12th Star: Questions
"Alyx, kumain na tayo."
Namulat ang mabibigat na mga mata ni Alyx nang marinig niya ang boses ni Zaida sa labas ng kanyang kwarto. Hindi siya sumagot at nanatili lang siyang nakahiga at nakatitig sa taas.
Narinig niyang bumukas ang pintuan. Dama niya ang mahinang yabag ng mga paa ni Zaida. Agad tumagilid si Alyx nang maramdaman niyang naupo ito sa gilid ng kanyang higaan.
"Masama pa rin ba pakiramdam mo?" Tanong ni Zaida sa kanya.
"Di ko pa kayang bumangon."
"Kumain ka, baka sakaling gumanda lagay mo."
"Hindi na muna, Ate. Babangon ako pag okay na ako," tanggi ni Alyx.
Hindi na umimik si Zaida. Tumayo na lang ito at lumabas ng kwarto. Nang sinarado na niya ang pintuan, hinayaan na ni Alyx na isipin ang mga gusto niyang ipahayag sa sarili.
Ama ko ba ang nakita ko kanina?
Ano nang nangyayari sa Kerle? Ibig sabihin, halos forty years na lumipas. Gyera pa ba doon? Si Quon pa rin ba ang namumuno?
Kung ama ko nga iyon nasa bookstore, bakit hindi niya ako nilapitan?
May kinalaman ba si Ate Zaida sa lahat ng ito? Pati siya pinagdududahan ko na. Is she actually working for the enemy?
Maybe she's really hiding something from me. Ayokong isipin na ganoon siya, pero sa mga pangyayari, baka nga may ayaw siyang sabihin sa akin.
She hated herself for these thoughts. Kung kaaway nga si Zaida, sana dineretso na lang siya kay Quon. Ngunit inalagaan siya nito bilang kanang-kamay at bodyguard ng kanyang ama. Pero bakit ayaw talaga niyang sabihin ang mga totoong nangyayari sa Kerle at sa kanyang ama?
Sabi sa kanya ni Jabe, it will work out in time.
Ang gandang pakinggan.
Pero parang nababagabag pa rin si Alyx.
Ano kayang magiging kasagutan sa kanyang mga tanong?
---
Nagising si Alyx ng ala una ng umaga. Naramdaman niya ang kanyang gutom, kaya dumiretso siya sa kusina at nag-init ng sopas sa microwave oven. Iyon pala ang niluto ni Zaida kanina.
Nang maubos na niya ang sopas, nagtungo ulit siya sa kwarto at pinilit makatulog. Ngunit parang nawala na siya sa wisyo na antukin. Kaya nagbukas na lang siya ng tablet at portable wi-fi para mag-browse sa Internet.
Nagbasa siya tungkol sa mga misteryosong pangyayari na related sa mga aliens at mga lugar sa universe.
May isang article siya na kinagulat.
The Wow! Signal.
In mid-August 1977, a 37-year-old man in Ohio named Jerry Ehman caught something interesting that may be able to prove the existence of intelligent life outside Earth.
A volunteer researcher for Ohio State University's Big Ear radio observatory, Ehman was browsing data from the telescope's scan dated August 15. The information was run on an IBM 1130 mainframe computer. Then it was printed on perforated paper and examined by hand.
A seemingly ordinary day turned out to be a surprise. Ehman saw
a vertical column with the alphanumerical sequence “6EQUJ5,” which had occurred at 10:16 p.m. EST. He circled the sequence with a red pen and wrote "Wow!" on the margin.
This "Wow!" signal only lasted 72 seconds and was never detected again.
It came from the direction of the constellation Sagittarius, and until now, it may be a potential evidence of communication coming from extraterrestrials.
Napaupo si Alyx nang mabasa ang huling linya ng artikulo.
Constellation Sagittarius? Di ba doon located ang Kerle?
Sa pagkakaalam niya, may mga dalubhasa sa Kerle na naghahanap din ng senyales ng life forms sa labas ng kanilang galaxy. Kaibigan pa nga ng kanyang ama ang isa sa mga astronomers ng Kerle.
She put two and two together. She realized that her hunch was right.
Ngunit bakit isang beses lang nangyari ang attempt na iyon? Bakit wala nang kasunod na signal galing sa Sagittarius pagkatapos?
Iyon ang mga panahon na nagkakagulo sa Kerle. Ibig sabihin ba nito, di na nakapagpadala pa ng signal dahil nagtagumpay sa pananakop ang mga Quonsibaar?
Alyx felt sick to her stomach.
Naisip niya ang kanyang ama at ang mga kaibigang naiwan sa kanyang pag-alis. Malulupit ang mga Quonsibaar sa mga sinasakop nilang planeta. Galit siya sa sarili at wala man lang siyang nagawa para tulungan ang ama at ang kanyang mga kababayan.
Baka nga namamalik-mata lang siya nang makita ang pigura na kamukha ng kanyang ama. Baka nga wala na ito.
Baka nga wala na siyang Kerle na mababalikan pa.
Hindi niya mapigilan ang sarili sa kanyang mga pangamba, lalo na ang takot na baka nga may kinalaman si Zaida sa lahat ng ito.
Paano niya ito haharapin bukas at sa mga susunod pang araw? She was too afraid to ask. Nagtanong na siya tungkol sa Kerle for the last 10 years, pero walang binibigay na sagot si Zaida.
Alyx thought and she realized she will just play along despite her doubts.
Maybe it's time for me to accept my fate. I have no Kerle to go back home for.
---
Nakatulog si Alyx sa gitna ng kanyang mga sama ng loob. Nagising siya ng alas-nueve ng umaga.
Lumabas siya sa kwarto at naabutang paalis si Zaida na may bitbit na overnight bag.
"Saan ka papunta?"
Naalala ni Alyx ang kanyang mga naisip bago nakatulog. Aarte na lang siya na parang walang sama ng loob.
"Team building ng teaching and non-teaching staff sa Laguna. Don't worry, I'll only be gone for three days."
"Okay," reply ni Alyx sa kanya.
"Mukhang di mo ako mami-miss," ngiti ni Zaida sa kanya.
"Big girl na ako, Ate. And kasama mo si Sir Luis."
Naalala niya ulit ang dating propesor at di niya mapigilan ang sarili na ngumiti. Despite her imperfections, I still want Zaida to be happy. Genuinely happy. Pinipigilan niya kasi ang sarili niya na buksan ang puso. I guess she's hiding a lot of burdens.
"Ikaw talaga."
Lumapit sa kanya si Zaida at yumakap. Pagkatapos ay nagpaalam na ito.
"Pakabait ka," biro sa kanya ni Alyx.
"Ikaw ang magpakabait. Huwag ka munang mag-shopping!"
Tumawa sa kanya si Zaida at tuluyan nang umalis ng condo.
Naiwang mag-isa si Alyx.
Sa pag-iisa niya, mabibigyan siya ng panahong mag-isip.
(Itutuloy)
A/N: Source for the "Wow!" signal.
http://channel.nationalgeographic.com/chasing-ufos/articles/what-is-the-wow-signal/
This is used fictitiously in this story. Paano kaya kung totoong may life outside the solar system? Malawak ang universe.
Kung 1977 na-detect ang Wow Signal, nakaalis sila Alyx at Zaida sa Kerle and nakarating by 2007 sa planet Earth. Kaya ang setting ng story na ito ay present-day 2017.
Any feedback? React naman diyan kung may nagbabasa hehehe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top