13th Star: One Day Out
Sa unang araw ni Alyx na mag-isa, nagpatuloy naman siya sa kanyang mga araw-araw na gawain. Pumasok siya sa The Little Corner noong gabi at umuwing pagod.
Kinabukasan ay naisip niyang lumabas muna para mamasyal. Wala naman siyang balak puntahan, baka sa malapit na mall na lang ulit. Or sa university library. Nami-miss niya ang routine bilang isang estudyante.
Ang boring pala pagka graduate mo. Maybe I should start applying for a job and that MA Psychology studies.
Lumabas si Alyx ng condo at kinandado niya ito. Saktong pagkalabas niya ay lumabas din si Jabe sa katapat na condo unit.
"Good morning!" Masiglang bati ni Jabe sa kanya.
"Hey, good morning," sagot sa kanya ni Alyx sabay ngiti. Hindi friendly na ngiti, yung pang-pormalan na para sa mga acquaintances.
"May lakad ka?" Tanong ni Jabe sa kanya.
"Sa mall lang ako pupunta. Ikaw?"
"Sa mall din! Dadaan lang sa tech store, may bibilhin. Want to come along?"
Tinignan ni Alyx si Jabe. Inisip niya kung sasama pa siya dito. Sa ngayon ay nawala na ang kanyang galit at inis pagkatapos nitong makita na umiiyak siya. He can be friendly and nice. Inisip niyang sana hindi ito pansamantala lang.
"Okay then, sasama ako sa iyo."
Hindi mapigilan ni Jabe ang ngumiti nang pumayag si Alyx.
---
Nagpunta sila sa mall gamit ang kotse ni Jabe. Agad nagtungo ang binata sa tech store para bumili ng power bank. Mabilis lang ang naging transaksyon. Naisip ni Alyx na ang mga lalaki ay di mahilig tumambay sa mall. Pasok-bili-labas: ganito ang naging lakad nila ni Jabe.
"Baka may gusto kang daanan na boutique," sabi ni Jabe sa kanya habang naglalakad palabas papunta sa car park.
"Wala naman," sagot ni Alyx.
"Do you want to have lunch?"
"Maaga pa, 11AM lang," ngiti ni Alyx. "Gutom ka na yata."
"Di pa. Ikaw ang iniisip ko."
"I just ate breakfast."
Natigilan si Jabe na para bang may naisip na magandang ideya.
"Alam ko na! I know where to go."
"Saan?"
"Just... Just ride with me. I'll take you there."
Isang malawak na ngiti ang sumilay kay Jabe. Out of curiosity, sumama na lang si Alyx sa kanya.
---
Nag-drive sila patungo sa sikat na Maginhawa Street, na puno ng iba't ibang klaseng mga kainan. Hinayaan ni Alyx na mamili si Jabe kung saan pwedeng magtanghalian.
"Italian resto, Pinoy comfort food, or a coffee shop?" Masaya ang tinig ni Jabe habang naglalakad sila sa Maginhawa pagkagarahe niya ng sasakyan.
"Ikaw bahala," ika ni Alyx.
"Tex-Mex!" Tumigil siya sa harap ng isang Tex-Mex resto. "Feel mo ba maanghang na pagkain?"
"Sure, wala na rin akong maisip na kakainan, kanina ka pa madaldal!" Tawa ni Alyx.
"Okay ma'am, follow me!"
Pumasok sila sa loob at kumain ng tacos, quesadillas, at chili con carne fries. Malalaki ang servings, kaya agad nabusog si Alyx.
"Ang dami mo pala kumain!" Amazed si Jabe at mas malakas pa pala kumain ang kasama kaysa sa kanya.
"Gutom eh," tawa ni Alyx sabay kuha ng tacos.
"Sana hindi ka masiraan ng sikmura. Sa UP Diliman tayo pagkatapos."
"Anong gagawin natin doon?"
"Maglalakad. Ang ganda ng UP grounds. Pwede ka pang mag-bike or mag-jogging. Tapos maraming trees. At andoon ang Sunken Garden."
Ininom ni Alyx ang baso ng tubig. "Wow, I want to see it!" Nabasa na niya ang tungkol sa UP ngunit never pa siyang nakapunta doon.
"Binilisan ang kain ah," biro ni Jabe sa kanya.
Sa UP Diliman ang sunod nilang pinuntahan. Buti ay nakahanap si Jabe ng parking spot. Nagsimula na sila ng walking tour na si Jabe ang host.
"Dati akong nag-aral dito. Civil engineering ang kinuha ko." Si Jabe.
"Kaya pala naisip mong magpunta dito." Naglalakad si Alyx sa tabi ni Jabe.
"Nakakamiss maging estudyante. Di ka ba bored araw-araw, mag-isa ka lang sa inyo tapos wala Ate mo?"
