8th Star: Making Amends
"That was not funny".
Nanahimik sila Jabe at Alyx nang marinig nila si Zaida.
"Bumangon kayong dalawa," utos niya.
Umalis si Alyx sa pagkakadagan niya kay Jabe at tumayo nang maayos. Bumangon naman si Jabe habang nakakapit sa kanyang balakang.
"Grabe ang lakas mong babae," puna nito.
"Alam mo, nakakainis ka na! Ilang araw ka lang nandito sa condo tapos walang araw na lumilipas na di mo ako inaasar!" Galit na bulyaw ni Alyx.
"Mula sa elevator, pag nagkakasabay tayo sa gabi, pag nagkakasalubong tayo... Tuwang-tuwa ka noh?!"
Susugod pa sana si Alyx ngunit pinigilan siya ni Zaida. "Tama na, sa loob na tayo mag-usap. Jabe, sumama ka sa amin," dagdag ni Zaida.
"Ma'am, kasi po---"
"Well, I've heard enough from my sister. You better get dressed properly and knock at our unit for some small talk. Understand?" Matalim na tinignan ni Zaida si Jabe.
Walang magawa si Jabe kundi pumayag. Tahimik itong naglakad patungo sa kanyang unit habang suot ang costume na wedding gown.
Dinala ni Zaida si Alyx sa kanilang tinitirahan. Inupo niya ang nanggagalaiting si Alyx sa sofa.
"Grabe naman siya! Hobby na ba niya ang mang-asar?! Ganoon kaya siya sa ibang babae? Nakakabwisit siya talaga!" Napasuntok tuloy si Alyx sa sofa.
"Here's water." Inabutan ni Zaida si Alyx ng isang basong tubig. Ininom ito ni Alyx at napabuntong-hininga.
"He better change his ways or else---"
May kumatok sa pintuan. Si Zaida ang nagpasyang magbukas nito.
"Good thing you're here. Sit down," wika ni Zaida.
Nahihiyang pumasok si Jabe. Nakabihis na siya ng t-shirt at maong pants. Tinignan niya sila Zaida at Alyx at tahimik na naupo sa armchair
"So, I've heard a lot from Alyx about you," simula ni Zaida. "Bakit lagi mo siyang ginugulo? Ano bang ginawa niya sa iyo? You didn't got over from that coffee cup episode, huh?"
Tinignan ni Jabe ang nakahalukipkip na si Zaida. Lumipat ang tingin niya kay Alyx na nakairap sa kanya.
"Ma'am... Ano kasi..."
"Obviously, nananadya kang mang-asar sa kanya. Aba, wala kang pinagkaiba sa tiyuhin mo! Parehong papansin at presko!" Hindi maikakaila ang pagkainis ni Zaida.
"So... Sorry po Ma'am. Kay Alice po, sorry rin." Tumango si Jabe at di niya maiangat tingin niya sa dalawa.
"It's Alyx pala," pagtatama ni Alyx. "A-L-Y-X. But we're even now. Sana tigilan mo na panggugulo sa akin. I hope this will be the last time."
"Sana pag-isipan mo iyang mga ginagawa mo. Ang laki mo na, para kang high school," galit na tugon ni Zaida. "All right then, you're free to go. Bago ko pa maisipang isumbong kita sa tiyuhin mo. Pareho kayong dalawa."
"Good night po sa inyo... Sorry po." Tumayo si Jabe at naglakad patungo sa pintuan. Nang makalabas na siya ay sinabi ni Zaida:
"Isang tingin ko lang sa kanya, alam kong nakakainis siya."
"Hay naku Ate, tama ka sa sinabi mo." Sumandal si Alyx sa sofa.
"Mukha siyang tanga. What got into him? Oh well, magpahinga na tayo. Siya nga pala, galingan mo sa thesis defense ah?" Ngumiti si Zaida kay Alyx.
"Syempre naman! Kami pa?" Sa wakas ay napangiti rin si Alyx.
"Don't worry about it. Good night."
