10.2: Date with Luis
"Bakit mo naman ako dito dinala?"
Ito ang unang sinabi ni Zaida nang magtungo sila ni Luis sa isang classy na restaurant. High-end ang lugar at halatang may kaya ang mga kumakain. Nilapitan sila ng waiter at binigyan ng menu.
"I thought you want something classy," mahinahon na sagot ni Luis habang tinitignan ang menu.
"May I speak up about this?"
Tinignan siya ni Luis. "Sure," payag niya.
"Just to let you know, I'm not much into stuffy places like this. If you like, I can take you somewhere else," alok niya.
Di mapigilan ni Luis ang ngumiti. "Okay then, take me to wherever that place is."
Nilapag na nila ang menu at palihim na lumabas ng restaurant. Di makapaniwala si Luis sa lugar na sunod nilang pinuntahan.
"A food park?" Namangha si Luis at tinignan si Zaida.
"We have more options here," Zaida smiled sheepishly. "Doon tayo!" Turo niya.
Una nilang pinuntahan ang isang stall ng street food. Umorder si Zaida ng limang sticks ng barbecue, tatlong malalaking sticks ng isaw, at isang bowl ng tokwa't baboy. Naupo sila sa wooden benches na may matching wooden table. May lumapit sa kanila na server at binigyan sila ng dalawang bote ng beer at dalawang baso.
"Kain na!" Ngumiti si Zaida sabay kuha ng stick ng isaw.
"Whoa..." Bulong ni Luis. "I never expected you have a hearty appetite." Ang inaakala niyang high-maintenance na si Zaida Herrera ay mahilig pala sa streetfoods.
"It doesn't show, right? Ito oh, barbecue." Binigyan niya si Luis ng barbecue stick. Inabot ni Zaida ang bote ng beer at nagsalin sa baso. Lumugok siya nito. "The truth is, I'm breaking my diet. Matagal ko nang gustong kumain dito. And it's been almost a year since I last ate isaw and barbecue."
"Ang tiyaga mong mag-diet," tugon ni Luis. "And I'm glad you're not what I expected."
"Ano bang akala mo sa akin?" Biglang na-curious si Zaida.
"Mataray, suplada, minsan mukha kang terror. Lagi kang naka-ponytail at office attire." Luis pursed his lips, trying not to laugh. "Kaya di kita tinitigilan, kasi baka makuha ko pa loob mo."
"Ito oh, pinagbigyan na kita," ngisi ni Zaida. "And nakalugay ako ng buhok." Tinuro niya ang buhok na nakasabit sa kanyang balikat. "Baka naman after this, di mo na ako kulitin?"
"Lalo kitang kukulitin kamo," tawa ni Luis. Kinuha niya ang bote ng beer at nakipag-toast kay Zaida. "To more dates," ika niya.
"Hay naku," Zaida rolled her eyes. "Sige na, one month lang ako makikipag-date sa iyo tapos awat na ah?"
"Okay po Ma'am Herrera." Natawa si Luis.
Nagpalakpakan bigla ang mga tao. Napatingin sila Zaida at Luis sa harapan, kung saan may bandang nagsisimulang tumugtog sa isang maliit na stage.
"Good evening, people!" Bati ng lead vocalist na lalaki. "We hope you are enjoying your meals tonight. We would like to serenade you while you eat with your friends and loved ones. For those out on a date, here is our opening song for you."
Nagpalakpakan ang mga nanonood. Nagsimula nang tumugtog ang banda.
Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa twing tayo'y magkasama
Bakit pa kelangan ang rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara...
Tahimik na nakikinig ang mga manonood. Yung iba ay kumakanta kasabay ng vocalist. Tinignan ni Zaida si Luis, na mukhang carried away sa kanta.
Mapapagod lang sa kakatingin
Kung marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Ng lahat ng aking nadarama
Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara...
Lumingon si Luis at nagkataong nakatitig si Zaida sa kanya. Nagkasalubong ang mga mata nila at sa mga sandaling iyon, ay di nila maintindihan ang kanilang nadarama. Nilayo agad ni Zaida ang tingin niya at doon din natapos ang kanta.
