11th Star: Sandalan
"Ate Z, what's with the unicorn sweatshirt?"
Napataas ang kilay ni Alyx nang makita si Zaida kinaumagahan na medyo iba ang bihis mula sa kanyang nakasanayan. Wala naman siyang pasok, pero kahit nasa bahay ay mukha pa rin siyang pormal.
Karaniwan nang pambahay ni Zaida ang plain na t-shirt at dark shorts or bermuda pants. Pero ngayon, nakasuot siya ng sweatshirt na purple na may unicorn print sa gilid. Naka-distressed jeans ito at nakataas ang buhok niya sa ayos na messy bun.
"You look shocked," ika ni Zaida. Di niya mapigilan na matawa sa reaksyon ni Alyx.
"Kasi it's not the usual you," tawa ni Alyx. "Like you're changing your image or something. Ganyan ba epekto sa iyo ng date niyo ni Sir Luis kagabi?"
"Hey, don't you mention him," rekasyon ni Zaida na kunwaring nagagalit.
"I knew it!" Pinalo ni Alyx ang ibabaw ng lamesa. "Mukhang tinatamaan ka na!"
"Hindi ah! Nag-iba lang ako ng bihis, kung makapang-asar ka!" Dumaan si Zaida sa likod ni Alyx at pabirong piningot ang kanyang tainga.
"Oy, masakit iyon!"
"Asar ka kasi. Kaya ako nakabihis ay mamimili ako sa supermarket. Sama ka?" Pag-aaya ni Zaida.
"Ay! Baka makasalubong si Sir Luis kaya nagpapa-cute! Yihee!" Napalakas ang tili ni Alyx dahil sa kilig.
"Tse!" Humalukipkip si Zaida at ngumuso. "Yung iba kong damit nasa laundry kaya ito nahalungkat ko sa cabinet! Luma na kaya ito. Ewan ko ba kung bakit ito natanggap ko sa Christmas party last year."
Tumayo si Alyx at pabirong sinagi si Zaida.
"Sige, sasamahan kita sa grocery. Gusto mo lang makita si Sir! Aiyee!"
Lumakad palayo si Alyx papunta sa kanyang kwarto.
"Batang ito, grabe kiligin!" Sigaw pabalik ni Zaida. Di naman siya galit, pero di rin naman siya naiinis.
---
Nagtungo ang dalawa sa kalapit na supermarket, na ilang hakbang lang ang layo mula sa kanilang condo. Habang namimili ay di mapigilan ni Alyx na kulitin si Zaida.
"Kwento ka naman ng date niyo ni Sir Luis!"
"Ayoko nga. Private iyon."
"Grabe siya. Masyadong secretive."
"Ibalik mo iyang potato chips. Pangatlong kuha mo na iyan. Tama na dalawa."
Tinuro ni Zaida ang kinuhang bag ng potato chips ni Alyx. Sumimangot si Alyx at binalik na ang potato chips sa estante.
"KJ naman nito," bulong niya.
"As if may iku-kwento ako sa iyo," tugon ni Zaida. "Kumain lang kami at nag-usap, iyon lang."
"Ayaw mo lang magkwento. Tagal na nating magkasama, secretive mo pa rin," puna ni Alyx. "How long have we been here?"
"Ten years na halos." Kinuha ni Zaida ang isang pack ng powdered detergent at nilagay sa kanilang cart. Naglakad sila at nagpatuloy sa pamimili.
"Parang maiksi lang pero bakit parang ang tagal?" Tanong ni Alyx.
"Noong umalis ako sa Kerle, ang taon dito sa Earth ay 1977."
Napanganga si Alyx nang marinig ito. "You traveled for like, 30 years?!"
"30 years in Earth years, but with the technology of our space vessels, it only took us one week into space. Kumbaga, parang hyperspace travel," paliwanag ni Zaida. "Pagkadating ko dito, 2007 na pala. You arrived months later, so technically, when you left, 1977 pa rin dito."
"Parang Millennium Falcon sa Star Wars," namamanghang pahayag ni Alyx.
"Nagtataka ako di pa ito na di-discover ng Earth humans," tugon ni Zaida. "Almost everything they need is already developed. But not the space exploration part."
"Pero bakit di tayo tumatanda?" Tanong ni Alyx. "Forty years sounds pretty long."
