma'am Herrera?"
Hinarap ni Zaida si Luis at sa unang pagkakataon, ay binigkas ang matagal na niyang gustong sabihin:
"Mahal na mahal kita, makulit na Earth Guy."
(Itutuloy)
A/N: Damayan niyo ko guys kinikilig ako uwu haha
Okay, here's a nice song for the end of this chapter. "Kutob" by kissjane
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top