Ilang sandali silang nanahimik hanggang inaya siya ni Zaida na umalis na.
Naglakad sila palabas ng food park, at nagkataong may malapit na playground sa nasabing lugar.
"Doon tayo sa swings," ika ni Zaida.
"Gusto mo ba mag-swing? Magpapatulak ka ba sa akin?" Biro ni Luis.
"Di ah! Kahit maupo lang tayo."
Nauna si Zaida at naupo sa isa sa magkatabing swings habang tinabihan siya ni Luis. Wala silang sinasabi sa isa't isa sa mga oras na iyon. Minsan ay magnanakaw sila ng tingin sa isa't isa tapos ilalayo ang titig kapag lumingon ang isa.
"It's Orion." Tinuro ni Zaida ang kalangitan. Tumingala si Luis at agad nakita ang tatlong bituin na magkakatabi.
"Orion's belt," wika niya.
"May kwento diyan." Huminga si Zaida at nagsimula. "Hunter si Orion at nagyabang siya na kaya niyang sugpuin ang lahat ng wild animals sa daigdig. Kaya nagalit si Gaia, ang earth goddess. Nagpadala siya ng scorpion para talunin si Orion. Sinubukan ni Orion na kalabanin ang scorpion, ngunit natalo siya. Di niya kayang panain ito dahil sa kanyang armor."
"At anong nangyari?"
"Tumalon sa dagat si Orion. Nakita ito ni Apollo, ang diyos ng araw sa Greek mythology. Tinuro niya ito sa kambal niyang si Artemis at sinabi na panain niya ito. Ginawa niya at nang sumisid sa dagat si Artemis, laking gulat niya na si Orion pala ito, ang kanyang kaibigan. Nagmakaawa si Artemis sa mga diyos na buhayin muli si Orion, pero tumanggi sila. Kaya nilagay na lang siya sa kalangitan para palagi niyang makikita ito."
Nanahimik si Zaida.
"Ang saklap naman," komento ni Luis. "Mahilig ka sa Greek mythology ah."
"Maganda naman kasing basahin. Para rin mga tao ang mga Greek gods. At ang yabang ni Orion, parang ikaw."
"Di naman!" Natawa si Luis. "Bakit ka sumama sa akin kung ayaw mo pala?"
"Gusto ko lang na tumigil ka na pagkatapos nito. Ang daming maganda diyan. At alam mo naman na di kita magugustuhan," kibit-balikat ni Zaida.
Nagkatitigan sila Zaida at Luis. Nanahimik sila hanggang sa unti-unting nilalapit ni Luis ang kanyang mukha kay Zaida. Halos magdidikit na ang kanilang mga labi, ngunit nilayo ni Zaida ang mukha niya.
Halatang nasaktan si Luis sa ginawa niya, ngunit pinilit niyang magsalita.
"Zaida, di kita pipilitin kung ayaw mo. Pero bigyan mo ako ng pagkakataon na makilala mo ako, na makilala natin ang isa't isa. Aantayin ko ang sagot mo."
Tinignan lang ni Zaida si Luis. Maya-maya ay inuwi na siya ni Luis sa kanilang condo. Dinala siya nito sa kanilang floor.
"Salamat sa time," sabi ni Luis nang makalabas na sila ng elevator.
"Salamat din," tugon ni Zaida.
"Mauna na ako."
Tumalikod si Luis at pinanood siya ni Zaida sa pagsakay nito sa elevator. Nang makaalis na ito ay napatingin si Zaida sa may bintana. Naglakad siya patungo dito at tinignan ang kalangitan.
Hanggang dito ba naman, sinundan ako ni Orion, naisip niya nang makita ang constellation.
Oh well, let's see if you really have the heart of a hunter. I try to run away, but you always catch up with me.
Sa unang pagkakataon, wagas na ngumiti si Zaida habang naiisip ang presko at makulit na si Luis Moran.
(Itutuloy)
A/N: Story of Orion from:
http://amazingspace.org/news/archive/2006/01/ill-01.php
Lyrics from "Gitara" by Parokya ni Edgar.
Any feedback? Thanks for reading! :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top