"The hyperspace travel didn't caused us to age. Di naman tumatanda hitsura ng mga taga-Kerle." Natawa siya.
Nakarating na sila sa may cashier. Binayaran ni Zaida ang kanilang mga pinamili. Lumabas sila ng supermarket na may bitbit na dalawang ecobags. Inaya ni Zaida si Alyx na magtanghalian sa isang Japanese restaurant at pumayag naman ito.
Kumain sila sa isang private room sa nasabing Japanese resto. Tahimik lang sila hanggang sa nagsalita si Zaida.
"You know, minsan nakakalimutan ko na taga-Kerle ako."
Hindi makaimik si Alyx.
"Mukhang namimihasa na yata ako dito sa Earth. Palagi kong pinapaalala sarili ko na may Kerle pa tayong babalikan at ipaglalaban."
"Bakit... Bakit di pa natin gawin ngayon din na bumalik?" Si Alyx.
"Masyado pang maaga. It would be a reckless decision. We still have no idea about the situation back there. We have to make sure to plan first before going back."
Nilapag ni Zaida ang kanyang chopsticks at napatingin sa malayo
Pinagmasdang mabuti ni Alyx ang naguguluhang expresyon sa mukha ni Zaida.
Tama siya. Minsan nakakalimutan din ni Alyx ang Kerle. Andoon pa rin sa puso niya ang taimtim na panalangin na makabalik pauwi at makita ang ama. Ang hindi lang niya maintindihan, bakit kaya si Zaida mismo ay walang balita, kung right-hand naman siya ng kanyang ama?
Di kaya may tinatago si Z sa akin? Pero parang hindi rin.
Ayaw niyang pagdudahan ang katapatan nito sa kanyang ama.
---
Nauna nang umuwi si Zaida kay Alyx. Piniling mamalagi ni Alyx sa isang bookstore sa kalapit na mall. Kailangan lang niya munang makapag-isip habang nag-iisa. Gawain niya ito tuwing siya ay naguguluhan. Either sa bookstore o sa malapit na park siya magpupunta para magmuni-muni.
Habang nagbabasa siya ng titulo ng mga aklat ay narinig niya ang kanyang pangalan.
Alyx.
Halos bulong ito ngunit sigurado siyang narinig niya ito. Inangat niya ang kanyang ulo at hinanap kung saan ito nanggaling.
Naaninag niya sa malayo ang isang pigura. Lalaki ito at nakasuot ng itim na jacket. Naka-itim din ito na cap. Kalahati lang ng mukha ang nakikita, ngunit kilalang-kilala ni Alyx ang ilong ng lalaking iyon.
Hahabulin niya sana ito, ngunit kay bilis nitong nawala sa kanyang paningin. Inikot niya ang buong bookstore, ngunit di na niya ito nakita.
Napasalampak si Alyx sa isang kubling bahagi kung saan may bookshelf.
Hingal na siya sa kakatakbo. Kumalma muna siya, ngunit ramdam niya na masikip pa rin ang kanyang dibdib.
"Hey, are you okay?"
Narinig ni Alyx ang boses ni Jabe Cruz sa tabi niya. Lumuhod si Jabe sa tabi nito habang nakaharap sa kanya.
Tinignan lang ni Alyx si Jabe. At dumilim na ang kanyang paningin.
---
Nagising na lang si Alyx at doon niya nalaman na nakasandal na pala siya sa isang sofa. May office table sa gilid. Doon niya natanto na back office ito ng bookstore.
"Nagkamalay na po siya."
Nakita niya ang isang saleslady na nakatayo sa harapan niya.
"Okay ka na ba?"
Narinig niya ang boses ni Jabe sa kanyang tabi. Inangat ni Alyx ang ulo ngunit pinigilan siya ni Jabe.
"Relax ka lang. Nahimatay ka kanina. Masama ba pakiramdam mo?"
Matamlay na tinitigan ni Alyx ang binata. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Doon niya naalala ang mga pangyayari.
"Alyx, if you want, I can bring you home to your condo," alok ni Jabe sa kanya. "I have my car with me."
"Huwag na, kaya ko nang umuwi," tanggi ng dalaga. Ayaw niyang makaabala at bukod doon, di siya panatag na makasama mag-isa si Jabe.
