16th Star: Spill the Beans

"Umalis na tayo dito, Jabe!"

Tumakbo papaalis si Alyx hanggang sa makalabas na siya ng Japanese resto. Sinundan ito ni Jabe patungo sa kanyang kotse.

Agad pumasok si Alyx sa tabi ng driver's seat. Di niya mapigilan ang pag-iyak.

"Alyx, what happened? What's wrong?" Katabi na niya si Jabe na nakaupo sa driver's side.

"Kasi... Basta... Umalis na tayo dito!" Hagulgol ni Alyx.

Nagtataka si Jabe sa biglaang pag-iyak ng dalaga, na mukha namang okay kanina. Naalala niya nang makita niya ito dati sa bookstore at hinimatay.

"Wait, is this about your dad?" Tanong ni Jabe.

"Let's get away from here. Ilayo mo ako. Mamaya ko sasabihin," hikbi ni Alyx.

Sinimulan na ni Jabe ang sasakyan at pinaandar ito palayo ng resto. Nagpatuloy lang siya sa pagmamaneho.

"Saan mo gusto?" Tanong niya.

"Kahit saan," sagot ni Alyx.

Naintindihan ni Jabe ang kanyang ibig sabihin. Naisipan niyang dalhin ito sa kanyang paboritong lugar, sa isang abandoned building. May lugar doon na pwedeng parking space at di gaanong mainit doon.

Di na sinabi ni Jabe kung saan sila pupunta. Basta na lang niya ito dinala sa lugar na alam niya.

Nakarating na sila sa nasabing abandonadong gusali. Nag-park si Jabe sa ilalim ng punong acacia.

"Alyx, punta tayo sa loob. Safe siya kahit abandoned building."

"Ayoko umalis dito sa kotse. Wala akong ganang lumakad." Pinunasan ni Alyx ang kanyang mga mata.

"Walking it off can clear your mind," paalala ni Jabe.

Tinanggap ni Alyx ang kanyang paliwanag. Lumabas na siya ng kotse at naglakad sa tabi ni Jabe. Madamo ang lugar patungo sa abandoned building, pero kaya naman lakarin.

Nang makarating na sila sa loob ay naupo si Jabe sa isang malaking tipak ng bato. "Sit down," alok niya kay Alyx sabay tapik sa espasyo sa tabi niya.

Tahimik na naupo si Alyx. Naalala niya ulit ang mga pangyayari kanina, at muli siyang umiyak.

"Tahan na." Sinubukan ni Jabe na pakalmahin ang dalaga habang tinatapik ng marahan ang kanyang balikat.

"Jabe... Di ba sabi mo, I can tell you everything? Na di ko pasan ang mundo para akuin ang lahat ng problema?" Paalala ni Alyx.

"Oo naman. Kaya I brought you here. Spill the beans, I'll listen."

Huminga ng malalim si Alyx.

Do I tell him the truth?

Wala naman mawawala kung susubukan. She mentally prepared herself if after this, Jabe will bring her to a mental hospital, laugh out loud, or just nod his head in agreement.

"Jabe, my Ate Zaida hid something from me," Alyx started.

"Kaya ka ba umiiyak?" Tinignan siya ni Jabe at ramdam ni Alyx ang pagiging concerned nito.

"I don't know if you will believe this, but you have to believe me. Everything I will tell you is true."

Kinuha ni Alyx ang mga kamay ni Jabe at pinisil ito. Huminga siya at nagsimula nang magkwento

"Jabe, Ate Zaida and I are different."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang noo ni Jabe.

"We're not like you. We're different. And when I say different, we're not from this Earth."

Seryoso ang tono ng pananalita ni Alyx.

"You're ghosts, or fairies?"

Pinisil ni Alyx ang kamay ni Jabe. Napapikit si Jabe and he felt a surge of energy rushing from Alyx' hand to his own. He saw flashes of different scenes: a huge mansion, a little girl running to her father, a garden filled with colorful blooms, and a green and blue planet floating in outer space.

