Ice Princess Chapter 6

"How long have you been in love with me, Luis?"

"Ever since I can remember."

"You mean, you held it in for that long?"

"Alam kong ayaw mong magambala kita. Nakikita mo mga pahiwatig ko, mga pang-aasar ko sa iyo. Umasa lang naman ako, gusto ko sa iyo manggagaling. Pero ngayong gabi,  mukhang nakuha ko na ang puso mo."

Hindi mapigilan ni Luis ang ngumiti habang matamis na tinignan si Zaida sa kanyang tabi. Napahawak si Luis sa kanyang labi at mas lumawak pa ang ngiti nito, yung tipong abot hanggang mga mata.

Pagkatapos nilang sumayaw sa bar ay nagpasya silang umalis na at humanap ng mas tahimik na lugar. Naglakad-lakad sila hanggang sa makakita ng isang balkonahe sa loob ng hotel.

Doon na lang sila nanatili habang nakasulyap sa kalangitan, na namumutiktik ng mga bituin. Sa di-kalayuan ay nakikita pa rin ang skyline ng mga hotels at casinos ng Macau.

"Ang totoo niyan, matagal na akong nagtatago ng damdamin para sa iyo." Tumabi si Zaida kay Luis habang nakasandal sila pareho sa may terrace.

"Ito talaga, kunwari ka pa noong una." Hinawakan ni Luis ang kamay ni Zaida at pinulupot niya ang kanyang mga daliri dito.

"I didn't know what to do at first," nahihiyang napayuko si Zaida. "Two years ago, bago ako umalis, alam kong doon na ako papunta. Ayokong harapin ito, dahil alam kong iba ako sa iyo. Ibang-iba. But, when I was fighting the war in Kerle, I realized, I wanted to stay alive and come back for you."

Zaida smiled softly as she intertwined her fingers with him. "Would you believe that? You've fallen for an alien woman."

"And I can't believe that alien woman is in love with me," sagot ni Luis.

Zaida inched her face to him and gave him a soft quick kiss. Then she pulled away and tried to hide her smile.

"Natutunaw na sa kilig ang ice princess," ika ni Luis.

"Kanina pa ako tunaw na tunaw," ngisi ni Zaida.

"Anong nakita mo sa akin?" Si Luis.

"Huh? Ah, di ko maipaliwanag. Siguro kasi mabait ka. Pero ikaw, anong nakita mo sa akin, kaya ka nahulog?"

"Kasi maganda ka." Luis stared at her admiringly.

"Crush lang iyon, tsk. You don't know me that much. A girl can be pretty and still, you don't know her. You don't know how much I have to deal with my inner demons, because of the kind of life I lived."

Zaida stared out into the dark horizon. Her eyes looked serious. She then looked down and started to play with his fingers.

"Seriously, I have a crush on you from the beginning," kwento ni Luis. "Syempre, panghatak mala-Miss Universe mong ganda. Pero habang unti-unti kitang nakikilala, nararamdaman ko na ang dami mong lihim. Parang ang bigat ng dinadala mo sa kalooban. Kaya gusto kong pagaanin iyon nang mabawasan mga dinadala mo. Mapangiti ka, kahit alam kong inis na inis ka sa akin."

"It paid off." Inilapit ni Zaida ang kamay ni Luis at hinalikan niya ang likuran nito. "You did not give up on me. Then I realized, I don't want to lose you. I don't want to be dead on Kerle. I want to return to Earth and see you."

Ngumiti na lang ni Luis. Yumakap siya sa dalaga at muli niya itong hinalikan.

This time, it was a longer kiss. Zaida knew she'll never be the same anymore. Finally, she allowed herself to open up and let him in.

---

"We're having a date at a convenience store, at 1:17am?"

Hindi mapigilan ni Zaida ang matawa habang tinitignan ang shelf na puno ng iba't ibang mga chilled drinks. Dito siya dinala ni Luis pagkatapos nilang mamalagi sa hotel.