Nauna nang pumasok ng kwarto si Zaida habang naiwan si Alyx na nakatulala sa sofa.
Oh well, I hope he doesn't bother me anymore. Such a jerk.
---
Kinabukasan, nagising si Alyx. Na-realize niyang nakatulog ulit siya sa sofa. Palagi kong nalilimutan na pumasok sa kwarto ko para matulog. Natawa siya sa kanyang sarili.
Agad siyang nagtungo sa hapag-kainan. As expected, nag-iwan si Zaida ng nilutong pagkain (egg omelette with cheese at pandesal). Kinain ni Alyx ang agahan.
Sana di na niya ako guluhin today. Kakainis siya tuwing naiisip ko pagmumukha niya. Bahala ka sa buhay mo, Jabe Cruz.
Pero bigla siyang natawa nang naalala ang wedding gown costume ni Jabe.
Haha para siyang ewan. Di ako natakot.
Nagpatuloy si Alyx sa kanyang mga ginagawa bago pumasok sa unibersidad. Nang paalis na siya ay binuksan niya ang pintuan. Nagitla siya nang may nalaglag na nakaipit sa pintuan.
"Huh? A white rose?"
Isang puting rosas ang nahulog sa kanyang paanan. Yumuko si Alyx para pulutin ito.
May nakataling puting papel sa tangkay ng rosas. Tinanggal ito ni Alyx at kinadkad.
Humihingi ako ng paumanhin sa lahat ng pang-aasar ko sa iyo. Alam ko mali, pero I was just trying to get your attention. Again, I'm really sorry.
And I hope you do well in your thesis defense. My Uncle said you're a really bright student.
-Jabe
"Why is he trying to get my attention? Nagpapa-cute?" Bulong ni Alyx.
Umalis na si Alyx. Iniwan niya ang rosas at note sa isang trash bin malapit sa elevator.
---
Pagkalipas ng ilang araw ay nakapag-thesis defense na ang grupo nila Alyx. Naging matagumpay sila at walang naging aberya sa panel.
"Yey!" Inakbayan ni Jane sila Alyx at Mitzie. "Sa wakas, tapos na!"
"Nakahinga na rin ng maluwag!" Relieved na sinabi ni Alyx. "Ice cream tayo!"
"Sure!" Payag ni Mitzie.
Dumiretso sila sa isang ice cream parlor sa loob ng unibersidad. Umorder sila ng isang malaking bowl ng banana split at masaya itong pinagsaluhan.
"Tuwang-tuwa si Sir Luis kay Alyx!" Wika ni Mitzie. "Naku mukhang makakapag-date na sila ni Ate Zaida mo!"
"Yihee!" Kilig na sambit ni Jane.
"Naku himala kung papayag iyon!" Tawa ni Alyx. "Never ko siyang nakitang nakipag-date or kiligin sa isang lalaki."
"Mukha siyang tatandang dalaga," ika ni Mitzie.
"Wala naman iyong paki sa love, and I think it's okay. Kanya-kanyang trip, di ba?" Nag-scoop si Alyx ng ice cream at sinubo ito.
"Kung ako lalaki, I don't want to ask her out!" Pahayag ni Jane. "Maganda pero nakaka-intimidate!"
"Mabait iyon, minsan moody lang talaga," sabi ni Alyx.
"Anyway, let's celebrate! We can graduate!" Ika ni Jane.
Nagpatuloy ang munting selebrasyon ng tatlong magkaka-thesis groupmates.
---
Pagkauwi ni Alyx, may nakita siyang puting rosas na nakasabit sa door knocker ng kanilang condo unit.
Kumunot ang noo niya at kinuha niya ito. May note ulit na nakapalupot.
I'm really sorry, Alyx. Yep, I learned how to spell your name from Uncle Luis. And nope, I'm not using you so Tito can be in good terms with your sister. I mean it.
"Hay naku." Bulong ni Alyx.
Iniwan lang niya ang white rose na nakasabit sa door knocker.
(Itutuloy)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top