But the next scenes bothered him the most. There were gunshots, people crying, houses burning. He felt some pain squeezing his heart as he saw Alyx saying goodbye to the man who looked like her father.

He saw a space vessel going out into space. Next, he saw Alyx greeting Zaida, and the next few years of her life here in Earth.

The scenes ended. Alyx let go of his hand.

"Whoa..."

Iyon lang ang nasabi ni Jabe.

"Nakita mo ang pinakita ko sa iyo?"

Tumango si Jabe kay Alyx.

"Pinasilip kita sa mga alaaala ko. Nagagawa ko lang iyon pag close na kami ng tao. Iyon ang ibig kong sabihin ng different kami ni Zaida. In short, we're aliens."

Namangha si Jabe sa kanyang narinig.

"Galing kami sa isang planeta na located sa Constellation Sagittarius. Umalis ako doon dahil inutusan ako ng aking ama, for safety purposes. Sinakop kasi ng mga kaaway ang aming tahanan, kaya pinaalis niya ako. Alam niya rin na maaring may mangyaring masama sa kanya at ayaw niya akong madamay."

"Ano naman kay Ate Zaida mo?" Tanong ni Jabe.

"Siya ang bodyguard ng tatay ko. Pinuno ang aking ama ng aming planeta. Nauna na siya rito. She became my guardian while hiding here. But today, I found out she's conniving with the enemy. Alam niya... Alam niya nangyari sa ama ko pero hindi niya sinasabi sa akin. Yung kaninang kausap niya, narinig ko na Quon siya. Ang mga lahing Quonsibaar ay mga  kaaway ng planeta namin, Kerle. Siguro matagal nang binabalak ni Ate Zaida na..."

Hindi na tinapos ni Alyx ang sasabihin. Humagulgol ulit siya habang nakasandal kay Jabe.

"Ssshhh...." Hinigpitan ni Jabe ang pagkakahawak niya kay Alyx.

"Baka wala naman balak na ganoon ang Ate mo," ika ni Jabe.

"Bakit naman siya makikipag-usap sa kaaway?" Hikbi ni Alyx. "Isa lang ibig sabihin noon!"

"Maybe it's time to face her," suggestion ni Jabe.

"Di ko pa kaya..." Huminga si Alyx.

"Sige, sasamahan muna kita dito hanggang sa kumalma ka na."

Hinayaan lang ni Jabe ang dalaga na umiyak. Matagal silang nandoon. Nang magtatakip-silim na ay nagpasya na si Alyx na umalis.

"Sigurado ka?" Panigurado ni Jabe.

Alyx nodded her head. Una siyang naglakad papalabas ng building habang sinundan siya ni Jabe. Sumakay sila ng kotse at tahimik ang naging byahe nila pabalik.

"Jabe?" Si Alyx.

"Ano iyon?"

"Di mo ako dadalhin sa mental? O isusumbong sa NASA?"

Natawa si Jabe. "The fact I saw your memories mean that you're telling the truth. Scary at first, pero you won me over with your honesty."

"Di ka takot sa akin?"

"Bakit ako matatakot, ang ganda mong alien? Gusto ko nga ng girlfriend na alien eh," biro niya.

"Balik ka na naman sa dati." Pinalo ni Alyx ang braso ni Jabe.

"Pinapatawa lang kita."

Nanahimik si Alyx at ngumiti.

"Basta, you have to face Zaida. Maybe she can explain things to you. You have to be brave, okay? Naniniwala ako na wala siyang binabalak na masama."

Tumango si Alyx. Ayaw pa niyang paniwalaan ito. Pero sa pagkakasabi ni Jabe, parang nakagaan ito sa kanyang kalooban.

"Kain muna tayo. Libre ko. Basta maging okay ka," ngiti ni Jabe.

"Sige."

Iyon lang ang kayang sabihin ni Alyx sa ngayon.

Bumigat ang salitang sige para sa kanya. Tanggap na niya na kailangan na niyang harapin ang mga susunod na mangyayari.

(Itutuloy)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top