"Sabi mo gutom ka na naman, kaya dito ko naisipan magpunta. Iyong diet mo, huwag mong kalimutan!"

Kumuha si Luis ng isang carton ng yogurt drink. Nakita ito ni Zaida at tinignan ang hilera ng iba pang nasabing inumin, at pinili niya ang kulay dilaw na carton na may label ng coffee milk drink.


"I can't believe you actually drink this." Lumapit si Zaida kay Luis na may tinitignan na mga tinapay. Kumuha siya ng isang packet ng crackers at nauna siyang magtungo sa cashier para magbayad.

"Libre ko na," alok ni Luis, na agad nag-abot ng paper bill sa kahera.

Zaida stared at him. Balak niyang tumanggi, pero hinayaan na lang niya ito.

Naupo sila sa isang table na magkaharap. Nagtusok si Zaida ng straw sa kanyang coffee milk at agad siyang napangiti nang matikman ang matamis na lasa nito.

"Mukhang gusto mo niyan ah." Iniinom na rin ni Luis ang kanyang yogurt drink.

"Bakit strawberry yung sa iyo?" Si Zaida.

"Ito yung palagi kong nakikita sa mga Korean drama," ngisi niya. "Masubukan, tapos kasama rin kita, ayan, para tayong nasa Koreanovela."

"Oo nga eh, tapos background music pa dito sa store, parang Korean. Alam ko mga K-drama dahil kay Alyx."

Nanahimik si Luis at pinakinggang mabuti ang tugtugin. "Hindi, Japanese iyan. Medyo naiintindihan ko dahil nag-aral ako dati ng Nihonggo."

You don't know me egao no ura mo
You don't know me shiranai kuse ni
Fuku janai kami janai watashi wo mite
You don't know me

(You don't know me, or what's behind this smile

You don't know me, you don't have a clue

Look at me, not at my clothes and not at my hair

You don't know me)

"Anong sinasabi ng kantang iyan?" tanong ni Zaida.

"Parang pinapahiwatig ng babae sa kanta na di naman siya talaga kilala ng taong nagmamahal sa kanya. It sounds like you." Ngumiti si Luis at hinawakan ang kamay ni Zaida. "Look at me, not my clothes and hair, sabi sa kanta."

"Ikaw kamo nagbabase lang sa panlabas na itsura," biro ni Zaida sabay hatak ng kanyang kamay kay Luis.

"Men are biological creatures," tawa ni Luis. "Kaya sa itsura sila bumabase ng atraksyon sa babae. Pero ang ganda mo kasi, Ma'am!"

"Hay naku," Zaida rolled her eyes.

Napansin ni Luis na nanginginig na si Zaida. Maginaw sa loob ng convenience store, at nagkataon na naka- sleeveless siya na dress. Wala naman din siyang maialok na jacket sa kanya.

"Giniginaw ka na yata ah. Gusto mo na ba na umalis?"

"Ah, sayang, masisira moment natin," natawa si Zaida.

"Kaysa naman nanginginig ka diyan."

Napatingin si Zaida sa labas. "May mga upuan pala. Gusto mo doon na lang tayo?"

"Sige."

Lumabas sila ng convenience store at naupo silang magkatabi sa may mga lamesa sa labas, kung saan may malaking payong sa gitna.

"Look at that night sky," tumingala si Zaida. "Ang layo layo ng Kerle mula dito."

"Ilang light years?" Tinignan ni Luis ang dalaga.

"Sobrang layo, like 10,600 light years away from here. Pero para sa amin, travel time to Earth just takes in a snap, thanks to hyperspace."

"How was your life there?" Luis sipped his drink.

Zaida let out a sigh and started to tell him her life.

A/N: lines from the song "You Don't Know Me" by Mamamoo (kaway-kaway mga Moos!)

The song lyrics, bagay kay Zaida

And the coffee milk drink was something I drank back in HK. Sana meron nito dito sa Pinas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top