"Maputla ka pa rin. Mukhang di mo pa kaya magbyahe," wika ng saleslady.
"I can bring her home, miss," tugon ni Jabe sa babae. "Alyx, tutulungan kitang tumayo."
"Huwag na." Maingat na tumayo si Alyx ngunit nakaramdam pa rin siya ng pagkahilo.
"Be careful." Agad na inakbayan ni Jabe ang dalaga habang maingat niya itong tinayo.
"Miss, thank you for assisting us," pasalamat ni Jabe sa saleslady.
"Sige po Sir, iuwi niyo na girlfriend niyo," ngiti ng saleslady sa kanya.
Agad nanlaki mga mata ni Alyx nang marinig ang salitang girlfriend. Lumabas na sila ng back office at dinala siya ni Jabe sa parking lot kung saan nandoon ang kanyang kotse. Umupo si Alyx sa harapan habang nagtungo si Jabe sa driver's seat. Sinimulan na niya ang kotse at nakaalis na sila sa mall.
"Nakita ko iyang tawa mo nang mapagkamalan tayong mag-boyfriend," sabi ni Alyx. Tinignan niya si Jabe at di nga maikakaila ang malaki niyang ngiti.
"Bagay naman tayo ah," biro ni Jabe.
Umismid si Alyx at napasandal sa upuan. "Naku, hindi kita sasagutin kahit anong mangyari."
"Di pa naman kita nililigawan! Akala mo naman," sagot ni Jabe sa kanya. Nanahimik muna siya at nagpatuloy.
"Teka, sigurado kang okay ka na?"
"Oo," sagot ni Alyx. "Sorry naabala pa kita. Di ko naman alam nandoon ka rin."
"Bakit ka nga pala tumatakbo sa loob ng bookstore kanina? Nakita kita ah."
Nanahimik si Alyx nang maalala ang kanyang nakita. Isang pigura na kamukha ng kanyang ama. Paano ko sasabihin ito? Walang dapat makaalam sa kanyang pagkatao. Siguradong wala namang maniniwala sa kanya.
Naramdaman niya ang pagsikip ng kanyang dibdib. Di niya namamalayan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha.
Agad na ginilid ni Jabe ang sasakyan sa isang kubling daanan.
"You're crying," he gently said.
Yumuko si Alyx. Ayaw niyang ipakita na umiiyak siya, ngunit ito ay huli na. Naramdaman niya ang pagtapik ni Jabe sa kanyang balikat na para bang pinapakalma siya nito.
"Kung ano man iyang dinadala mo, iiyak mo lang. Di na kita aasarin," mahinahong sinabi ni Jabe. "Sorry pala kung ang epal ko sa iyo lately. Ayan tuloy, nagkakasakit ka na. Kung mayroon kang hika or anemia, magpatingin ka sa doktor. Baka himatayin ka ulit tapos wala ako sa tabi mo para tulungan ka."
Natawa ng bahagya si Alyx. "Epal ka pa rin eh," sagot niya. "Di dahil sa may sakit ako kaya ako nawalan ng malay."
"May problema kayo ni Zaida? Dahil ba kay Tito Luis?"
Huminga ng malalim si Alyx.
"Ano kasi... Nakakita ako ng kamukha ng tatay ko sa bookstore kanina. Akala ko siya iyon."
"Iniwan ka ng tatay mo for another family?" Pag-uusisa ni Jabe.
"Hindi... Basta na lang siya umalis ng walang paalam. Tapos..."
Di na nakapagpatuloy si Alyx. Alam niyang palusot lang niya iyon para di malaman na hindi siya kagaya nila Jabe.
Naiyak ulit siya at sa puntong iyon, di na niya mapigilan ang kanyang pagtangis.
Naramdaman na lang niyang nakasandal na siya sa balikat ni Jabe. Hindi na kailangan ng mga salita para siya ay patahanin.
"It will work out in time, Alyx. One day, you'll find the answers. Things like that happen unexpectedly. Just let it be."
Hindi man sila close, pero sa ngayon, kumalma ang kanyang kalooban dahil sa sinabi ng binata.
Hinayaan lang niya ang sarili na umiyak habang si Jabe ay kanyang naging sandalan.
(Itutuloy)
A/N: Extra-long update! :) Busy kasi kaya di nakakapag-update. Thanks for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top