"Di naman, sanay kasi akong mag-isa. Dumadalaw ako sa uni para mag-library," kwento ni Alyx.
"Pinapapasok ka pa sa loob?" Tanong ni Jabe.
"Alumni card," sagot ni Alyx.
"Dito pwede ka maglakad-lakad kung gusto mo, anytime," tugon ni Jabe. "Tapos ang sarap sa mata ng paligid, with all the trees here. Kinda romantic."
"Baka magselos gf mo at ako kasama mo ngayon," paalala ni Alyx.
Ngumisi si Jabe. "Single ako ngayon."
"Kaya pala sa akin ka pumoporma!" Pinalo ni Alyx ang braso ng binata.
"Sus, akala mo ikaw pinopormahan ko!" Natawa ng malakas si Jabe. "Ayoko muna makipag-relasyon. Yung huli kong naging girlfriend, estudyante pa ako dito. It didn't worked out, kaya nag-break kami. High school love ko pa naman tapos dito kami nag-college."
Napamulsa si Jabe at naglakad ng kaunti lagpas kay Alyx. Sumunod si Alyx sa kanya at nakita niyang malamlam ang mga mata ni Jabe.
"Oh, sorry pala doon." Si Alyx.
"It happens. Over na ako doon. Isa na lang siyang masayang alaala."
"Pero handa kang umibig muli?" Biro ni Alyx.
"Seriously speaking, di muna, unless makasigurado ako na siya iyon."
Natigilan si Jabe sa paglakakad at hinarap si Alyx. Tinignan niya ito saglit na may mga ngiting abot sa kanyang mga mata.
What could this be? Ramdam ni Alyx ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Hindi siya komportable na tinititigan sa ganoong paraan.
"Oy, huwag kang ganyan. Baka matunaw ako sa mga tingin mo." Pinilit ni Alyx na matawa para itago ang kanyang pagkailang.
"Malapit na tayo sa Mang Larry's Isawan. Gusto mo ng isaw at fruit shake?" Alok sa kanya ni Jabe.
"Gutom ka na naman?"
"Basta Mang Larry's, always give it a go!"
Tumakbo si Jabe papunta sa booth kung saan nandoon ang Mang Larry's. Sumunod sa kanya si Alyx at hinayaan niyang malibre siya ng sticks ng isaw at fruit shake.
---
"I'm glad I went with you."
Magtatakip-silim na at naglalakad na sila Alyx at Jabe pabalik ng carpark. Nadaanan ulit nila ang hilera ng mga puno ng UP grounds.
"Buti hindi ka nagsisisi. Buti naalala kong dumalaw dito," ngiti ni Jabe.
"Kumusta na kaya sila Ate Zaida at ang tito mo?" Pagmumuni-muni ni Alyx.
"Sana maayos lang sila. Baka nag-aaway na sila doon."
"Mga aso't pusa sila eh," ika ni Alyx.
"Alyx?"
"Ano iyon?" Tinignan ni Alyx ang binata.
Nag-isip muna si Jabe bago nakapagsalita.
"Kung may problema ka, pwede mong sabihin sa akin."
Hindi alam ni Alyx ang sasabihin.
"Di ka si Atlas para pasanin ang lahat ng problema. Promise, makikinig ako. No judgment," assurance sa kanya ni Jabe.
So maari kong sabihin sa iyo na isa akong alien galing sa ibang planeta? Kung ginawa ko iyon, kakausapin mo pa ba ako? Baka dalhin mo ako sa mental. Kung alam mo lang, totoo ang lahat nito at matagal ko nang pinag-aaralan ang buhay dito sa planeta niyo. Wala rin pinagkaiba sa mga problema niyo dito ang mga nangyayari sa Kerle.
"Di kasi ako pala-kwento ng problema. Pero sige, kung mayroon man, kwento ko na lang sa iyo."
Ngumiti si Alyx sa kanya pagkatapos ng kanyang matipid na sagot.
Nakarating na sila sa kotse ni Jabe. Sumakay si Jabe sa driver's side at sa tabi naman niya si Alyx.
Tahimik silang bumalik sa kanilang condo sa New Manila. Maraming naiisip si Alyx.
Alam niyang darating ang panahon na maaring malaman ni Jabe ang kanilang sikreto ni Zaida. Kasama na rin doon si Sir Luis.
Paano kaya niya ito ipapaliwanag? Paano nila ito matatanggap?
Bahala na.
Naisip iyon ni Alyx. Kung dumating man ang araw na iyon, sana ay wala na sila dito sa Earth.
Nagpapasalamat na lang siya na dumaan ang isang buong araw at di sumagi sa isip ang kanyang mga suliranin. For one whole day, she felt normal.
And it felt good.
Jabe felt like a friend to her now. Oddly enough, it also felt good.
(Itutuloy)
A/N: Special shout-out to Mang Larry's Isawan 😀
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top